Ilang beses na pinagmumura ni Rowan ang mga pinsan niya dahil sa pang-aasar sa kaniya habang kumakain ng tanghalian. Imbis na magalit ang mga ito sa kaniya ay mas lalo lumakas ang tawanan. May dala din palang mga pagkain ang mga ito galing pang Dasma. Ang iba sa kanila ay sila pa mismo ang nagluto dahil may-ari ng mga three-star restaurants dito sa Pilipinas, maski sa ibang bansa. Nagiging kilala ang mga pagkain nila.
"Heto, oh. Tubig." alok ko kay Rowan sabay abot ko sa kaniya ng baso.
Tinanggap niya iyon pero natigilan siya nang may napansin siya. Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Bakit may mga pasa ka sa braso? Saan mo nakuha 'yan?" seryoso niyang tanong, hindi na siya nakainom ng tubig dahil dito.
Napangiwi ako't agad kong binawi ang aking braso. Itatago ko pa sana ito ngunit tagumpay niya akong napigilan. "R-Rowan..."
"Answer me, Ciel. Where did you get that bruises?" mas matigas niyang turan.
"A-ano kasi..."
"Inaway kasi siya ng apat na babae, Rowan." si Sarette ang sumagot. "Ininsulto daw siya, mabuti nalang ay nakarating kami at napigilan namin ang gulo."
"Kilala mo ang may mga gawa nito sa kaniya?" tanong niya kay Kat. Ni hindi niya magawang bitawan ang kamay ko.
"Oo, kilalang kilala." seryosong tugon nito sa kaniya.
Bigla siyang tumayo. "Ipapakulong ko ang mga iyon." bakas na sa boses niya ang galit. "Walang sinumang mananakit sa iyo. Maski ako na mapapangasawa mo, hindi kita magawang saktan, Ciel."
What? Kulong agad?! "R-Rowan..."
Binitawan niya ako at may kinuha siya sa kaniyang cellphone sa gilid. May tinipa siya doon saka idinikit niya iyon sa kaniyang tainga. "Tita Naya, I need you help. May isasampa akong kaso. I think this case is oral defamation with slight physical injury or slander." tumigil siya saglit. "Yes, my fiancee got some bruises in her body, even in her face."
"Oh... Patay." biglang sabi ni Laisa. Bumaling ako sa kaniya. Tumingin din siya sa akin. "You know, pupwedeng makulong ang mga babaeng sumira ng puri mo, Ciel. Six months, I think."
Umaawang ang bibig ko.
"No one can mess up with this family, Ciel. Dahil ikaw ang fiancee at tinuturing ni Rowan na kaniyang prinsesa, malalagot talaga ang gagalaw sa iyo." dagdag pa ni Vesna. "Kaya huwag na huwag kang magtataka kung bakit galit na galit siya. Paniguradong hahuntingin niya ang mga babaeng iyon pagkauwi."
-
Hindi nga nagkamali ang mga pinsan ni Rowan. Totoo nga ang babala na sinabi nila sa akin. Kaya pagkauwi ay talagang hinahanap niya ang mga babaeng nakaengkuwentro namin kanina. Hindi siya nagdalawang-isip na ipadampot ang mga ito sa mga pulis. Ilang beses na nga tumatanggi ang mga ito pero malakas ang laban ng side namin dahil maraming nakakita at nakarinig. Isama mo pa na puro mga Hochengco ang nakasaksi sa g**o kanina.
"Si mama at papa na ang bahala sa kanila, cous." wika ni Adler nang lapitan niya kami. Mahina niang tinapik ang balikat ni Rowan.
Tahimik pa rin si Rowan. Mukhang hindi pa siya kuntento na ipapakulong niya ang mga babae kanina. Mukhang galit pa siya dahil sa nangyari.
Kaya pagdating sa bahay ay agad ko siyang kinausap. Sa kuwarto ko siya dumiretso. Sumunod ako sa kaniya. Nagsabi naman ang mga pinsan na kaya na nila at huwag ko daw muna sila itinidhin. Sina Kat na ang nagsikaso sa kanila.
"Rowan?" malumanay kong tawag sa kaniya pagkatapak ko sa aking kuwarto.
Nakatalikod siya sa akin at nakapameywang habang nakaharap siya sa bintana. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Humakbang pa ako palapit sa kaniya. Sinubukan ko siyang yakapin mula sa likod. Pinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang bewang. Nang humawak siya sa aking mga kamay ay doon ako napangiti, naramdaman ko kasi na hindi siya galit sa akin. "Ayokong nasasaktan ka, Ciel." pahayag niya. Nakukuha ko na, kapag seryoso siya talaga, matatawag niya ako sa pangalan ko mismo. Hindi sa karaniwan na tawag niya sa akin.
"Okay pa naman ako, Rowan." sabi ko pa sa kaniya. "Gagaling din naman ang mga natamo kong pasa, eh."
Humarap siya sa akin. Ikinulong niya ang aking mukha. Nagtama ang mga mata namin. "Papaano kapag buntis ka na, Ciel? Paaano kapag napahamak ka tapos wala ako dahil nasa trabaho pa ako? Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari sa iyong masama."
Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. "Hindi mangyayari iyon, Rowan. Sinigurado ko 'yan." malambing kong sambit.
Siya naman ang bumuntong-hininga. Marahan niya akong niyakap. Pumikit ako't dinampian niya ako ng halik sa aking buhok. "Please, be careful next time, my heaven."
"I will."
-
Araw ng pyesta. Sobrang abala ang mga tao dito. Kahit ako. Nawiwindang ang pamilya ko, lalo na si mama dahil ang mga handa namin ay akala mo nasa restuarant. Ang magpipinsan ang nagluluto ng mga handa. Ang buong akala tuloy ng mga kamag-anakan at mga bisita namin, ay namali sila ng pinuntahan. Parang hindi handaan ang pinuntahan nila, eh.
"Ang sarap naman nito, Ciel!" bulalas ng isa sa mga tiyahin ko pagkatapos niyang matikam ang california maki—si Zvonimir ang gumawa niyan dahil namana niya ang pagluluto na ito sa kaniyang ama na nangangalang Vladimir Ho.
"Heto rin, Ciel!" wika naman ng isa sa mga pinsan ko na tinutukoy niya ang roasted beef na gawa ni Sarette.
"Sino ang nagluto ng mga ito, Ciel?" tanong ng isa pa.
Hilaw akong ngumiti. Sasagot sana ako pero naunahan ako ni mama.
"Naku, ang pangangasawa ni Ciel pati ang mga pinsan niya ang nagluto niya!" bulalas niya. Nagkatinginan kaming dalawa. Sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ni mama. Ramdam ko ang pagmamalaki niya sa sinabi niyang iyon. I'm a lil bit surprised. Hindi ko kasi inaasahan 'yon.
"Grabe, parang lutong-restuarant itong mga handa ninyo, Lupe!" puna pa ng isa. Bumaling ito sa akin. "Ang swerte mo naman, Ciel."
"S-salamat po..." nahihiya kong saad. Napatingin ako sa pintuan ng bahay. Lumabas mula doon si Rowan at talagang tinanggap niya ang toque (sumbrero ng mga chef).
Lumapit siya sa direksyon namin. Marahan siyang yumakap sa akin saka hinalikan ako sa sentido. "Nasa kusina lang ako kanina pero namimiss na kita." masuyo niyang bulong sa akin na dahilan para uminit ang magkabilang pisngi ko.
"Rowan naman," mahinang suway ko sa kaniya.
Ngiti lang ang naging sagot niya.
"Ang guwapo pala nitong mapapangasawa mo, Ciel!" wika ni tita sa gilid.
"Aba, syempre! Maganda naman ako kaya bagay silang dalawa nito ni Rowan." pagmamalaking wika ni mama sa kanila.
Tinawanan lang namin ang kaniyang inasta.
"Kailan ninyo pala magpapakasal kung ganoon? Ang akala ko talaga walang balak lumabas ng kumbento at mag-asawa itong si Ciel. Akala ko paninindigan talaga niya ang pagmamadre." dagdag pa niya.
"Nainlove po kasi ako, tita." pinipigilan kong kiligin pero bakit bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salita na iyon! Diyos ko, nakakahiya. Narinig pa mismo ni Rowan ang mga bagay na 'yon. Sumulyap ako sa kaniya at tama nga ang hinala ko. Ngumisi siya nang nakakaloko!
-
Sumapit na ang gabi. Tapos na din ako sa pagligpit ng mga gamit. Medyo napagod ako sa pag-aasikaso sa mga bisita kanina. Medyo nagtataka lang ako kung bakit umalis itong si Rowan, kasama ang mga pinsan niya. Ang paalam niya sa akin, may pupuntahan lang daw siya sa bayan. Eh di pinayagan ko naman pero hindi ko naman na medyo matatagalan pa yata sila.
Nagsusuklay ako ng buhok ngayon habang nakaupo ako sa gilid ng kama. Kakatapos ko lang din maligo at magbihis. Ang tanging gagawin ko nalang ay matutulog na pero gusto ko ding hintayin si Rowan hanggang sa kaniyang pagdating.
"Ciel?" boses ni Kat ang nasa labas ng kuwarto ko. "Papasok ako, ha?" tagumpay niyang binuksan ang pinto ng aking kuwarto. Tulad ko, ay kakatapos lang din niya maligo. Bakit malapad ang ngiti ng isang ito? Daig mo pang nanalo ng isang milyon.
"Bakit, Kat?" malumanay kong tanong sa kaniya.
Umupo siya sa akin tabi. Mas lalo ako nagtataka kung bakit bigla niyang pinulupot ang mga braso niya sa braso ko. She leaned her head on my shoulder. "Ngayon ko lang narealize na masaya ka pala maging kapatid. Kasi, wala man lang tayo masyadong memories noon kasi dia, papasok ka na ng kumbento noon." pinaglalaruan niya ang aking mga daliri. "Tapos, ikakasal ka na pala... Hindi man lang ako naging kapatid sa iyo nang matagal. I mean, magiging memory ko lang sa iyo noong ipinagtanggol lang kita sa mga malalandot na 'yon."
Hindi ko mapigilang mapangiti. "Kapatid pa rin naman kita kahit kasal na ako kay Rowan, Kat."
"Pero kahit ganoon, gusto ko isa din ako sa mga taong hindi mo makakalimutan, Ciel."
Nagkatinginan kaming dalawa. Bahagyang kumunot ang noo ko. "B-bakit naman?" nagtataka kong tanong.
Mas lalo lumapad ang ngiti niya. Hindi na niya ako magawang sagutin dahil may naririnig akong musika ng gitara sa labas ng bahay. Dahil may balkonahe ang kuwarto ko, hindi ko mapigilang lumabas. Dumapo ang mga palad ko sa railings. Napasinghap ko nang tumambad sa akin si Rowan na nasa ibaba, kasama ang mga pinsan niya na ang iba sa kanila ay may hawak na instrumento. Napasapo ako sa aking bibig dahil nakatingala ang lalaking pinakamamahal ko sa akin na may hawak na bouquet! Kaya pala! Heto pala ang dahilan kung bakit nagpaalam siya na aalis at pupunta ng bayan!
"Bakit kapag tumitingin ka, natutunaw ako
Bakit kapag lumalapit ka, kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka, sumasaya ang araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang g**o"
"Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita, nauutal-utal sa iyo
Bakit kapag nandito ka, nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko"
Tumabi sa akin si Kat at nagpangalumbaba. Halata sa mukha niya na kilig na kilig sa eksena na ito. Kahit ako din naman, parang tatalon ang puso ko sa pakulo ni Rowan! Nakakatawa lang dahil nagsasayaw kuno sina Adler, Nilus, Vander, at Ruslan. Sila ang second voices. Nakakatuwa silang tingnan!
"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo ay nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napaibig ako..."
Napasapo na ako sa aking bibig. Hindi na kami nina Kat ang narito ang balkonahe. Maski sina mama, tito Ricardo, Luke pati ang ibang kamag-anakan namin ay narito na! Pati na din ang mga kapitbahay ay nakikiusuyo na sa kaganapan dito. Ang iba pa sa kanila ay napapatili nang wala sa oras daig mong concert ang narito! Pakiramdam ko, nakikiliti ang puso ko!
"Bakit kapag kasama kita, ang mundo ko'y nag-iiba
Bakit kapag kapiling kita, ang puso ko'y sumisigla
Bakit kapag nandito ka, problema ko'y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at tanging ligaya..."
"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo ay nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napaibig ako..."
Biglang umalis si Rowan sa kaniyang kinakatayuan. Ang mga pinsan na niya ang nagpatuloy ng kanta. Ang mas lalo ako nagulat nang bigla siyang umakyat ng puno. Inipit niya sa pagitan ng kaniyang leeg at panga ang bouquet hanggang sa nakatuntong na siya dito sa balkonahe!
Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harap ko sabay angat niya ang bouquet sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Para sa aking reyna." nakangiting sambit niya.
Hindi mabura ang ngiti sa aking labi. Tinanggap ko ang bouquet. "Nakakaloka ka, nagulat ako sa mga paandar mo, Mr. Ho."
"I just want to you to be surprised, alam kong pagod ka kanina pa." hindi nawawala ang lambing sa kaniyang boses. Tumayo na siya't niyakap na niya ako. "I can't wait to be your husband so bad, Ciel. I can't wait to share my surname with you and be a mother of my child. Ayoko nang mawalay sa iyo."
"Ako din naman, Rowan." malumanay kong wika. Kumalas na ako mula sa pagkayakap niya. Ikinulong ng mga palad ko ang kaniyang mukha. Pareho kaming nakangiti. "At tama na ang pagpapaalila mo dito. Nangangayayat ka na kahit ilang araw ka palang nagtatrabaho sa bukid. Ayokong magkasakit ka. Mahal na mahal kita."
"Damn it, you don't know how I'm happy, Ciel." bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Wala siyang pakialam kahit sino pa ang makakita n'on! Kahit ang pamilya ko pa! Maski ako ay wala na ng magawa. Yumapos ako sa kaniyang batok.
Pero tumigil lang ang halikan na iyon dahil sa fireworks. Napasulyap kami doon na may ngiti sa aming mga labi.