Chapter 7

1436 Words
"Tulala ka na naman, anak. Ano bang problema? Nag alala na ako sayo," saad ng ina ni Jonna ng makitang hindi manlang ginagalaw nito ang kanyang pagkain. "Jonna, umayos ka, natatakot kami sayo. H'wag ka namang ganyan,"pag aalala din ng Ama niya. Tinapunan lang sila ng tingin ni Jonna at maya maya ay tumayo din ito nang ni isang subo sa pagkain ay hindi manlang ginalaw. "W-wala po akong gana. Tataas na po ako sa kwarto ko," paalam niya. "Okay, Sige. Ipapa-akyat nalang kita ng pagkain mamaya kay yaya,"saad ng Ina niya na sa tono ng pananalita nito ay nag aalala na siya para sa anak niya. Nang wala si Jonna sa hapag-kainan ay nag usap ang mag asawa. "Kahapon okay pa siya. Pero simula ng malunod at sagipin ko siya sa swimming pool ay doon na nag iba ang kondisyon niya." Kwento ng Ama niya. "Nalunod? Jusko, mabuti nakita mo?" "Oo nga. Nadinig ko kasing sumisigaw ang anak mo. Saka ito pa, kagabi sinabi niya sa akin na si Benjie daw ang humatak sa kanya sa swimming pool kaya nalunod siya," kwento pa niya. Nanlaki ang mata ng Ina ni Jonna sa nadinig niya. "Ano?! Hindi maganda 'yun. Ano ang gusto niyang palabasin, sinusundo na siya ng Papa ni Blaire?" Hindi napakali ang ina niya kaya agad itong umakyat sa itaas at pinuntahan ang anak niya sa kwarto nito. Pag pasok niya sa kwarto nito ay tulala niyang nadatnan si Jonna. "Anak?" Bungad niyang tawag dito. Matamlay siyang tinapunan nito ng tingin. "Ayos ka lang ba? Ginugulo ka ba ni Benjie?" Sa sinabi niyang 'yun ay nanlaki bigla ang mata ni Jonna. Agad agad itong yumakap sa kanya. "Yes, Ma! Natatakot ako sa kanya. Susunod na daw ako!" Hindi napigilan ni Jonna ang sarili at nag iiyak na ulit. "Saan ka galing?" Tanong ni Blaire ng bumalik na si Sydney sa burol ni Benjie. "Dumaan lang ako sa bahay nila Jonna. Alam mo naman, nag aalala ako dun. Baka mamaya kasi e, kung ano na nangyayari sa kanya." "Oh, eh, anong lagay niya? Okay naman na ba siya?" Tanong ni Vhangz. "Hindi naman ako pumasok eh, sumilip lang ako," sagot ni Sydney. Natigil ang pag uusap nila ng makita nilang pumasok si Fia kasama ng mga kaibigan nito sa loob ng bahay nila. Agad na tumaas ang isang kilay ni Blaire at sinalubong niya ng akay palabas si Fia. Agad ng sumunod sa kanila ang kani-kanilang kaibigan. "What the hell are you doing here?" Taas kilay na tanong ni Blaire kay Fia. "M-masama bang makiramay?" Kalmadong sagot ni Fia. Handa sila Letizia sakaling manakit sila Blaire. Alam niya kasing super b***h ang isa ito kaya kailangan ay handa sila sa mabilis pananampal nito. "I dont need you pakikiramay! Please, umalis ka na dahil ayokong makita 'yang mga pagmumukha ninyo!" Sambit niya sabay pinagduduro ang lahat ng kaibigan ni Fia. "Fine! Umalis na nga tayo dito. Bwisit na babae ito. Sumunod ka na sana sa tatay mo!" Sigaw ni Maria Shawn saka niya hinila si Fia palabas ng bahay na'yun. "F*ck you, b*tch!" Sagot agad ni Blaire. "Pokpok!" Sigaw naman ni Letizia habang palayo na sila sa bahay nila Blaire. Nanggigil na pumasok ng bahay si Blaire. "Tapang din ng Maria shawn na'yun eh," inis na saad ni Khaine. "Si Letizia, palaban talaga ang isang 'yun," wika naman ni Mary shantal. "Mga bwisit! Hindi ko inaakalang pupunta ang mga palengkerang 'yun sa bahay namin. Kadiri sila!" Inis na wika ni blaire habang hindi parin bumababa ang nakataas nitong kilay. "Sabi na nga ba't hindi maganda itong naisip mo, Fia. Hindi ka na nasanay sa ugali nun," wika ni Janisa habang nasa biyahe na sila pabalik sa bahay nila Fia. "Atleast, ginawa na natin yung part natin na pakikiramay. Saka, bahala siya. Gusto ko lang naman iparating sa kanya 'yung pinapahiwatig saakin ng Ama niya sa paniginip ko. Malay mo totoo nga 'yun at baka sila ang tinutukoy sa paniginip ko na tulungan ko. Hmp, Bahala na talaga sila," saad ni Fia. "Panaginip lang naman kasi 'yun. Parang kang baliw!" Natatawang saad ni Marianne. Oo, alam ni Fia na panaginip lang 'yun. Pero ang weird dahil simula ng mamatay si Snow white ay kung ano-anu na ang napapanaginipan niya na para bang may misteryong magaganap lalo na't kutob pa niya na baka totoo ang mga nabasa niya sa akda ni Totoro. "Eh, basta. Iba 'yung pakiramdam ko. Parang akong kinikilabutan ng 'di ko mawari," saad ni Fia. "Bakit? Saan ka naman kinikilabutan?" Nagtatakang tanong ni Maria Shawn. "Simula ng mabasa ko ang libro ni Totoro. Kasalanan ito ni Letizia. Kung ano-anu na tuloy tumatakbo sa utak ko na mismo sa panaginip ko ay apektado din," sagot ni Fia "Bakit? Ano bang kwento 'yun?" Tanong ni Maria shawn. "Tungkol sa pamilyang white. Parang pamilya nila Snow white." "Ano?! Tungkol saan? Pwedeng pabasa din?"- Janisa. "Ako din." - Marianne. "Ako muna babasa." - Maria shawn. Hating-gabi na pero hindi parin dapuan ng antok si Jonna. Pabaling-baling siya ng higa na akala mo ay nakainom ng energy drink dahil dilat na dilat parin ang mga mata niya. Bumangon siya sa kama niya at lumabas sa kwarto niya. Bumaba siya para tumungo sa kusina. Kumuha siya ng malamig na tubig at saka siya lumabas ng bahay para magpahangin saglit. Habang hawak ang baso na may lamang tubig at nakaupo sa maliit ng bench sa harap ng bahay nila ay nakatanggap ng text message si Jonna. "Gising ka pa?" Text ni Sydney. Napangiti ng konti si Jonna dahil pakiramdam niya ay si Sydney lang ang isa sa mga kaibigan niya na concern sa kanya. "Oo, nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin. Nagpapahangin lang saglit. Hindi ako makatulog eh," reply niya. "Uminom ka ng gatas. Nakakaantok 'yun," text ulit ni Sydney. Habang nagta-type ng ipangrereply si Jonna kay Sydney. Napansin ni Jonna na para bang may matang nakatingin sa kanya. Maya maya ay bigla nalang sumarado ang nakabukas nilang pinto ng bahay. Nagtaka si Jonna nang wala namang ka hangin hangin pero sumarado 'yun. Tinapos na ni Jonna ang pag reply kay Sydney. Nagpaalam na siya na matutulog na siya. Matapos nun ay pumasok na siya sa loob ng bahay nila. Nabagsak bigla ni Jonna ang hawak niyang baso ng magulat siya sa isang gwapong lalaki na nakaupo sa mahaba nilang sofa. "S-sino ka?" Mautal utal niyang tanong. Maayos ang itsura ng lalaking 'yun na animoy parang mapagkakatiwalaan naman. Nagtaka pa si Jonna na may hawak pa itong mapulang mansanas. "Mansanas para sa'yo, binibini," wika ng lalaki sabay abot sa kanya ng mansanas na hindi niya alam kung bakit kusang tinanggap ng kanyang kamay. Hindi makapag salita si Jonna. Pakiramdam niya ay tila nabighani siya ng lalaking 'yun. "Kagatin mo. Masarap 'yan," nang aakit na wika ng lalaki sa kanya. Agad naman niyang sinunod ang utos ng lalaki. Kumagat siya ng isa sa mansanas. Matamis at masarap ang nalasahan niya sa mansanas na kinagatan niya. Sarap na nauwi sa pamamanhid ng katawan niya. Umikot ang lalaki sa kinatatayuan niya at pagbalik nito sa harap niya ay isang maliit ng tao na may nakakatakot na itsura na ang bumulaga sa kanya. Tila ito duwende na may pagkadimonyo ang mukha. Sisigaw na sana si Jonna pero biglang humaba ang buhok ng nilalang na'yun at dali-daling pinutol ang dila niya. Sumurumpit ang dugo sa bibig niya at nagtalsikan sa maputing sahig ng bahay nila. "Pagbabayaran nyo ang ginawa n'yo sa amo ko. Mamatay kayo!" Umilaw ng kulay pula ang mata ng nilalang na'yun at maya maya ay lumutang sa ere ang katawan ni Jonna. Unti-unti ay nahiwa ang tiyan ni Jonna. Napunit ang mukha niya sa sakit ng nararamdaman niya. Gamit ang mahabang buhok ng nilalang na'yun ay dinukot niya ang lamang loob ni Jonna at saka niya pinagkakain. Ngingisi-ngisi ang nilalang na'yun habang puno ng lamang loob ang bibig nito. Bumagsak sa sahig si Jonna nang nangingisay. Ilang minuto lang ang tinagal niya pero maya maya din ay binawian na din siya ng buhay. Init na init si Mary Shantal ng biglang mawalan ng kuryente sa kalye nila. Nasa kalagitnaan na siya ng pagtulog ng magising siya. Madilim at walang hangin sa loob ng kwarto niya. Kinapa niya ang cellphone niya sa kama niya. Nang mahawakan na niya ang cellphone niya ay binuksan niya ang flashlight doon. Duguang mensahe ang agad na nakita niya sa dingding nang kwarto niya. "Ikaw naman ang susunduin ko."- Jonna. Nagpakalawa ng malakas ng hiyaw si Mary shantal ng matapos niyang mabasa 'yun ay humarap sa ilaw ng cellphone niya ang duguan at walang dila na si Jonna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD