KAHIT alam ni Tere na malabo, umaasa pa rin siya na ipapatawag siya ni Liam for dinner. Pero alas otso na ay wala pa ring kumakatok. Nakaramdam ng pagkalam ng sikmura si Tere kaya wala siyang nagawa kundi ang lumabas ng kuwarto. Tahimik ang buong mansion nang makababa siya. Mahihinang kaluskos lang ang naririnig niya mula sa kusina. At nang pumasok siya roon ay naabutan niyang naghuhugas ng pinggan si Diday. Ang dalawa naman nitong kasamahan na sina Matilde at Clarissa ay naglilinis. Sila pa rin ang mga katulong sa dating mansiyon ni Liam. "Good evening, Ma'am Tere," sabay-sabay na bati sa kaniya ng tatlo. "Kumain na po kayo, Ma'am," wika ni Diday. "Nauna na po kaming kumain. Hindi ko na kayo ginising dahil baka nakatulog kayo." "Si Sir Liam n'yo?" Hindi napigilan ni Tere na hanapin a