Nanilbihan nga si Rowan sa amin. Ang akala ko pa ay tatanggi ang mga Hochengco dahil alam ko naman na hindi sanay sa hirap ang isang tulad niya dahil laki siya sa yaman. 'Yung tipong hindi makakapayag ang mga magulang niya na madumihan man lang ng alikabok ang katawan niya. Ni ayaw madapuan ng lamok. Nagkamali ako, mas natuwa pa nga ang pamilya niya dahil sa kagustuhan ni mama. Si tito Ricardo naman, tatanggi sana dahil nasa modernong panahon na kami, pero ayos lang daw sa mga Hochengco. Para sa kanila ay masa maganda pa nga daw 'yon para malaman din namin kung gaano kadeterminado si Rowan, na maganda nga ang intensyon niya sa akin. Sa ngayon ay kasama siya ni tito Ricardo sa bukid. Gusto ko nga matawa sa hitsura ni Rowan dahil hindi niya akalain na makakasakay siya sa karitela at ang kalabaw ang magpapatakbo n'on. Alam kong first time niya iyon.
Hinawi ko ang kurtina sa papunta sa aming Kusina. Ang ibang kamag-anakan namin ay narito na para sa handaan. Naging usap-usapan na din na tungkol sa aming dalawa ni Rowan. Mayroon na natuwa dahil nakaalis ako ng kumbento, mayroon naman nagbigay ng mga negatibong pahayag dahil madre ako noon at ganito nalang ang kinkahihinatnan ko pero hindi ko nalang pinansin ang mga pambabato nila sa akin na masasamang bagay tungkol sa akin. Kilala ko ang sarili ko. Hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa aking isipan. Kung anong nararamdaman ko.
Nadatnan ko si mama na abala sa paglalagay ng mga pagkain sa basket. Kinagat ko ang aking labi at naglakas-loob akong lumapit sa kaniya.
"M-ma..." mahinang tawag ko sa kaniya.
"Hmm?" pero nanatili pa rin siyang abala sa paglalagay ng mga pagkain para ihatid kina tito Ricardo at Rowan.
Pinaglaruan ko ang mga kuko ko at ngumiwi. "P-puwede ko ba kayong... Makausap?" natatakot kong tanong sa kaniya.
Doon na niya ako pinagbigyan. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Bumaling siya sa akin. Isang seryosong mukha ang iginawad niya sa akin. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Sa bakuran tayo," maski ang sagot niya ay seryoso din.
Sumunod ako sa kaniya hanggang sa napadpad kami sa bakuran. Kaming dalawa lang ang narito. Mamaya pa kasi gagamitin ito para sa p******y mamaya ng mga baboy at mga manok. Tumigil kami sa paglalakad—binasa ko ang aking labi. Kahit na mabilis ang kabog ng aking dibdib dahil sa pinaghalong kaba at takot, sinisikap kong labanan iyon. Humarap si mama sa akin. Ang tanging mababasa ko lang sa kaniyang mga mata ang sakit at kaseryosohan.
"Anong gusto mong pag-usapan natin?" panimula niya.
Inilapat ko ang aking mga labi ng ilang segundo bago man ako nagsalita. "G-gusto ko po sanang humingi ng tawad sa inyo, 'ma. Kasi... Nadismaya ko kayo. Dahil... Hindi ako tuluyang naging madre tulad ng gusto ninyo." huminto ako ng ilang segundo. "Ma... Ngayon ko lang kasi narealize na... Mahal ko na si Rowan. G-gusto ko po kasi na... Mawala ang ang tampo ninyo sa akin bago man ako ikasal..."
Tumingala si mama at bumuga ng isang malalim na buntong-hininga. Parang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na maiyak. Bumaling siya sa akin. "May dahilan ako kung bakit nagpasya akong papasukin ka nalang sa kumbento at gawing madre, Ciel." kinagat niya ang kaniyang labi. Ginagawa niya ang lahat para hindi siya umiyak pero mukhang bigo pa siya dahil kusa nang kumawala ang isang butil ng luha at marahas 'yon umagos sa kaniyang pisngi. "Dahil ayokong maranasan mong umibig. Maliban nalang sa Panginoon."
Napaaamang ako. "M-ma..."
Inabot niya ang isang kamay ko. Marahan niya iyon hinaplos. Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Inaabangan ang mga susunod niyang sasabihin. "Nang iniwan tayo ng tatay mo, masakit. Sobrang sakit... Para akong papatayin ng mga oras na iyon." mariin siyang pumikit. "Kaya ang ginawa ko, ayokong maranasan mo ang ganoong sakit. Kung papaano masaktan. Kasi, kapag nakita kong ikaw naman ang masasaktan, hindi ko kaya, anak."
Hindi ko alam kung bakit tumulo ang luha at umaagos iyon sa aking pisngi. Gayunpaman, ramdam ko din kung bakit naninikip ang dibdib ko nang marinig ko ang dahilan kung bakit ginusto ni mama na pumasok ako sa kumbento ng mga panahon na iyon.
"Iniiwas lang kita sa sakit, Ciel." bahagya siyang ngumiti. "Pero nang nakilala ko ang mapapangasawa mo, at mukhang gustong gusto ka nga niyang pakasalan, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Pinapanalangin ko na sana ay hinding hindi siya katulad ng iyong ama. Na hindi ka niya sasaktan. Na hindi ka niya magawang ipagpalit sa iba." hinaplos niya ang aking buhok. "Alam kong mali ang ginawa ko dahil naging maramot ako sa iyo. Pero ngayon, nakikita ko na pinaglalaban mo ang relasyon mo kay Rowan Ho."
"Kung masasaktan man niya ako, ma... Alam kong mahihilom din iyon. Malaki ang pananalig ko sa Panginoon, alam kong hinding hindi niya ako pababayaan. Alam kong babantayin pa rin niya ako. Ipapamulat niya sa akin ang tamang daan na tatahakin ko."
Tumango siya mama at pumikit. "Pasensya ka na, anak. Kung nagtampo man ako sa iyo. Sadyang mahal lang kita. Lahat gagawin ko, huwag ka lang masaktan."
Siya naman ang pag-iling ko. "Wala iyon, ma. Naiitindihan kita. Alam ko na ngayon kung bakit nagawa mo ang bagay na iyon." binigyan ko siya ng yakap. "Te amo, mama."
Ginantihan niya ako ng yakap. "Mahal na mahal din kita, anak." siya din ang kumalas mula sa pagkayakap. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha. "Ang mabuti pa, puntahan mo na ang mapapangasawa mo sa bukid. Ikaw na ang maghatid ng tanghalian para sa kanila."
Ngumiti na ako at tumango. "Sige po, 'ma."
_
Hindi lang ako ang mag-isa ang pumunta sa bukid. Kasama ko si Kat, nagpasama ako sa kaniya. Labing limang minuto ang ilalakad namin mula bahay hanggang sa bukod. Medyo nag-alala na nga ako dahil baka nahirapan na si Rowan sa palayan.
"Tumigil muna tayo, Ciel. Nauuhaw ako," wika ni Kat sa akin nang may namataan kaming malapit na sari-sari store.
"Oh sige, saglit lang tayo, ha? Baka magutom na sina tito Ricardo at Rowan doon." pahayag ko.
Tumango siya bilang pagsang-ayon niya sa akin. Humakbang pa kami palapit sa sari-sari store. Si Kat ang bumili, habang ako ay nasa isang gilid, naghihibtay lang sa kaniya. Napansin ko na may tatlong babae na nakatambay din dito. Medyo naasiwa ako sa kaniyang pananamit. Halos kita na ang kaluluwa ng iba sa kanila, ang iba naman ay sobra naman magsuot ng suots.
"Ang swerte-swerte ni Ciel, ano? Akalain mo 'yon? Nakabingwit ng isang mayaman at guwapong lalaki na taga-syudad." rinig ng babae, hindi ko alam pero parang sinadya talagang lakasan ang boses niya para marinig ko ito.
Biglang tumawa ang isa, talagang pinilantik pa niya ang kaniyang daliri habang nakikipag-usap siya sa mga kasama nito. "Ano ka ba naman, syempre, nilandi niya lang 'yon! Kungwari kabait-bait pero nasa loob ang kulo. Pamadre-madre pang nalalaman!"
"Oo nga, hindi yata nakatiis sa loob ng kumbento. Syempre, wala siyang malalandi sa loob!" dagdag pa ng isa pa nilang kasamahan.
Nagtawanan nila habang nag-aapiran pa. Kahit masakit ang mga pinagsasabi nila para sa akin ay hindi ko iyon pinansin. Kungwari ay hindi ko sila naririnig.
"Aba't sino ka para pagsalitaan mo ng ganyan ang kapatid ko, ha?!" biglang rinig ko na sigaw ni Kat. Nang ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya ay namilog ang mga mata ko dahil nadatnan ko ay sinugod niya ang mga babaeng nang-insulto sa akin. "Atleast, kapatid ko ang nilalapitan! Hindi katulad ninyo na kayo pa ang lumalandi para mapansin! Mas makakati kayo!" pinagsasabunutan niya ang isa.
"Kat!" malakas kong tawag sa kaniya. Ipinatong ko muna ang basket sa gilid para hindi ito masira. Aligaga akong lumapit sa kinaroroonan ni Kat para umawat pero hindi ko akalain na pati ako ay nasubunutan ng isa. Napadaing ako dahil sa sakit. Never ko naranasan ito!
"Bawiin mo ang sinasabi mo sa kapatid kong gaga ka!" sigaw ni Kat habang pinagsasampal niya ang kaniyang kaaway.
"Bakit ko naman babawiin eh pareho lang naman kayong mga malalandi!" ganting-bulyaw nito sa kaniya.
"Oh my god, kuya Ruslan! Si Ciel!" bigla kong narinig ang boses ni Gayla sa kung saan man.
"River, Nilus, Zvonimir! Save her! Faster!" sunod ko naman narinig ang boses ni Sarette.
Medyo humupa ang g**o, ang mga pinsan at mga kapatid ni Rowan ay narito! Nagawang umawat ang magpipinsan nalalaki habang ang magpipinsan na babae ay inaasikaso ako pati ang kapatid kong si Kat.
"Anong nangyayari, Ciel?" hindi makapaniwalang tanong ni Sarette sa akin. May diin ang mga salita na binitawan niya. "And who are those bitches?" sabay turo niya sa mga babaeng nakaengkwentro namin.
"Ayan! Sila ang nag-umpisa! Kung anu-ano pinagsasabi nila sa kapatid ko!" si Kat ang sumagot. "Makakalbo ko talaga ang mga negra na iyan, eh!" hindi pa rin nawawala ang panggagalaiti niya. "Inggit lang kayo dahil papakasalan ang kapatid ko! Kaimbyerna kayo!"
"Kat, tama na." malumanay kong pag-awat sa kaniya.
"And look, you got some bruises!" bulalas ni Verity. Napatampal siya sa kaniyang noo. "Paniguradong magagalit si Rowan ahia nito!" tinapunan niya ng matalim na tingin ang apat na babae. "Lakas ninyo maka-insecure, ha! Ipakulong ninyo ang mga iyan! May kaso ang paninira ng puri, akala ninyo!"
May mga ilang residente na lumapit at tumulong para dalhin ang mga babae sa kung saan man. Teka, ang basket nga pala! Kailangan ko nang makapunta sa bukid! Akmang aalis na sana ako nang bigla akong hinawakan ni Sarette sa braso. "Where are you going, Ciel? Ipapagamot muna natin ang mga sugat mo."
Napangiwi ako. "Anong oras na, baka malipasan na sa gutom si Rowan sa bukid." nag-aalalang tugon ko.
Unti-unti sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Parang may narinig siyang maganda mula sa sinabi ko. "Samahan ka na namin. Kaya kami narito para bisitahin kayo ni Rowan." bumaling siya sa kaniyang kapatid. "River, puntahan natin si Rowan sa bukid."
_
Mas napadali ang pagpunta namin sa bukid sa tulong ng saskayan ni River. May dala ding mga sasakyan ang iba pa nilang pinsan, nakaconvoy lang sila sa amin. Kusa nalang itong tumigil kung saan tanaw namin si Rowan na abala sa pagtatanim ng palay. Agad akong lumabas mula sasakyan. Nakasunod lang sa akin si Kat. Pati na rin ang magpipinsan ay nakasunod na sa akin.
Hanggang sa tumigil ako sa lilim ng puno. Itinabi ko sa may puno ang dala kong basket. Humakbang pa ako ng kaunti saka idinikit ko ang mga palad ko sa magkabilang kong pisngi. "Rowan!" sigaw ko sa kaniya.
Tumigil siya't tumingin sa aking direksyon. Isang malapad at matamis na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Kumaway pa ako sa kaniya. Inangat niya ang kaniyang kamay. Tinapos niya muna ang kaniyang ginagawa bago man siya lumapit sa kinaroroonan namin. Kasama na niya si tito Ricardo papunta dito. Pero mukhang natigilan si Rowan at umiba nag ekspresyon ng kaniyang mukha. Kumunot ang kaniyang noo.
"Tang ina, si Rowan Ho? Nagbibilad sa arawan at nagsasaka? Bwahahahaha!" malakas na sabi ni Nilus. Hindi lang siya, maski ang mga magpipinsang lalaki ay humagalpak ng tawa.
"Kwento sa akin ni River, nalasing ka daw ng sobra sa mamanhikan!" utas ni Adler. "Akala ko ba, matibay ang atay mo? Bakit sa tuba lang, tumba ka na? Nyahahahahaha!"
"The dominant CEO turns into a poor farmer! Shet!" panggagatong pa ni Aldrie na sapo-sapo pa sa kaniyang tyan sa kakatawan.
"Anong ginagawa ninyo dito, ha?!" bulyaw ni Rowan sa kanila.
"They miss you, Rowan." natatawang tugon ni Sarette. "Sorry, naikwento namin ni River kung anong naganap noong mamanhikan."
"Miss nila ako? Eh inuulanan nila ako ng kantyaw?!" iritadong pahayag niya sa kaniyang kakambal. "Bumalik na kayo sa Dasma! Tss."
"Na-ah. Nagpaalam na kami kina mama at papa. Kahit sina angkong at ahma, pumayag na dito muna kami. Actually, sinabihan nila kami na tutulong daw kami sa paghahanda."
"Yeah! And we're excited!" bulalas ni Laisa saka nakipag-apiran siya kina Gayla at Verity.
Mukhang walang magawa si Rowan. Imbis ay napahilamos siya sa kaniyang mukha. Suko na yata siya sa kakulitan ng mga pinsan niya.