Chapter 3

1349 Words
Nagwala agad sa pag iiyak si Fia ng ideklara ng doctor na wala na si Snow white. Sa nadinig ng kanyang Ina ay bigla itong nabuwal at nawalan ng Malay-tao. Mabuti nalang at alerto ang asawa niya kaya agad siya nitong nasalo. Hindi rin napigilan ng mga kaibigan niya ang maiyak. Hindi nila inaasahan na masasaksihan pa nila ang pagkamatay ni Snow white. "Paano nangyari 'to? Bakit naman namatay siya bigla?" Sigaw ni Fia. "Hindi ko alam. Ang sabi ng doctor bumigay na daw kusa ang katawan niya," turan ng ama niyang si Florencio. Nanggigigil sa galit si Fia. Hindi siya makapaniwalang wala na ang kaisa-isa niyang kapatid. Kahit alam niyang hindi niya ito tunay na kapatid ay minahal niya ito ng lubos. "Hindi. Sabihin mo tay, na hindi ito totoo! Buhay pa siya!" Sambit pa niya. "Kumalma ka, Fia," sambit ni Letizia sa kaibigan niya. Lumapit si Maria Shawn sa kanya at niyakap niya ang kaibigan niyang humahagulgol. Awang awa siya sa kaibigan niya na ngayon lang niya nakitang umiyak ng gano'ng kagrabe. Si Fia ang nag ayos sa bahay nila ng pagbuburulan ni Snow white. Tinulungan siya ng kanyang mga kaibigan. Hindi kasi makagalaw ang tatay niya dahil inaalagan nito ang nanghihina niyang Ina na hanggang ngayon eh, hindi tumitigil sa pag iyak. Maayos na ang lahat ng tanghaling 'yun at tanging bangkay nalang ni Snow white ang hinihintay ng bigla namang tumawag sa kanya ang may ari ng puneralya. "Hello?" Sagot niya sa kabilang linya. "Madam, nawawala po ang bangkay ng kapatid niyo." Nanlaki agad ang mata ni Fia sa kanyang nadinig. "Ano po? Paki-ulit?" Pinaulit pa niya ang sinabi nito at nagbabakasali na baka nagkamali lang siya ng dinig. "Nawawala po ang bangkay ni Snow white dito sa morgue," sabi ulit sa kanya. "Ano ba naman niyan?! Ano bang klaseng puneralya kayo! Saan napunta ang bangkay ng kapatid ko?!" Nagsisigaw na siya sa kanyang telepono kaya napatingin bigla ang mga kaibigan niya sa kanya. "Hindi po namin alam. Hinanap na po namin mabuti pero wala na po eh. Pakiramdam namin nalooban kami. Ninakaw po ata ang bangkay ng kapatid n'yo." Sa galit ay binabaan niya ng telepono ang may ari ng puneralya. Napaupo nalang sa sahig si Fia. "Ano ba namang kamasalan ito! Kaawawa naman ang kapatid ko. Patay na nga, ninakaw pa." Sambit niya na kinabigla ng lahat. "Ano?! Ninakaw ang bangkay ni Snow white?!" Gulat na tanong ni Maria Shawn. "Oo daw. Hinanap na daw nilang mabuti pero, wala na daw talaga!" Napapailing at halos maluha na naman si Fia. Napaisip na naman tuloy siya. Alam niyang maganda ang kapatid niya kaya baka may mga halang ang sikmura na kumuha sa kapatid niya at pagsamantalahan ito. Hindi na siya nanahimik pa. Umaksyon na agad siya. Umalis sila ng mga kaibigan niya at agad na tumungo sa puneralya. Nag aagaw na ang liwanag at dilim ng makauwi sila Fia sa bahay nila. Bigo sila sa paghahanap sa bangkay ng kapatid niya. Maluha luha ang Ina niya ng mabalitaang walang Snow white silang nakita. "Jusko! Kahit manlang sa pagburol sa kanya hindi manlang natin nagawa. Kaawa awa naman ang sinapit ng anak ko..."nag umpisa na namang humagulgol ang ina ni Fia. Lahat ng taong nag aabang kay snow white ay nalungkot. Napapatulala nalang si Fia. Pakiramdam niya ay ano mang oras ay bibigay na siya. Sobrang hirap ng nararamdaman niya ngayon. Sa mahigit labing pitong taon na nakasama niya si Snow white ay marami silang magagandang alala na pinagsamahan. Bawat araw na magkasama sila sa kwarto nila ay hindi sila nawawalan ng tawanan at saya. Ngayong wala na si Snow white ay pakiramdam niya ay parang nawala ang kulay ng kanyang buhay. Hindi na niya kinaya ang sakit na nararamdaman niya kaya't nagsisigaw na siya. "Snow white, bumalik ka na dito parang awa mo na!" Nilapitan siya nina Marianne at niyakap siya. "Hindi ko kayang wala ka sa buhay namin. Huwag mong gawin ito saamin. Bumalik ka na!" Halos ibuhos na ni Fia ang lahat ng sakit niyang nararamdam. Sumabog na at hindi na kinaya ni Fia ang kanyang sarili. "Fia, tahan na..." Pakalma ni Janisa. "Fia, kumalma ka. Ayokong nakikitang ganyan ka..." Wika ni Maria shawn na maluha-luha din. Nang makita ni Marianne na mabubuwal at mawawalan ng malay si Fia ay agad niya itong inalalayan. Sa pagod at hirap ng nararamdaman ni Fia ay hindi na niya kinaya. Nawalan na nga ito ng malay-tao. "Fia!" Nakahiga sa kama si Fia ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Niluwa nun si Snow white kaya naman lubos ang kasiyahan niya ng makita niya ang kanyang kapatid. "S-snow white?!" Sa gulat ay napatayo siya sa pagkakahiga. "Mabuti naman at umuwi ka na. Pinag alala mo kami. Kala ko hindi ka na babalik. Huwag mo ng gagawin ulit yan. Huwag muna kaming iiwan ulit..." Hindi nagsasalita si Snow white. Seryoso itong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Huwag na kayong mag alala. Ayos na ako sa kinaroroonan ko. Tumahan kana sa pag iyak. Basta alagaan mo ang sarili mo at pati narin sina Nanay at tatay...ikaw na bahala sa kanya. Mahal na mahal ko kayo." Kumalas sa pagkakayakap si Fia. "Bakit? Saan ka pupunta? Aalis ka na naman ba?" "Oo, kailangan ko ng umalis dahil may mga bagay pa akong gagawin. Gagawan ko ng katarungan ang ginawa nila saakin. Pagbabayarin ko sila." "Sino?Sino ba ang mga hayop nayun? Sabihin mo?" Hindi na sumagot si Snow white. Tumayo na ito at dahan-dahan ng naglakad papalabas ng kwarto niya. "Snow white!!??" Pagmulat ng mata ni Fia ay mukha ng mga kaibigan niya ang agad niyang nakita. "Finally! Tinakot mo kami, Fia," nag aalalang wika ni Maria shawn. Nasa kwarto sila ngayon nina Fia at Snow white. Kalmado si Fia nang magising siya. Naalala niya ang kanyang panaginip. Ang mga mensahe ni Snow white sa panaginip niya ang nagpaaliwalas sa dinadamdam niya. Pakiramdam niya ay totoong pinararating ni Snow white ang mga mensahing 'yun para kumalma na siya. "Ito ang tubig. Uminom ka muna, girl." Inabutan ni Janisa ng tubig si Fia na agad naman din nitong ininom. "Guys, thank you sainyong lahat. Kung wala kayo sa tabi ko, siguro nabaliw na ako." "Your welcome, Fia. Basta ipangako mong lalakasan mo ang loob mo," saad ni Maria shawn. "Saka kahit ano mang mangyari, andito lang kami palagi sa tabi mo at hinding hindi ka namin iiwanan." -Letizia "At kung kailangan mo ng makakausap, tawagan mo lang kami at dadating kaagad kami sa tabi mo. Love na love ka namin, Fia." -Marianne. "Salamat dahil nakakita ako ng mga tunay na kaibigan. I love you guys. Hug me please!" Ngumiti silang lahat at niyakap nila si Fia. "Ipinapangako kong bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo. Magbabayad sila!" Wika ni Fia sa isip niya habang yakap yakap siya ng mga kaibigan niya. Tulala at hindi makapaniwala si Sydney sa nabalitaan niya. "Patay na talaga siya?" Tanong ulit ni Sydney. "Totoo. Patay na nga si Snow white. At balita ko pa eh, nawawala pa ang bangkay niya," saad ni Vhangz habang hawak hawak niyang ang basong may laman na wine. "Hahaha! Galing. Goodbye, Snow white! Hahaha! Tapos na ang pagiging prinsesa mo sa mundo ng fantasy hahaha!" Hindi maitago ang saya nia Blaire sa balitang natanggap niya. Sa wakas ay nawalan nadin siya ng tinik. Nawala nadin ang babaeng kaagaw niya kay Carter. Alam niya kasing si Snow white ang totoong gusto nito kaya naman ganon ganun nalang ang sura niya kay Snow white. "So, what now? Party party na ba?" Nangising tanong ni Mary Shantal. "Yes! Sagot ko na ang foods!" Masayang turan ni Khaine. Natahimik silang lahat ng sa ginta ng pagsasaya nila ay biglang nalaglag ang frame ng lirtato nilang magkakasama. Agad na pinulot ni Jonna ang frame at nakitang nabasag 'yun. Nakaramdam ng takot si Jonna. Pamahiin kasi sa kanilang pamilya na kapag nalaglag ang litrato at nabasag ang salamin nun ay pangit ang pangitain nun. "Guys, hindi magandang pangitain 'to!" Nakangiwing saad ni Jonna. "Ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Blaire. "Masama. Isa itong babala!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD