Chapter 2

1315 Words
Present year… Nag alala at nagkukumarat sa pagtakbo si Fia habang pauwi sa bahay nila. "Nay, wala po sa school si Snow white. Hindi po siya pumasok," bungad na balita ni Fia pag pasok niya sa loob ng bahay nila. "Ano?! Eh, saan kaya pumunta 'yun? Alam mo anak, nitong mga nakaraang buwan, napapansin kong malungkot ang batang 'yan. Minsan pa nga may mga sira ang mga uniform niya at may mga sugat siya sa balat niya. Hindi kaya nakikipag away ang batang yan sa school n'yo?" Napaisip si Fia sa sinabi ng Nanay niya. Nababalitaan kasi niya na minsan may mga kaklase si Snow white na pinagtitripan ito. Saka minsan nakikita din niya na umiiyak ito at nag iisa sa park habang uwian na. Ramdam ni Fia na may ibang nangyayari kay Snow white. "Wala naman siguro. Saka mabait po si Snow white. Hinding hindi makikipag away yun." 'yun nalang ang sinagot niya. Ayaw niya kasing mag aalala ng lubos ang Nanay niya at may sakit ito sa puso. Baka kung ano pa ang mangyari. "Sabagay. Mabait at masipag ang batang 'yun. Pero, nag aalala ako. Saan kaya nagpunta yun?" Natigil nalang sa pag uusap ang mag-ina ng biglang pumasok si Florencio na buhat-buhat ang duguan at walang malay-tao na si Snow white. "Jusko! Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Candelaria. "My god! Ano pong nangyari sa kanya?" -Fia Binaba ni Florencio sa mahabang sofa si Snow white bago nag umpisang magsalita. "Papauwi na ako sa bahay ng biglang may Van na huminto sa harap ng bahay natin at may bumaba doong dalawang babaeng may itim na takip sa mukha at binaba nila si Snow white na walang malay. Hahabulin ko sana sila kaya lang hindi ko naabutan dahil mabilis silang nakaalis." Nagkakanda-iyak si Florencio habang nagkukwento. Ganun din si Candelaria na nakayakap pa kay Snow White habang nakikinig sa kanyang asawa. "Mga walangya ang gumawa nito sa anak natin. Anong ginawa nila kay Snow white? Anong problema nila? Napakabait at masunuring bata niyan! Bakit sila ganyan! Hindi ko sila mapapatawad. Ipakukulong natin sila!" Galit na galit si Candelaria habang patuloy ito sa kanyang pag iiyak. "Aalamin ko ang nangyari sa kanya. Kinukutuban ako na ang mga gagang kaklase niya ang gumawa nito," sambit ni Fia. Hindi na siya makapag pigil. Sa nangyari ngayon ay hindi na makatarungan ang ginawa nila kay Snow white. Tumungo si Fia sa kanyang kuwarto. Agad niyang binalita sa mga kaibigan niya ang nangyari sa kapatid niya. Maya maya ay agad siyang tinawagan ni Letizia. Isa sa matalik niyang kaibigan. "Hello, Letizia?" Bungad niyang sabi sa kabilang linya. Nanginginig ang boses niya dahil naiiyak siya sa sobrang galit. "Sigurado akong sila Blaire na naman ang may pakana niyan. Mga hayop talaga ang mga b***h na'yun!" "Aalamin natin ang nangyari. Pag napatunayan kong sila ang may gawa nito kay Snow white ay hindi ko sila mapapatawad. Awang awa ako sa kapatid ko. Duguan at wala siyang malay, Letizia. Mga hayop sila!" Gigil na gigil si Fia na habang kausap niya sa telepono ang kaibigan niya ay napapasuntok pa siya sa kama niya. "Sige na. Gagalain ka nalang namin diyan mamaya. Kita nalang tayo mamaya at pag usapan natin ang plano natin kapag buo na tayo mamaya." "Okay. Salamat sainyo ah?" "Walang problema. Ikaw pa ba." Matapos ang pag uusap nila sa telepono ay tinawag na siya ni Candelaria. Pinahanda sa kanya ang mga damit at gamit na dadalin nila sa Hospital. Matapos ang pag gagayak ay dinala na nila sa hospital si Snow white. Madilim at tahimik habang naglalakad sa kagubatan si Snow white. Patuloy lang siya sa paglalakad. Hindi niya alam kung nasaan siya. Hindi din niya alam kung bakit siya nakarating doon. Habang patuloy siyang naglalakad ay isang boses ang bigla niyang nadinig. "Sige pa, matutunton mo din kami. Matagal ka na naming hinihintay. Pakawalan mo na kami..." Sa takot ni Snow white ay napahinto siya sa paglalakad. "S-sino 