Tulala ang lahat habang nakatitig sila sa kabaong ni Vhangz. Una siyang dinala sa bahay nila. Naiwan pa sa puneralya si Khaine kaya naiwan doon ang pamilya niya.
Wala parin tulog sila Blaire. Lahat sila ay dilat na dilat habang nakatingin sa kabaong ni Vhangz. Kasama ni Blaire sila Letizia. Hanggang sa burol ng mga kaibigan nila ay hindi sila iniwan nito. Hindi kasi sila mapalagay dahil lahat sila ay damay at suspect sa pagkamatay ng dalawa. Ang kuro-kuro ng lahat ay pinagtripan ang dalawa ng magkakaibigan na Blaire, gayong nakita pa sa kwarto niya ang mga tali doon na ginamit sa dalawa. Isa pa, 'yun ang nagtulak at ebidensya na hinalang pinatay nila ang dalawa.
"Naalala ko, kahapon pinakain ko pa sila ng mansanas. 'Yung ang huling pagkain na kinain nila. Hindi ko inaakalang 'yun na ang huling gabi na makakasama natin sila. Kawawa naman ang mga kaibigan ko. Pero ang mas masakit ay tayo pa ang pinaghihinalahang pumatay sa kanila. Grabe sila," malungkot na wika ni Blaire. Hindi niya parin maiwasan na hindi maluha. Masyado ng maraming nangyari sa kanila tapos ganun pa ang nangyari. May chance na makulong pa sila.
Latang-latang at lutang na lutang si Blaire.
Samantala, habang nag iiyak si Blaire ay inis na inis naman sila Maria shawn. Nadamay pa daw kasi sila. Nahihiya sila dahil nabalita pa sila sa tv.
"Tumahan ka na, huwag ka ng magsalita dahil baka lalo pang gumulo. Alam naman nating tayo ang pinaghihinalaang pumatay sa kanila. Hindi man sila naniniwala ay makikita at malalaman din nila ang totoo. Saka isa pa, pinapanuod na nila ngayon ang cctv sa bahay n'yo," sambit ni Sydney.
"Tama, tumahimik nalang muna tayo," sabat naman ni Letizia.
Mayamaya ay dumating na ang mga magulang nila Vhangz at Khaine. Bigla itong lumapit kila Blaire at humingi ng tawad. Nalaman na nila ang totoo. Hindi sila makapaniwalang ganun ang nangyari. Kahit madilim ang kuha ng cctv sa kwarto ni Blaire ay malinaw parin na nakita sa video ang bulto ni Cain. Kitang kita doon ang ginawa nitong pagpaslang sa dalawa.
Humagulgol lalo ng iyak ang mga ito habang niyayakap si Blaire. Ngayon ay malinis na ang mga pangalan nila.
Agad na kumalat ang video. Nag viral ito sa buong pilipinas. May nagsasabi na peke, pero may iilan paring naniniwala. Dinaksa ng maraming reporter ang burol ni Vhangz at Khaine. Ganun din ang bahay nila Blaire. Marami gustong pumunta doon para imbestigahan ang kababalaghan na nangyari. Naging laman sa lahat ng balita ang karumdal-dumal na nangyari sa dalawa.
Maraming tao ang nabulabog. Nangamba sila na baka 'yun na ang hudyat na sasakupin na ang buong mundo ng mga dimonyo.
Dahil din sa video'ng 'yun ay maraming nagtungo sa simbahan para magdasal. May ilan pa na nagtawag ng pari, para magpabindensyon ng mga bahay nila.
"Sige na, latang lata na kayo. Halatang wala pa kayong tulog. Umuwi muna kayo," saad ng Ina ni Vhangz kila Blaire.
Nagpaalam si Blaire. Siya ang unang umuwi. Sa likod siya dumaan ng bahay nila Vhangz dahil palaging may nakaabang na reporter sa harap ng bahay nito. Palabas na sana siya ng pinto ng biglang makadinig siya ng boses na alam niyang si Vhangz 'yun. Agad siyang kinilabutan. Nakaramdam pa siya ng panlalamig kahit tanghaling tapat non.
Nabigla nalang si Blaire ng paglingon niya sa likod niya ay nakatayo doon ang bulto ni Vhangz na duguan.
"Mag-iingat ka, ikaw na ang susunod!"
Sa sobrang takot niya ay nahimatay siya at nabuwal.
**--**
"May nagmimisa pa ba dito?" Tanong agad ni Fia ng makarating na sila sa lumang simbahan.
"Wala na. Matagal ng patay si Father dadeng. Pero, linggo-linggo ay may tumutungo parin dito para magdasal. May iilan paring taga dito na nanalig sa panginoon," sagot ni Misty. "Buksan n'yo ang mga bintana para mawala ang amoy na kulob dito," utos pa niya.
Isa-isa nilang binuksan ang bintana. Lumiwanag bigla ang loob ng simbahan. Pumasok ang mga sinag ng araw sa loob na lalong nagpaganda doon. Nagwalis na din sila. Nagdala si Misty ng kandila at agad sinindihan sa harap ng altar.
"Ang dapat n'yong gawin ay hikayatin ang lahat ng taga Mazdean na muling manalig sa panginoon. Ang araw-araw na pagdadasal ay malaking tulong upang mabigyan ang bayan na'to ng malaking biyaya na matagal na nilang hindi nararanasan," saad ng biglang sulpot na si Godric.
"'Yun din ang gusto kong mangyari," saang-ayon ni Misty.
"Tapos, mamimitas naman ako ng mga bulaklak sa labas, para may maalay tayo araw-araw sa altar," sambit naman ni Fia habang dala-dala na nito ang maraming gumamela na pinitas niya sa labas ng simbahan.
"Bibigyan natin ng kulay at buhay ang iniwan nilang simabahan na'to," wika naman ni Carter na nagtatanggal ng mga alikabok at agiw sa itaas ng kisame ng simbahan.
"Gusto kong tumulong sainyo," biglang sabi ng isang babae na taga doon.
Nagulat silang lahat. "Sige po, pwedeng-pwede," masayang tugon ni Fia.
"Kaya pala biglang nawala si Godric. May tao palang paparating," mahinang sambit ni Carter.
Nilinis nilang mabuti ang bawat sulok ng simbahan. Matapos nun ay inutusan ni Misty ang babaeng taga doon na maghikayat sa mga kababayan nila na magdasal araw-araw sa simabahan.
"Kay gandang masdan ang muling pagbalik ng kagandahan ng simabahan namin. Salamat sainyo," nakangiting wika ni Misty.
"Tama po kayo. Mas gumanda na ngayon ang simbahan. Nawala ang pagod ko ng makita ko ang kinalabasan. Thank you, Lord," sambit ni Fia na napa-sign of the cross pa.
Nang wala na ang babaeng taga doon ay bigla na ulit sumulpot si Godric. "May masamang balita," saad niya agad.
Kinabahan bigla sila Fia. Kita agad sa mukha nila ang pag-alala.
"Dawit na ang mga kaibigan mo, Fia. Kasama na sa listahan ng mga papatayin ang mga pangalan nila Letizia." Napaupo bigla si Fia.
"Bakit? Anong kasalanan nila?" Tanong agad ng nanlumo na si Fia.
"Nadamay sila dahil nakialam sila nung kasalukuyang papatayin sina Vhangz at Khaine. Natandaan sila ni Cain at dahil doon, kasali na sila sa mga papatayin," saad ni Godric.
Agad na nagbagsakan ang mga luha ni Fia. "Hindi pwede. Wala kabang magagawa? Pigilan mo sila, Godric. Huwag ang mga kaibigan ko," saad ni Fia. Agad siyang niyakap ni Carter. Nagwala na kasi sa pag-iiyak si Fia.
"Sumusobra na talaga sila!" galit na wika ni Misty. Inabutan niya ng tubig si Fia.
"Susubukan kong kontrahin, pero hindi ko masasabing mapipigil ko sila. Hindi pa ako pwedeng mangialam. Hindi nila pwedeng malaman na iba ako sa kanila. Maaga akong mabubuking kapag lalo akong nagpakita ng kakayahan ko. Isa pa, ako ang naatasan na pumatay kay Sydney. Suwerte siya dahil hindi ko kayang pumatay. Palalabasin ko lang na pinatay ko siya," saad niya.
Bumalik ang lahat ng pagod ni Fia. Lalo pa siyang nanghina sa nalaman niya. Hindi tuloy niya alam kung ano ang una niyang aatupagin. Ang pagsagip ba sa mga kaibigan niya o si Snow white?