KABANATA II =
SETH | QUEZON AVENUE
MAAGA akong nagising dahil sa masamang panaginip. It was Celine, maayos lang sana kung nag-iisa lang ito. But no! Celine, is with something you. Tuluyan akong napabangon at napainom ng tubig.
It's sunday today, may church din ang buong pamilya ko kaya tuluyan na lang akong napabangon.
"You're awake, Kuya?" Napalingon ako sa biglang pagsiwang ng pinto ng sumilip si Steph, dahan-dahang nitong binuksan ang pinto para siguro gisingin ako.
"Nightmare," maiksi kong tugon sa kaniya.
Lumapit ito sa akin ng maingat na sinirado ang pinto.
"About Celine?" tanong niyang nag-aalangang ngumiti.
My sister already know about Celine. Ito kasi ang una-una kong pinakilalang girlfriend ko sa lahat. We're legal both sides, kaya halos buong pamilya namin nagtataka kung bakit naghiwalay kami sa walang kwentang dahilan.
"Dapat sa kaniya, Kuya! Kinakalimutan na.." Liningon ko ito-- pilit na ngumiti. Labing-anim na taong gulang palang si Steph, but I think alam niya ang siyang tama sa mali ang pwedi sa hindi. Telling me simply na kalimutan ko na si Celine is the best thing that I have to do. Pero mahirap, imposible kong gawin ang siyang bagay na iyon.
Celine, is my life. Celine, is my everything.
"Church tayo ngayon, we're expecting you. Ilang linggo ka na ring hindi nakakadalaw sa church namimiss ka na ng mga kapatid natin." Sinundan ko ng tingin si Steph- nakangiting tumango-tango bilang pagsang-ayon sa kaniya.
"I will, Sis," aniya ko. Bumalik ito sa gawi ko kong saan pa rin ako nakaupo sa kama ko. Hinawakan ang dalawa kong kamay.
"All is well, Kuya. Dadaanan mo lang 'yan, pero hindi ka magtatagal d'yan. Everything will be fine, trust the process, Kuya." Niyakap ko ito ng mahigpit. Tama si Steph, alam kong everything will be fine. Hindi man ngayon pero alam kong magiging maayos din ang lahat.
TARA | SAN PABLO LAGUNA
MAGANDA ang gising ko ngayon. Umaga na rin pala ako nang makarating ako rito sa bahay namin sa San Pablo, Laguna. Linggo ngayon kaya wala akong trabaho sa martes pa ang GIG ko sa Bar, wala naman akong natanggap na text message mula kay Mamang ang manager namin kaya kahit martes na ako ng umaga babalik, gabi pa naman kasi ang salang ko.
"Goodmorning, Tara!" bati sa akin ng Mama kong may maluwag na ngiti sa labi. Linggohan ang siyang uwi ko rito kaya alam kong namimiss ako ng mga tao rito kasama ang dalawa kong nakababatang kapatid na sina Aljon at Mikay- wala na kaming Papa bata pa lamang kami namatay na ito at mula noon ang Mama Beth na ang siyang bumuhay sa amin. Tinaguyod kami nitong mag-isa at hindi na nakuhang mag-asawa pa, mahal kasi nito si Papa.
"Goodmorning, Mama Beth," sweet kong bati sa kaniya, kasabay ng pagtayo ko para puntahan siya at yakapin ng mahigpit.
"Kamusta tulog mo, Anak?" tanong niyang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.
"Maayos naman, Ma. Namiss ko ang kwarto ko," sabi ko sa kaniya. Nakakamiss naman talaga ang silid kong ito- halos saan ka tumingin wala kang ibang makikita kundi spongebob ang paborito ko mula noong bata pa ako.
"Mag-ayos ka na para makakain na tayo ng sabay-sabay," yaya ni Mama sa akin. Tumalikod na ito matapos kong mag flying kiss sa kaniya- best thing about Mama, pag nasa bahay ako o umuuwi ako ng lingguhan dito hindi pweding hindi kami kumain ng sabay-sabay tapos magsisimba sa huling mass na malapit sa lugar namin.
Malungkot akong ngumiti ng maalala ko si Drew- lalo na nong maging legal ito sa pamilya ko at ganoon din ako sa pamilya niya. Akala ko nga wala na talagang makakapaghiwalay sa amin, dinaanan na namin ang halos lahat ng unos noon. Itong third party lang din talaga ang hindi ko na kaya, kaya nakapaghiwalay na ako sa kaniya. Napasinghap ako sa mga naisip- hindi siguro ito ang oras para maalala ko si Drew, nandito ako sa pamilya ko para mag-enjoy kami lalo na ang bakasyon ko hindi para ang isipin ko si Drew.
Tumayo na ako at nagpasyang ayusin ang sarili ko para sumabay sa pagkain sa pamilya ko.