'yan?!" Nauutal pa niyang wika. "Ako si Ichabod. Isa sa mga magtatanggol sa'yo. Pakawalan mo na kami para magantihan na natin sila." Nanginginig sa takot si Snow white dahil sa salita ng nilalang na'yun na parang dimonyong may maliit na boses. Maya maya ay nakaaninag siya ng isang anino. Anino na para bang may nakatayong maliit ng tao sa likod ng puno. Lalapitan sana 'to ni Snow white ngunit nawala din 'to kaagad. Bagkus ay paglagpas niya sa malaking puno ay nagulat nalang siya ng makakita siya ng isang malaking bahay. "Tumuloy ka. Andito kaming lahat sa itim na aparador. Pakawalan mo na kami." Takot man ay tumuloy parin siya. Humakbang siya sa ilang palapag na hagdan. Nang makarating siya sa harap ng pinto ay kusa itong bumukas. "Halika, tumuloy ka sa'yong totoong tahanan." Malakas na hangin ang sumalubong kay Snow white pagpasok niya sa loob. Napayakap siya sa kanyang sarili dahil biglang nagtaasan ang kanyang mga balahibo. Kabigla-bigla ng biglang bumukas ang ilaw sa loob ng bahay. Nanlaki ang mata niya ng makakita siya ng isang malaking puno ng apple sa loob ng bahay. Marami itong bunga at napakapupula ng mga apple na tila ba kay sarap sarap kagatin. Naglakad siya palapit sa puno. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na pumitas ng isang bunga. Kinagat niya ang apple at nasarapan siya doon. Habang sarap na sarap siya sa pagkain no'n ay bigla nalang siyang nagulat ng may lumitaw sa tabi ng puno ng apple na isang maliit na nilalang na nakakatakot ang itsura. Tila ito duwende na may halong halimaw ang pagmumukha. Sisigaw na sana si Snow white ng biglang namang mamlabo ang kanyang paningin. "Ako si Ichabod." Isa sa magiging alaga mo. Tandaan mo ang lahat ng 'to at balang araw ay babalik ka dito...Matapos niyang madinig ang sinabi ng nilalang na'yun ay natuluyan ng siyang mawalan ng malay. Nagising si Snow white na hawak ang kamay niya ng nanay Candelaria niya. Tulog ito. Biglang nakaramdam ng sakit sa buong katawan si Snow white. Nakita niya ang kanyang mga braso na puno ng sugat. Naalala niya tuloy ang mga nangyari sa kanya. Naiyak bigla si Snow white. Namuo bigla ang galit sa puso niya. Tandang tanda niya kung paano siya pagtripan ng anim na babaeng 'yun. Hindi niya malilimutan ang brutal na ginawa nito sa kanya. Maya maya ay nagulat si Snow white ng bumukas ang pinto ng kwarto niya sa hospital na'yun. Nanlaki ang mata niya ng makita niyang pumasok doon ang anim na babaeng tumarantado sa kanya. Nakangisi ang mga ito habang may dala-dalang isang supot ng apple. Hindi sila nagsalita. Iniwan lang nila ang isang supot ng apple sa tabi ni Snow white at nagsilayas din kaagad. "Mga hayop! Ang lalakas ng loob ng dalawin pa ako. Kakapal ng mukha!" Sambit ni Snow white sa isip niya. Hindi kasi siya makapag salita dahil nanginginig ang buong laman niya sa galit sa anim na babaeng 'yun. Nag aabang na sa labas ng hospital si Fia. Hinihinntay niya kasi ang pagdating ng kanyang mga kaibigan. Maya maya pa ay dumating na ang mga ito at nagsibabaan sa isang van. Sinalubong si Fia ng ngiti ni Letizia. "Anong balita kay Snow white?" Tanong agad ni Janisa. "Oo nga. Anong balita? Nakakalungkot ang nangyari sa kanya," wika naman ni Marianne. "Mga walang puso ang gumawa no'n sa kapatid mo. Ang ba-bad nila!" Sambit ni Maria Shawn. "Doon na tayo mag usap-usap sa kwarto ni Snow white. Ayokong magkuwento ng ganito. Baka maingayan ang mga tao saatin dito sa loob ng hospital." Nagmadali silang naglakad patungo sa kwarto ni Snow white. Pagdating sa harap ng kwarto nito ay agad na silang pumasok do'n. Pag pasok nila sa loob ay nagulat nalang silang lahat ng makita nilang nangingisay at bumubula ang bibig ni Snow white. Kasabay nun ay nalaglag ang hawak nitong apple na kinagatan niya. Namuo ang sigaw ni Fia sa loob ng kwartong 'yun. "Snow white!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD