Chapter 8

1352 Words
Kasalukuyang tulog sila Blaire ng makatanggap ng tawag sa telepono si Sydney. Papunga-pungay ang mata niya ng abutin niya ang Cellphone niya sa maliit na table ng kwarto ni Blaire. Bago niya sinagot ang tawag ay sumilip muna siya orasan at nakita niyang pasado ala-siyete na nang umaga. "Hello?" Sagot niya sa kabilang linya. Ang inaantok at singkit na mata ni Sydney ay biglang nanlaki ng madinig niya ang hagulgol sa telepono. "Sydney, wala na si Jonna. Patay na ang anak ko!" "Bakit po? Ano pong nangyari?" Napatayo ng di oras si Sydney. Mangiyak-ngiyak at halos kinabahan siya sa kanyang nabalitaan. "Hindi ko alam. Umaga na ng makita namin siyang duguan at wala ng lamang loob." "Grabe naman po!" "Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanghihina na ako. Hindi ko kayang mawala ang anak ko!" "Salamat po sa tawag. Pupunta po ako diyan. Tutulungan ko po kayo sa lahat." Hindi na napigil ni Sydney ang sarili. Naglaglagan na ang kanyang mga luha. "Oh, sige, hintayin kita." Naawa si Sydney sa ina ni Jonna. Alam kasi nitong mahal na mahal at alagang alaga nito ang anak niya kaya alam niyang lubos na nalulungkot ito ngayon. "Guys!" Sigaw ni Mary shantal ang gumising sa lahat nang natutulog sa kwarto ni Blaire. Sa kanilang magkakaibigan ay si Mary shantal at Jonna lang ang hindi natulog doon. Hindi daw kasi pwede si Mary shantal dahil walang kasama ang Mama niya sa bahay nila dahil pang gabi ang kanyang Papa sa trabaho. "Ang aga-aga sumisigaw ka! Istorbo!" Asik ni Vhangz. Kahit inaantok pa ay napansin ni Khaine na umiiyak si Sydney. "Okay ka lang, Sydney?" Tanong ni Khaine. "Kabahan na kayo. Totoo ang mga sinasabi ni Jonna. Wala na siya. Patay na daw sabi ng Mama niya." Sa sinabi ni Sydney ay biglang nagtayuan ang mga nakahiga niyang mga kaibigan. "Totoo ba 'yan? Wala namang biruan!" Kinakabahan at naiinis na wika ni Mary shantal. "Totoo, kaka-tawag lang ng Mama niya saakin. Aalis muna ako at tutulungan ko siya sa pag aayos sa burol ni Jonna." Nanlumo at napaupo sa sahig si Mary shantal. "Ano ibig sabihin nito, ako na ba ang susunod?" Mangiyak-ngiyak na wika ni Mary shantal. "Tumigil ka nga!" Sigaw ng umiiyak na din na si Blaire. "Paano ako titigil kung ako naman ang sinusundo niya?" Umiiyak at nakasigaw ng saad ni Mary shantal. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Sydney. "Guys! Ayoko! Hindi 'to pwede! Ayokong mamatay!" Nangamba at halos hindi na mapakali si Mary shantal. Tumakbo pa ito at yumakap ng mahigpit kay Vhangz. "Kumalma ka. Ano bang nakita mo? Paano mo nasabi na sinusundo ka ni Jonna?" Tanong ni Sydney na lumapit pa sa kanya. "Nawalan ng ilaw saamin kagabi. Nagising ako kasi napakainit at napakadilim. Hinanap ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight. Pag open ko nun, nabigla ako ng may nakasulat sa dingding ng kwarto ko na gamit pa ang dugo. Nakasulot doon ay 'ikaw naman ang susunduin ko.' matapos kong mabasa 'yun ay nagpakita saakin ang mukha ng duguan na si Jonna. Nagsisigaw ako nun at halos magtalukbong. Maya maya ay pinasok ako ng Mama ko sa kwarto ko at nagulat ako nun na may kuryente na at wala na ang dugo sa pader at wala nadin si Jonna." Sa kwento ni Mary shantal ay nagtaasan ang balahibo ng lahat. Isa-isa nang tinutubuan ng takot ang mga kaibigan ni Blaire. "Anong nangyayari? Akala ko nagloloko lang si Jonna. Ngayon ikaw naman Mary shantal?" Saad ni Khaine habang sapo-sapo ang kanyang mukha. "Bakit sunduan ang nangyari simula ng mamatay ang daddy mo, Blaire?" Nalilitong tanong ni Vhangz. "Hindi ko alam. Natatakot na din ako. Ano ito? Isa-isa na ba tayong mamatay?" Sambit ni Blaire na nakangiwi na din. "Naniningil na ba siya?" Sambit bigla ni Sydney? Nagtinginan ang lahat kay Sydney. Lahat sila ay nababalot na nang takot. "Imposible. May kakayahan bang maghinganti ang taong namatay na?" Tugon ni Blaire. "Eh ano itong nangyayari? Tandaan mo, sabit ang daddy mo sa pagkamatay niya. Kasali siya sa