Kabanata 4

1209 Words
Liah Kung mayroon mang bagay na naninibago ako, iyon ay ang pagiging tahimik ni Psalm ngayon. Simula nang nakauwi kami galing sa ospital nawalan na siya ng imik. Ni hindi niya nga ako inaasar ngayon o ginagawan ng kalokohan. Hindi rin siya lumalabas sa kaniyang silid simula pa kaninang umaga. Wala rin naman kasing ginagawa iyon dahil puro asa lang sa kapatid niyang si Sir Luke. Kumpara sa kanilang dalawa, mas magandang ka-bonding si Sir Luke. Mas mukhang tao ang ugali n'on kesa sa boss kong walang ibang alam aa buhay kundi ang hayahay. Pero siyemy, dahil gan'on siya, tahimik naman ang buhay ko. Hindi ko nga lang alam kung bakit biglang naging gan'on si Psalm. Ewan ko rin kung drama niya ba 'yon, natauhan na o sadyang nauntog lang at baka babalik din sa pagiging maasar kapag gusto niya. "Anyari sa boss mo, Liah? Walang paramdam?" Si Esther na naman. Neknek naman nito. Nangingisda lang 'to ng impormasyon tungkol kay Psalm, gagamitin pa ako. Ang sarap iwan dito sa tabi, e. Hindi na lang mag-trabaho. Nag-eenjoy nga ako ngayon kasi walang imbyerna sa buhay ko, pero mukhang may papalit naman. Hay nako. Kailangan ba magiging completely peaceful ang buhay ko? "Alam ko siguro, 'no?" Pasarkastiko kong sagot sa kaniya. Alam niya na ngang hindi lumalabas tatanungin pa ako. Malay ko ba kung ano na ang nangyayari doon. "Boss mo yon. At saka... alam mo namang ikaw lang ang pinapayagang pumasok sa kuwarto n'on. Kung puwede nga lang ako na, ginawa ko na, e." Mas lalo akong nairita sa sinabi niya. "Kung naiinggit ka naman pala, e di magpalit na tayo. Sana lang makatagal ka," sabi ko pa. "Ikaw nga ang gusto, hindi ako," nakasimangot niyang untag. Oo nga naman. Pero, kung alam mo lang ang hirap ko sa pagsunod sa mga luho ng mokong na iyon, baka mag-resign ka ng wala sa oras. "Puntahan mo, baka—" "Liah, tawag ka ni Sir Psalm. Dalian mo raw!" Bulyaw sa akin ng isa pang kasambahay na naroon. Galit na galit? Puwede namang sabihin ng maayos e, 'no? Konti na lang talaga iisipin ko nang may galit lahat kasambahay sa akin dito, e. Pare-pareho naman kaming sumasahod, pero ang dami pa ring hanash sa mga buhay. Pare-pareho rin naman kaming kasambahay, tapos gusto pa rin ng lamangan. Aba, matindi! Ang papangit ka-bonding. Kesyo ang maldita ko raw. E maldita lang naman ako kapag gan'on din ang ipinapakita nila sa akin. Siyempre, hindi naman ako papa-api 'no? Ano'ng akala nila sa akin? Sa totoo lang, kung masyado kang mabait, aabusuhin ka naman ng ibang tao. Akala nila, hindi ka magagalit kahit na anong gawin nila sa'yo. Mabuti na iyong nagiging totoo ako para hindi nila asahan na mabait ako at hindi maliitin. Masungit na kung masungit. Hindi bale nang ganon ang isipin nila. Basta ang alam ko, palaging nakadepende ang ugali ko sa ugali ng kaharap ko. Mabilis naman akong nakarating sa kaniyang silid. Kagaya ng palagi kong naaabutan, dilim lang ang sumalubong sa akin doon dahil natatabingan ng makakapal na kurtina ang mga bintana ng kaniyang silid. "Anong kailangan?" walang buhay kong tanong kahit na hindi ko pa siya nakikita dahil nakapatay ang mga ilaw ay alam kong nasa ilalim siya ng kumot ng kaniyang kama siya. Nasanay na akong gan'on palagi ang tumatambad sa akin kaya naman napamura ako sa pagkagulat nang biglang may humablot sa aking bewang dahilan ng pag-ikot ko at pagtama sa matigas niyang dibdib. "Gotcha." Mapaglaro ang kaniyang boses niyang sabihin niya iyon. Gayonpaman, para akong yelong nanigas at hindi mapakawalan ang hiningang nakatitig sa kaniya. Kahit na anong dilim sa silid niya'y nagsisilbing liwanag ang kaniyang mga mata. "A-Ano ba?!" Nauutal kong pagrereklamo. Kumalabog ng malakas ang puso ko at para bang pinipiga iyon sa sakit sa unang pagkakataon. Hindi ko na rin alam kung gulat lang ba ang dahilan ng lakas ng pintig nito o may iba pang dahilan na hindi ako pamilyar. "Chill, Liah. Hindi naman kita hahalikan. Just practicing for tonight," aniya kasabay ng pagbitaw niya sa akin. Doon lang ako natauhan, lalo pa nang bumukas na ang mga ilaw sa kaniyang silid. Ngunit kahit na gan'on ay nakatunganga pa rin ako sa kaniya -- nakaawang ang bibig at nanlalaki pa rin ang mga mata. "Kumurap ka naman." Pinatunog niya pa ang daliri niya sa harap ko kaya naman sa wakas ay naibalik ako sa tamang huwisyo. "Adik ka ba talaga, ha? Wala ka talagang matinong alam gawin sa buhay?" Sikmat ko sa kaniya. Handa na sana akong sugurin niya nang bigla siyang tumawa habang nakataas ang magkabila niyang kamay na para bang sumusuko. "Sorry na nga! Promise last na 'yon," aniya habang umaatras. "A-Ano ba kasing kailangan mo na naman sa akin?" Ibinababa niya ang kaniyang kamay. Bumuga siya ng malakas na hangin bago niya ako titigan sa mata. Sa pangalawang pagkakataon ngayong araw na ito ay nakaramdam ako ng kaba na hindi ko maipaliwanag. Gusto kong sampalin ang sarili ko para matauhan ako. May ideya ako kung ano itong nararamdaman ko pero bakit... bakit parang ang bilis? Ba't parang ang dali lang ng ginawa niya? Sa simpleng kilos na gan'on? O baka naman... matagal na ito pero... masyado lang akong abala sa pagiging galit ko sa kaniya kaya hindi ko nabigyan ng pagkakataon ang kung ano man ito? Sandali nga? Parang kanina, naiinis at galit pa ako sa kaniya, a? Bakit ngayon... Pero... Liah naman? Ano ba naman 'yang sinasabi mo? Umayos ka ha? Hindi nakakatuwa yang iniisip mo. At saka nga diba? Gatw na hate mo siya? At baka nakakalimutan mo na personal alalay ka lang niya, s***h slave. Kaya gumising ka nga! Tama na muna ang pangangarap. Isa pa, nandito ka at nagpapakahirap para sa tatay mo, hindi para maghanap ng love life, okay?! "I have to attend dinner with my family tonight and my mom has been bugging me for a while now. Gusto niyang may ipakilala man lang ako sa kanila, even just a date." Ngumiwi siya at umiling. "She even asked if I am gay dahil daw wala siyang nakikitang babae na kasama ko palagi. I mean... do I even need that?" Tumawa pa siya pagkatapos niyang sabihin iyon pero wala naman akong nahimigang tuwa roon. Parang puro ka-bitter-an lang. "Kung alam lang ng mama mo kung gaano ka kababaero, malamang hindi niya na iisipin na bakla ka." "I just do it for fun." Kibit balikat niya. Aba, e ogag ka pala, e! Ginagawa mong fun kaming mga babae? E, kung gawin kitang fun at nang matauhan ka naman? "Umayos ka, ha? Alam mo bang babae rin ang Mommy mo? Isipin mo na lang kung siya ang ginawan ng gan'on. Yung do it for fun mong 'yan, nakakabastos!" Dinuro ko pa siya sa sobrang galit ko sa sinabi niya. "Woah... chill. Okay, fine. Sorry, okay? Geez... I just want to ask kung puwede ka bang yayain sa family dinner mamaya galit ka na kaagad." "Lutang ka ba, Psalm? Family nga diba? Tapos yayayain mo ako. Family dinner, ibig sabihin dinner ng mga part ng family. Bakit? Parte ba ako ng pamilya niyo?" Inirapan ko pa siya para lang iparating sa kaniya na naiirita na ako sa kalutangan niya. "You will be," seryoso niyang sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD