Nang makapasok na sila sa bayan ng Mazdean ay kita nila ang pagkalumanay o pagkalungkot ng lugar doon. Walang saya at wala manlang kulay. Patay ang mga puno at puro itim na uwak ang nakapaligid sa kahit na anong punong malapit ng mabulok. Itinuro sa kanila ni Godric ang bahay ni Misty at Totoro. Sa isang maliit at lumang kubo sila huminto.
Unang bumaba sa sasakyan si Fia. Agad siyang sinalubong ng malamig na hangin. Nilibot niya ang paligid. Matamlay. Pati siya nalungkot sa kung ano man ang nangyari sa bayan na'to. May nakikita siyang mga tao, kaya lang iilan lang 'yun at kapag nakikita pa siya ay agad siyang iniilagan ng tingin. Para bang mga maiilap na hayop ang mga tao doon. Tila takot sa kanila at agad silang tinatakbuhan kapag nakikita sila.
"Dito na ba ang bahay nila?" Tanong ni Carter ng bumaba narin siya sa sasakyan.
"Dito na nga. Hintayin n'yo at palalabasin ko na siya," saad ni Godric at sa isang iglap ay nawala na siya ng parang bula.
Mayamaya lang ay bumukas na ang pinto ng bahay nila at lumabas na doon si Misty kasama ni Godric. Matanda na si Misty. Maputi na ang mga buhok niya at halata narin sa balat niya ang ilang balat na pakulubot na.
"Sila na ba ang tinutukoy mo?" Biglang tanong ni Misty. Lumapit siya kila Fia at nakipag-kamay.
"Ikaw na po ba si Misty? Ang asawa ng sumulat nitong libro?" Tanong ni Fia sabay pakita sa hawak niyang libro.
"Ako na nga," maikli niyang sagot. "Tara, tumuloy kayo sa bahay ko," aya pa nito.
Pumasok sila sa bahay nito. Nakita nila ang pagkaluma ng lahat ng bagay doon. Tila matagal na matagal ng panahon na wala manlang ayos ang bahay niya. Bulok na ang mga kahoy ng ding-ding at butas-butas pa ang mga bubong nito. Doon ay tila nakaramdam ng awa si Fia.
"Ayos lang po ba kayo dito?" Tanong agad ni Fia.
"Ayos naman. May konting problema nga lang kapag umuulan. Butas-butas kasi 'yung bubong ng bahay ko. Wala naman akong mautusan dahil walang kibuan ang mga kapwa tao dito. Mailap kami sa isa't-isa," sagot ni Misty.
"Kung gusto n'yo po, ako na ang mag aayos. Maliit lang naman po ito at tiyak na madali namang ayusin," wika ni Carter at kahit hindi pa ito sumasang-ayon sa kanya ay agad na niyang ginawa. Mabuti nalang at may reserbang iyero si Misty. 'Yung bagong iyero na ang inilagay ni Carter para matiyak na walang butas at sira. Nang matapos siya ay tuwang-tuwa ito sa kanya.
"Salamat naman at kapag umuulan ay hindi na ako maiistorbo sa pagtulog," saad nito kay Carter.
"Wala pong anoman," sagot naman ni Carter.
Mayamaya ay binalik na ni Godric ang usapan sa tungkol sa misyon nila.
"Sige na, Misty, ibigay mo na sa kanila ang dapat nilang malaman," sambit agad ni Godric na kinalito namin.
"Ang alin?" Nalilito ding tanong ni Misty.
"Ang kasalukuyang libro na dapat na ilalabas ni Totoro." Wika ni Godric at sa isang pitik ng kamay niya ay biglang lumabas sa lumang aparador ang luma ding libro. Sinalo ito ni Fia ng tumungo ito sa harap niya.
"Hindi ko alam 'yan. Pero kung makakatulong ito para sainyo ay kunin n'yo na. Sainyo na 'yan," sagot ni Misty.
"Sige, basahin n'yo na at babalik muna ako sa bahay ng pamilyang White," paalam ni Godric at nawala na agad siya ng parang bula.
Isang linggo na ang nakakalipas, simula ng mamatay sina Ophelia at Tim.
Ramdam ng lahat ng tao sa Mazdean ang saya nilang lahat. Ang buong akala nila ay mawawala na ang sumpa ng bayan nila.
Akala nila ay wala ng mga kalamidad at kamalasan na magaganap sa kanila. Pero hindi.
Patuloy parin ito at hindi natitigil.
Halos maubos na ang mga tao doon dahil sa sunod-sunod na patayang nagaganap. Buwan-buwan ay binabagyo sila. Buwan-buwan ay halos sampo sa kanila ang laging namamatay.
Hanggang sa isang gabi, natutulog si Totoro ng bigla siyang pakitaan ng mga kaluluwa nila Ophelia at Tim.
Umiiyak ang mga ito at tila lungkot na lungkot sa sinapit nila. Takot na takot man si Totoro ay hinarap niya parin ang mag asawa. Nagulat si Totoro ng sabihin ng mag asawa sa kanila na nagsisisi sila sa pagsumamo nila sa mga dimonyo.
Nagsisisi sila kung bakit hindi sila makapasok sa langit dahil itinakwil na sila ng panginoon. Nagsisisi sila na gaya nila ay susunod din sa yapak nila ang kaisa-isa nilang anak. Humingi ng tulong ang mag asawa kay Totoro.
Tulong na sana ay gabayan at hanapin niya si Snow white. Na sakaling mamatay man ito ay huwag sana silang maunahan ng mga dimonyong gumagamit ngayon sa mga mukha nila.
Mukha nilang pag aari na ngayon ng dimonyong sina Harper at Margarita. Ang mag asawang dimonyo na pinagkasunduan nila. Sila na ang gumagamit sa katayuan nila Ophelia at Tim.
Sinabi ng mag asawang white kay Totoro na balang araw ay mamatay ang anak nila at kukuhanin ang bangkay nito ng mga dimonyong 'yun at sila bubuhay dito upang maging susi sa pagsakop sa buong mundo.
Gagawin nilang imortal si Snow white.
Siya ang gagawin nilang pinuno para sakupin ang buong mundo at para siya din ang gawing diyos ng mga tao. Ang hindi susunod ay papaslangin. Isang daang araw matutulog si Snow white.
Isang daang araw siyang mahihiga at dadasalan ng pitong alaga nito.
Pitong duwende na may dimonyong kaluluwa.
Sinabi rin nila na wala daw sino man ang makakapigil sa mga ito.
Kahit mismo ang mga kaluluwa nila ay hindi na makapasok sa bahay nila.
Malalakas daw ang mga ito at kung susubukan na kalabanin ay agad silang mapapaslang.
Makapangyarihan sa lahat si Ichabod. Isa siya sa pinakamahalaga para buhayin si Snow white.
Kapag nawala ito ay malaki ang chance na mauntol ang kadimonyohang gagawin nila.
Isa lang ang paraan para mapatay si Ichabod.
'Yun ay kapag naputol na ang kahit isang daliri nito.
Nandoon ang buhay ng mga dimonyo.
Nasa daliri, kaya ito din sa lahat ng parte ng katawan nila ang makapangyarihan kaya naman labis nila itong iniingatan na masugatan.
Inabot ng takip-silim sila Fia sa pagbabasa ng libro. Marami silang mas nalaman pa. Lahat ng mahahalaga ay nabasa nila sa nakatagong libro ni Totoro. Sa ngayon ay lalo silang kinabahan at natakot. Nalaman nilang hindi rin pala biro ang pagsagip nila kay Snow white.
"Ngayon alam na nating hindi si Snow white ang pumapatay sa mga kaibigan ni Blaire," sambit ni Carter.
"Oo nga. Ang dimonyong sila Margarita pala ang nag-uutos sa pitong dimonyo. Malakas parin talaga ang chance na makarating parin sa langit si Snow white. Malinis parin siya," saad ni Fia.
"Unahin nating patayin si Ichabod," saad ng seryosong si Misty.
"Tama po. Siya ang pinakamahalaga. Nasa kanya ang solusyon para mapigilan sila," sagot ni Fia.
"Dito na muna tayo magpalipas ng gabi. Bukas na bukas ay aalis na tayo dito. Mas mainam na sa lumang simbahan tayo tumira. Ligtas at sigurado akong hindi sila makakapasok doon. Doon nalang muna tayo mag isip ng mga plano natin," sambit ni Misty na sinang ayunan nilang lahat.
Kamote at tubig lang ang hinapunan nila. Nilabas nadin nila Fia at Carter ang mga pagkain nilang baon. Ihahain dapat nila ang mga pagkain nila ngunit pinigilan sila ni Misty at sinabing ireserba nalang 'yun para sa susunod na araw. Mahirap daw kasing maghanap ng pagkain doon kaya dapat ay tipid lang sa pagkain.
Habang nakahiga sa papag si Fia ay hindi siya makatulog. Napatingin siya sa katabi niyang si Misty. Mahimbing na itong natutulog. Ganun din sa kabilang papag na ang nakahiga naman ay si Carter. Naghihilik na ito ngayon. Ang totoo ay kinakabahan siya kaya hanggang ngayon ay hindi parin makatulog. Iniisip niya na anong laban nilang mga simpleng tao lang sa mga dimonyong makapangyarihan na'yun? Matatalo nga ba nila ang mga iyun? 'Yan ang paulit-ulit na dasal ni Fia ng gabing 'yun. Sana ay matalo nila ang mga dimonyo 'yun. Sana.