Chapter 5

1403 Words
Taong 2000 ng sinulat ni Totoro ang librong naglalaman sa pamilyang White. Lahat ng nalalaman niya sa pamilyang 'yun ay palagi niyang tinatandaan. Laking pasasalamat niya na tiwala sa kanya si Tim at Ophelia. Tanging si Totoro lang ang taong nakakapasok sa bahay nila. Magaang ang loob ng mag asawa sa kanya. Kahit kasi alam ni Totoro na kampon ng kadiliman ang pamilya nila ay hindi siya natatakot o nasusuklaman manlang sa kanila. Bagkus ay nakipag kaibigan pa ito sa kanila na nauwi pa sa turingan na parang totoong pamilya. Lahat lahat ng sikreto ng pamilyang white ay alam ni Totoro. Lahat yun ay sinusulat niya sa kanyang notebook. Pati narin ang mga pitong libro na naglalaman sa mga dimonyo ay kilala at alam niya din. Si Ichabod, Lestat, Yoko, Cain, Talbot, Vladimir at Godric. Pitong dimonyo na si Snow white lang ang makakapag-palabas. Isang araw ay dinalaw siya nina Tim at Ophelia sa kanyang bahay. Nagulat siya ng ibinigay sa kanya si Snow white at inutusan siyang dalin ito sa bayan ng Beelzebub at iwan ang bata sa pinto ng kahit sinong may bahay doon. Kahit umuulan ng araw na'yun ay sinunod niya ang utos ng mag asawa. Tumungo siya sa bayan ng beelzebub at iniwan na nga niya sa pinto ng isang bahay ay walang kamuang-muang na si Snow white. Nagtaka at nag alala si Totoro ng araw na'yun. Pakiramdam niya ay may problema ang mag asawa kaya naman ng magawa na niya ang inuutos nito ay dumiretcho agad siya sa bahay nila Tim. Nagulat si Totoro ng makita niyang pasugod ang mga taong bayan sa bahay ng mag asawa. Nagsisigawan ang mga ito at pinapalayas sila sa bayan na'yun. Saksi si Totoro sa pagpatay ng taong bayan sa mag asawang white. Wala siyang nagawang tulong sa mga ito. Mangiyak-ngiyak siya habang pinapanuod na tinataga ng itak ang mag asawang White. Simula ng mangyari ang kalagim-lagim sa pamilyang white ay naisipan ni Totoro ng gumawa ng libro at doon na niya inumpisahan ang pagsulat tungkol sa pamilyang white. Libro na naging best seller ng taon nayun dahil alam ng lahat na hango 'yun sa totoong buhay. Namatay si Totoro sa sakit sa puso. Dala na din ng katandaan niya. Isa na din sa mga kaluluwang ligaw si Totoro na nagbabantay sa bahay ng mga White. Ipinangako kasi ni Totoro na siya ang magdadala kay Snow white sa pitong libro na'yun. Hindi matatahimik ang kaluluwa niya hangga't hindi niya natatapos ang mission niya sa mundong ito. Tulala at halos hindi makapaniwala si Fia sa lahat ng nabasa niya sa librong 'yun. Pakiramdam niya ay si Snow white ang tinutukoy sa libro na dinala sa bayan nila. Pagpasok ni Letizia sa kwarto niya na may dalang juice ay agad niya itong kinausap. Binaba ni Letizia sa maliit niyang table ang juice nila at nagtaka siya ng makita niyang gulung gulo ang itsura ni Fia na tila malalim ang iniisip. "Tama ka, Letizia," bungad na sambit ni Fia. "Ano sa tingin mo? Posible kayang si Snow white ang tinutukoy sa librong 'yan?" "Ewan, naguguluhan ako." "Saka diba sabi, true story siya kaya naging best seller siya noon kasi nahumaling ang mga tao na basahin ang kakaibang storya ng pamilyang white. Saka sabi, totoong may pamilyang ganyan doon sa bayan ng Mazdean. Pero matagal na panahon na daw. Ang lahat ng 'yan ay nalaman ko sa kapatid ko. Maraming nalalaman yun sa mga ganyang mga weird na storya." Sandaling natahimik si Fia. Pero maya maya ay nagsalita din dahil pakiramdam niya ay 50/50 nga na baka si Snow white ang anak nila Tim at Ophelia. "What if, totoo nga yang akda ni Totoro? Ibig sabihin may lahing dimonyo si Snow white? Saka yung pitong dimonyo? Tsk! Nakakatakot isipin na siya lang ang makakapag pakawala sa mga 'yun. Ang creepy talaga, Letizia." Napainom bigla ng juice si Fia dahil hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi sa mga nakakabaliw na nalaman niya. "Teka, hindi kaya, kaya nawala ang bangkay ni Snow white ay dahil nabuhay siya at umuwi na sa Mazdean?" Napatingin bigla si Fia kay Letizia dahil sa sinabi niyang 'yun. "Paano kung ganun nga? Paano kung napakawala na niya ang pitong dimonyo? Anong mangyayari?" Napangiwi si Fia. Kinikilabutan siya sa mga naiisip niya. "Ang creepy, Fia!" Sigaw ng kasambahay nila ang gumising kay Blaire. Kakamot-kamot siya ng ulo ng mapabalikwas siya ng bangon. "What the f*ck! Ang ingay mo inday!" Inis na sigaw niya. "Ma'am Blaire, ang Papa niyo po!" Sigaw parin ng katulong nila. Nang madinig niya na kakaiba na ang tono ng katulong nila ay nagtatakbo na siya sa kwarto ng Ama niya. "Oh my god!" Nanlaki at halos mangilo si Blaire ng makita niyang mukang inaagnas at tuyot tuyot ang bangkay ng ama niya. "Papa!" Nagsisigaw na siya. Gusto niyang lapitan ang ama niya kaya lang nandidiri siya dito dahil kakaiba ang naging itsura nito. Namatay itong dilat na dilat na tila ba hirap na hirap sa kanyang pagkamatay. "Anong nangyari kay Sir? Bakit ganyan ang itsura niya?" Natatakot na tanong ng katulong nila. "I dont know. Tumawag ka ng police, ambulansya at kahit na sino. Mabubuhay pa si Papa! Mabubuhay pa siya..." Nagwawala na sa kakaiyak si Blaire. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa papa niya. Sa kilatis ng katulong nila ay mukang hindi na masasalba ang buhay nito kaya naman police ang tinawagan niya. Ilang segundo lang ang tinagal ay dumating nadin ang mga ito. Pag pasok ng tatlong police sa kwarto ni Benjie ay halos masuka suka sila sa itsura ng bangkay na nakita nila. "A-ano 'yan? Bakit ganyang ang itsura niyan?!" Tanong agad ng isang police. "Hindi namin alam! Gawin nyo ang mga trabaho n'yo! Alamin nyo kung bakit siya nagkaganyan!" Galit na sigaw ni Blaire. "Kalma po, Ma'am." "Paano ako kakalma Kung patay na ang Daddy ko? Sino ang walangya pumatay sa kanya? Mga hayop!" Naglulupasay sa sahig si Blaire. Pilit siyang pinapakalma ng kasambahay niya pero hindi parin siya nagpapaawat na halos ilampaso na nito ang katawan sa sahig. Isang may kagat na mansanas ang nakita ng police. "Ano 'to? Ito ba ang huling kinain niya? Hindi kaya nalason siya?" Tanong ng isang police habang hawak hawak ang fresh parin na mansanas. "Hindi ko po alam kung saan galing 'yan. Ang pagkakaalam ko lang po ay hindi pa ako nakakabili niyan sa palengke. Alam ko po ang lahat ng stock at laman ng ref. namin kaya sigurado akong hindi galing dito sa bahay yan," sagot ng kasambahay nila. "Hindi kaya uwi niya ang mansanas? Sigurado akong may lumason sa kanya." Sambit ng isang police. "Pero kung nalason siya ay bakit ganyan? Bakit natuyot at halos hindi makilala ang sir ko?" Sambit ng kasamabahay. Malaking palaisipan sa kanila ang kalagim-lagim na nangyari kay Benjie. Hindi nila alam kung paano nga ba ito namatay. Naglalangoy sa kanilang swimming pool si Jonna ng matanggap niya ang tawag ni Khaine. Nang madinig niya na tumutunog ang phone niya ay umahon siya sa pool at nagpunas ng kamay sa puting tuwalya at saka niya sinagot ang tawag nito. "Oh, napatawag ka, khaine?" Sagot niya. "Jonna, patay na ang papa ni Blaire." Nang madinig niya ang sinabi ni Khaine na'yun ay may biglang humatak sa paa niya at hinila siya sa ilalim ng swimming pool. Nabitawan niya ang cellphone niya at agad siyang lumubog sa tubig. Pilit siyang kumakawala sa nanghihila sa kanya pero hindi niya magawa dahil malakas ito. Dinala siya nito sa ilalim ng pool kaya naman hindi siya makahinga. Nang maharap siya bigla sa nanghahatak sa kanya ay nanlaki at halos matakot si Jonna. Inaagnas na mukha ni Benjie ang nakita niya. Nawala nalang ang takot niya ng sagipin na siya ng Papa niya. Pag ahon nila sa pool ay nagsisigaw na agad siya. "Si tito Benjie!" Sigaw niya habang nakaturo sa swimming pool. "Anong Benjie?" Gulat na tanong ng papa niya na napatingin pa sa pool. Wala itong nakita sa pool kaya naman nagtaka siya sa inaasta ng anak niya. "Siya ang nanghihila saakin. Kitang kita ko si tito Benjie. Kitang kita ko ang Papa ni Blaire. Patay na siya Papa! Minumulto niya ako!" Nanlaki ang mata ng papa niya ng marinig 'yun kay Jonna. "What?! Patay na si Benjie?" "Yes, po." Habang akay akay siya ng Papa niya papasok sa loob ng bahay nila ay isang bulong ang nadinig ni Jonna. "Susunod ka na..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD