Chapter 12

2554 Words
Medyo naculture shock ako nang pinasok ko ang mundo ng mapapangasawa ko pati ang pamilya nila. Dahil dalawang kasal ang magaganap sa pagitan naming dalawa, marami kaming dapat asikasuhin. Sinabi sa akin ni Madame Fiorella na sila na daw ang bahala na mag-asikaso sa magiging kasal namin sa side ng mga Chinese-Filipino. Ang tanging aasikasuhin ko nalang daw, kasama ang pamilya ko ang modernong kasal ng mga Pilipino. Sila na din ang kumuha ng wedding planner. Napag-usapan na din namin ni Rowan na sasamahan daw niya ako sa pag-aasikaso dahil ayaw niyang mastress ako. Napagpasyahan naming sa Taal Basilica gaganapin ang solem wedding. Sina Sarette at Vesna naman ang tumulong sa akin sa pagpagawa ng wedding gown may kakilala daw silang designer na hindi na nakakapagtaka dahil pareho silang mga modelo. "My brother wants her to be the most beautiful woman on that day," wika ni Sarette sa wedding designer pagkatapos ay sumimsim siya ng tsaa. "Base on Ciel's personality, she's conservative and religious. Can you do that?" "Of course!" mabilis at siguradong sigurado na sagot ng designer sa kaniya. "I'm kinda surprise, ikakasal na ang kakambal mo. Magaling pumili si Rowan, huh." bumaling ito sa akin. "Congratulations, soon-to-be Mrs. Ho." Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. "After two days, ipapakita ko ang designs na nagawa ko. Isesend ko nalang kay Sarette. May mapagpipilian ka naman. So walang kaso 'yon." "Salamat," Sunod naman namin kikitain ay ang mismong weddig planner. Dahil sa hindi ko kasama si Rowan ngayon dahil sa pagiging abala niya ngayon sa meeting ng isang kilyente ay ako mismo ang tinatanong kung anong kasal daw ang gugustuhin ko. Sinabi ko na simple lang pero memorable. Hindi lang 'yon. Sa mga pictures na ipinakita niya sa akin, may nakakuha ng aking pansin. Isang bridal car. "Oh, that's 1947 model Cadillac car, ma'm. Minsan lang ginagamit ito pero bagay na bagay ito maging bridal car ninyo..." "You want that, Ciel?" biglang tanong ni Sarette. Bumaling ako sa kaniya na nakangiwi. "Naku, masyado siyang mahal... Baka hindi kakayanin ng budget ko." Tumaas ang mga kilay niya, si Vesna naman ay napaletra O ang kaniyang bibig. Tila nagulat sila sa sinabi ko. Dumapo ang palad ni Sarette sa isang balikat ko. "Budget mo? Ciel, kasal ninyong dalawa ni Rowan ito. Automatically, kayong dalawa. Ang totoo niyan, si Rowan mismo ang magsoshoulder lahat ng gastos para sa kasal ninyo. Kami naman ang bahala sa chinese wedding ninyo. Ibig sabihin, kahit anong turo o gusto mo, ibibigay niya. Mapasaya ka lang niya. Ibinilin niya sa akin na kung ano ang gugustuhin mo ay susuportahan namin iyon. Minsan lang tayo makakaranas ng kasal. Kaya, huwag mo nang isipin ang gastos, okay?" "N-nakakahiya kasi..." "Magiging asawa ka niya, Ciel. Kung ano ang meron siya, sa iyo na din. Kaya nga kayo ikakasal para maging isa kayo." matamis siyang ngumiti sa akin. "Reyna ka kung ituring ni Rowan, ayaw niya na basta-basta lang ang ibibigay niya para sa iyo. Noon pa man, ginawa na niya ang lahat para makuha ka niya, ngayong ikakasal na kayo... Mas naging determinado siya na palagi ka na niyang makakasama nang matagal." "Sarette..." "Ciel, kung alam mo lang kung gaano nababaliw sa iyo si Rowan noon. Maloloka ka lang din." segunda pa ni Vesna na nakangiti na din. Minsan nga napapaisip ako kung papaano ba niya ako nakilala. Gustong gusto ko malaman pero hindi lang ako nakakuha ng tiempo para tanungin siya sa bagay na iyon dahil sa maraming ginagawa. Lalo na noong pyesta sa amin. - Nasabi ko din kina Arra at Marian na ikakasal na ako. Syempre, hindi sila makapaniwala sa ibinalita ko. Kilig na kilig sila habang naikuwento ko sa kanila tungkol sa nangyari sa probinsiya namin. Si Arra, parang nagdedaydream pa. Nangangarap na sana daw ay makatagpo daw siya nang tulad ni Rowan. Tiyak wala na daw siyang hanapin pa. Pagkatapos ko sa trabaho ay sinundo din ako ni Rowan. Napapansin ko na mas lalo siya nagiging sweet sa akin habang tumatagal. Lalo na noong umalis na kami sa Ternate. May usapan din kami ngayon na pupunta kami sa bahay ng Grande Patriarch, si Damien Ho, ang tatay daw ng tito Keiran niya. Medyo kinakabahan ako dahil napag-alaman ko na ito na daw ang kasalukuyang pinuno sa buong angkan ng mga Hochengco. Wala na daw kasi ang Grande Matriarch na si Madame Eufemia Hochengco, ang tinuturing din na fierce tigress pagdating sa businessworld. Naikwento niya din sa akin na sobrang naging malapit daw ang tita Laraya niya sa lola niya sa tuhod. Nakatikim daw si Rowan ng bagsik nito noong una kita pagkakita palang nila kasama ang kaniyang kakambal. Mahigpit daw kasi sa prinsipyo nito na ang chinese ay para lang sa chinese. Kaya ilang sa mga tiyuhin at tiyahin niya lalo na ang mga magulang niya ay nakatikim ng bagsik nito, pero dahil nang dumating sa buhay nila si Laraya ay nag-iba na daw ang dating Donya. Ang tiyahin niyang iyon ang naging katapat at bumali prinsipyo na tingin ng kanilang angkan ay sumpa na. Tumindig ang balahibo ko nang marinig ko ang kwento niyang iyon. Hindi ko akalain na ganoon pala ang pinagdaan nila pati ang pamilya niya sa kamay ng dating Grande Matriarch. "Mabait naman si angkong Damien, alam na din naman niyang ikakasal tayo. Gusto ka lang din niya makilala." pahayag niya. Pumasok ang sasakyan sa loob ng tinutukoy niyang Hochengco Mansion. Hindi ko mapigilang mamangha sa lawak at ganda nito. Hindi nawawala ang mga puno at halaman sa paligid. Lalo na ang malawak na fountain sa harap mismo ng malaking bahay! Parang palasyo naman itong pinuntahan namin. Tumigil ang sasakyan sa mismong tapat ng malaking pinto bilang entrahada ng mansion. Pinatay niya ang makina ng sasakyan. Kinalas niya ang seatbelt bago siya tuluyang nakalabas dito sa sasakyan. Umikot siya sa harap hanggang sa magawa niya akong pagbuksan ng pinto. Nilahad niya ang kaniyang palad. Ngumiti ako at tinanggap ko ang palad niya. Inaalalayan niya akong makababa. Siya na din ang nagsara ng pinto. Dumapo ang kaniyang palad sa aking bewang. Iginiya niya ako't umakyat kami sa hagdan bago man namin marating ang malaking pinto. Kusa iyon nagbukas. Umawang ang bibig ko nang tumambad sa amin ang mga nakahilerang mga katulong. Sabay-sabay silang bumati sa amin. "Welcome to my world, my heaven." bulong niya sa aking tainga. Muli niya akong iginiya. Habang naglalakad ay napatingin ako sa mga litrato na nasa pader. May mga family pictures. Meron ding litrato ng buong angkan at may isang matandang babae na nasa gitna ng grupo na iyon at tuwid ito nakaupo. Napakaelegante niyang tingnan sa kabila ng edad nito. Ito siguro ang tinutukoy ni Rowan na dating Grande Matriarch. Puro nakasuot ng mga chinese traditional dress. Until we reach the massive door in front of us. Si Rowan na mismo ang nagbukas nito. Bumungad sa amin ang mahabang mesa. May mga nakaupo na doon at mukhang kami nalang ang hinihintay doon. Lahat sila ay nakuha namin ang kanilang atensyon. Nakaukit sa kanilang mga mukha ang ngiti at mukhang nasiyahan pa sila sa aming pagdating. "Rowan! Ciel!" salubong sa amin ni Madame Pasha na nakangiti. Pareho nila kaming niyakap. "Kanina pa namin kayo hinihintay, pasensya na kung medyo napaaga yata ang salu-salo." "Ayos lang po 'yon." sagot ko. "Rowan, ipakilala mo na siya sa Grande Patriarch." bilin ng kaniyang ina sa kaniya. "Yes, mama." tugon niya. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko't nagawa niya akong hatakin papunta sa direksyon ng matandang lalaki. "Angkong," saka nagmano siya dito. Mas inialapit pa niya ako sa kaniyang lolo. "This is Ciel, my fiancee." "G-Good evening po..." nagmano na din ako. "I-ikinagagalak ko po kayo makilala, Mr. Ho." hindi mawala ang kaba sa aking dibdib na nasa harap ko aito mismo. Ngumiti siya at tumango. "It's nice to meet you too, iha. Pasensya na kung hindi ako nakarating sa pamamanhikan ni Rowan sa bahay ninyo. Masyado lang akong abala." "Naku, o-okay lang po 'yon..." Tumango ito pero hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Maaari na kayong umupo para makakain na tayo." aya niya. Naroon pa rin ang pag-aalalay sa akin Rowan. Hinatid niya ako kung saan ako uupo. Hinatak niya ang upuan at pinaupo ako doon. Sumunod naman ako. Medyo natetense pa rin ako kahit mabait sila sa akin. Medyo nanatakot akong gumawa ng mali sa harap nila. Tinatago ko ang pagkawindang nang makita ko na nagsipasukan na din ang mga maid nila. May mga dala-dala itong mga pagkain. Sineserve pa ng mga ito sa amin. Tahimik lang ako sa isang tabi. "Nga pala, Rowan, kailan ninyo balak magpakasal?" isang babaeng nagtanong. Katabi nito si Nilus, mukhang nanay niya iyon. Base sa pagkatanda ko na ipinakilala sa akin ni Rowan ang mga tiyuhin at tiyahin niya, siya si Tarrah Isabella Ho. "Nagpatingin na ba kayo sa Feng Shui, hindi ba?" "Opo, anko (auntie)." sagot niya. "We're still in the preparations for solem wedding." "Sayang lang, wala na ang choma (great grandmother) ninyo. Eh di sana nakita niya din kung gaano kayo kasaya ngayon." malumanay na segunda ni Madame Inez. "Alam ko naman na magiging masaya si choma kung nasaan man siya ngayon." pahayag pa ni Rowan sa kanila. - Pagkatapos namin kumain ay nakipagbonding pa ako sa myembro ng pamilya. Ipinakita sa akin ni Madame Pasha ang mga album ng magkambal na Rowan at Sarette, naikuwento niya sa akin ang mga pinagdaanan niya. Kung papaano nila naitawid ni Sir Finlay ang masaklap na pakalaran ng batas ng tinutukoy nilang Madame Eufemia. Pero nang nalaman nila ang totoo kung bakit naging ganoon ang ahma nina Sir Finlay ay naiitindihan na daw nila kung bakit. "Huwag mo na akong tawaging madame, Ciel." malumanay niyang sambit. "Dapat ay mama na ang itawag mo sa akin dahil magiging asawa ka na ng anak kong si Rowan." "S-sige po, Mada—I mean, mama..." nahihiyang sabi ko. Napakamot pa ako sa aking batok. Lumapad ang kaniyang ngiti. Lumapit sa amin si Sir Finlay. Kita ko na dinampian niya ng halik sa sentido si Madame Pasha. Sa eksenang nakikit ako ngayon, masasabi ko na nagmamahalan nga sila. Kahit na ilang taon ang lumipas, ay hindi nawawala ang pagmamahal nila sa isa't isa. Nag-excuse muna ako sa kanila at napadpad ako sa malawak na balkonahe. Kami kaya ni Rowan? Magiging ganyan din kaya kami sa oras na maging asawa ko na siya? Na kapag lumaki na ang mga anak namin? Naputol ang pag-iisip ko na may yumapos sa aking bewang. Alam ko na kung sino 'yon. Si Rowan. "Hindi ka ba nabobored?" malambing niyang tanong sa akin. "Hindi naman," nakangiting sagot ko. "I'm glad they like you for me." namamaos niyang sabi. "Starting next week, hindi na tayo masyado magkikita dahil sa pamahiin. I'm gonna miss you, my heaven." he plant a kiss on my shoulder. Marahan akong pumikit. "Mamimiss din kita, Rowan. May cellphone naman, eh. Pwede naman tayo mag-usap pansamantala sa pamamagitan n'on." I heard him sighs. "Before that, I want to show something to you." Kumalas ako mula sa pagkayakap niya sa akin. Humarap ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "A-anong ipapakita mo? Naku, Rowan, ha. Ang dami mo talagang pakulo." hindi ko magawang matawa. Ngumiti na din siya. Isinandal niya ang kaniyang noo sa akin. He brushing his nose over my face. "Lahat gagawin ko, para mapasaya lang kita, Ciel. Ayokong may kulang sa oras na asawa mo na ako. Ayokong may pagsisihan ka sa huli. Kahit na tumanda man tayo, ayokong dumating sa punto na may pagkukulang ako." "Rowan..." "Let's get outta here. Ipapakita ko na sa iyo ang sinasabi ko sa iyo." - "Rowan? Saan ba tayo?" hindi ko mapigilang itanong sa kaniya lalo na't nakapiring ako sa lagay na ito. Ewan ko ba dito kay Rowan kung ano na namang pakulo ang ipapakita niya sa akin. "Hold still, my heaven. Malapit na tayo." Ilang saglit pa ay tumigil na kami. "Rowan?" muli kong tawag sa kaniya. "Just count up to 30, saka mo na tanggalin ang piring, alright?" bili niya. "Okay..." then I started to count like what he said. Ramdam ko na din na pagbitaw niya sa akin. Hindi ko na alam kung nasaan na siya. I mean, narito pa rin ba siya sa tabi ko o ano. Nang matapos ako sa pagbilang ay kinalas ko ang piring. Naniningkit ang mga mata ko't tumingala. Nasa loob ako ng isang gazebo. Nababalutan ito ng christmas lights. Bumaba ang tingin ko, may isang mesa doon na punung-puno ng pagkain. May red wine pa. Parang date ito. Humarap ako. "Rowan—" ngunit bigla siyang nawala. Iginala ko ang aking paningin sa paligid pero wala na talaga si Rowan! Saan siya nagpunta? Ni bakas niya ay wala. Maya maya pa ay may narinig akong kaluskos mula sa damuhan na nasa bandang likuran ko. Agad akong humarap doon. Nanigas ako sa kinatayuan ko nang may maaninag akong bulto ng isang lalaki papalapit sa aking direksyon. Nang mapagtanto ko kung sino 'yon ay nabitawan ko ang hawak na panyo na ginawang pangpiring sa akin. Kasabay na kumalabog ang puso ko nang todo. Hanggang nsa mismong harap ko na siya. Gustuhin ko man bumagsak ay pilit kong maging matatag sa harap ng lalaking unang nanakit sa akin. The man who broke my heart. Ramdam ko ang pamumuo ng aking mga luha sa aking mga mata, nagbabadya na itong bumagsak. "Ciel..." may pagsusumao sa kaniyang boses nang tawagin niya ang pangalan ko. Ilang taon na nakalipas, ngayon ko lang ulit narinig ang pagtawag niya sa akin n'on. "Papa...?" nanghihinang tawag ko sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit. Mariin akong pumikit at doon marahas tumulo ang mga luha. "Pa..." Ginatihan niya ako ng yakap. I feel he really missed me. Hinaplos niya ang aking buhok. "Nalaman ko nalang na ikakasal ka na, hinahanap ako ng mapapangasawa mo..." Si Rowan? Kumalas ako ng yakap sa kaniya. Tumitig ako sa mukha ng aking ama. Hindi ko mapigilan ang sarili kong humihikbi sa harap niya. Sobrang miss ko na si papa. May halong awa na din dahil bakas na sa kaniyang balat ang katandaan. "Anong nangyari sa iyo, pa? Hindi ka ganito..." Kahit na siya'y umiiyak din ay nagawa pa rin niyang ngumiti sa harap ko. "Totoo ang sinasabi nila na nasa huli talaga ang pagsisisi, anak. Malaking kamalian ang ginawa ko sa inyo noon... Na iwan kayo at ipinagpalit pero ang buong akala... Doon ako sasaya pero hindi... Iniwan niya din ako." ikinulong niya ang mukha ko sa pamamagitan ng kaniyang mga palad. "Patawarin mo ako, Ciel. Patawarin mo ako kung iniwan ko kayo... Malaking pagsisisi at tinanggap ko ang parusa habang wala ako sa inyo." Umiling-iling ako. "Kahit na sinaktan mo kami ni mama, mahal na mahal pa rin kita, 'pa." niyakap ko siya ulit. Sa pagkayakap ko ay nahagip ng aking paningin si Rowan na nakatayo sa hindi kalayuan. Nakangiti siya sa akin, masaya siya para sa akin. Kahit na patuloy ang pag-agos ng aking mga luha, sinuklian ko din siya ng ngiti. "Thank you," I mouthed at him. Thank you for everything, Rowan. Hindi ko akalain na magagawa mo ang bagay na ito. Na bibigyan mo ng oras na hanapin si papa.... Hindi ko alam kung papaano pa kita papasalamat sa sobrang dami na naitulong mo sa akin. Kung papaano kita masusuklian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD