KANINA pa hindi mapalagay si Tere sa loob ng kuwarto niya. Panay ang pabalik-balik niya habang nakatingin sa cellphone. Halos dalawang oras na niyang inaabangan ang pagtawag ni Liam. Para kumpirmahing nasa Hacienda Ramona nga ito. Ngali-ngaling i-chat na niya si Kiesha para tanungin kung nandoon na nga ang pinsan nito. Pero nahiya naman si Tere. Simula nang magdesisyon siyang iwasan si Liam ay iniwasan na rin niyang mapag-usapan nila ito ni Kiesha. "Hindi naman ako puwedeng magkamali," kausap ni Tere sa sarili. "Siya talaga ang nakita ko kanina sa highway. Hindi pa naman sira ang ulo ko para mag-hallucinate nang gano'n." Pero nasaan si Kuya Liam? tanong ng kaniyang isip. Imposible namang uuwi ito ng Bacolod na hindi dumadaan sa kanila. O baka tuluyan nang nagtampo dahil sa pag-iiwas