Chapter 9

1359 Words
Napapailing si Sydney ng makita niya ang dinanas ng kanyang kaibigan na si Jonna. Kinuhanan pa niya ng litrato ito at pinadala kay Blaire na siyang inutos nito sa kanya. Mayamaya ay niyayakap niya ang ina nito dahil hindi parin ito tumitigil sa pag iyak. Dahil hindi makagalaw at wala sa hulog ang ina ni Jonna ay siya nalang muna ang nag asikaso sa lahat para sa burol ni Jonna. "Mabuti pa po ay magpahinga muna kayo. Ako nalang po ang bahala dito sa morgue," wika niya sa ina ni Jonna. Tumango naman ito at nagpasalamat sa kanya. Siya na ang naiwan sa morgue.Habang pinapanuod niyang nililinis ang bangkay nito ay mahilam-hilam siya at halos masakit sa ilong ang amoy ng pormalin na nilalagay kay Jonna kaya naman lumabas na muna siya doon. Naupo siya sa isang mahabang upuan. Napapatulala nalang si Sydney habang iniisip ang nangyari sa kaibigan niya. Hindi siya makapaniwalang mangyayari ang pagsundo sa kanya ng Ama ni Benjie. Habang nag iisip siya ay nakaramdam ng panlalamig si Sydney sa buong katawan niya. Tumingin siya sa paligid, pero wala namang hangin naglalaro sa paligid ng morgue na'yun. Dahil do'n ay Kinilabutan at halos yakapin niya ang kanyang sarili. "J-jonna, alam kong ikaw 'yan. H'wag mo naman akong takutin. Sige ka, lalayasan ko 'tong bangkay mo," saad niya na lilingap-lingap pa sa paligid. Gulat na gulat na naman ang magkakaibigang Fia dahil sa nabalitaan nilang pagkamatay ni Jonna. "Walang dila at halos wak-wak daw ang lamang loob nito," kweto pa ni Mariaane. "Kakatakot. Iba na talaga ang panahon ngayon. Sino kaya ang mga halang ang sikmura na gumawa no'n kay Jonna?" Tanong ni Janisa. "Anong nangyayari? Bakit madalas ang pagkamatay ng mga tao ngayon?" Nagtatakang tanong ni Letizia. "Kaya kayo, h'wag kayong nagpapagabi sa daan. Pag umuwi, uwi agad sa bahay. Mahirap na ngayon. Hindi mo masasabi kung kailan ka dadatnan ng kamatayan. Tsk! Rest in peace, Jonna," saad nang malungkot-lungkot na si Fia. "Una si Snow white. Pangalawa tatay ni Blaire, ngayon naman si Jonna. Who's next?" Nagpapatawang tanong ni Letizia. "Si Mary shantal?" Biglang wika ni Maria shawn ng makita nito si Mary shantal na nakatayo sa labas ng bahay nila Fia. Lumabas ang magkakaibigan at hinarap si Mary shantal. "Anong ginagawa mo dito?" Medyo kalmadong tanong ni Maria shawn pero nakataas ang isang kilay. "Kayo ba?" Nalito si Letizia sa sinagot ni Mary shantal. "Anong kayo ba? Ano naman ang ibibintang n'yo?" Maaangas na untag niya. "Kayo ba ang dahilan ng pagkamatay ni Jonna?" Sa sinabi nito ay agad na rumesbak ang magkakaibigan. "Hoy! For you information, hindi n'yo kami mga katulad na mamamatay tao. Malinis kami at hindi nyo kagaya na sa impyerno mapupunta!" Asik ni Maria shawn. "Tama! Huwag n'yo nga kaming ipares sainyo na mga walang puso! Karma n'yo na siguro 'yan. Mga walangya kasi ka'yo!" Sigaw naman ni Janisa. "Iniis-isa na kayo. Susunod ka na!" Nanunurang wika pa ni Mariaane. "Tama na," pang aawat ni Fia. Mayamaya ay rumesbak na din si Mary shantal. "Tignan mo. Paano nyo nalamang ako na susunod? Kayo talaga ang may mga kagagawan nito. Pati din siguro si tito Benjie, kayo din pumatay sa kanya?!" Bintang na naman ni Mary shantal. "Baliw!" Natatawang sabi ni Letizia. "Umalis ka na nga dito. Kung mambibintang at mang iinis ka lang eh, huwag ka ng bumalik dito dahil baka kung ano pa ang magawa namin sa'yo." Kalmadong wika ni Fia. Mangiyak-ngiyak ng umalis si Mary shantal. Malaking pagkakamali niya na sumugod siya ng mag isa na wala manlang kakampi. Inisip kasi niya na sila Fia ang nasa likod ng patayang ito. Dahil sa sobrang takot at pag iisip ay kung ano-anu na ang tumatakbo sa utak niya. Kinabukasan ay maagang pumasok sa school si Fia. Mag isa siya no'ng naglalakad sa hallway ng mapansin niyang nag uusap si Sydney at Vhangz sa isang bench na dadaanan niya. "Oo, lalaking gwapo. Lestat nga daw ang pangalan," dinig niyang sabi ni Sydney. "Siya yung lalaking nakita mo na nakadungaw sa bahay nila Jonna?" Tanong ni Vhangz. "Oo. Kinausap ko siya kaya nalaman ko ang pangalan niya." Nahinto si Fia sa paglalakad ng madinig niya ang pangalang Lestat. Napatingin tuloy sa kanya ang dalawa ng makita nitong huminto siya at nakatingin sa kanila. Gusto sanang magtanong ni Fia kaya lang baka magkagulo na naman kaya minabuti nalang niyang maglakad ulit at lumayo na sa mga kagalit ng kapatid niya. Pagpasok sa room nila ay agad niyang kinausap si Letizia. "Girl, kilala mo si Lestat?" Tanong agad ni Fia. "Yes. Yung isa sa mga alagang dimonyo ni Snow white. Why?" Kinuwento ni Fia sa kanya ang nadinig niya kay Sydney at Vhangz. "Talaga? Oh my god! Hindi kaya..." Napatigil siya sa pagsasalita nang imbis na ituloy ang sasabihin ay nanlaki nalang kapwa ang kanilang mata. "Nagulat nga ako eh. Buhay na nga ba siya?" "At naghihiganti na?" "Ang creepy." Pag uwi sa bahay ni Fia ay agad siyang humilata sa kanyang kama. Masyado siyang napagod dahil sa dami ng lecture na sinulat niya. Isama pa ang pagpa-practice nila ng sayaw na gaganapin sa gabi ng ika-sampong taon ng school nila. Uminom ng gatas si Fia kaya naman isa 'yun sa nakadagdag antok sa kanya. Wala pang minuto siyang nakahiga sa kama niya ay agad siyang nilamon ng dilim at tuluyan ng nakatulog. Mausok at halos hindi makita ni Fia ang kanyang dinadaanan. Hindi niya alam kung bakit naglalakad siya ngayon sa gitna ng kagubatan. Biglang humangin ng malakas kaya tinangay nun ang mga usok. Ngayon ay malinaw na niyang nakikita ang daan at nagulat nalang siya ng isang babae ang nakita niyang nakaupo sa malaking bato. Babaeng matagal na matagal na niyang gustong makita. "Snow white?" Maamong mukha ni Snow white ang humarap sa kanya. Lubos ang galak ni Fia ng muli ay masilayan niya ang mukha at makayap si Snow white. "Nabuhay ka ba? Hindi ka ba namatay?" Tanong niya agad. Bumaklas sa yakap nila si Snow white. Ngiti lang ang sinagot nito sa kanya. Bigla na namang naglabasan ang makakapal ng usok. Unti-unting umaatras doon si Snow white na animoy nilalamon ng usok. "Sandali." Hahabulin niya sana ang kapatid niya pero nagulat siya ng mabilis na nawala ang usok at sa bahay na ni Jonna siya napunta. Walang tao at halos kabaong, bulalak, mga ilaw at kandila lang ang nakita niya. Nagulat si Fia ng bumukas ang kabaong ni Jonna. Bumangon doon ang duguan at halos walang dila na si Jonna. Nagsisigaw si Fia sa sobrang takot niya. "Tulungan mo sila..." Mahirap intindihan ang sinasabi nito dahil wala siyang dila. Pero nababasa naman niya mula sa bibig ang gusto nitong iparating sa kanya kaya sumagot siya kung sino ba ang sinasabi nitong tulungan niya. "S-sino?" Natatakot na wika ni Fia habang paunti-unti siyang umaatras. Tumuro si Jonna sa litrato na nakasabit sa dingding nila. Litrato nang magkakaibigan na sila Blaire. "Tulungan mo sila..." Nagising si Fia ng tapikin siya sa braso ng ina niyang si Candelaria. "Bumangon ka na diyan at kakain na tayo ng hapunan," wika nito sa kanya. Nang makita ni Candelaria na gising na siya ay lumabas nadin ito sa kwarto niya. Tulala at papungay-pungay si Fia ng magulat siya bigla sa nalalag na libro ni Totoro. Sa sahig ay bumukas ang pahina kung saan mababasa ang ikatlong dimonyong alaga ni Snow white na si Yoko. Ang dimonyong may kakayahang humigop ng kaluluwa. Bumangon si Fia at pinulot ang libro. "Yoko...." basa niya ng mapulot na niya ito. Pumasok sa kwarto ni Mary shantal ang ina niya at inabot ang sulat na nakita nito sa labas ng bahay nila. "Anak, sino 'to? May manliligaw ka na ba?" Tanong sa kanya ng ina niya ng i-abot sa kanya ang sulat. Umiling si Mary shantal. "Wala po. Sino po ba nagbigay 'to?" "Hindi ko alam. Nabasa kong para sa'yo ang sulat, pero wala namang nakalagay sa labas ng papel kung kanino galing. Bakit hindi mo buksan at ng mabasa mo?" "Ito na nga po." Dahil naiintriga siya sa sulat ay agad nadin niyang binuklat at binasa 'yun. Hi, Mary shantal. Be ready dahil bibisitahin na kita soon. Love, Yoko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD