*Year 1999*
Nakatitig sa pitong libro si Tim habang kinukulong na ni Ofelia sa itim na aparador ang mga librong naglalaman ng pitong dimonyo.
Kinakabahan at halos pawis na pawis si Tim habang hawak niya ang nag iisang anak nila na si Snow. Ngayon na kasi magaganap ang pangitahin na nakikita niya sa kanyang panaginip. Panaginip na kailanman ay hindi nagkakamali sa mga nangyayari sa hinaharap.
Nakasanla na ang buhay ng mag asawang Tim at Ofelia sa isang dimonyo. Kapalit nun ay magkakaroon sila ng itim na kapangyarihan at matatamasa nila ang walang hanggang biyaya na dadating sa buhay nila. Bukod sa malalaking biyaya na matatanggap ay binigyan din sila ng dimonyong yun ng pitong librong may nakakulong na kakaibang dimonyo. Na sa pagdating sa tamang edad ni Snow nila mabubuksan at mapapakawala. Ang sabi ng dimonyo ay si Snow lang ang may kakayahang magpakawala sa pitong dimonyo na nakakulong sa mga libro.
Isang taong gulang pa lang ngayon si Snow kaya mahigit labing pitong taon pa ang kanilang hihintayin.
Ang paghihintay nayun ay naudlot dahil nagkaroon na naman ng kakaibang panaginip si Tim. Panaginip na mangyayari na mamayang gabi.
Kaya naman hinanda na nila ang mga bagay bagay na magpapaligtas sa anak nila at sa pitong libro. Bago pa mangyari ang kalagim lagim na pangyayari sa buhay nila ay tatakasan na nila ito ng maaga para wala sa kanila ang mapaslang.
"Ligtas na at sinisigurado kong walang sino man ang makakakita sa librong ito kundi si Snow lang," wika ni Ofelia matapos niyang dasalan ang itim na aparador.
"Lilisanin man natin ngayon ang bahay na ito ay sinisigurado kong walang sino man ang taong tatagal dito. Mag iiwan ako dito ng mga sumpa at kababalaghan upang hindi sila magtagal. Alam kong maraming tao ang maghahangad na pasukin at angkinin ang bahay na ito kaya ngayon palang ay iiwanan ko na ang mga masasamang espirito na siyang pagbabantayin ko sa bahay natin. Pero sigurado akong balang araw ay babalik si Snow dito. Yun ang isa sa propesiya na nakita ko sa aking panaginip. Maraming paghihirap ang dadanasin ng anak natin. Ang paghihirap nayun ang magtutulak upang bumalik siya dito."
"Mabuti naman kung ganun. Wala naman kasing ibang mag mamay-ari ng mga librong iyan kundi siya lang," sambit ni Ofelia na tila gumaan ng konti ang kanyang pakiramdam.
"Pero ang dapat na nating asikasuhin ngayon ay isipin na natin kung saan natin ibibigay si Snow? Saan natin siya dadalin? Kitang kita ko sa panaginip ko kung paano nila sinunog ng buhay si Snow. Ayokong mangyari yun sa anak natin! Kokontrahin natin ang bwisit na panaginip nayun," Seryosong wika ni Tim habang yakap yakap niya ang tulog na si Snow.
"Sa bayan ng beelzebub. Doon natin siya dadalin. May kakilala ako doon." Hinatak ni Ofelia si Tim sa kwarto nila. "Halika kana. Kailangan na natin maghanda. Ibalot mo na lahat ng mga damit ni Snow."
Maghahapon na ng lumisan sila sa bahay nila. Sa likod sila ng bahay nila dumaan para hindi sila makita ng mga tao doon.
Galit sa pamilyang white ang mga tao sa bayan ng Mazdean. Sila daw kasi ang dahilan kung bakit napupuno ng kamalasan ang bayan nila. Sikat at kinakatakutan ang pamilyang white dahil alam ng lahat na kaanib ito ng mga kampon ng kadiliman. Simula ng mabalitaan ng mga tao doon na nakipagkasunduan ang pamilyang white sa mga dimonyo ay kung ano anu ng kamalasan ang nangyari sa kanila. May mga namamatay, naaksidente, nasusunog ang bahay at hindi na nawalan ng mga bagyo na tanging bayan lang nila ang palaging binabaha at grabe ang pinsala. Kaya naman naisipan ng mga tao sa bayan nila na aksyunan na ang kadimonyohang hatid ng pamilyang white.
Pasado alas siyete na ng sugudin nila ang bahay ng pamilyang White. Ang lahat ay may dala dalang itak at mga kahoy.
"Lumabas kayo mga dimonyo!" Sigaw ng isa sa mga pinuno nila.
"Mga salot! Dapat sainyo pinapatay!" Sigaw naman ng isang lalaking nagmamatapang.
Natahimik ang lahat ng biglang bumukas ang malaking pinto ng bahay nila. Niluwa ng pintong 'yun ang mag asawang Tim at Ofelia.
"Ano bang mga problema n'yo?" Tanong ni Tim sa mga tao.
"Lumayas kayo sa bayan namin! Mga malas at salot kayo!" Sigaw ng pinuno nila.
"Mga kampon kayo ni satanas. Kayo ang may hatid ng kamalasan dito!"
"Tama! Lumayas na kayo kung ayaw nyong patayin pa namin kayo!"
"Oo nga. Lumayas na kayo! Dadanak ang dugo pag 'di kayo umalis!'
Sunod-sunod na ang mga sigawan ng mga tao.
"Bigyan nyo kami ng daan." Mahinahong sumagot si Tim sa kanila na kinabigla ng ilan.
"Kung 'yan ang gusto n'yo ay gagawin namin. Aalis na kami dito," mahinahon ding sagot ni Ofelia.
Hindi na sila nanlaban. Nakita kasi ni Tim sa panaginip niya na masasawi sila kaya sinusubukan niyang ibahin ang mangyayari.
"Maayos naman pala kayong kausap. Sige mga kasamahan, bigyan ninyo sila ng daan," sigaw ng pinuno nila.
Gumawa ang mga tao ng daan sa gitna nila. Nang makita ng mag asawa na binigyan sila ng daan nga mga ito ay nag umpisa na silang maglakad at dumaan sa gitna ng mga tao. Buong akala nilang dalawa ay tapos na at walang sakitan ng mangyayari ngunit nabigla nalang sila ng pagbabatuhin sila ng bato ng mga tao.
"Siyempre gaganti kami sa mga kamalasang ginawa n'yo!" Sigaw ng isang nag umpisang bumato sa kanila na sinundan naman ng iba.
Inulan sila ng bato. Bato na minsan ay tumatama pa sa ulo nila.
Sa galit ay hindi napigilan ni Tim na gumamit ng itim na kapangyarihan. Nagtawag ng maraming paniking itim si Tim na biglang sumugod agad sa mga taong nambabato sa kanila. Kanya kanyang sigaw ang ilan at ang iba naman ay pinaghahampas ang paniki.
Lalong nagalit ang mga tao sa ginawa ni Tim kaya bigla nalang silang hinabol ng itak ng mga ito. Agad naman tumakbo ang mag asawa ng makita nilang susugudin na sila ng mga ito. Sadyang minalas lang si Ofelia ng madapa siya kaya naabutan sila ng mga tao at dun na sila pinagtataga ng mga tao.
Dumanak ang dugo. Sumisigaw sa sakit ang dalawa. Labis na paghihirap ang dinanas ni Tim At Ofelia. Hindi tumigil ang mga tao hanggang hindi sila nakikitang walang buhay.
Sa huli ay kapwang nabuwal ang duguan na mag asawa.
"Sa wakas! Patay na ang mga malas!" Sigaw ng pinuno nila.
Biglang bumuhos ang malakas ng ulan. Kumulog at kumidlat din na tila sinasabayan sila ng panahon sa kanilang pagtatagumpay sa pag paslang sa mag asawa.
Nagising sa pagkakatulog si Candelaria ng makadinig siya ng iyak ng bata. Kahit malakas ang ulan ay nadinig niya ang lakas ng pag iiyak nito.
Sinilip niya ang tulog na anak niyang si Fia na akala niyang ito ang umiiyak. Dahil doon ay ginising niya ang asawa niyang si Florencio.
"Florencio, may umiiyak na bata!" Sambit niya sa asawa niya na siya namang agad na gising nito.
Papungas-pungas na bumangon si Florencio. Tinignan niya si Fia. "Tulog ang anak natin. Hindi naman umiiyak ah?" sagot niya kay Candelaria.
"Hindi. Sa labas. May umiiyak sa labas," sambit nito at hinila ang asawa sa may pintuan nila.
Nagulat ang mag asawa ng pag bukas nila ng pinto ay may nakita silang batang babae na umiiyak.
"Sino ang batang 'yan?" Gulat na tanong ni Florencio.
Napansin ni Candelaria na may papel na hawak ang bata kaya agad niyang kinuha ang papel at binasa ang laman no'n.
Pag buklat niya ng papel ay buong pangalan ang nabasa niya.
"Snow White..."