"WHAT do you think you're doing?" Mas dumilim ang mukha ni Liam nang balewalain ito ni Tere. "I said, what do you think you're doing?" Doon na tinigil ni Tere ang pag-i-scroll sa Facenote para harapin si Liam na nakatayo sa harapan niya. "As you can see, nakaupo dito sa kama at nagse-cellphone. Unless, may third eye ka at may nakikita ka pang iba." Wala sana siyang balak na patulan ito. Pero naiinis si Tere dahil ito na nga ang umuwi na nakainom tapos galit pa. Tumiim ang bagang ni Liam. "Alam mong hindi iyan ang tinutukoy ko." "Then say it na. H'wag mo na ako gawing manghuhula." Liam heaved a deep sigh. Pero hindi pa rin nagbabago ang hilatsa ng mukha. "Bakit ka nakikipaglandian kay Jayden?" "What?!" exaggerated na tili ni Tere dahil sa pang-aakusa ng asawa. "WTF, I'm not flirting!"