Okay Deal 16

1950 Words

(BLADOS KANG'S POV) "ANO'NG balita sa kaso ng aking anak, Attorney Wally?" tanong ko agad dito, pagkarating pa lang nito rito sa aking bahay. Napansin kong malungkot itong nagbuntonghininga. Parang alam ko ang sasabihin nitong balita sa akin. At iyon ang hindi ko matatangap. "I'm really sorry, Mr. Kang. Ngunit malabong nakalabas si Mr. Jill Kang. Lalo at patong-patong ang kasong hinaharap ng anak mo. Dumagdag pa ang tangka niyang pagtakas sa kulungan," pagbibigay alam nito sa akin. "Ahhh! Walang kang silbi! Akala ko'y matutulungan mo ako dahil isa kang abogado, nagkamali pa ako!" sigaw ko sa lalaking kaharap ko. "Mr. Kang, may batas pa rin kaming sinusunod bilang abogado," sagot nito sa akin. "Batas? Walang kwentang katwiran. Alalahin mo, Attorney Wally, may utang na loob ka sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD