(BOMBIE'S POV) Ilang beses akong napalunok ng laway, kasabay rin na parang sinisilihan ang mukha ko dalhil sa pula. Peste! Bakit ba ang tabil ng dila ko? Wala na akong mukhang maihaharap sa lalaking ito. Sabihin ko ba namang gagahasain ko siya. Naku naman, Bombie! "Yung sinabi mo kanina, gagawin mo ba talaga iyon?" tanong nito sa akin. Habang nakatingin sa mga mata mo at wala man lang kakurap-kurap. "Ah. . . W-wala po akong sinabing ganoon, Attorney, baka nagkamali ka lang ng dinig," tudo kaila ko sa lalaking abogado. "Wala? Pero dinig na dinig ko? Hindi pa ako matanda para maging isang bingi," seryosong sabi nito sa akin. Lagot na! Bakit ba nasabi ko iyon? Saka, joke lang naman 'yun, akala ko'y kaming dalawa lang ang nandito ni Mamang Eday. Marami talagang namamatay sa maling akala.