bc

MORE THAN WORDS

book_age16+
25
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

ANG sabi nila pag mahal ka babalikan ka. Iyan ang paniniwalang hinahawakan ni Seth sa ginawang pag-iwan sa kaniya ni Celine. Umaasa at naniniwala siyang babalikan siya nito. Ilang taon ng nawala mula sa kaniya ang dalaga pero ang paniniwala niya nananatiling buo dahil sa puso niya sila ay nakatadhana.

IBANG-iba naman ito sa paniniwala ni Tara, na kung mahal ka hindi ka babalikan dahil sa una palang hindi ka dapat iniwan. Iyan ang siyang pinaniniwalaan niya at patuloy niyang hahawakan dahil sa pag-iwan sa kaniya ng lalaking una niyang minahal.

Binaon ni Tara sa limot ang lahat nagpatuloy siya sa buhay niya at sa pagkanta umikot ang kaniyang mundo.

May mabubuo kayang pag-iibigan sa mga taong may iba't ibang pinaniniwalaan? O, patuloy na kakapit sa nakaraang sila ay tinalikuran?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
BLURB ANG sabi nila pag mahal ka babalikan ka. Iyan ang paniniwalang hinahawakan ni Seth sa ginawang pag-iwan sa kaniya ni Celine. Umaasa at naniniwala siyang babalikan siya nito. Ilang taon ng nawala mula sa kaniya ang dalaga pero ang paniniwala niya nananatiling buo dahil sa puso niya sila ay nakatadhana. IBANG-iba naman ito sa paniniwala ni Tara, na kung mahal ka hindi ka babalikan dahil sa una palang hindi ka dapat iniwan. Iyan ang siyang pinaniniwalaan niya at patuloy niyang hahawakan dahil sa pag-iwan sa kaniya ng lalaking una niyang minahal. Binaon ni Tara sa limot ang lahat nagpatuloy siya sa buhay niya at sa pagkanta umikot ang kaniyang mundo. May mabubuo kayang pag-ibig sa dalawang taong magkaiba ang paniniwala? KABANATA I TARA | SONATA LOUNGE "THANKYOU everyone..." Isang masigabong palakpakan ang siyang narinig ko sa paligid. Natapos na naman ngayon ang gabing ito na naging maayos ang lahat. Tatlong pyesa lang ang siyang kinanta ko torete, nanghihinayang at bakit nga ba mahal kita. Lahat ng iyon para kay Drew. Napabuntong-hininga ako sa naisip. Akala ko makakalimutan ko na ito, mali pala ako dahil sa bawat performance ko para pa rin sa kaniya ang lahat ng ito. Tumayo ako sa long chair kong saan ako nakaupo paharap sa maraming tao ng gabing iyon. Sabado pala ngayon may karamihan din ang siyang nagawi rito. Siguro dahil wala ding pasok kinabukasan. "Hi, Tara!" bati sa akin ng pamangkin ng manager namin si Allen. Ngiti lang ang siyang ginanti ko rito. I just want to take rest, I dont have time to chitchat someone most of all Allen. Ilang buwan na rin kasing itong nagpapasaring sa akin at ilang beses ko na rin ni-reject. I'm not ready of any relatioship now, all I want peace. "May baon kang food girl?" bungad na tanong sa akin ni Gemma, ng makapasok ako sa dressing room namin. Umupo muna ako bago ko binuksan ang bag ko sa upuan kong madalas kong pagpwestuhan. "Chicken sandwich lang hinanda ko, ikaw ba?" tanong ko sa kaniya. I dont know but I'm feel so exhausted this time. Masakit ang batok ko parang hinihigop ang mata ko ng antok. Nginitian ako nito kasunod ng pagbigay sa akin ng cellphone niya. "Si Drew, may girlfriend na.." aniya nito. Inabot ko ang cellphone niya at wala pang ilang segundo binalik ko rin ito sa kaniya. I don't care anything about Drew, tinapos ko na ang lahat ng mayroon sa amin. Kung mayroon man siguro yong masasayang ala-ala niya nalang walang labis, walang kulang. "Ano ang masasabi mo?" tanong ni Agot sa akin. Nagkibit-balikat ako wala naman dapat pang ibigay na opinsyon sa kahit kanino. Drew, is part of my past. My worst kindi of past, aniya ko. Napasinghap ako at wala sa oras na kinain ko ang sandwich na dala-dala ko dahil sa balitang ayaw ko na sanang malaman pa. Napasinghap ako at wala sa oras na kinain ko ang sandwich na dala-dala ko dahil sa balitang ayaw ko na sanang malaman pa lalo na at may kaugnayan tungkol kay Drew. SETH | QUEZON AVENUE HETO na naman ako tahimik sa silid ko. Gusto kong lumabas, gusto kong aliwin ang sarili ko. Pero wala akong lakas ng loob para gawin ito. Pakiramdam ko ubos na ubos ako, nawala si Celine sa buhay ko ng hindi ko inaasahan sa biglaang pagpalaam nito sa hindi ko malamang dahilan kung bakit ito biglang nakipaghiwalay. "Care to talk, Kuya?" untag sa akin ng bunso kong kapatid na si Steph. Hinayaan kong pumasok ito sa silid ko, walang paalam na umupo patabi sa akin. "Sabi ni Mama, malungkot ka na naman daw," sabi pa sa akin. Hindi ko alam kung saan magsisimulang mag-kwento sa kaniya tungkol sa nangyaring pakikipaghiwalay sa akin ni Celine. Shes is so unfair! We make promises but end of the day sisirain niya lang pala ang lahat ng ito. Sana pala hindi lo nalang siya nakilala. "Si Ate Celine ba, Kuya?" tanong nito. Hindi ako tumugon nanatiling nasa telebisyon ang tingin ko bagamat hindi ito nakabukas nakikita ko naman ang siyang repleksyon ko rito. I'm not ready to open up everything about Celine. She is everything to me at aasa pa rin ako na isang araw ay magiging maayos sa amin ang lahat. I don't lose hope if Celine does but not me. "Everything will be fine, Kuya." Nakangiting nilingon ko si Steph, bata pa ito para maintindihan ang mga bagay-bagay. "It will be, Bunso," sabi ko sa kaniya. Ngumiti rin ito sa akin. TARA / QUEZON AVENUE NAG-grab nalang ako pauwi as usual ito rin naman talaga ang siyang routine ko after work. Pasado alas-dyes na rin ng gabi, maaga akong umuwi dahil sa pasakit nang pasakit ang siyang ulo ko. Umatake na naman yata ang migraine ko- I'm not stress pero pakiramdam ko pasan ko ang siyang daigdig ngayon sa anino ni Drew, though I don't care about him! Anything about him. "Sa Marikina ho, Manong," sabi ko sa Mamang Driver. Pinili kong umupo sa likuran ng sasakyan nitong Honda civic para na rin siguro makapagpahinga ako. Iba kasi talaga ang pakiramdam ko, wala naman akong dalaw at hindi pa naman darating ito. Napabuntong-hininga ako sa inis na nararamdaman, para naman yata ako akong minamalas ngayon. "Hindi ka ba sinundo ng jowa mo, Maam?" Hindi ko napigilang idilat ang mga mata ko sa tanong sa akin ni Manong at sa lahat ng pweding itanong pa nito sa akin 'yon pa talaga. Nagtulog-tulugan ako patay malisyang hindi ito sinagot. Pasalamat nalang ako at walang traffic maaga akong makakauwi na wala ng gaanong pag-uusap lalo na ang tungkol sa taong iniiwasan ko all these time. Mula sa malayo tanaw ko na agad ang hindi ko inaasahang lalaking nakatayo sa harap ng gate ng bahay ko. It was Drew. "What are you doing here?" tanong ko rito. Agad itong napalingon sa akin may ngiting nakapaskil sa labi niya, napaismid ako. I dont know. I really don't know kung bakit ito nandito. Wala talaga akong idea. Kung ano man ang siyang kailangan nito sa akin wala akong pakialam. "Tara, I want to talk to you," simula nito iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. All I know everything about us are done. Wala ng dapat ungkatin pa. "Pagod ako, Drew. Wala akong panahon para pakinggan ang lahat ng sasabihin mo!" aniya ko sa kaniya. Nilabas ko ang susi ng gate ko-- kailangan ko ng makapasok sa loob bukod sa pagod ako sa maghapong trabaho, ayaw ko ng makausap at makita pa ito. "One more thing. Tapos na tayo..." Tuloy-tuloy akong pumasok at mabilis na sinirado ang bakod ko. Hindi ko na siya hahayaang makapasok pa ulit sa buhay ko, kailanman hinding-hindi na. . Tama na ang lahat ng panahon na ginugol ko sa kaniya, hindi ko na kailanman hahayaan pang muling pumasok ito sa buhay ko kahit sabihin pang pagkakaibigan lang ang siyang sadya nito. Mahal ko ang sarili ko at hindi ko na hahayaan pang masaktan ako lalo na pag si Drew lang ang siyang dahilan. Sinirado ko ng maayos ang pinto. Double lock ang siyang ginawa ko, mahirap na kung makapasok pa si Drew. Labas-masok ito rito sa bahay ko noong kami pa, kaya nandito ang takot sa puso ko na baka pumasok itong walang maalam at pag ginawa niya iyon, magkakagulo kami

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
73.1K
bc

His Obsession

read
80.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
118.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
23.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook