Epilogue

2871 Words
Mama told us that love is reason for life. The only reason for human existence is love. There can be no life without love. Parang sila lang daw ni papa. Seriously, I don't know what's she talking about. Wala naman kasi akong ideya sa mga ganyan. Ang sabi naman ni papa, everyone need love in life. If you love someone, you have to sacrifice so I can feel the worth of that person. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko nang may nararamdaman akong kakaiba sa harap ko. Nang iangat ko ang aking tingin ay tumambad sa akin ang nakapameywang na guro. Ang ipinagtataka ko lang, bakit naman nakabusangot ang mukha nito? Dahil ba sa nakatulog ako sa klase niya? "Rowan Ho, answer those questions on the whiteboard!" malakas niyang utos sa akin sabay abot niya ng whiteboard marker. Bago ko man tanggapin marker ay bumaling ako sa direksyon ng kakambal ko na si Sarette, nakangiwi at naiiling. Parang sinasabi niya na malalagot na naman ako kina papa at mama nito. Huminga ako ng malalim saka tinanggap ko ang marker. Tumayo ako't lumapit sa board. Physics ang subject. May tatlong tanong na kinakailangan masagutan. Walang emosyon kong sinagutan ang mga tanong na 'yon. Puros mga basic lang, hindi pang-advance kaya wala pang tatlong minuto ay nasagutan ko 'yon na walang mintis. Humarap ako sa klase saka ipinatong ko ang marker sa teacher's desk. Tumingin ako kay Sarette at tumangu-tango. Mukhang satisfied siya sa sagot ko dahil pati siya ay nag-advance study na rin sa subject na ito. Bumalik ako sa upuan ko na wala akong narinig na reklamo o tanong mula sa aming guro. Siguro dahil nawindang siya na nasagutan ko nang mabilis ang kaniyang tanong. Kung gugustuhin pa niyang ituro ko pa kung papaano ko na-solve ang problem na 'yon, gagawin ko, basta ba dagdagan niya ang grades ko. "Ayon, nasupalpal ni Rowan ang teacher namin sa Physics." humahagikgik na pagkukwento ni Sarette sa mga pinsan namin. Lunch break namin ngayon. Palagi kaming nagkikita dito sa Cafeteria kapag ganitong oras na. Ang tanging wala lang ngayon ay ang magkapatid na Chance at Charl na paniguradong nasa mga babae nila. Ganoon din sina Verity, na kasalukuyan nang galit itong mga kuya niyang sina Vander, Zvonimir at Vladan dahil nag-entertain na naman ng manliligaw. Tahimik lang kumakain magkapatid na sina Ruslan at Gayla, na anak nina tito Mikhail at tita Cresha.Tapos nang kumain ang bunso naming kapatid na si River, ito'y kasalukuyan nang nagbabasa ng mga textbook para sa susunod na subject. "Hindi por que mga Hochengco tayo, wala na tayong utak." pahayag ni Laisa na nakabusangot ang mukha. "Kung alam lang nila kung gaano tayo natrain ni Choma Eufemia. Halos sumabog na utak ko sa kakaaral." "May dahilan naman siya kung bakit ganoon siya kastrikta, ate Laisa." seryosong wika ni Aaron sa isang tabi. "Hindi lang tayo ang tagapagmana, alam naman natin sa umpisa hindi papayag Grande Matriarch na makapag-asawa ang mga ama natin na hindi rin Chinese, pero sadyang matigas ang ulo ng mga tatay natin. Bilang kapalit ng pagpayag niya, doble ang training na isasagawa sa atin bilang mga anak para mahawakan ng maayos ang mga negosyo." Sabagay, tama naman si Aaron doon. Dahil kami ni Sarette ang unang apo, kami ang unang nakaranasan ng pagiging istrikta ng isang Madame Eufemia Tiangco-Ho. Sa una ay wala pa kaming ideya kung bakit pinag-aaral niya kami ng ganito ganyan. Kung bakit kinakailangan naming magsalita ng ibang lengguwahe. Napukaw ko ang kanilang atensyon nang tumayo ako. "Matutulog muna ako," tinatamad kong paalam sa kanila. "Rowan, malapit na matapos ang lunch break. Ako na naman ang tatanungin ng mga teachers kung nasaan ka." suway ng kakambal ko. Humikab ako't bumaling sa kaniya. "Sabihin mo, nasa Infirmary ako, may sakit." tinalikuran ko na sila at naglakad nang papalayo. Tinawag pa ako ni Sarette pero hindi ko na pinansin iyon. Dire-diretso akong naglakad hanggang sa tagumpay akong nakalabas ng Cafeteria na nakapamulsa. Tumigil ako saglit. Nag-iisip ako kung saan ako pupuwedeng matulog. Naniningkit ang mga mata ko nang nakuha ng atensyon ko ang lugar na paniguradong walang iistorbo sa pagtulog ko. Humakbang ang mga paa ko sa direksyon patungo sa Chapel ng Unibersidad. Puwesto ako sa harap, malapit sa altar ng chapel. "Makikitulog po," paalam ko sa Diyos. Dahil mahaba naman ang upuan na ito, paniguradong maganda ang posisyon ng pagtulog ko. Ginawa kong unan ang isang braso ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may narinig akong tunog. Kumunot ang noo ko dahil may naririnig akong umiiyak, pero hindi ako agad bumangon. "Lord, bakit po ganoon? Bakit po kami iniwan ni papa?" boses ng isang babae. "Wala naman po akong ginawang masama... Mabait naman po ako, hindi po ba? Sumusunod lang din po ako sa mga inuutos nila... Bakit po, Lord?" Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko? Bakit parang naaawa ako sa kaniya kahit hindi ko naman siya kilala? Hindi rin naman niya ako kilala. Bumangon ako. Agad hinanap ng mga mata ko ang babaeng narinig ko. My eyes darted on the door. May babaeng kakalabas lang pero nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko magawang maaninag ang mukha niya. Pero ang tanging palatandaan ko lang sa kaniya ay ang hanggang balikat ang tuwid niyang buhok. Bumaling ako sa imahe ng Panginoon. Ilang saglit lang din ay binawi ko na ang tingin ko mula sa kaniya. Ginulo ko ang buhok ko't napahilamos ng mukha. Mukhang naudlot pa yata ang tulog ko, dapat. Kahit sa pag-uwi ko, hindi maalis sa isip ko ang mga narinig ko kanina. Tahimik lang ako sa kuwentuhan nina mama, papa pati ng mga kapatid ko. I was like, pre-occupied for the whole night. And still thankful, hindi naman napansin ng pamilya ko 'yon. Kinabukasan din 'yon ay nagpasya akong mag-abang sa harap ng Chapel. Inaabangan ko kung sino ang babaeng narinig ko kahapon. At hindi ako nabigo. Papasok ang babaeng hinahanap ko. Hindi ako umaalis sa puwesto ko. Tinititigan ko ang pinto kapag lalabas siya. Mukhang nakikisama ang swerte sa akin. Lumabas ang babaeng tinutukoy ko. Pero hindi mukha niya ang una kong napansin. Ang dibdib niya. She have the most perfect t**s. Lumiko siya ng daan, papunta siya ng Cafeteria. The next thing I noticed is her butt that makes my c**k jerked. Oh holy cow, get your s**t under control, man! Natigilan ako, bakit ganoon ang naramdaman ko?! Oh, f**k! Hindi ako tumigil hanggang sa malaman ko kung anong pangalan niya. Celestina Soriano, pero ang madalas na tawag sa kaniya ay Ciel. Lihim ako napangiti nang sa wakas ay naaninag ko na ang kaniyang mukha. She looks like an angel or a goddess in my eyes! Innocent and beautiful. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya. If she don't know, Celestina or Ciel means heaven. Simula ngayon, ikaw na ang gagawin kong langit at paraiso, Ciel. Gagawa ako ng paraan na mapasaakin sa paraang alam ko. I may be not a religious, but I'm willing to gamble my life and sould just to make you mine. You made me bewitched in just instant, Ciel. "Ang ganda pala ni Ciel, ano?" rinig kong puna mula kay Massimo, ang kapatid nina Chance at Charl. "Swerte magiging boyfriend—" Hindi ko alam pero biglang bumuhay ang iritasyon ko nang marinig ko ang mga bagay na 'yon mula sa kaniya. Walang sabi na kinuwelyuhan ko siya. "Putang ina, Max, bros before hoes! Don't f*****g forget that s**t!" bulyaw ko sa kaniya. Kahit gulat siya ay nagawa niyang tanggalin ang mga kamay ko sa kaniyang kuwelyo. "Gago ka ba? Sinabi ko lang naman na maganda siya, wala akong sinasabi na—" "Kahit anong gawin mo, akin siya! Akin!" "Stop it, Rowan! Ano bang nangyayari sa iyo!?" hindi mapigilan ni Vander na manigaw. Mabuti nalang, ay wala ang mga magulang namin. Kasalukuyan silang umaattend ng company party. Kinuyom ko ang aking kamao, sabay na umigiting ang aking panga. Wala akong masabi pa kaya ang tanging magagawa ko lang ay talikuran sila at iwan dito sa hardin. Alam kong nagatataka na sila sakinikilos ko. f**k, hindi nila pupwedeng malaman na nababaliw ako kay Ciel. Paniguradong uulanan nila ako ng kalokohan at kantyaw! Makikisali pa ang mga pinsan naming mga babae sa mga tarantadong 'yon! Malalakas pa naman mamikon. Hindi pa man din ako lumalapit, ay gumagawa na yata ng paraan ang tadhana para mapalayo sa kaniya. Damn it. Araw ng graduation, nalaman ko nalang isang araw ay aalis na si Ciel at dadalhin siya sa kumbento. Nabalitaan ko na matagal nang gustong magmadre siya ng kaniyang ina. Galit ako nang dumating ako sa Chapel. Hindi ako lumapit sa altar, nasa entrahada lang ako. Kuyom ang aking kamao at masakit akong tumingin sa imahe ng panginoon na nasa harap ko ngayon. Maraming katanungan na gusto kong itanong. Bakit nangyari ang lahat ng mga ito? Alam mo naman na 'matagal ko nang gusto si Ciel pero bakit pinayagan mong makarating ang pinakamamahal ko sa kumbento para paglingkuran ka? Pupwede naman siyang maglingkod sa iyo kahit may asawa na siya! I'll marry you, Ciel. You just don't know yet. Tumigil ako sa pagpirma ng mga papeles nang may inilapag si Sarette sa aking desk. Bumaling ako sa kaniya na kunot ang noo. Bakas sa mukha ko ang pagtataka. Binitawan ko ang sign pen. Kinuha ko ang papel at binasa. Bumaling ako sa kakambal ko na hindi mawala ang pagtataka. "Nakita ko siyang d'yan siya pumapasok bilang madre, my twin brother." pahayag niya, humalukipkipa t umupo siya sa gilid ng aking desk. Umawang ang bibig ko. T-totoo ba ito? "Nakita ko ang pangalan ng kumbento, hindi ako nagdalawang-isip na tandaan 'yan dahil alam kong gagawa ka ng paraan para makuha mo siya nang tuluyan, Rowan." she added. She offer a smile. "Nakikita ko sa iyo si papa ng mga panahon na gusto niyang bumalik si mama sa kaniya." "Sarette..." "Rowan, alam mo naman kung anong itinuro ni papa sa atin, hindi ba? Saksi tayo kung gaano kamahal ni papa si mama at ganoon din si mama kay papa. Hindi lang sa kanila, maski sa mga tito at tita namin. Saksi tayo kung papaano sila magsakripisyo, na halos buhay na nila, isusugal nila para makasama ang babaeng pinakamamahal nila." lumapit siya sa akin at tinapik-tapik niya ang isa kong balikat. "Kung hindi mo nalalaman, nagsasakripisyo ka din. Many people will definitely say love is all about sacrifice. When you fall in love or when you're in a relationship, it involves some sort of patience and understanding. You give everything for that woman." Those words Sarette said hits me. Masasabi ko bang nagsakripisyo ako dahil hindi pa ako pumasok sa mga relasyon simula palang? Dahil umaasa ako na magkukrus ulit ang mga landas namin ni Ciel kung sakali? HIndi ako nagsayang ng panahon. Pasensya na, Ciel pero hindi ko talaga matatanggap na hanggang d'yan ka lang, na ikukulong mo ang sarili mo bilang tagapaglingkod ng Diyos. Gagawa ako ng paraan para hindi ka na tuluyang mawala sa akin. Gagawin ko ang lahat-lahat para hindi ka magsisisi sa oras na mapapaalis kita d'yan sa kumbento. Na mas masaya kung ako ang makakasama mo ako nang walang alinlangan. Malaking pasasalamat ko, naging tagumpay ako sa plano ko. Sunod ko naman gagawin, hahanapin ko ang ama mo, Ciel. Para mas ka magiging masaya ka sa oras na magiging asawa na kita. "Sino sila?" isang may edad na lalaki ang sumalubong sa akin pagkatapos buksan ang pinto ng isang maliit na bahay. Kahit nasa squater's area ako't pinagtitinginan na ako ay wala akong pakialam, basta ang importante ay makausap ko ang isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ng babaeng pinapangarap ko. "Good evening, sir. I'm Rowan Ho. I presume that you're Celestina Soriano's biological father?" Kita kong natigilan siya nang nabanggit ko sa kaniya ang pangalan ni Ciel. 'Yon palang ay alam ko na na siya nga talaga ang tatay ni Ciel na matagal nang gustong makita. "K-kilala mo ang anak ko..." I offer him a smile. "I'm her fiancé, sir." "F-Fiancé?" hindi makapaniwalang sambit niya. "Yes, sir. I want to discuss something with you. Okay lang po ba kung makikituloy po muna ako?" magalang kong tanong. Taranta niyang nilakihan ang awang ng pinto. Nagpaiwan ang mga bodyguard na kasama ko sa labas. Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng bahay. Masikip. He didn't deserved this. "Maupo ka muna, iho. A-anong gusto mong maiinom? Tubig...?" "Hindi naman po tayo magtatagal, sir. Gusto ko lang pong sabihin na gustong gusto ka na pong makita ni Ciel." sabi ko. Umukit ang kalungkutan sa kaniyang. Naroon ang alinlangan. "A-alam kong malaki ang galit sa akin ni Ciel dahil iniwan ko sila ng kaniyang ina dahil sa ibang babae." mapait siyang ngumiti. "Naiwan din ako ng kinakasama ko, kaya tinatanggap ko nalang ang kamalasan na dumadating sa buhay ko." Tumango ako. "Mag-impake na po kayo. Mamaya ay dadalhin ko po kayo sa Cavite para magkita na kayo ni Ciel. Alam kong hinding hindi magagalit si Ciel sa inyo. Nasaktan man siya, pero hindi niya magagawang magtanim ng sama ng loob sa inyo. Sobrang bait ang anak ninyo, sir. Hindi ko maipagkaila na isa 'yon sa mga dahilan kung bakit mahal ko siya." Yumuko siya. "Salamat... Dahil minahal mo ang anak ko... Salamat din kung... Hindi mo ako tinanggal bilang kapamilya niya." "Sa oras din na malaman ni Ciel kung saan kayo nakatira ngayon, alam kong malulungkot siya. Narito din ako para sabihin sa inyo na kung ayos lang ba kung... Sa amin na kayo titira, alam kong sobrang miss ka na niya, gusto ka niyang makasama. Para mabantayan din namin kayo lalo na't sa edad ninyong iyan." Umaawang ang bibig niya. Kita ko ang pagtulo ng kaniyang luha sa aking sinabi. Ilang pasasalamat pa ang narinig ko mula sa kaniya. I don't mind it. Ang importante ngayon ay makita ko ulit ang ngiti sa mga labi ni Ciel. Gusto kong maramdaman niya na kuntento na siya sa buhay. Na walang nawawala sa kaniya. "Rowan, huminahon ka... Magiging maayos din si Ciel sa loob." sabi ni mama habang naririto kami sa waiting area, kasalukuyang nasa delivery room ang asawa ko. "She can get it through..." Tahimik akong tumango. Sa totoo lang, kahit anong kalma na ginagawa ko, hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kulang nalang susugod na ako sa loob ng delivery room at sasamahan ko ang asawa ko sa panganganak niya. Natigil ang pag-iisip ko nang nagbukas ang pinto ng DR. Isang nurse ang lumabas. "Mr. Rowan Ho? Pinapatawag po kayo ng asawa ninyo." Agad akong tumayo. Nagmamadali akong pumunta sa loob ng silid. Pinasuot nila ako ng scrub, face mask at bouffat cap bago ako tuluyang nakalapit kay Ciel. "R-Rowan..." nanghihinang tawag sa akin ng misis ko nang nakita niyang tumabi na ako sa kaniya. Bago man ako sumagot ay agad kong hinawakan ang kaniyang kamay. Nang mahigpit. "You can do it, my heaven." namamaos kong sambit. Tumango siya. She looks motivated once I said those words. She inhale and exhale. "Malapit na po, Mrs. Ho." wika ng doktor na nagpapaanak sa kaniya. Until she giving birth for our first baby. Umalingawngaw sa buong silid ng malakas na iyak ng sanggol. Napapikit ng mariin si Ciel, isinandal ko ang noo ko sa kaniyang balikat. Pareho kaming napaluha. Lumuwag ang paghinga dahil sa wakas ay narinig ko na ang iyak ng anak ko. Hindi lang isa, tatlo sila! "Congratulations, Mr. And Mrs. Ho. You have healthy triplets. Two girls and one boy." the doctor announced. "May naisip na po kayong ipapangalan sa kanila?" Nagkatinginan kami ni Ciel. Pareho kaming napangiti sa isa't isa. Bumaling ako sa doktor. "Bran, Regina, Callie Ho." sagot ko. Ngumiti ang doktor at tumango. Habang inaayos nila ang triplets, masaya akong tumingin kay Ciel. Muli kong idinikit ang noo ko sa kaniya sentido. "Thank you for giving those angels, my heaven." "Thank you for being there, Rowan... Thank you dahil hindi ko ipinaramdaman sa akin na hindi ako nagkamali sa desisyon ko." naiiyak niyang sabi. No, my heaven. I should be the one who will thankful. Dahil ako ang pinili mo. Nagawa mo ding magsakripisyo sa kabila na gustuhin mo man paglingkuran ang Panginoon. Sorry I'm selfish sometimes, I just can't stand to be miserable. Tama na ang mahabang panahon na hindi ko alam kung saan kita matatagpuan. I pledge to be a good husband and a father of our family. Remain your companion and friend. I promise to be with you always, to take care for you and our children, and to love you no matter how far apart we may be. I will be with you in your heart, and keep you safely in mine. If you have carry the weight of the world on your shoulders, I'll be standing shoulder to shoulder with you. If God choose you to be his servant, well, I choose you to be my lover, forever, my heaven. Always remember that. You are my pleasure for my lifetime. - T H E E N D - __ A/N : Thank you for reading. See you in Series # 2 : Silent & Pride. - M a r r e s e

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD