Walang tigil sa kakalakad si Fia habang pilit na hinahanap ang hindi niya malamang kasagutan kung saan makikita ang kanyang kapatid na si Snow white.
Napaubo siya bigla ng lumala na ang usok sa nilalakaran niya. Nadulas siya bigla ng isang malamig na kamay ang biglang humawak sa paanan niya.
"Sino ka?" Tanong ni Fia ng makatayo siya.
"Si Cain, at hindi n'yo ako mapipigilan."
"Parang awa mo na, itigil n'yo na 'to."
"Sa mga dimonyong gaya namin ay walang kaming nararamdamang awa, kaya balewala lang din 'yan," sagot nito.
"E, kung ganun, nararapat lang sa'yo 'to," saad niya saka niya inilabas ang holy water sa bulsa niya at iwinisik kay Cain.
Umusok ang mga balat nito at sumigaw.
"Magsisisi ka. Pupuntahan ko na sila. Papatayin ko na ang dalawang 'yun. Wala na kayong magagawa pa."
At nawala na bigla-bigla si Cain sa harap niya.
Malalim na hinga ang pinakawalan ni Fia na magising siya.
**--**
Agad na bumaba si Sydney ng makadinig siya ng doorbell. Nagkukumarat siya sa pagbaba dahil lumakas ang loob niya kapag marami na silang makakasama ngayong gabi.
Sa labas ay nakita na niya sina Letizia. Blanko ang mga tingin nito na para bang may konting hiya na nararamdaman. Hindi pa man pumapasok ang mga ito ay labis-labis na agad nag pagpapasalamat ni Sydney.
Pumasok sila na wala manlang kibo. Ngumingiti man, pero pilit. Kinikilatis muna kasi nila ang isa't-isa.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Sydney.
"Oo, bago kami pumunta dito ay dumaan muna kami sa isang restaurant," sagot ni Letizia.
"Saan ba ang kwarto ni Blaire?" Tanong ni Maria shawn.
"Tara, sumunod kayo saakin," sagot ni Sydney.
Walang kibo sina Blaire ng makita nila sila Letizia. Akward sila sa isa't-isa. Hanggang sa binasag na ni Khaine ang hiyaan.
"Im sorry sa lahat and thank you, dahil sinasamahan n'yo kami," saad niya.
Ngumiti si Marianne, "Wala 'yun. Ang mahalaga ay natututo na tayong humingi ng tawad at natuto tayong tumanggap ng kapatawaran," saad niya.
"Sorry din at salamat," maikling sambit ni Vhangz.
"No hate na. Ang isipin nalang natin ay paaano kayo makakatakas sa patayang nangyayari," wika ni Janisa.
Nagulat ang lahat ng biglang lumuhod si Blaire sa harap nila Letizia. Bigla siyang umiyak at humingi ng maraming tawad. Itinayo siya nila Letizia. "Kalimutan mo na'yun. Saka hindi ka dapat saamin humingi ng tawad. Hintayin natin ang pagbabalik nila Fia. Sa kanila ka humingi ng tawad. Saamin, okay ka na, pinapatawad ka na namin, kaya huwag ka ng umiyak," mahabang wika ni Letizia habang yakap-yakap niya si Blaire.
Sa gitna ng iyakan at pagpapatawaran nila sa isa't-isa ay biglang nawalan ng kuryente. Nakaramdam sila bigla ng malamig na hangin na dumaloy sa mga balat nila na naging sanhi upang sila ay kilabutan.
Nasigawan agad sila at agad-agad na nag tabi-tabi.
"Ayan na ba siya?" Tanong ni Syndey.
"Jusko, huwag naman sana," sambit ni Khaine.
"Ayoko pang mamatay," sambit ni Vhangz.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. Lalong nangatog sa takot ang mga nasa loob ng kwarto ni Blaire.
Malakas na pagtawa ang lalong nagpasigaw sa kanila. Halak-hak ng tila isang dimonyo na ume-echo sa loob ng kwarto 'yun.
Tumatagos ang ilaw ng poste sa labas kaya kahit papaano ay may liwanag na pumapasok sa bintana ng kwarto ni Blaire.
Sa harap ng nagkukumpulan na mga babae ay may lumitaw agad na isang maliit na tao na may mahabang buhok. Kitang kita nila kung paano tumawa ang nilalang na'yun, kaya naman lalo silang nangatog sa takot.
Magkakayakap sila ng mahigpit. Pero nagulat nalang sila ng kusang bumaklas sa pagkakayakap sina Khaine at Vhangz.
"Anong ginagawa n'yo?!" Hiyaw ni Letizia.
"Bumalik kayo dito!" Sigaw naman ni Sydney.
Kusang naglakad ang dalawa na animoy parang walang narinig.
"Tulungan n'yo kami. Hindi ko makontrol ang katawan ko," sigaw ni Vhangz.
"Ako din, tulungan nyo kami," sigaw naman ni Khaine.
Agad-agad silang tumayo at pilit na hinihila pabalik ang dalawa. Malakas ang dimonyong 'yun kaya naman nahirapan sila na hatakin ang dalawa.
"Konting lakas pa!" Sigaw ni Blaire.
Lumalakas ang hangin sa loob habang sinasabayan ang malakas na pagtawa ni Cain.
"Wala na kayong magagawa. Mamatay na ang dalawa n'yong kaibigan," sambit ni Cain at sa isang iglap ay biglang tumilapon ang lahat sa pader, maliban lang kay Vhangz at Khaine.
Tumama ang lahat sa pader ng kwarto ni Blaire.
Takot na takot sina Vhangz at Khaine na makalapit na sila kay Cain. Kitang kita na nila ngayon kung gaano kapangit ang itsura nito na ang mukha ay pinaghalong duwende at dimonyo.
"Maawa ka sa kanila. Pakawalan mo ang mga kaibigan ko," hiyaw ni Sydney habang hawak niya ang likod niya na tumama sa pader.
"Maawa ka, pakawalan mo na sila," sigaw din ni Blaire. Dumudugo ang ulo niya. Nang humagis kasi sila ay tumama ang ulo niya sa pader.
Tumawa na naman ng malakas si Cain, "Wala na kayong magagawa. Walang makakapigil saakin," sagot niya.
Natahimik ang lahat ng marinig nilang may dalawang tao na bumagsak sa kwarto.
Sandaling tumahimik ng bigla magka-kuryente. Nawala na din ang hangin at ang dimonyong si Cain.
Napasigaw nalang si Blaire ng makita nilang duguan sina Vhangz at Khaine habang wala na itong mga puso. Dinukot na ng dimonyong si Cain. Kaaawa-awa ang inabot ng dalawang magkaibigan na ngayon ay isa nalang mga bangkay.
Namuo ang malakas na iyakan sa kwarto ni Blaire. Hindi nila inaakala na kahit marami na sila ay nagawa parin nitong mapatay ang dalawa nilang kaibigan.
**--**
Kahit lungkot na lungkot si Fia ng umagang 'yun dahil nabalitaan niyang namatay na sina Vhangz at Khaine ay tumuloy parin sila ni Carter. Wala naman na din kasi siyang magagawa. Ito nalang talaga ang tanging naiisip niyang gawin.
Sa ngayon ay tahimik sila habang nagmamaneho si Carter na dala niyang sasakyan. Nakatulala si Fia habang nakatingin sa mga mahahabang talahib na nadadaanan nila. Liblib at masyado ng mga luma ang mga bahay na nadadaanan nila. Naghahalong tapang at kaba ang parehas nilang nararamdaman ngayon. Tahimik lang at tila kapwa malalim ang iniisip.
'Parating na kami, Snow white. Iuuwi na kita,' bulong ni Fia sa sarili. May suot din na rosaryo sa leeg si Fia. Ganun din si Carter na si Fia pa ang pumilit na magpasuot sa kanya. May basbas kasi 'yun na galing pa sa ibang bansa.
"Wala ba tayong nakalimutan?" Biglang tanong ni Carter.
"Wala. Sinigurado ko ang lahat na dala natin. Pagkain, tubig, holy water, libro, mga gamot at mga rosaryo. Kompleto 'yun lahat at walang kulang," sagot niya.
"Good. Una nating hahanapin at pagtatanungan ay ang bahay ng mag asawang Totoro at Misty. 'Yun ang una nating misyon."
"Ako na ang magtuturo sainyo." Nagulat kapwa sila Carter at Fia ng may magsalita sa likod nila.
Napasigaw si Carter at muntik ng mabangga dahil sa nilalang na nakita niyang nakaupo sa likod ng sasakyan.
"Halimaw!" Sigaw ni Carter.
"Huwag kang matakot. Si Godric 'yan," sambit ni Fia na hindi manlang natinag. Nakangiti itong nakatingin kay Godric.
"Nakausap ko na siya, alam ko kung saan ang bahay niya," wika pa ni Godric.
"Mabuti kung ganon. Hulog ka talaga ng langit, Godric," masayang turan ni Fia.
"Pasensya ka na, Godric. Ginulat mo kasi kami," saad ni Carter.
"Pasensya ka na din. Hindi ko sinasadya na gulatin kayo," tugon ni Godric.
"Okay lang. Kinagagalak ko nga pala na makilala kita," magalang na wika ni Carter.
"Ganun din ako," maikling sagot ni Godric.
Nakangiti at halos nagkaroon ng lakas ng loob si Fia. Dahil tatlo na sila at may isa pa silang kasama na may kapangyarihan ay lalo siyang naging positibo na mai-uwi si Snow white.
"Parating na kami, iuuwi ka na namin..." Saad ni Fia. Nginitian siya ni Carter at pagkatapos ay kapwang silang nag sign of the cross.