Gabi na ng magising si Blaire. Nanlalamig siya ng bumangon sa kamang 'yun. Naamoy niya ang isang pamilyar na amoy. Amoy na tila pabango ni Vhangz. Nilingap niya ang paligid. Alam niyang hindi 'yun ang kanyang kwarto. Bumukas ang pinto at pumasok ang Ina ni Vhangz. Tama nga ang hinala niya. Nasa kwarto siya ngayon ng kaibigan niyang si Vhangz.
"Mabuti naman at gising ka na. Anong nangyari sa'yo? Bakit ka natagpuang ni Sydney na walang malay-tao?" Tanong nito sa kanya.
Inalala niya ang nangyari. Bigla siyang kinalibutan ng maalala niya ang duguang bulto ni Vhangz na nakita niya kanina. "Si Vhangz, nagpakita po siya saakin," saad nito sa kanya.
"Ang anak ko?" Gulat na tanong nito.
"Opo, at ako na po ang susunod," sagot pa niya. Naiyak agad si Blaire. Agad siyang nilapitan ng Ina ni Vhangz. "Sabihin mo nga, ano bang nangyayari? Bakit kayo iniisa-isa ng mga dimonyong 'yun? Anong ginawa n'yo?" Tanong niya.
Isinalaysay lahat ni Blaire ang kanyang ginawa. Pati narin ang tungkol kay Snow white at sa pito nitong alaga. Gulat na gulat ang Ina ni Vhangz sa nalaman niya. 'Yun ang pagkakamali na ginawa ni Blaire. Matapos kasi niyang ikwento sa ina ni Vhangz ang kanyang nalalaman ay agad nitong ikinalat sa buong sambayanan. Nagpa-interview pa ito sa mga reporter kaya naman agad na nag-trending si Snow white at ang pito nitong alaga sa buong pilipinas. Mabuti nalang at wala itong binanggit tungkol sa pagpatay nila kay Snow white. Hindi niya sinabi sa mga reporter 'yun dahil alam niyang mababahiran din ng kahihiyan ang pangalan ng anak niya.
**--**
Dumaan muna si Blaire sa burol ni Khaine bago tuluyang umuwi sa kanilang bahay. Sa bahay nila ay nadatnan niyang nag-aabang sila Letizia. Nakakunot ang noo at dismaya sa balitang trending ngayon.
"Anong nangyari? Bakit kumalat? Paano nila nalaman ang lahat? Pati ang bahay nila Fia ay dinudumog nadin ng mga reporter. Kalat na kalat na si Snow white," saad ni Letizia habang kaharap sina Sydney.
"Sorry, hindi ko kasi inaakalang sasabihin 'yun ng mama ni Vhangz sa mga reporter. Naikwento ko kasi sa kanya ang lahat," sagot ni Blaire.
Habang nag-uusap sila ay nakatanggap ng tawag si Letizia mula kay Fia. Seryoso niyang pinakinggan ang lahat ng sinabi ni Fia. Matapos ang pag-uusap nila ay natulala nalang siya bigla sa masamang balita na binahagi ni Fia.
"Anong nangyari sa'yo? Bakit tulala ka diyan? Sino ba ang nakausap mo?" Tanong ni Janisa kay Letizia ng mapansing tulala ito habang nakatingin sa bintana.
"Okay ka lang ba?" Tanong din ni Blaire sa kanya.
"Hindi. Hindi ako okay, lalo na't nalaman kong damay-damay na," sagot nito at bigla pa itong napaluha.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Marianne.
"Kasali na din tayo sa mga papatayin ng mga alaga ni Snow white," sagot ni Letizia.
"What? Hindi. Ayoko pang mamatay!" Nagsisigaw na wika ni Maria Shawn.
"Sinasabi ko na nga ba e. Nung una palang ayoko ko talagang mangi-alam sa away na'yan, ayan nadamay pa tuloy tayo!" Inis ng kinakabahan na si Marianne.
Lahat sila ay nagkagulo at uminit ang ulo. Halos lahat, umiiyak at kinakabahan. Takot na takot sa balitang sinabi ni Fia.
"Ako na ang susunod," biglang sabi ni Blaire na nagpatahimik sa kanila.
"Bakit? Nagpakita na ba sila sa'yo?" Tanong ni Sydney.
"Oo, 'yun ang dahilan kung bakit nakita mo akong walang malay. Nagpakita saakin nun si Vhangz at sinabi niyang mag-ingat daw ako dahil ako na ang susunod," saad niya habang tumutulo na ang luha. "Okay narin 'yun. Masyado na akong maraming nagawang kasalanan. Marami ng nadamay. Dapat lang na mamatay na ako. Dapat lang na magbayad na ako sa mga kawalangyaan na ginawa mo. Saka, wala naman na akong pamilya. Mag-isa nalang ako kaya dapat lang na sumunod na ako kay Daddy," saad pa niya.
"Lumaban ka, huwag kang panghinaan ng loob," wika ni Sydney sa kanya at niyakap pa niya ito.
Nawala ang galit nila Letizia ng bigla silang maawa kay Blaire. Imbis na mag away-away ulit ay pinalakas nalang nila ang loob ng isa't-isa. Ang maganda nilang ginawa ay sabay-sabay nalang silang nagdasal.
**--**
Nakakita ng isang balon sa likod ng simabahan si Carter. Punong-puno 'yun ng damo at mga halaman. Ang sabi ni Misty ay dun daw kumukuha ng holy water, dati si Father dadeng. Nilinis nila 'yun at swerte sila ng gumagana at nakakasalok parin ng tubig doon.
Maraming nahikayat ang babae na taga doon na magdasal sa simbahan. Inutusan na din ni Misty ang mga tao doon na magpamigay ng holywater at magwisik sila sa kani-kanilang bahay, upang mawala ang sumpa at kamalasan sa kanilang tahanan.
"Natutuwa ako ng maraming tao ang nagbabalik loob sa panginoon," saad ni Misty ng kumakain na sila ng miryendang nilaga na kamote na nakuha ni Fia at Carter sa kagubatan na malapit sa simbahan.
"Kahit ako'y nalulungkot ay lumalakas na din ang loob ko, dahil dumadami nadin ang grupo natin," saad ni Fia habang nakatingin sa anim na taong nakaluhod at nagdadasal doon sa loob ng simbahan.
"Sigurado akong pagbibigyan tayo ng panginoon na tulungan at ilayo sa mga dimonyong 'yun. Tutulungan niya tayo at hindi pababayaan," sabat naman ni Carter.
"Marunong ang diyos sa lahat, huwag nga lang tayong makakalimot na kausapin siya. Magdasal araw-araw at magsimba linggo-linggo. Dun palang ay tuwang-tuwa na siya dahil hindi tayo nakakalimot sa kanya. 'Yun ang dapat nating ituro sa mga taga rito," wika ni Misty at saka siya tumayo. Nakita niya kasing tapos ng magdasal ang mga tao. Inabutan niya ng mga boteng may lamang holy water ang mga 'yun at inutusan niya na iwisik 'yun sa buong bahay nila.
Nakangiting umalis ang mga tao. Kaalis palang ng mga ito ng may dumating agad na pitong bagong tao.
Natutuwa sila na sa buong maghapon na'yun ay marami silang taong nahikayat na magdasal. Dahil doon ay agad na nagsalin ng holy water sa mga bote si Misty para ibigay sa mga bagong dating.
Matapos ang pagmimiryenda nila ay inatupag naman ni Carter ang magiging tulugan nila mamayang gabi. May malaking kwarto sa gilid ng simbahan. 'Yung ang dating kwarto ng namayapang si father Dadeng. Nilinis niya 'yun at inayos.
Sa gitna ng pag aayos niya ay bigla siyang nakaramdam na para bang may matang nakatingin sa kanya. "Pasensya na po kayo father Dadeng, nililinis ko lang po ang kwarto n'yo at gagamitin muna namin pansamantala," sambit niya.
Mayamaya ay biglang humangin. Nagtaasan ang balahibo niya. Sa harap ng malaking salamin ng lumang aparador doon ay bigla niyang nakita ang nakangiting kaluluwa ni father Dadeng. Hindi natakot si Carter. Imbis na sumigaw ay nag sign of the cross nalang siya. Sandali lang 'yun at mayamaya ay nawala din.
Pagsapit ng gabi ay dumilim na sa buong simabahan. Walang kuryente doon kaya nagsindi ng maraming kandila si Misty. Kahit kasi gabi na ay marami paring dumadating na tao para manalangin sa panginoon.
Nang lumalim na ang gabi ay tumuloy na sila sa kwarto ni Pader Dadeng.
Nakahiga na silang lahat ng biglang lumitaw si Godric.
"May maganda akong balita sainyo," bungad niyang sabi. Napaupo tuloy ang lahat.
"'Yan ang gusto ko," nakangiting wika ni Carter.
"Ano ba 'yun?" Tanong naman ni Misty.
"Humihina ang pwersa ng mga dimonyong 'yun. Naiirita sila dahil maya't-maya ay nadidinig nila ang mga dasal ng mga tao dito sa bayan ng mazdean. Nadi-distract sila sa orasyon nila kay Snow white. Ipagpatuloy n'yo 'yan. Maghikayat pa kayo ng maraming tao para bumagal at ritwal nila kay Snow white," sambit ni Godric.
"Ayos!" Sambit ni Carter.
"Malakas talaga ang kapangyarihan ng dasal ng mga tao. Nakakatuwa. Maraming salamat sa panginoon," saad ni Misty.
Napapalak-pak si Fia dahil sa balitang 'yun. Lumakas na ulit ang loob niya. Nakaramdam siya na may pag-asa pa. Malaki ang tulong ng dasal kaya naisipan niya na bukas ay maghahakot pa siya ng maraming taong magdadasal. Gagawin niya talaga ang lahat para magtagumpay sa misyon nila. Kapit lang sila hanggang dulo basta kaagapay nila ang panginoon. Amen.