"OKAY na. Malinis na ang banyo mo. Puwede ka ng maligo," kuha ni Winona sa atensiyon ni Tere nang makalabas ito sa comfort room. "Tawagin mo na lang ako kapag pupunta na tayong farm. Kailangan ko pang ihanda ang OOTD ko."
"Ay, Kiriray!" tawag dito ni Tere nang aktong lalabas na ng kuwarto niya. "Kiriray" ang tawagan nila kung minsan. "I-prepare mo na pala 'yong mga dadalhin natin papuntang Boracay, ha. Para arat na agad tayo bukas. Baka hindi natin maabutan si Paula. Sayang din ang selfie with her."
Kung tutuusin, kayang-kaya naman ni Tere na mapalapit sa mga artista at sikat na personalidad. Gagamitin lang niya ang impluwensiya ng kaniyang ama. Pero mas gusto niya iyong may thrill. Iyong siya mismo ang magpapakahirap para makadaupang-palad ang mga iniidolo niya.
At isa ang ugaling iyon ni Tere sa mga dahilan kung bakit marami ang nagsasabing napakasimpleng babae raw niya kahit heredera siya. May pagka-spoiled brat pero hindi maarte.
"Ngayon na?" baling ni Winona sa kaniya.
Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Hindi. Next year pa."
"Ay, ang sungit naman! Iba talaga 'pag hindi masaya ang lovelife." Tinawanan siya ni Winona. "Mag-t****k ka na rin kasi. Talbugan mo ang Roxie na 'yon. Tapos follow mo ako. Para naman maging tatlo na ang followers ko."
"Asa ka naman na ipa-follow kita. Si bebe Liam ko lang ang gusto kong i-follow forever, 'no?" Inirapan ni Tere ang kaibigan. "Get the hell out of here. Hindi kita bet ka-bonding ngayong umaga."
"Get the hell out of here? Ano ang ibig sabihin niyon?" pagmaang-maangan ni Winona.
"I-Google mo. T*nga!"
Nagkatawanan silang dalawa bago tuluyang lumabas ng kuwarto niya si Winona. Nang maakaalis ito ay napangiti si Tere. Ganoon lang talaga sila kung mag-usap. Pati sa mga paggamit ng mga usong salita ay magkasundo rin sila. Na natutunan nila sa madalas na pagtatambay sa social media.
PAGKATAPOS maligo ni Tere ay nagbihis na siya. Sasamahan niya si Don Amado para libutin ang farm. Ganoon ang halos daily routine ng dalaga simula pa lang noong bata pa siya. Ayaw naman kasi siyang pagtrabahuin ng papa niya dahil sobra-sobra na raw ang kayamanan nila para sa kanilang dalawa. Ipaubaya na lang daw ni Tere sa ibang aplikante na mas nangangailangan, ang sana ay magiging trabaho niya.
Ganoon kabait si Don Amado. Na naiisip pa ang ganoong bagay. Kaya ang diploma niya na may tatak na Suma c*m Laude sa kursong Business Management ay naging display na lang sa mansiyon nila.
Mula sa cabinet ay kinuha ni Tere ang kaniyang cutoff denim shorts at tinernuhan niya ng button-down long-sleeved shirt. And then she rolled the sleeves at her elbows. Pagkasuot niya ng kaniyang Western-style cowgirl hat, isinunod niya ang mamahaling pares ng cowgirl boots. It is made of faux leather and the exotic skin of an alligator. Mas gusto ni Tere ang ganoong outfit. Hindi siya komportable sa mga paseksing damit.
Palabas na sana ng kuwarto si Tere nang mapasilip na naman siya sa isa pa niyang cellphone. Lumabas mula sa screen ang mukha ni Liam na kinuha niya mula sa i********: account nito. Kung puwede lang sana siyang magpagawa ng banner niyon at idikit sa wall ng kuwarto niya. Pero hindi puwede. Dahil baka atakehin sa puso si Don Amado kapag nalamang dead na dead siya sa "kuya" niya. Isa sa rason kung bakit hanggang pangarap na lang ni Tere si Liam.
"Ang guwapo mo talaga, bebe Liam ko." Parang nangangarap na tumunganga si Tere sa picture ng binata. "Habang tumatagal ay lalo kang pumopogi. Ang ganda pa rin ng mga mata mo na laging nagpapakilig sa'kin. At ang galing mo pa rin pumorma. Bagay na bagay talaga tayo." Napahagikhik si Tere sa kapilyahan niya. Marahan niyang hinaplos ang screen ng cellphone niya. " Maging akin ka lang, bubuuin ko talaga palagi ang araw mo, bebe ko. Bibigyan ko pa ng kulay ang mundo mo. And I will make you realized that being with me is super nakaka-good vibes.
"Pangingitiin kita nang non-stop. Walang tigil. Walang humpay. Sasayawan kita ng TUTU ni Kent Mareno para ma-TUTU-nan mo akong mahalin." Napahagalpak ng tawa si Tere sa sariling kalokohan. "At kapag nakita mo akong nag-TUTU. Siguradong babaon ako sa isip, puso, at balon-balunan mo. Palagi mo akong maalala kapag nag-iisa ka at mami-miss mo ako kapag hindi mo ako kasama."
Natawa na lang uli si Tere sa mga pinagsasabi niya, sabay dutdot ng kaniyang nguso sa screen ng cellphone para halikan si Liam. At ganoon ang eksenang naabutan ni Don Amado nang pumasok ito sa silid niya.
"Sino ba ang kahalikan mo riyan sa cellphone at hindi mo naririnig ang pagkatok ko?" biro sa kaniya ng ama.
"Kahalikan ko?" Mabilis niyang isinuksok sa bulsa ng kaniyang short ang cellphone. "Kayo, Papa, ha. Ang green-minded n'yo. Nililinis ko lang ho ang screen ng cellphone ko. Madumi na kasi."
"Nguso na ba ang bagong panlinis ngayon?" natatawang tudyo ng papa niya..
"Puwede ho. Tipid sa tissue," pabiro ding tugon ni Tere.
Lumapit sa kaniya si Don Amado at inakbayan siya. "Akala ko naman ay may boyfriend ka na uli. Excited pa naman akong marinig na may lalaki rito sa mansiyon at tinatawag akong 'papa'".
"Naku, 'Pa! Napakamahal nitong puso ko. Milyon ang halaga nito. Kaya dapat lang ho na ilalaan ko ito sa taong mahal na mahal ko talaga." At iyon ay walang iba kundi si bebe Liam ko.
Kung isinatinig niya iyon, siguradong hinimatay na ang papa niya. Para rito ay magkapatid lang talaga sila ni Liam.
"At kailan ka naman matututong magmahal? Kung hindi ka lang mahilig sa lipstick, at kung hindi ka lang nagka-boyfriend noong high school ka, iisipin kong nagkaanak ako ng tomboy."
"Papa!" nanlalaki ang mga mata na tili ni Tere. "One hundred percent girl po ako, ha. Ayoko pa lang talagang mag-boyfriend." Dahil ang manhid mong inaanak, hanggang ngayon, dinededma ako.
Isa si Tere sa sinasabing pinakamagandang babae sa lugar nila. Katunayan, ilang beses nang may lumapit sa kaniya para kuhanin siyang modelo o artista. Pero tinanggihan niya. Bukod sa ayaw niya ng magulong buhay, mas sanay siya rito sa hacienda nila kaysa sa siyudad.
Pila-pila rin ang manliligaw ni Tere simula nang magdalaga siya. May sinagot naman siya sa mga iyon noong high school siya. Pero isang beses lang at hindi na nasundan. Inaway kasi ni Liam kaya hiniwalayan siya. May sasagutin din sana siya ulit noon pero inaway din nito kaya napurnada.
Kaya lang naman noon nakikipaglapit sa ibang lalaki si Tere para ibaling sana ang kabaliwan niya kay Liam.
At akala niya ay nagseselos ito kaya inaaway ang bawat lalaking lumalapit sa kaniya. Iyon pala, pinoprotektahan lang siya bilang kapatid.
"Pero may balak ka namang mag-asawa, 'di ba?" tanong ni Don Amado sa tonong naniniguro.
"Siyempre naman, Papa! But before that, kayo muna ang gusto kong makita na nag-aasawa uli. Kaya payagan n'yo na akong igawa kayo ng account sa mga Dating site."
Pinandilatan siya ng kaniyang papa. "Maria Teresa Palomar!"
Ang lakas ng tawa ni Tere habang pinagmamasdan ang namumulang mukha ni Don Amado. "I'm just kidding, 'Pa. Gusto ko lang namang makita na may nag-aalaga sa inyo." Naglalambing na humilig siya sa balikat nito. "Para mapanatag ang loob ko kapag umalis na ako."
Lalong nanlaki ang mga mata ni Don Amado. "Hinding-hindi iyon mangyayari, hija. So stop mentioning that."
Rumehistro ang lungkot sa mukha ni Tere. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit pinipili niyang mahalin si Liam kahit siya lang ang nakakaalam. Ayaw niyang sayangin ang kaniyang puso sa ibang lalaki.
"Uminom na ho kayo ng gamot n'yo para sa athritis, 'Pa?" kapagkuwan ay pag-iiba ni Tere ng usapan.
"Huwag mo akong alalahanin. Mas isipin mo ang sarili mo. Dahil ikaw na lang ang meron ako." Maluha-luha ang mga matang hinagkan siya ni Don Amado sa ulo.
Gusto ni Tere na good vibes lang palagi. Kaya hangga't maaari ay iniiwasan niya ang maging malungkot. "Let's take a picture, 'Pa. Pang-IG ko today. Hashtag With My Papa For Sale. Issue: Masiyadong madrama." Tawa siya nang tawa nang paluin siya nito sa puwet.
"Pilya ka talagang bata ka! Manang-mana ka sa Mama mo."