ILANG beses nang narating ni Tere ang burol na iyon sa Hacienda Felicita. At may ilang ulit na rin niyang ginawa ang mga bagay na ginagawa nila ngayon ni Liam. Lalo na noong mas bata pa sila. Pero hindi hamak na mas masaya ngayon ang dalagita. Dumodoble ang kasiyahan niya sa tuwing tumitingin siya sa mga mata ni Liam. Naaaliw siya sa kislap ng mga iyon. Totoong si Tere ang laging inaalagaan ni Liam, ang pinapasaya. Pero mas higit na natutuwa siya kapag nakikita niya ang kasiyahan nito. His happiness always makes her heart happy, too. At kapag nalulungkot si Liam, nalulungkot din si Tere. "Hey, akala ko ba magpapalipad tayo ng saranggola?" tawag sa kaniya ng binata na noon ay nag-aayos ng saranggola. "Ano ba ang iniisip mo at natulala ka na riyan?" "Naisip ko lang kung hanggang kailan