ginawa natin dahil pinagtakpan niya ang pinakahuling hakbang na pagpatay natin sa kanya sa hospital." Sambit ni Sydney. "Tama ka diyan, Sydney. So, siya na nga ba itong pumatay kay tito Benjie at kay Jonna? Grabe, anong gagawin natin? Natatakot na ako!" Sambit ni Vhangz na napayakap bigla kay Khaine. "Tumigil kayo! Hindi ako naniniwala na siya ang pumapatay. Saka baka nagkataon lang ang pagkamatay ni Daddy at ni Jonna. Huwag n'yong takutin sarili n'yo. Saka ikaw Mary shantal, itigil mo na yang kaartehan mo. Kakaganyan mo, mangyayari din sayo nangyari kay Jonna. Puro kayo mga sinungaling!" Dinaan nalang ni Blaire sa galit sa mga kaibigan ang nararamdaman niya kahit ang totoo ay naniniwala siya sa sinabi ni Sydney na naniningil na nga ang taong pinatay nila. Ilang araw lang ang tinagal ng burol ni Snow white sa bahay nila Fia. Tutal naman ay wala ang bangkay nito ay ayos narin na pagmalamayan 'yun ng saglit lang. Kahit ilang araw palang na nawawala si Snow white ay ramdam ni Fia na may kulang. Kulang ang bahay nila pag wala ang isa sa mga laman nito na nakasanayan na nilang kasama araw-araw. Dahil tapos na ang burol ni Snow white ay tahimik at wala ng tao sa bahay nila. Nakahiga si Fia ngayon sa kama niya habang hawak hawak ang libro na akda ni Totoro. Simula ng mahawakan niya ang librong 'yun ay araw-araw niya na itong binabasa na halos makabisado na niya lahat ng tungkol sa storya. "Nasaan ka na ba, Snow white? Buhay ka pa ba o patay na talaga?" Naguguluhang sambit ni Fia. Hindi na talaga mawala sa isip niya ang tungkol kay Snow white na pinaniniwalaang niyang nakauwi na sa bayan nila. "Fia?!" Sigaw ni Carter mula sa labas ng bahay nila ang nagpatigil sa pag iisip ni Fia. Bumangon sa pagkakahiga si Fia at hinarap si Carter. Pag labas niya sa gate nila ay nagulat si Fia ng kapwa silang may hawak ng libro ni Totoro. Nagulat din si Carter ng makita si Fia na hawak ang libro na sana eh, ipapabasa niya dito. "May ganito ka din?" Gulat na tanong ni Carter. "Oo, bigay ni Letizia." Sagot niya. Napag alaman ni Fia na may libro ding ganun ang Nanay ni Carter na nakita daw nito sa aparador ng kanyang Tatay. Pinapasok muna ni Fia si Carter sa loob bago ulit sila mag usap. "Anong masasabi mo sa storya?" Tanong ni Carter. "Ikaw ba?" Balik na tanong ni Fia. "Hindi ko alam. Parang totoo nga eh. Kasi diba, hindi nyo naman tunay na kadugo si Snow white? Sinabi niya saakin 'yun kapag nakakasama ko siya. Marami siyang kinukwento saakin na tungkol sa kanya. Pero Fia, posible nga bang si Snow white ang anak nila Tim at Ofelia na tinutukoy dito sa libro?" "Sabihin nating siya nga ang tinutukoy sa libro, ano kayang mangyayari?" Napaisip si Carter. Bigla siyang kinalibutan habang inaalala lahat ng nabasa niya sa libro. "Well, kung gano'n eh, maganda. kasi, kung buhay siya at nakauwi sa bayan nila, ibig sabihin, makakasama ko pa siya. Masaya ako kung buhay pa siya. Pero nakakatakot isipin na magkakaroon siya ng pitong alaga. Pitong dimonyo na magtatanggol sa kanya. Kinikilabutan talaga ako habang binabasa ko ang librong 'to." "Creepy nga, pero mas gusto ko na'yun. Kahit hindi ko tunay na kapatid si Snow white, mahal na mahal ko 'yun," sambit ni Fia habang nakatitig sa isang malaking litrato na nakasabit sa dingding ng sala nila. "Fia?" Napatingin si Fia kay Carter ng maging seryoso ang tawag nito sa kanya. Nagtaas kilay si Fia bilang tugon sa kanya. "Lisanin natin ang Beelzebub at pumunta tayo sa Mazdean," seryoso niyang saad. Napatitig bigla si Fia kay Carter dahil sa sinabing 'yun. Ang totoo, isa din 'yun sa planong gagawin niya. Pero dahil sa panganib at takot na haharapin niya ay hindi niya alam kung tutuloy ba siya. Maaring tutuloy siya pero hindi muna sa ngayon. "Not now, Carter. Paghandaan muna natin ang lahat." "Sabagay. Pero pupunta tayo ah?" "Oo, kaya maghanda-handa kana dahil hindi natin alam kung ano mangyayari sa atin doon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD