"What's the strategy, Rowan ahia?" kaswal na tanong sa kaniya ng kapatid niyang si River habang nagsusuot ng vest. Inaalalayan naman siya ng kapatid nilang si Sarette na nakabihis na.
"Ganoon pa rin ang game play natin. Pero may babaguhin akong kaunti." sagot ni Rowan sa kaniya kahit abala ito sa pagsintas ng military boots na pinapasuot niya sa akin. "Hostage rescue." sunod naman ikinabit sa akin ang knee pad pati ng ammo belt. "Done." ngumiti siya sa akin.
"Dapat manalo tayo dito. Siraulo kasi itong si Nilus, ipinusta ang sasakyan niya." naiiling na wika ni Pierson.
Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila. Medyo nawindang naman ako sa sinabi ni Nilus, nagawa talaga niyang ipusta ang sasakyan niya sa larong ito? Hindi ba siya nanghinayang? Papaano kapag nanalo ang kalaban? Eh bye-bye race car na? Naku.
"Hindi mangyayari iyon. May tiwala ako sa inyo." walang emosyong sabi ni Rowan sa kanila. Ngumiti ang magpipinsan sa kaniya. Parang nata-touch ang iba sa kanila. Bumaling sa akin si Rowan saka may kinuha sa kaniyang gilid. "Here, wear this." tinutukoy niya ay ang padded vest.
Sumunod naman ako. Isinuot ko iyon at siya pa rin ang nagkabit nito. Balot na balot ang suot ko. Pati din ang mga pinsan niya. Hindi ko lang inaasahan na pati ang mga pinsan niyang babae, including Sarette, ay participants sa larong ito. Parang hindi naman ako makahinga dahil sa face mask at helmet. Kailangan din na magsuot ako ng goggles which is number one rule sa larong ito para maiwasan ang aksidente.
Nang ready na ang lahat, sabay-sabay na kaming nakahilera para maharap na namin ang magiging kalaban namin. Puros lalaki ang mga ito. Ang iba sa kanila ay medyo nagulat pa dahil sa may mga babae na player sa grupo namin. Ewan ko kung bakit parang namangha sila. Inabot na din sa akin sa akin ni Rowan ang pairsoft g*n na talagang binilhan pa niya ako. Pati ng full gear, binili din niya. Masyado siyang magastos. Nakakaloka po siya.
Nakipagkamay kami saka tinalikuran na namin ang mga ito. Pumunta na kami sa mga puwesto namin bago man mag-umpisa ang laro. Ramdam ko ang mahinang tapik ni Rowan sa isang balikat ko nang itinali na ako ng marshalls. Ang hostage at sina Rowan ang magliligtas sa sakin. "Whatever it takes, We'll save you, alright? I love you." malumanay niyang paalala sa akin.
"Roger." nakangiting tugon ko. "I love you too."
Kita ko ang pagngiti niya tila natuwa naman siya sa sinabi ko. Umayos na siya ng tayo saka tumingin sa magbabantay sa akin na kalaban. Nagtataka ako kung bakit matalim siyang nakatingin sa dalawang nagbabantay hanggang sa marinig ko na... "Kapag nagkagusto kayo sa fiancee ko, sa morgue na ang bagsak njnyo. Hindi ako nagbibiro." may bahid na pagbabanta sa boses niya.
Tinalikuran na niya kami para puntahan na niya ang kaniyang mga pinsan sa labas. Nasa isang kubo ako at nakatali kuno. Wala akong armas na dala. Bale, maghihintay lang ako dito. At bibigyan ng tig-isang oras ang magkabilang grupo para iligtas ang mga hostage.
The battlefield is located somewhere in Cavite. This is like jungle kaya pinasuot niya sa akin ang camouflage coveralls para madali akong makapagtago. Dahil first time kong maglaro nito, pinaalala sa akin ni Rowan ang mga rules and regulations ng larong ito. Gustuhin man niya na maglaro nalang kami ng paintball kaysa sa airsoft which they really played, ako ang nagpumilit na airsoft nalang. Noong una ay ayaw pa niya dahil baka masaktan ako but I insist kaya sa huli, wala na siyang magawa kungdi pumayag na. Naishare niya sa akin na ito talaga ang team sports nila, kapag stress or may vacant time sila para magbonding bukod sa family gatherings nila every weekends. Kapag hindi naman daw pwede ang isa, magbabasketball nalang daw silang mga lalaki at volleyball naman para sa mga babaeng pinsan niya.
