SETH | QUEZON AVENUE
HINDI ko akalain na marami rin pala akong na-missed sa buhay ko lalo na ang pagdalo ng lingguhang church kong saan active ako noon. Pwera lang nang maging kami ni Celine, iba kasi ang relihiyon nito. Isa sa mga bagay na hindi kami magkatugmang dalawa.
"Are you okay, Son?" tanong sa akin ni Mommy. Tumango lang ako sa tabi niya habang si Steph abala sa pagiging vocalist nito sa banda ng church namin. Proud ako sa kapatid ko dahil sa murang edad alam niya na ang siyang gusto niya.
I can sing too. Pero sa ngayon kakanta lang siguro ako ulit pag ang isang taong iyon ay espesyal sa akin like Celine used to be.
"My firsthlove..."
TARA | QUEZON AVENUE
MONDAY ngayon maaga ang gig ko. Ayos na rin ang lahat ng piyesa para sa number ko mamaya.
"Goodmorning, Tara," Shantal greeted me. Umikot ako ng pagkakaupo sa tabi niya. Matagal ko ng kasama si Shantal sa unit ko, nagtratrabaho ito sa isang call center company sa Alabang. Madalas wala ito sa bahay lalo na pag night shift ang oras ng pasok nito.
"Alam mo na ba ang tungkol sa kapitbahay natin d'yan?" aniya nito sa akin. Napakunot-nuo ako, kung hindi ako nagkakamali kilala ko ang siyang tinutukoy nito ang katabing unit lang namin.
"Buntis daw." Napaawang ang labi ko sa balita ni Shantal, pero hindi na ako nagulat pa dahil knowing her. Iba't iba rin kasi ang mga lalaking nakikita naming kasama niya. But it's not our business anyway.
"Good for her," nasabi ko nalang at muli kong binalikan ang pagkain ko.
"Wow! Dala mo yang daing?" tanong niya. Inabutan ko siya ng para sa kaniya.
"Kain ka muna bago ka pumasok," alok ko. Umupo naman ito paharap sa akin, kumuha ng plato at nagsimulang magsandok.
"Ano'ng oras gig mo?"
"Baka alas-otso ako sasalang ngayon. Naka-leave kasi ang isang kasama ko," sagot ko.
"Sana minsan makapasyal naman ako sa'yo, para ma-cheer kita," sabi pa niya. Natuwa naman ako kay Shantal, isa talaga ito sa mga kaibigan kong all out ang suporta sa akin, kahit noon pa man na nagsisimula pa lang ako sa pagkanta at hindi pa ako regular kong nasaan ako ngayon.
"I will be glad, kung minsan na makakapunta ka," sabi kong totoo sa kaniya. Minsan lang din naman kasi ako nagkakaroon ng kaibigang personal sa gig ko lalo na pag hindi ko naman sila niyayaya hindi naman talaga sila nakakarating. Which is I understand naman, busy din naman kasi ang iilan sa kanila.
"I have to go na. See you later, Tara,"
"See yah later, Shantal." Hinatid ko ng tingin si Shantal hanggang sa makalabas na ito. I smiled at myself--- isa si mga Shantal sa mga kaibigan kong nag-stay sa tabi ko thru thick and thin.
SETH | QUEZON AVENUE
ILANG beses na yata ako nakatulog at pagising-gising ngayong araw na ito. But still hindi ko pa rin maintindihan ang pakiramdam ko, something is missing. My life is terrible empty. Ilang beses ko na bang sinadyang bisitahin ang timeline ni Celine? Isa? Dalawa? Tatlo? But nothing has changed. Mahal ko pa rin si Celine.
Naagaw ang pansin ko nang marinig kong may tumatawag sa akin. Agad akong tumayo para tingnan ito. Si Stanley ang siyang tumatawag kabarkada ko.
"Kamusta, Bro?" bungad na tanong nito sa akin. Bumuntong-hininga muna ako bago sagutin ito, isa si Stanley sa mga nakakilala kay Celine at sa nangyari sa amin.
"Nothing changed," sagot ko sa kaniya. Ilang segundo rin ito tumahimik bago muling nagsalita.
"Bar?" aniya sa akin. Gusto ko sana tumanggi dahil hindi naman talaga ako madalas na naalis sa bahay para lang makipag-inuman o tumambay sa bar na sinasabi nito. Pero naisip ko rin na bakit hindi ko hayaan ang sarili kong aliwin ito at hindi na lang basta ikulong sa apat na sulok ng silid na ito. I miss my old life, baka sa pagkakataong ito masubukan ko naman magsimula muling hindi iniisip si Celine.
"Kailan?" tanong ko sa kaniya. My mom will be happy if I let myself to go somewhere with a friend pati na rin si Steph.
"Good! Cool! Tonight?" agarang tanong niya. Hindi ko naman inaasahan na agad-agad kaming aalis. But as I said I want too, I just want to try.
TARA | SONATA LOUNGE
MAAGA akong dumating ngayon sa Bar. May iilan na ring tao akong namataan, lunes ngayon pero mukhang mas marami yata ang siyang narito ngayong araw na ito. Kadalasan kasi byernes, sabado lang ang siyang dagsa ng tao rito. Agad kong inayos ang pwesto ko sa taas ng stage, malinis naman ang siyang paligid ko. Nilingon ko ang mga instrumento sa likuran ko nasa maayos naman ang lahat.
"Magandang gabi, Tara," bati sa akin ni Allen sa likuran ko. Nginitian ko lang ito at pinagpatuloy ang siyang ginagawa kong pag-check sa piyesang nasa harapan ko ngayon.
"Ang aga mo yata," aniya pa nito sa akin.
"Wala naman gagawin sa unit ko," tugon ko sa kaniya. Nabaling ang tingin ko sa mga taong nasa harapan ko. Hindi ko namalayang nakapako na pala ang tingin ko sa isang lalaking nasa pandalawang mesa. Hindi ito pamilyar sa akin, ngayon lang yata nagawi sa lugar na ito.
Napalunok ako nang sa hindi inaasahang nagtaas ito ng tingin sa gawi ko. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Bagong mukha nga ito naisip ko dahil halos lahat ng regular na parokyanong nagagawi rito kilala ko na o pamilyar na sa akin ang mga mukha nito, maliban lang sa isang ito. Binalik ko ang tingin ko sa kaniya nang maramdamang kong hindi na ito nakatingin sa akin.
"Tara, may special request daw." Napalingon ako kay Gemma sa inabot niyang papel sa akin. Madalas din kasi akong nagpapa-request ng kanta sa mga costumer at may dagdag ding bayad ito sa akin.
"I will be here?" kumpirma ko sa kaniya sa kantang nakasulat sa isang puting papel.
"Request n'on.." Sinundan ko ng tingin ang siyang tinuro sa akin ni Gemma, sa gawi ng lalaking kanina lang pinagmamasdan ko.
Sa ikalawang pagkakataon muli kaming napatingin sa isa't isa at kung may ano akong naramdaman sa bahagi ng puso ko nang may sumilay na ngiti sa labi nito. Napalunok ako dahil sa pamilyar na damdaming nararamdaman ko, hindi bago sa akin ito. Naalala ko ang unang beses na nakita ko si Drew--- nilipat ko ang tingin ko sa bahagi ng entablado kong nasaan naroon ang banda ko. Sa isip ko pilit kong niwaglit ang binatang ngayon ko lang nakita at ngayon lang siguro ito nagawi rito