NAKAPAGPAHINGA na si Tere at nakaligo na rin nang pumasok si Diday na may dala-dalang pagkain. Masaya siya dahil ang akala niya ay makakasabay niya sa pagkain si Liam. Excited niyang inayos ang mga pagkain sa maliit na lamesa. Pero nadismaya siya sa sinabi nito. "Dito ka na kumain. Bababa na lang ako. Huwag kang lumabas hangga't hindi ko sinasabi," malamig nitong sabi bago lumabas ng kuwarto nila. Naguguluhang naiwan si Tere. Hindi rin siya gaanong nakakain kahit pagod at gutom siya. Panay kasi ang isip niya kung bakit bigla na namang nanlamig sa kaniya ang asawa. Samantalang ang init-init ng mga tagpong pinagsaluhan nila kanina. Siguro nga si Roxie ang nasa isip niya habang nagse-s*x kami. Humapdi ang mga mata ni Tere sa ideyang pumasok sa isip niya. Iyon ba ang parusang sinasabi sa