Nang tumunog na ang sirana ay hudyat na nag-uumpisa na ang laro. Kinagat ko ang aking labi habang naghihintay. Ilang saglit pa ay nakarinig na ako ng ilang putok mula sa labas ng kubo na ito. Malaki ang paniniwala ko kay Rowan na mananalo sila't hindi tuluyan makuha ng kabilang panig ang sasakyan ni Nilus.
"Nasaan ka na ba, Rowan?" mahinang tanong ko sa aking sarili.
Palinga-linga ako sa bintana para makita ang kaganapan na sa labas. May mga taong nagtataas na ng kamay sabay walk out, mukhang tinamaan sila ng magpipinsan. Lihim ako ngumiti. Sana manalo sila.
May rinig pa akong putukan sa labas ng mismong kubong ito. Naalarma ang mga nagbabantay sa akin. Itinutok na nila ang kanilang mga b***l sa pinto, naghahanda sa maaaring paglusob ng mga ito.
Natigilan ako bakit walang pumasok?
"SURPRISE!" boses iyon ni Chance na nasa bintana nakatutok na ang hawak nitong airsoft g*n sa mga nagbabantay sa akin. Bago man mapalingon ang mga kalaban sa kanila, ay agad na niyang tinamaan ang mga ito. Walang magawa ang dalawang kalaban kungdi magtaas ng kamay at sumigaw na hit.
Sa huli ay nanalo ang Hochengco sa laro. Lahat ng mga kalaban nila ay natalo na pala nila bago man nila ako tuluyang makuha mula sa mga kalaban.
"Talagang inubos ninyo muna sila?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila habang umiinom kami ng tubig dito sa parking lot.
"Iyon talaga ang strategy ni Rowan ahia." sagot ni Vander, na naghuhubad ng mga guwantes saka pinaypay nito sa sarili.
Parang mas lalo ako nacurious ang combat movements ng magpipinsan na ito. Akala mo kasi wala silang alam sa mga ganito. Parang katulad din sa mga actions movies na napapanood ko?
"Si Rowan ahia kasi, nakapaglaro na siya sa ibang bansa kaya alam na niya ang mga strategies." wika ni Larisa na kakatapos lang uminom mula sa water jug. "Wala kasi siya kalaro dati sa aming magpipinsan noon pero heto, lahat kami, nagustuhan na namin ang larong ito."
Napangiti ako saka bumaling sa direksyon ni Rowan na kasalukuyan na niyang kausap ang mga pinsan niyang lalaki. Tawanan at kantyawan na bumabalot sa grupong ito. Napapansin ko din na madalas na akong kinakausap ng mga pinsan niya. May mga pinapatikim sila sa aking pagkain na dala pa daw nila bilang baon sa bonding na ito. Tinatanong na nga nila ako kung kailan daw nila ulit ako makakasama. Sinabi ko nalang na titingnan ko pa dahil sa trabaho ko.
_
Kinabukasan din iyon ay sinundo na ako ni Rowan dito sa apartment. Ngayon na ang uwi ko sa lalawigan namin. Ngayong araw ko din isasama si Rowan papunta doon at haharapin si mama.
Binuksan ko ang pinto at tumabad sa akin si Rowan na naka v-neck shirt at faded jeans. Wala siyang accessories na suot, maliban lang sa nakasabit na aviator sa kaniyang damit. Ginawaran niya ako ng malapad na ngiti. "Hey," masuyo niyang bati sa akin.
"Hi," balik-bati ko. Kahit na matinding problema na ang ikakaharap namin ngayon, ngiti palang ng isang ito, kusa nalang naglalaho.
Kinuha niya ang bag ko mula sa loob ng apartment. Siya na ang nagsuot ng back pack ko bago man kami tuluyang nakalabas ng apartment. Ako na ang naglock nito at saka dumiretso na kami sa sasakya. Pinagbuksan niya ako ng pinto nito at inaalalayang pumasok. Nilagay naman niya ang back pack ko sa back seat. Umikot pa siya sa likod hanggang sa nakapasok na din siya sa driver's seat.
Binuhay niya ang makina at humarurot siya ng takbo hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis.
_
Parang anumang oras ay pupwede nang sumabog ang aking dibdib dahil sa takot. Nasa tapat na kami ng mismong bahay namin. Kulang nalang ay bumaba na kami. Humigpit ang pakahawak ko sa seatbealts na nakayapos sa aking katawan. Pilit kong alalahanin ang mga linyahan ko pagnasa mismong harap ko na si mama. Kung ano ang isesegway ko sa kaniya. Kung papaano ko ipapakilala si Rowan sa kaniya sa oras na magtatanong siya.
Naputol ang lahat ng iniisip ko nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Rowan. Bumaling ako sa kaiya na may pag-aalala sa aking mukha.
"I'm here, hindi kita pababayaan kapag nakaharap na natin siya." masuyo niyang sabi.
Napangiwi ako at tumango. Nauna siyang lumabas ng sasakyan. Una niyang kinuha ang back pack ko bago man niya ako pagbuksan ng pinto. Kinalas ko na ang seatbelts. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Tinanggap ko iyon saka sinara niya ang pinto. Pinindot niya ang lock sa remote. Nagmartsa ako papasok sa gate ng bahay. Nasa likuran ko lang siya, nakasunod.
Habang papalapit na kami ay kita na lumabas si kuya Luke mula sa bahay. Natigilan siya nang makita niya ako. Lumapad ang ngiti niya at inambahan niya ako ng yakap. Niyakap ko din siya pabalik. "K-kuya, si Rowan nga pala... B-boyfriend ko."
Tumaas ang mga kilay niya sa sinabi ko. Mas lalo siya napangiti. "Naks naman, nagdadalaga na." bumaling siya kay Rowan. Nilahad niya ang kaniyang palad. "Ikinagagalak kitang makilala, 'tol. Mabuti at nagawa mong palabasin ng kumbento itong si Ciel." saka humalakhak siya.
Tinanggap iyon ni Rowan. "Yeah, nice to meet you too." pormal niyang bati sa aking kapatid.
"Primero entra y ve a casa." bilin sa akin ni kuya, ibig niyang sabihin ay pumasok muna kami sa loob ng bahay. "Mama y papa tambien vienen a casa." dagdag pa niya na ibig sabihin ay pauwi na din daw sina mama at papa.
"Excuse me, you're speaking spanish?" biglang sabat ni Rowan sa usapan naming dalawa na may pagkamangha sa kaniyang boses.
Ngumiti kaming dalawa sa kaniya. "Chabacano ang salita namin dito, 'tol. Kahit dito sa Cavite." masiglang tugon ni kuya sa kaniya.
"Oh... I see." ngumiti na din siya.
"Oh sige, una na muna ako." tinapik niya ang isang balikat ni Rowan bago siya umalis.
Hinatid lang namin siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis. Bumaling ako kay Rowan at inaya nang pumasok sa loob.
Pareho kaming nagpasya na hintayin namin sila dito sa Salas. Nag-uusap kami kung ano ang sasabihin namin sa oras na makakaharap na namin si mama. Pero napapansin ko na parang kalmado lang siya, eh samantalang ako, heto, kinakabahan na. Medyo hindi na nga ako mapakali dito!
"Ay, bilisan mo, Lupe. Nakauwi na pala ang anak mo! Nasabi sa akin si Luke!" rinig kong malakas na boses ni tito Rocardo mula sa labas ng bahay. Napalunok ako't nanigas sa aking kinauupuan.
Hanggang sa nakapasok na sila dito sa loob. Natigilan sila pareho nang makita nila na may kasama ako. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si mama ulit. Sa loob ng dalawang buwan, ngayon lang ulit kami nagkita.
Daha-dahan akong tumayo. "M-ma..." mahinang tawag ko sa kaniya. Nangangapa ako kung anong susunod kong sasabihin. Nagpakawala ako ng hakbang palapit sa kaniya, sinubukan ko siyang abutin para magmana pero bigla niyang binawi ang kaniyang kamay na ikinagulat ko.
"Sino ang kasama mo, Celestina?" seryoso at matigas niyang tanong.
Umaawang ang bibig ko. Bumaling ako saglit kay Rowan. Binasa ko ang aking labi saka ibinalik ko ang aking tingin kay mama. "S-siya po si Rowan, ma... Boyfriend ko po..." humina ang boses ko sa huling pangungusap.
Kumunot ang noo niya. "Boyfriend?" lumakas ang boses niya, daig pa na manghahamon siya ng away. Talagang umandar na ang pagiging kabintenya ni mama! "Siya ba ang dahilan kung bakit ka umalis sa kumbento, ha, Celestina?!"
"Lupe, huminahon ka." suway sa kaniya ni tito Ricardo. "Ngayon nga lang ulit nakauwi si Ciel pagkalipas ng dalawang buwan—"
"Manahimik ka, Ricardo!" muli akong tiningnan ni mama. "Pinaglagpas ko ang pag-alis mo ng kumbento tapos, malalaman ko nalang, nakipagnobyo kang bata ka?!"
Bigla akong hinawakan ni Rowan. Inilayo niya ako ng kaunti kay mama para hindi ako masaktan kung sakali. Siya ang pumalit sa puwesto ko. "Huwag ninyo po sanang sigawan si Ciel. Ako na po ang magpapaliwanag."
Dinuro ni mama si Rowan. Nanggagalaiti na si mama. "At ikaw! Anong ginawa mo sa anak ko at naisipan niyang umalis sa kumbento, ha?! Baka hindi mo alam, matindi ang pinagdaanan ko para mahubog ang anak ko sa kabutihan lalo na't may takot siya sa Diyos! Ginawa ko siyang mabuting Kristiyano!"
"Alam ko po,"
Nagpameywang na siya sa harap namin. "Alam mo naman pala! Eh bakit ginawa mo pa rin, ha?!"
"Dahil mahal ko po ang anak ninyo." kalmadong sagot niya kay mama. "Kaya ako humarap sa inyo dahil hindi lang ang papakilala ang magaganap dito." tiningnan niya nnag diretso si mama. "Nabuntis ko ang anak ninyo, at handa ko siya panagutan."
Natigilan sina mama at tito Ricardo. Samanatalang ako, laglag ang panga. Anong pinagsasabi niya?! Bakit napasok sa usapan na nabuntis niya ako kahit hindi naman?!
Tumawa na may panunuya si mama, tila ayaw niyang maniwala. "At sino ka para ganyanin mo ang anak ko, ha?! Anong trabaho mo?! Papaano mo bubuhayin ang anak ko, ha?"
Bago man sumagot si Rowan ay may dinukot siya sa bulsa ng kaniyang pantalon. Inilabas niya ang wallet at may inilabas siyang papel. Inabot niya iyon kay tito Ricardo. "That's my business card." pormal niyang sagot.
"Rowan Ho? CEO of Hochengco Food Manufacturing & FRH Food Specialties Corporation?" pagbasa ni tito sa business card. "Anak ng tipaklong naman, Lupe! Grabehan pala ang lalaking ito, eh!"
D-dalawang kumpanya ang hawak ni Rowan?! N-ngayon ko lang nalaman iyon...
Ang mas nakakawindang na biglang lumuhod si Rowan sa harap nina mama! "Itakwil ninyo man ako bilang isang manugang, sana tanggapin ninyo pa rin si Ciel at ang magiging anak namin bilang parte ng pamilyang ito." seryosong Rowan sa kanila. "I may have many faults, but since I love her, I try my best every day to be better and fill her life with so much happiness. So I want to ask you a very special proposal... Hayaan ninyong pakasalan ko ang anak ninyo."
"P-pananagutan mo ang anak ko?" hindi mapaniwalang tanong ni mama, kung kanina, galit na galit, ngayon, parang wala na siyang masabi pa.
Tumayo si Rowan. Seryoso pa rin ang kaniyang mukha. "Opo, pananagutan ko siya kahit anumang mangyari. Alam ko naman ang kaugalian ng mga Caviteño. Agarang kasal, sa ayaw o sa gusto."
"A-alam ng mga magulang mo ito, iho?"
Ngumiti si Rowan sa kanila. "Pagpayag ninyo lang po ang kulang. Sa oras na pumayag kayo, isang tawag ko lang sa kanila, pupunta na sila dito para mamanhikan. Don't worry po, tubong Caviteño ang mga kamag-anakan ko kaya hindi sila mahirapan na makarating dito sa Terante."