Palipat-lipat ang tingin ko kina mama at papa. Nababalutan ng awkward ang buong salas. Sa loob ng maraming taon, ngayon lang ulit nagkaharap ang mga magulang ko. Alam kong gulat at galit pa rin ang nararamdaman ni mama ngayon nang makita niya kanina si papa. Si papa naman, bakas sa mukha niya ang hiya at tanggap na kailanma'y hindi siya matanggap siya ulit ni mama kahit kaibigan nalang. Naiitindihan ko naman sila pareho. Kung ano ang side nila sa isa't isa. Isang linggo namin pinaghandaan ito bago sila nagkaharap. Ang mas ipinagpapasalamat ko dahil hindi man lang umangal si tito Ricardo sa eksenang ito.Hindi siya nagalit, sa halip ay naiitindihan niya ang sitwasyon. Siguro ay alang-alang sa akin ay civil ang trato niya kay papa.
"Ciel, alam mo naman siguro kung anong ginawa ng magaling mong ama sa atin, hindi ba?" seryoso at matalim na tanong ang binitawan ni mama.
"Opo, 'ma." malumanay kong sabi. Huminga ako ng malalim bago ulit nagpatuloy. "Pero napatawad ko na si papa. G-gusto ko sang kasama siya sa kasal kahit guest lang. M-masaya na ako doon..."
"L-Lupe..." tangka na tawag ni papa kay mama.
"Manahimik ka! Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na muli ka na namang tatapak sa buhay namin ni Celestina! Kaya puwede ba, umalis ka na sa pamamahay ko."
"Lupe," malumanay na tawag sa kaniya ni tito Ricardo. Tumingin si mama sa kaniya. "Wala naman masama kung ibibigay natin ang kagustuhan ni Ciel. Espesyal sa kaniya ang kasal. Doon siya magkakaroon ng pagkakataon na makakasama niya ang lahat ng tao na naging malapit sa buhay niya. Huwag mo naman sanang ipagkait sa anak mo ang tanging hinihiling niya bago man sila tuluyang maging mag-asawa ni Rowan."
Natahimik si mama. Mukhang malalim siyang nag-iisip. Humigpit ang pagkahawak ko sa kamay ni Rowan. Sumulyap ako sa kaniya na may pag-aalala sa aking mukha. Ipinagdadasal ko na sana ay matanggap ni mama ang tanging hiling ko. Nakapag-usapan na din naman na silang dalawa ni tito Ricardo ang maghahatid sa akin sa altar.
"Hindi ko pa rin siya tanggap!" nanggagalaiting sambit ni mama. Tumayo siya't iiwan na niya kami dito sa Salas.
Tumayo na din ako. Magpapakawala sana ako ng hakbang para mahabol si mama pero biglang umiba ang pakiramdam ko. Bigla nalang umiikot ang paningin ko't nanghina para bumagsak.
"Ciel!" nag-alalang tawag sa akin ni Rowan, pakiramdam ko ay nasalo niya ako. Hinawi niya ang takas kong buhok. "Anong nangyayari? Stay with me!"
Nanghihina akong tumingin sa kaniya. Gustuhin ko man sagutin ang tanong niya ay hindi ko magawa. Unti-unti na din nasakop ng dilim ang aking paningin.
-
Nagkamalay nalang ako nang may naririnig akong mga pamilyar na boses. Bahagyang itinagilid ko ang aking ulo. Kumunot ang noo ko nang may naaninag akong isang pamilyar na mukha. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Panay tawag niya sa aking pangalan.
"N-nasaan ako?" nanghihina pa rin ako.
"Idinala ka agad namin sa Ospital. Nawalan ka ng malay." sagot niya.
"A-anong nangyari? B-bakit..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko nang mas humigpit ang pagkahawak ni Rowan sa aking kamay. Para siyang naiiyak sa hindi ko malaman na dahilan. I looked puzzled. "M-may sakit ba ako?" diretsahan kong tanong.
Agad siyang umiling. Mariin siyang pumikit saka hinalikan niya ang likod ng aking palad. Muli nagtama ang mga mata namin. "You're pregnant, my heaven. Magiging nanay ka na... Magiging tatay na ako."
"Rowan..." dahil sa pagkabigla ay pangalan lang niya ang tanging lumabas sa aking bibig. Nasapo ako sa aking bibig. "Totoo ba... Ito?"
Ngumiti siya at tumango. Tumayo siya't hinalikan niya ako sa noo. "Sa wakas, tuluyan ka nang maging akin, Ciel. Unti-unti na natutupad ang pangarap ko noon pa man." basag ang boses niya. "Sinabi na sa akin ng doktor ang mga dapat gawin. Pangako, hinding hindi kita bibigyan ng problema. Mas hahabaan ko pa ang pasensya ko habang naglilihi ka."
Natigilan ako nang may napansin ako. "N-nasaan pala sina mama?" tanong ko.
"Pinauwi ko na. Sinabi ko sa kanila na ako na muna ang haharap sa mga doktor. Lalo na't kapag nalaman nila ngayon lang natin nalaman na buntis ka, paniguradong magtataka ang pamilya mo." He smiled.
-
Sa sumunod na linggo, ikinasal na kami ni Rowan. Inuna muna namin ang Chinese Wedding Tradition nila. Medyo nakakapagod nga lang pero masaya. Maraming dumalo sa araw na 'yon. Sina mama at papa ay civil lang sa isa't isa. Alang-alang sa akin. Marami din akong natutunan tungkol sa kultura nila. Doon ko din nalaman na puros mga alahas ang inireregalo ng mga bisita bilang wedding gifts nila. Pagkatapos ng kasal namin sa kanilang tradisyon ay dumiretso na kami sa isa sa mga Hotel sa Taal, Batangas. Mukhang mapapasabak ako pero kaya ko pa naman. Ilang tawag na nga ni Rowan sa akin, pinapaalala niya sa akin na matulog na ako ng maaga para hindi makasama sa baby namin. Ipagsama mo pa ang kakulitan ng kapatid at mga pinsan niyang babae. Mukhang sa kanila ako pinapabantay since sumusunod pa rin ako sa mga pamahiin tungkol sa kasal ng mga Pinoy.
Kinaumagahan din iyon ay nakilala ko na din sa wakas ang fiancee ni Zvonimir na si Lyndy, pero hindi pa ito nakakapagsalita dahil nahihiya daw. Binati niya ako sa pamamagitan ng pagtipa niya sa kaniyang cellphone tapos ipapakita niya sa akin. Nagpasalamat ako syempre sa kaniya lalo na't binigyan niya ako ng mga regalo dahil nakakahiya naman daw kung isasama daw siya tapos wala naman siyang maibigay.
"Oh, River. Bakit iniwan mo si Pauline sa ibaba?" nakapameywang na tanong ni Sarette. Narito kami sa hotel room kung nasaan ako.
Nagkibit-balikat si River. "Nahihiya daw," bumaling siya sa akin saka nilapitan ako. "Atsi (big sister), congrats sa kasal!" binigyan niya ako ng isang friendly hug. Siya ang magiging best man ni Rowan.
"Salamat, River. Salamat din sa pagtanggap ninyo sa akin sa pamilyang ito." malumanay kong sabi sa kanila.
"Syempre naman! Basta mabait ang mapapangasawa, eh tanggap na tanggap namin." bulalas ni Vesna sa amin. Nagpaalam na din si River na umalis na dahil baka magwala na nang Rowan ahia niya sa kuwarto nito. Tumunog ang cellphone ni Vesna. "Oh, wait, si Spencer narito na daw!" pahayag na nanlalaki pa ang mga mata niya.
"Spencer?" ulit ko pa.
"Siya ang bunsong anak nina tito Keiran at tita Naya. Nag-aral kasi sa ibang bansa ang isang iyon para makalimot." natatawang sagot ni River.
"Hindi lang si Spencer ang dumating. Kahit sina Carson, Loukas at Aulus, dumating na galing Europe!" malapad ang ngiti ni Verity ang banggitin pa niya ang mga pangalan na 'yon.
"Sino din sila?" tanong ko kay Sarette na ngayon ay nakahalukipkip at nakikinig sa usapan.
"Si Carson, kapatid nina Nilus at Vesna na nag-aral din sa ibang bansa. While Loukas, kapatid nina Aldie, Eilva, Pierson... Na anak nina tito Suther at tita Laraya. Iyon naman, sa isang probinsiya siya nag-aral." paliwanag niya. "Si Aulus naman, nag-iisang anak nina tita Fae at tito Arran."
Hindi ko akalain na may iba pa pala silang pinsan.
Naputol ang usapan namin nang kumatok. Kusa iyon nagbukas. Tumambad sa amin ang wedding plaaner na nakausap namin. Lumapad ang kaniyang ngiti nang makita niya ako. "Anytime, pwede na po tayo magstart."
Tumayo na ako. Ganoon ang mga bride's maid at ang maid of honor kong si Arra na natouch talaga siya nang sabihin ko sa kaniya na siya ang personal choice ko para sa spot na 'yon. May dahilan din naman kasi kung bakit. Buhat nang nang trabaho ako sa Jewelry Shop na 'yon, siya ang una kong nakausap at naging kaibigan. Siya din ang dahilan kung bakit mas naging napalapit pa ang landas ko kay Rowan noon. Hindi ko nga lang nasabi sa kaniya na iyon ang rason ko.
-
Walang tigil ang kabog ng aking dibdib habang nasa loob ako ng bridal car. Ilang buntong-hininga na din ang pinakawalan ko. Panay hagod ni Arra sa aking likod para pakalmahin niya ako. Ilang saglit pa ay dumating sinundo na siya ng wedding planner para siya na ang sunod na magmartsa. Bago man niya ako tuluyang iwan dito sa loob ng sasakyan ay sinabihan pa niya ako ng good luck. Nagpahabol ako ng pagpapasalamat sa kaniya.
May lumapit na dalawang babae sa kotse. Binuksan nila ang pinto ng bridal car saka inaalalayan na niya akong makalabas. Mula dito sa labas ay rinig ko ang wedding song.
"Ready na po tayo, soon to be Mrs. Ho." nakangiting sabi ng isa sa mga staff.
Ngumiti ako saka tumango. "Salamat." hinatid na nila ako sa mismong tapat ng pinto ng Taal Basilica. Humigpit ang pagkahawak ko sa wedding bouquet. Kasabay n'on ay dahan-dahan na nagbubukas ang malaking pinto ng basilika. Inangat ko ang aking tingin. Tumambad sa akin ang maraming bisita. Lahat ay sa akin ang tingin pero isang tao ang hinahanap ng aking paningin. Ngumiti ako nang tumigil ang tingin sa kaniyang direksyon. Hindi ko mapigilang mapangiti at ganoon din siya sa akin.
I started to walk in the aisle. Kani-kaniya na silang labas ng cellphone pero wala akong pakialam dahil ang importante sa akin ngayon ay maabot ko ang mapapangasawa ko na kanina pang naghihintay sa akin.
Ilang beses akong nagpapasalamat sa Panginoon. Buong puso kong tatanggapin ang ipagkakaloob niya sa akin. Tatanggapin ko ang resulta ng bawat desisyon na napipili ko. Maraming tao na nakakapagsabi sa akin na maaari pa akong maglingkod sa Panginoon na hindi na kinakailangan pang maging madre. Ngayon, masasabi ko na sobrang pasasalamat ko dahil maganda at hindi ko pagsisihan ang napili kong landas.
"Rowan..." masayang tawag ko sa kaniya na sa wakas ay naabot ko siya.
"Hi, my wife." kahit siya ay hindi mawala sa kaniyang mga labi ang mga ngiti.
Nagmano siya sa mga magulang ko, ganoon din ako sa mga magulang niya. Binigyan kami ng mga paalala at sinasabi na welcome na welcome kami sa mga pamilya nila nag taos-puso at walang alinlangan.
Inaalalayan akong makaupo ni Rowan sa upuan na nasa harap lang ng altar. Hindi maalis ang sulyap ko sa guwapo kong mapapangasawa—ay mali, ng asawa ko na pala. Si Frendel Rowan Hochengco.
Rowan, it is clear to me now that everything in my life has led me to you—I think back on all my choices and consider even the bad ones blessed, because if I had done even one thing differently, I might never have met you and become your wife.
Humigpit ang pagkahawak ko sa kaniyang kamay na dahilan para mapatingin siya sa akin.
Ngayon ko lang napagtanto, hindi man ako pinili ng langit para maglingkod. Pinili mo naman ako para paglingkuran kita, bilang asawa, magiging kasangga mo sa buhay, lalo na't magiging ina ng mga magiging anak natin.
-
Walang humpay ang kasiyahan sa loob ng malawak at eleganteng bulwagan. Nasa garden ng isang hotel ang reception. Malapit lang naman sa basilika kaya hindi mahihirapan ang mga bisita na makarating dito. Nasa malawak na podium kami ni Rowan. Lahat ng tao na nasa paligid namin ay masasabi ko na masaya nga sila para sa amin. Puros mga makakaindak na kanta ang pinatugtog dito. Ayaw nila ng classical music dahil baka antukin daw sila, wala naman ako palag sa kanila. Kung sabagay, party-party na din ito.
"Mic check! Mic check!"
Napukaw ng aming atensyon na may nagsasalita sa mikropono. Lumaglag ang panga ko nang may dalawang lalaki na nakapwesto. Wait, sila ba ang magiging host?!
"Good day, ladies and gentlemen!" masiglang bati ni Ruslan sa kanila. "And this is Adler. And we're gonna be the host for the best wedding game, ever!"
Bumaling ako kay Rowan na kunot ang noo. "Wedding game?" patanong 'yon.
Bigo ako makakuha ng sagot mula sa kaniya. Sa halip ay ngumisi lang siya sa akin na hindi ko alam kung bakit.
"For now, let's call the newly wed couple, Mr. And Mrs. Frendel Rowan Ho!" sabay lapit nila sa amin. Inaalalayan ako ni Ruslan na makababa, si Adler naman ay nakaakbay kay Rowan. Nang nasa gitna na kami ng dance floor. Si Nilus naman ang lumapit para alukin ako ng isang upuan. Pinaupo niya ako doon. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako pero ang mas ipinagtataka kung bakit nagtitilian na ang mga guest! Lalo na ang mga pinsan nila! May kasama pang hiyawan na mukhang alam nila kung anong nangyayari! "Bouquet and garter game!" sabay nilang hiyawan.
Napasinghap ako nang napagtanto ko kung anong gagawin sa game na 'yon! Rinig kong inutos ni Adler sa Dj na change music. Medyo pang-seksi daw!
"Go Rowan!" natatawang pagchi-cheer ng mga pinsan niya sa kanila.
Nasa harap ko lang ang asawa ko. Kagat-labi siyang nakatingin sa akin na parang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na mapangiiti o matawa man lang.
The music switched into Fetish by Selena Gomez! Laglag ang panga ko nang nag-umpisa nang sumayaw si Rowan sa harap ko. Ang mas malala pa, sumayaw siya ng lapdance sa mismo sa akin! Hindi ko mapigilang matawa sa pinangagawa niya. Ibang Rowan Ho ang nasa harap ko! Hindi man lang nahihiya dahil sa pagsasayaw niya. Natatawa ako sa hotness ng asawa ko! Ni hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil sa hiya.
"Come on, cous!" hiyaw ni Adler sa kaniya. "Ya can do et!"
Biglang yumuko si Rowan. He slowly crawl. Bigla siyang pumasok sa palda ng wedding gown ko. Nag-iinit ang magbilang pisngi ko dahil hinihubad niya ang garter sa pamamagitan ng bibig niya! Ramdam ko kasi ang hininga niya sa mga binti ko!
Diyos ko, Rowan naman!
Hinubad niya pababa ang garter hanggang sa lumabas siya sa palda ko nang tagumpay niyang nahubad ang garter! Muli naghiyawan ang mga tao. Sunod naman ginawa ay maghahagis na ng bouqet at garter.
Lalo lumakas ang tawanan at hiyawan na ang nakakuha ng bouquet ay si Pauline at si River ang nakakuha ng garter. Napapalakpak ako sa kakatawa dahil kitang kita sa mukha ni Pauline ang hiya at natatawa din siya dahil sinuotan siya ni River ng garte sa mapapagitan ng bibig nito!
Natigilan ako nang may sumagi sa isipan ko. Bumaling ako kay Rowan. "Rowan," tawag ko sa kaniya.
"Hmm?" sabay baling niya sa akin.
"Muntik ko nang makalimutan, papaano mo pala ako nakilala noon?"
Bago man niya ako sagutin ay ginawaran niya ako ng ngiti.