NAGISING si Tere nang may yumuyugyog sa balikat niya. Naririnig din niya ang boses ni Liam na tumatawag sa pangalan niya. Nakadapa pa rin na nagmulat siya nang mga mata. At tila tukso naman na ang unang sumalubong sa kaniya ay ang harapan nito na may nakaumbok na malaking bagay. At dahil naka-boxer shorts lang ito kaya halos bumakat na iyon. Gumana na naman ang kapilyahan ng isip ni Tere. Ang laki. Parang hindi bagay tawagin na kikiam. Tuluyan nang nagising si Tere nang paluin siya ni Liam sa puwet. Kahit masungit ang boses nito ay lihim siyang napangiti. Madalas nitong gawin iyon sa kaniya bilang paglalambing. "Gumising ka na at ipagplantsa mo ako ng damit. Tapos ipagluto mo ako at ipaghain. Papasok na ako sa trabaho," parang nag-uutos lang sa katulong na sabi ni Liam. Tumututol an