Chapter 14

1089 Words
Kinuwento ni Fia kay Sydney ang lahat-lahat ng kanyang nalaman tungkol sa patayan, sa libro ni Totoro, sa pitong dimonyo, sa planong pagtungo nila sa Mazdean at sa mga pangitain niya sa panaginip. Kinalibutan at halos matakot siya sa kanyang nalaman. Lalo pa't sinabi na din ni Fia na dalawa sa mga kaibigan nila ang susunod kay Mary shantal. "Naniniwala ako sa'yo, dahil noong bago mamatay ang daddy ni Blaire ay nakakita ako ng maliit na duwende na may mahaba ang buhok na umaakyat sa itaas ng bahay nila Blaire. 'Yun ang unang beses na pumatay sila at si tito Benjie 'yun," kwento ni Syndey na kinagulat nila Fia at Carter. Kinuwento din ni Sydney ang sunduang nangyayari sa kanilang magkakaibigan na siya naman tumugma sa sinabi ni Fia na dalawa sa mga kaibigan nila ay susunod kay Mary shantal. "Kaya kung ako sa'yo ay balikan mo na sila Blaire. Bantayan n'yo mabuti sila Vhangz at Khaine. Padating na si Cain. Galit man ako sainyo ay kailangan ko paring tumulong dahil hindi ito ang sagot para gumanti ang kapatid ko. Itatama ko ang landas niya at pag nagawa ko 'yun ay sorry nalang dahil kailangan n'yong managot sa batas," saad ni Fia. Tumango naman ni Sydney. "Okay lang. Sorry talaga. Saka, mag iingat ka'yo. Sana nga buhay pa siya at sana lang patawarin na niya kami," sagot ni Syndey. Napansin ni Fia na may maganda ding loob si Sydney. Talaga lang sumusunod sila sa mga kawalangyaan na utos ni Blaire kaya pati sila ay nadadamay sa kamalasang nangyayari sa kanila ngayon. **--** Nagtaka si Blaire ng bumalik si Sydney sa bahay nila. Nakataas ang kilay nito ng makita niyang pumasok sa kwarto niya si Sydney. "Saan ka galing? Kinabahan ako sa'yo. Akala ko nagsumbong ka na sa mga pulis?" Galit na tanong ni Blaire. "Sorry. Galing ako kila Fia," sagot niya. "Anong ginawa mo dun? Huwag mong sabihin na---" napatigil sa pagsasalita si Blaire ng sumabat agad si Sydney. "Oo. Sinabi ko na sa kanya ang lahat," sambit niya na kinagalit agad ni Blaire. "F*ck you ka, Syndey. Anong ginawa mo? Hindi mo ba alam na makukulong tayo?" Nanggagalaiting hiyaw ni Blaire. "Mas maganda na'yun kesa sa mamatay tayo." Lumapit si Syndey kina Vhangz at Khaine at tinanggal niya ang mga tali nito. "Walang mamatay! Huwag mo akong pangunahan!" "Nakunpirma ko na ang lahat. Maraming sinabi saakin si Fia. Marami siyang alam sa kababalaghan na nangyayari saatin. Sinabi din niya na padating na ang isang dimonyo na alaga ni Snow white para patayin sina Vhangz at Khaine." Dahil tumahimik si Blaire ay kinuwento nadin niya ang lahat ng nalaman niya kay Fia. Gulat na gulat silang nakikinig kay Sydney. Sa loob-loob ni Blaire ay nagkamali pala siya ng binangga. "Oh my god! Totoo ba'yan?" Nakaramdam na ng matinding takot si Blaire. Si Vhangz naman at Khaine, naiiyak dahil alam na din nilang ano mang oras ay padating na ang isang dimonyo para patayin sila. "Pito talaga? Saan galing ang mga dimonyong 'yun?" Tanong ng umiiyak na si Vhangz. "Galing sa dimonyo na pinagkasunduan ng pamilya niya. Regalo daw 'yun kay Snow white. Nakatadhana na daw na mangyayari ito kaya nilaan daw ng dimonyong 'yun ang pitong libro para maghasik ng lagim sa mga tao at tayo na nga ang unang bibiktimahin," kwento ni Sydney. "Ibig sabihin, dudukutan niya kami ng puso ng sabay? Mamatay na ba talaga kami? Anong gagawin namin? Wala na bang paraan para makaligtas kami?" Umiiyak na tanong ni Khaine. "Wala daw. Pero babantayan namin kayong mabuti. Nagpapasalamat lang ako dahil madami tayong magbabantay sainyo mamayang gabi," saad ni Syndey na kinalito nila Blaire. "Sino-sino?" Tanong ni Blaire. "Sila Letizia. Ang mga kaibigan ni Fia," sagot niya. Nakaramdam ng hiya ang mag kakaibigan na Blaire. Hindi nila lubos maisip na sa kabila ng ginawa nila kay Snow white ay andito parin sila Fia para tulungan silang makaligtas sa mga dimonyong nagtatangka sa buhay nila. "Nakakahiya man, pero nagpapasalamat narin kami sa kanila," saad ni Khaine. "Kaya nga. Kahit papaano eh, nakakalakas ng loob dahil madami tayo mamaya. Please, Blaire, wala ng awayan. Huwag mo na silang awayin para wala ng gulo," saad naman ni Vhangz. "Oo na, sorry na sainyo. Ako naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng ito. Sorry guys. Dahil saakin ay napunta tuloy ang buhay n'yo sa alanganin. Nadamay pa si Daddy, Jonna at Mary shantal. Napakalaking kademonyohan ang ginawa ko. Pasensya na kayo," maluha luhang sambit ni Blaire. Naunawaan naman agad siya ng mga kaibigan niya kaya naman niyakap nalang siya ng mga ito at imbis na magalit ay pinatawad nalang din nila dahil nakita na din naman nilang nagsisi na ito at bukas sa loob ang panghingi nito ng tawad. **--** Rosaryo, holy water at mga bible ang sinilid ni Fia sa bag niya. Naghahanda na siya dahil bukas na ng umaga ang napag usapan nila ni Carter na pagtungo sa mazdean. Sa ngayon, bago ang lahat ay pumunta muna sila sa simbahan para humingi ng basbas sa panginoon. Kapwa silang nakaluhod ni Carter sa loob ng simbahan at taimtim na nagdadasal. Humingi sila ng lakas ng loob at basbas upang magtagumpay sila sa gagawin nilang alam nilang mapupunta sa bingit ang kanilang buhay. Matapos nun ay kinausap nila ang pari sa simabahan na'yun at nagpawisik sila ng holy water para maging mabisa ang paghingi nila ng basbas. Kinagabihan, ay nagpaalam na si Fia sa mga magulang nila. Noong una ay ayaw siyang payagin ng mga ito, pero sa huli ay nakunbinsi din niya dahil ipinaliwanag niya na din niya ang lahat lahat. Hindi rin makapaniwala ang Ama't Ina niya sa nalaman nila. Kinakabahan man ay nagbigay nalang din sila ng basbas at dasal upang magtagumpay ang anak nila sa gagawin nilang pagsagip kay Snow white. "Mag-ingat ka'yo at sana gabayan kayo ng panginoon," saad ng Ina niya. "Sana totoo nga 'yan. Sana ma-iuwi n'yo si Snow white. Miss na miss ko na ang kapatid mo," saad naman ng Ama niya. "Pinapangako kong hindi kami uuwi dito ng hindi kasama si Snow white. Ngayong na lalapit na pasko ay magiging buo at masaya tayo, pangako ko 'yan," sambit niya at saka niya niyakap ang Ina't Ama niya. Bago nahiga si Fia para matulog ay nagdasal muna ulit siya. Matapos nun ay natulog na siya dahil bukas ay araw na ng pagsubok nila para sagapin si Snow white. Hinihiling lang niya na sana hanggang sa dulo ay huwag silang iwanan ng panginoon. Gabayan sana sila hanggang sa mai-uwi si Snow white.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD