Chapter 7

1806 Words
Nagising ako na wala na si Rowan sa tabi ko kinaumagahan ding iyon. Nagpupungas-pungas pa ako pagkabangon. Humikab bago man ako umalis sa kama. Wala naman akong naririnig mula sa banyo kaya paniguradong hindi iyon nagsashower ngayon. Kasalukuyan suot ko ang puting long sleeves polo shirt na pinasuot niya sa akin pagdating namin dito sa kaniyang penthouse. Sinabi ko rin sa kaniya na ayaw ko munang umuwi sa apartment dahil gusto ko pa siya makasama. Naghilamos at nagtoothbrush ako. Nasabi niya sa akin kagabi na binilhan niya ako ng mga gamit para sa akin, kung sakaling maisipan kong magstay sa kaniya kapag ayaw kong umuwi. Pagkalabas ko ng master's bedroom, tinali ko ang aking wavy kong buhok. I walked towards to his Kitchen with bare feet. Habang papalapit ako ay may naaamoy akong mabango. Awtomatiko akong napangiti, nagluluto ang boyfriend ko. Amoy palang, nakakagutom na. Pagtuntong ko sa Kusina ay likod na niya ang tumabad sa akin dahil nakatopless siya't apron lang ang suot niyang pang itaas.. Napaletra-O ang bibig ko dahil sa hindi ko mapigilang obserbahan iyon. It's a beautiful scenery. Humalukipkip ako't sumandal sa gilid ng pintuan. Mula sa kaniyang likod, bumaba ang tingin ko papunta sa kaniyang—Oh damn, my boyfriends's butt is really hot. Hindi ko na namamalayan na napakagat na ako ng labi. Hindi man lang pinapasabi na isang greek god ang bubungad ng aking umaga. Wait, bakit ganito na ang pinag-iisip ko?! My goodness! "Done watching?" I heard him asked between his laughs. Tila nanumbalik ang ulirat ko nang marinig ko ang kaniyang boses. Agad kong inalis ang tingin sa kaniya, inilipat ko nalang iyon sa ibang direksyon—nagkukungwari na wala akong ginagawang masama. "Ang ganda ng umaga ngayon, ano?" ngumiti ako na parang wala lang. Humakbang na ako palapit sa kaniya. "Good morning," Nakakahiya ang ginawa mo, Ciel! Ang bad mo! Kagabi ka pa! "Good morning, my heaven." malambing niyang balik-bati sa akin saka hinalikan niya ang sentido ko. Hinila niya ang isang upuan at inaalalayan na makaupo doon. "Gumawa na ako ng breakfast." nilapitan niya ang kitchen counter. Nilipat niya ang mga plato na naglalaman ng mga niluto niya sa dining table. Hindi ko mapigilang mamangha dahil sa pagkain na inihain niya sa mesa. Tingin palang, masarap na dahil masarap din ang nagluto—I mean, magaling ang boyfriend ko! Shocks, ano na ba itong mga naiisip ko?! Umupo na din siya sa tabi ko. Kakain na sana si Rowan nang bigla ko siyang pinigilan. Taka siyang tumingin sa akin. "Pray first before eat," nakangiting sambit ko. Tumaas ang mga kilay niya, mukhang nagets naman niya ang ibig kong sabihin. Isinandal niya ang kaniyang likod sa upuan. Sabay namin ipinagdikit ang aming mga palad. Pareho din kaming nakasign of the cross saka pumikit. "We thank you, Lord for all you give, the food we eat, the lives we live. And to our loved ones far away, please send your blessings. Lord, we pray. And help us all to live our days with thankful hearts and loving ways. Amen." saka dumilat na ako't bumaling kay Rowan. Muli kami nag sign of the cross. Malapad akong ngumiti sa kaniya. "Kakain na..." masigla kong sabi. "Hope you'll like it, my heaven." malambing niyang sabi. Inabot niya sa akin ang pisang plato. "Cheesy bacon strata for our breakfast. Enjoy..." Naexcite akong tikman ang niluto niya. So I took a bite. Habang ngumunguya ay nakatiitg lang sa akin si Rowan, para bang inaabangan niya ang magiging reaksyon ko sa kaniyang luto. Tumaas ang mga kilay ko't tumingin sa kaniya. Kinagat ko ang aking labi. "Ang sarap!" bulalas ko. "Really?" Mabilis akong tumango saka binigyan ko siya ng dalawang thumbs up. "Mabuti nalang talaga, marunong ka magluto. Puros pangsosyal pa ng mga niluluto mo." "Actually, that was my first try, my heaven." Namilog ang mga mata ko. "Seryoso? Ang galing." namamangha kong saad. Muli akong sumubo ng pagkain hanggang sa hindi ko na mamamalayan na naubos ko na ang isang plato. "My heaven," tawag niya sa akin. Bumaing ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "Hmm?" "May pupuntahan tayo pagkatapos." "Saan naman?" "Grocery." "Grocery?" ulit ko pa na nakunot ang noo. He nod. "Yeah, nacheck ko ang supplies mo sa apartment mo. Wala masyadong laman. Saan ka madalas kumakain?" may bahid na pag-aalala sa kaniyang boses nang tanungin niya iyon. Napangiwi ako. "Fast food?" parang akong nahuli bilang salarin sa lagay na ito, ah. "Gusto ko kasi, pagkauwi ko, maglilinis nalang ako ng katawan at matutulog na." "Pero hindi ka naman pupwedeng lagi ka sa fast food kakain, my heaven. Baka magkasakit ka pa." malumanay niyang sambit. He reached my hand. "Move out with me." "H-ha?" namimilog ang mga mata ko sa sinabi niya! Out of the sudden bigla niyang sasabihin ang bagay na iyon! Nababasa ko ang kaseryosohan sa kaniyang mga mata. "I'm serious, my heaven. I need to watch your health too. Magiging asawa kita, ayokong pabayaan ko ang nanay ng mga magiging anak ko." "R-Rowan..." "Kapag sa akin ka na titira, ako mismo ang magluluto ng dinner mo." wika pa niya pagkatapos ay dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad. "I will take care of you, Ciel." Bakit ba tuwing nababanggit niya ang pangalan ko, pakiramdam ko, seryoso siya? Oh Diyos ko... Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. "Aanakan na din kita, Ciel. Para wala ka nang kawala sa akin. Aanakan kita ng marami." para siyang nadedemonyo sa mga ngiti na iyon! Laglag ang panga ko. Kusa nalang nagreact ang isang kamay ko't nahampas ko siya nang wala sa oras sa braso! "Rowan naman!" malakas kong suway sa kaniya. Pinagdilatan ko pa siya. Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko sa mga pinagsasabi niya. Kahit kailan talaga, walang preno ang bibig ng isang ito. "Totoo naman," tumawa siya't hinalikan niya ako sa labi. "You're damn cute, my heaven." "Ewan ko sa iyo. Lakas ng trip mo ngayon." Pagkatapos namin kumain, naligo na ako't nagbihis. Nasa kama lang niya ang damit pamalit. Bakit parang nakahanda na ang lahat? Tulad kanina na napansin ko sa banyo, may mga gamit na ng pambabae doon. Sinabi niya sa akin na para sa akin lahat ang mga iyon. Mula sa sabon, shampoo, shower gel, lotion pati na din sa mga tuwalya ay binilhan pa niya ako. Binilhan na din niya ako ng mga damit dito. Mapa-pambahay man o casual attire ay meron. Nang nakaready na kami, ay umalis na din kami ng unit niya para makarating kami sa Grocery Store para daw mamili kami ng stocks sa apartment. Ilang beses na nga ako tumanggi pero mapilit siya. Tinatakot pa nga niya ako na ililipat talaga daw niya ang mga gamit ko sa penthouse niya, syempre, sa huli, wala na akong magawa kungdi pagbigyan ang gusto niya. Habang tulak-tulak niya ang cart, nakapulupot naman ang isang braso niya sa bewang ko. Tinatanong niya ako kung ano ang mga gusto at ayaw ko na kainin. Pakiramdam ko, iniispoiled pa niya ako. "Rowan, masyado nang marami iyan." wika ko nang mapansin ko na halos puno na ang mga nasa loob ng cart. "Mas mapapalaki ang gastos mo." Before he answer, he plant a kiss on my temple. "Ikaw lang naman ang ginagastusan ko, my heaven." malambing niyang sabi. "Ayokong magutom ka." "Rowan naman, eh..." "My heaven, I want you to be spoiled. Don't worry, alright?" pangungumbisi pa niya. "You are my princess." Patungo na sana kami sa cashier nang may biglang humawak ng kamay ko. Agad kong tiningnan kung sino iyon. Hindi lang ako ang tumigil, maski si Rowan. "Ciel!" malapad ang ngiti niya nang tawagin niya ako nang makita ko kung sino ang humawak sa akin. Napaawang ang bibig ko nang si Kat, ang stepsister ko! "K-Kat..." hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung anong eksaktong reaksyon na maipapakita ko. Pinaghalo na dahil sa kaba at takot. "Grabe, totoo nga ang sinabi nila, umalis ka na nga ang kumbento." nilipat niya ang kaniyang tingin kay Rowan, kita ko ang pagmamangha sa kaniyang mukha. "Sino itong guwapong kasama mo, Ciel?" "A-ah... Si Rowan... B-boyfriend ko." Oh my, I almost choked! Laglag ang panga niya sa naging sagot ko. Pinagdilatan pa niya ako. "B-boyfriend? Totoo ba 'yan? Alam ba iyan ni mama?" sunod-sunod niyang tanong pero naroon pa rin na hindi makapaniwala. Pilit akong ngumiti. "Mahabang kwento, eh... I-ipapakilala ko din siya sa inyo... Sa pyesta." Tumaas ang mga kilay niya. "O-okay..." mahina niyang tugon. "S-sige, una na ako, Ciel. Kita nalang tayo sa pyesta, ha?" tinalikuran na niya ako't umalis na. Hinatid ko lang siya ng tingin habang siya'y papalayo. "What's the matter, my heaven? Who is she?" nag-alalang tanong ni Rowan. Tumingin ako sa kaniya. Isang hilaw na ngiti ang iginawad ko. "Si Kat, ang stepsister ko." tipid kong sagot. _ Tahimik kaming nabalik ng apartment. Itinigil niya ang sasakyan sa tapat nito. Hindi ko man lang alam na makikita ko ang kapatid ko kanina. Hinding hindi ko maaasahan iyon. Nakita pa niya ako sa lugar na iyon. Mas lalo nabuhay ang pangamba sa sistema ko dahil sa nakita niya. Alam kong ipapaalam niya kay mama tungkol dito. Paniguradong mas lalo madadagdagan ang pagtatampo ni mama sa akin kapag nagkataon. "Natatakot na ako, Rowan..." hindi ko na mapigilang sambitin ang mga katagang iyon. Ramdam ko ang mainit niyang palad na dumapo iyon sa aking batok. Marahan niyang akong niyakap sabay halik niya sa aking noo. "Sasamahan kitang makausap siya." "Rowan..." tanging pangalan lang niya ang tanging lumabas sa aking bibig. "Sabay natin siyang haharapin. Pananagutan kita." hinawi niya ang takas kong buhok. He offer me his sweet smile, alam kong kinocomfort niya ako. "Papaano kung..." hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi at saglit lang iyon. "Trust me, Ciel." pinaglaruan niya ang daliri ko. Ramdam ko nalang ang bagay na nakakabit sa aking palasingsingan. Iyon naman ang pinaglalaruan niya. Pinapanood ko lang siya sa kaniyang ginagawa. Muli siyang ngumiti. "Love is a battlefield, I'm a fighter but I'm willing to be trapped by your love, my heaven." nagtama ang mga tingin namin. "Matagal na kitang pinangarap na tuluyan ka nang mapasaakin. I think, this is the right time. Bubuo tayo ng sarili nating tahanan, ikaw ang magiging ilaw at ako ang haligi." Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Bakit parang may pumipisil sa aking puso nang marinig ko ang mga sinasabi niya? Mataimtim siyang nakatitig sa aking mga mata. "I'm a Hochengco for Pete's sake, Celestina. I can play fair and square. Pero kapag hindi ko nakuha ang gusto ko, gagawa at gagawa ako ng paraan, hindi ko ito sinusukuan, kahit sa madungis na paraan ko nalang ito makukuha, gagawin ko basta makuha lang kita." mas sumeryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "I will lay down all my cards, my heaven."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD