Chapter 4

1392 Words
Masakit ang ulo ni Benjie ng umuwi siya sa bahay niya. Sa sala ay nakita niya ang lasing niyang anak na si Blaire. "D-dad!?" Nagulat siya ng tawagin siya ng anak niyang lungayngay sa alak. "Bakit ka naman naglalasing? May problema ba?" Tumayo si Blaire at madapa dapa ito sa paglalakad kaya naman agad siyang inalalayan ng ama niya. "Wala naman po. Im happy lang dahil wala na siya. Thank you daddy. I love you so much..." Nakuhang mangiti ni Benjie kahit pagod ito sa trabaho. Yun ang gusto niya. Ang makitang masaya ang anak niya. Kahit ano ang hilingin nito ay sinusunod niya. Kahit ano, pagtatakpan niya maligtas lang ang anak niya sa kapamahakan. "Alam mo namang kahit ano gagawin ko para sa'yo. Wala na ang mommy mo, kaya ako nalang ang magmamahal sa'yo." Inalalayan ni Bejie ang anak niya papunta sa kuwarto nito. Nag paalam kasi si Blaire na matutulog na ito. Pag pasok sa loob ng kwarto nito ay agad niya itong inihiga sa kama niya. Tulog na agad si Blaire dala ng kalasingan nito. Kinumutan niya ang anak niya at matapos nun ay lumabas nadin siya sa kwarto nito. Nadinig ni Benjie na may nagdoorbell sa bahay nila kaya imbis na sa kwarto siya tumuloy ay sa gate ng bahay nila muna siya tumungo. Pagbukas niya ng gate ay walang tao siyang nakita. Lumabas pa siya at sinilip ang kaliwa't kanan pero wala talaga siyang nakitang kung sino man. Napapailing nalang siya habang sinasarado ang gate nila. Pagpasok niya sa loob ng bahay nila ay tumuloy muna siya sa kusina nila para kumuha ng gatas. Nagulat siya ng sa lamesa ng hapagkainan ay may nakita siyang isang mapulang mansanas. Kasabay ng gatas na hawak niya ay tinangay niya din ang mansanas papunta sa kwarto niya. "Bakit nangyari 'yun? Bakit hindi ko alam na may nangtitrip na pala sa kanya. Nililigawan ko palang si Snow white pero ano ito? Bakit naman ang aga niyang lumisan?" Mangiyak-ngiyak si Carter habang kausap niya si Fia. "Wala din akong alam. Hindi naman din saakin nagbabanggit si Snow white. Alam mo naman 'yun, duwag at hindi marunong magsumbong." Inabutan ni Fia ng maiinom si Carter. Kahit wala ang bangkay ni Snow white ay tinuloy nilang ang pagbuburol doon. Nagsindi sila ng dalawang kandila sa harap ng malaking litrato ni Snow white habang nakapalibot doon ang isang damakmak na bulalak. "Sila Blaire? Hindi kaya may kinalaman sila sa pagkamatay ni Snow white?" Napatingin ng seryoso si Fia kay Carter. Tulad niya ay ganun din ang kutob niya. "Parehas tayo. Sila din ang hinala ko," sagot ni Fia. Nagpunas ng luha si Carter. "Huwag kang mag alala. Tutulungan ko kayo para hanapin kung sino ang mga salarin sa pagkamatay ng taong mahal ko. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin nabibigyan ng hustiya ang pagkamatay niya." "Salamat, Carter." Matapos ang pag uusap nila ay nagpaalam na si Carter na uuwi na sa kanila dahil may sakit ang magulang niya at hindi siya pwedeng magtagal. Pag alis ni Carter ay tumuloy si Fia sa kusina para tulungan ang ina niyang nagluluto para ipamiryenda sa mga taong naglalamay. "Wala parin bang balita?" Tanong agad ng Ina niya ng lumapit siya doon. "Wala parin po. Sabi naman po ng mga police kapag may balita na, tatawag daw agad sila." "Magpahinga ka na muna at ako na muna bahalang mag asikaso sa mga bisita," sambit ni Florencio habang buhat buhat ang sampong kahon na zesto na binili niya sa palengke. "Oo nga po, Nay. Kami nalang po muna ang bahala dito ni Tatay. Magpahinga na po kayo at tutal ay malalim na ang gabi." "Oh siya, kayo ng bahala sa lahat." Nakatulala si Sydney sa labas ng bahay nila habang nakatingin sa madilim na langit. Hindi siya mapakali sa nangyari kanina sa litrato nilang magkakaibigan. Alam niyang may ibig sabihin 'yun. Alam niyang masamang pangitahin 'yun. Dahil hindi mapakali si Sydney ay naglakad-lakad muna siya sa village nila. Kahit malalim na ang gabi ay patuloy parin siya sa pag ikot sa buong paligid. Hindi kasi siya dapuan ng antok. Kahit anong pikit ang gawin niya ay wala talagang antok na dumapo sa kanya. Ewan, pakiramdam niya ay nagsisisi siya at sumama siya sa kabaliwang ginawa ng mga kaibigan niya. Hanggang sa madaan siya sa harap ng bahay nila Blaire. Napahinto siya sa paglalakad ng matanaw niya sa labas na may maliit ng taong mahaba ang buhok ang dahan- dahan na umaakyat sa itaas ng bahay nila Blaire. Lalo siyang nagulat ng bigla itong huminto sa pagtaas at humarap pa ito sa kanya. Anino lang ang nakikita niya dahil may kurtinang pula sa may salamin ng bintana. Maya maya ay namatay ang ilaw. Ilang saglit lang yun at maya maya'y nag bukas din. Sa pagsindi ng ilaw sa hagdanan ay nawala bigla ang anino ng maliit ng taong 'yun. "Sino yun?" Napapailing nalang si Sydney habang papauwi na siya ng bahay nila. Natuwa si Fia ng dalawin siya ni Letizia at sinabing doon siya magpapalipas ng gabi. Napatingin si Fia sa librong hawak ni Letizia kaya naman napatanong siya tungkol doon. "Bakit may dala ka pang libro?" Hinila siya ni Letizia papunta sa kwarto niya. Nang makapasok sa loob ay saka niya sinabi ang tungkol sa libro. "Luma na at halos sampong taon na ang librong ito. Alam mo naman na mahilig sa mga true story at mga wirdong mga libro ang kapatid ko. Pero ng mapansin ko ang kakaibang libro na'to ay nagulat ako ng mabasa ko ang buong storya. Alam kong imposible pero kakaiba. Para siyang totoo talaga." Nalilito si Fia sa mga sinasabi niya. Inabot ni Letizia ang libro sa kanya. Nanlaki ang mata niya ng mabasa niya ang title ng libro. "Ang sikreto sa pamilyang White." "Diba? Title palang 'yan, pero kapag nabasa mo na lahat, lalo kang magugulat." "Bukas ko siya babasahin. Masyado ng gabi para mag basa. Pero medyo kinilabutan ako. Saka tignan mo naman, lumang luma na itong libro. Saan naman kaya ito nakuha ng kapatid mo?" "Napulot lang daw niya 'yan. Saka sabi niya matagal ng patay ang author niyan." "Ganun ba. Pero may kinalaman ba ang libro na ito kay Snow white? Kasi alam mo na, pamilyang White? Alam naman natin na si Snow lang ang may surname na White. Kahit inampon siya nina Nanay at tatay ay hindi nila iniba ang surname niya para madali daw siyang mahanap ng mga magulang niya sakaling hanapin siya ng mga ito. " "Siguro 50/50. Para kasing totoo na hindi. Tapos diba nakuwento mo samin kung paano napunta si Snow white sa inyo? Para kasing tugma 'yun sa kwento diyan sa libro. At isa pa, Snow white ang pangalan ng bidang babae diyan." Napatayo si Fia ng madinig niya yun kay Letizia. "Snow white? Snow white din ang pangalan ng bida dito?" "Yes, girl!" "Gusto ko nang magbukas. Nakakaintriga ang librong ito. Ano ang kinalaman nito sa kapatid ko?" Naubos na ni Benjie ang gatas niya pero hindi parin siya inaantok. Hindi parin siya tapos sa pagbabasa sa libro niya kaya naghahanap siya ng mangangata. Hindi kasi siya sanay na walang kinakain habang nagbabasa. Naalala niya ang mansanas na tinangay niya na nakita niya sa lamesa. Kinuha niya yun sa table niya at kinagatan ng isa. "Opss! Akin na ang kaluluwa mo hahaha!" Nanlaki ang mata ni Benjie na makita niya sa harap niya ang isang maliit na tao na mukang duwendeng may nakakatakot na itsura. "Sino ka?!" Sisigaw na sana siya pero bigla nalang siyang nanghina at para bang naninikip ang dibdib niya na parang nauubos ang kanyang lakas. "Ako si Ichabod at ikaw ang una kong misyon hahaha!" Nagpatay sindi ang mga ilaw niya sa kwarto. Namuo ang nakakatakot na halakhak ng nilalang na'yun sa loob ng kwarto. Nangingisay si Benjie na para bang sinasabayan ang pag patay sindi ng ilaw. Matagal ang paghihirap na binigay ni Ichabod kay Benjie. Halos malagutan na ng hininga si Benjie dahil parang hinihigop ang buong lakas niya. Pakiramdam niya ay tila natutuyot na ang katawan niya. Sa isang pitik ng nakakatakot na nilalang na'yun ay biglang umaayos ang ilaw at isang boses ng nalagutan ang hininga ang huli niyang nadinig. Ngumisi si Ichabod ng makitang wala ng buhay si Benjie. Bago siya naglaho sa kwarto na'yun ay tinakluban niya muna ng kumot ang bangkay ni Benjie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD