Kabanata 3

1278 Words
Liah "Taena, lagot ka, bro kapag namatay 'tong si Liah." "Tatakbo tatalon sisigaw ang pangalan mo~" "Buhay daw 'yan sabi ni Doc. Natutulog lang, ang o-OA niyo naman." "Could you stop it, you two? Ang iingay niyo!" Napa-ungol pa ako sa sobrang bigat ng dibdib ko nang nagkaroon ako ng malay. Hindi ko pa naimumulat ang nga mata ko pero alam ko na kung kanina galing ang mga bangayang iyon. Napasapo ako sa aking dibdib na hindi naman gan'on ka-pinagpala habang sinusubukan bumangon. Nakapikit ang isa kong mata, habang isa naman ay nakamulat. "Oh, 'di ba? Sabi ko naman sa inyo buhay 'yan, e. Alam niyo bang totoo naman yung kapag masamang damo, mahirap mamata--" "Psalm, puwede ba?" Putol ni Vraxx sa walang kuwentang pa-trivia ni Demo--este Psalm. Tumayo si Vraxx at nagsimulang maglakad palait sa akin. Para talaga siyang model sa tuwing nakikita ko siya. Palaging maayos ang buhok at ang pananamit niya. Yung mga muscles niya rin, mamsh! Nakakapanglaway talaga palagi. Kahit hindi niyo nga tanungin, e willing akong maging aso niya kasi dog lover talaga siya. Pero... speaking of aso? Walanghiya yung aso niya, ha? Muntik pa akong pulutanin ng bulldog na 'yon?! Kung puwede lang talagang manakit ng aso, pero hindi, e. Baka makasuhan ako tapos siyempre, aso 'yon ng future husband ko 'no. Magiging maamo rin naman si Hades sa akin kapag kinasal na kami ni Vraxx. Hays... ang sarap talagang mangarap ng gising. No limit kaya malaya akong nakakapag-isip para sa future namin ni Vraxx. "How are you feeling?" Tanong ni Vraxx sa nag-aalalang tono. Hindi ako kaagad nakasagot. Hindi ko talaga alam pero sa tuwing nagsasalita siya, para naman akong napipipi kahit na sobrang daldal ko. Pakiramdam ko kasi lahat ng sinasabi niya may sense tapos yung akin napaka-nonsense! "Uhm... medyo na-trauma lang. Ayos naman ako, eto nga. Buhay pa naman kahit muntik nang kunin sa langit." Ngumiwi ako. "Di naman sa pagiging pakialamero, Liah ha? Pero... tatanggapin ka kaya doon?" Si Dylan na nag-peace sign pa pagkatapos. Alam mo? Kung di ka tatahimik, baka isend na kita doon. Now na, as in now na! "Can't you two be serious even just for a bit? Muntik na ngang mapahamak yung tao puro mga katarantaduhan pa rin ang alam niyo. What if something bad really happened to her, makukuha niyo pa rin kayang magbiro ng ganiyan?" dama ko ang iritasyon sa tono ni Vraxx nang sabihin niya iyon sa dalawa, lalo na kay Dylan. Enebe yern? Kaya sa'yo ako Vraxx, e! Naging seryoso ang paligid pero promise, gusto ko talagang matawa lalo na kapag tinitignan ko yung dalawa sa sofa na parang mga bata na katatapos lang pagalitan ng mama nila. Deserve naman nila iyon, e. Hindi ko nga alam kung marunong ba talagang mag-seryoso ang dalawang 'yan. Sobra na kasi ang ka-epalan nila sa buhay ko. Minsan gusto ko na lang layasan, lalo na si Psalm. "I'm sorry for what happened to you, Liah. I promise I won't bring my dog with me whenever I go to Psalm's house." Paghingi ni Vraxx ng tawad. Nakikita ko talaga yung sensiredad niya sa pag-aapologize. Yung tipong, makakalimutan mong aso niya yung muntik nang maging sanhi ng kamatayan mo. Pasimple akong humugot ng malalim na hininga. Hindi ko naman masasabing okay lang yon, pero di ko rin naman siya masisisi kasi hindi naman siya ang nagkusang ipahabol sa akin yung aso. Aksidente lang iyon pero naiwasan din sana kung naging maingat siya. "Bro..." si Dylan na umagaw sa atensyon naming lahat. "Hm?" Si Vraxx. Sabay pa silang tumayo ni Psalm na ngayon ay seryoso na, hindi kagaya na parang siraulo kung makapang-asar. "Mauuna na ako. Dad texted me. He needs me pronto," sabi ni Dylan sabay tingin sa kaniyang cellphone na kaniyang hawak sa kanang kamay habang ang isa naman niyang kamay ay nakalagay sa kaniyang bulsa. Tinapik ni Psalm ang kaniyang balikat bago ito tumango. "Sasabay na ako, Dy." Si Vraxx na naging dahilan ng pagbagsak ng balikat ko. Ay... akala ko magsstay siya dito para alagaan ako. Bumuntonghininga siya bago niya ako muling binalingan. "Liah," tawag niya sa pangalan ko. "Ano 'yon?" Maamo kong tanong. "Pasensiya ka na sa nangyari, a? I swear it won't happen again," muling paghingi ni Vraxx ng tawad. Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Tapos na 'yon. Tinatanggap ko yung sorry mo. Huwag kang mag-alala... hindi naman ako galit." Tumango siya at ngumiti rin pabalik. Akala ko ay aalis na pero nagulat ako nang maingat niyang tinapik ang tuktok ng ulo ko. Napatunganga ako sa simpleng ginawa niyang iyon. Para bang kumalabog sa lakas ang puso ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito palagi ang epekto niya sa akin. Dumoble lang yata ngayon kasi ito ang unang pagkakataong hinawakan niya ako. "Iiwan na namin kayo ni Psalm dito. Don't worry, I'll ask him to take care of you," aniya bago ako muling nginitian. Ayos lang naman kung mag-isa ako rito, e. Mukhang mas mapapasama pa nga ako kung kasama ko 'tong kutong lupa na 'to rito mag-isa. "Hindi na rin naman kami magtatagal dito, Vraxx. We're just waiting for the Doctor's permission para maiuwi ko na rin siya. You don't need to worry for her." Si Psalm na bigla namang sumeryoso ngayon. Anong meron sa kumag na 'to at bakit bigla naman para nauntog? Kunot noo siyang binalingan ni Vraxx na para bang tinatansiya niya kung nagsasabi ba ng totoo at seryoso si Psalm. Nang makumpirma niya, pati ako na seryoso nga si Psalm at tumango ito bago sila tuluyang lumabas ni Dylan. Ilang sandali pa kaming tahimik na dalawa bago ako nagpaputok ng galit kay Psalm na tahimik lang naman akong pinapanood. "Antahimik natin, a? Di ako sanay! Parang nakakatakot tuloy umidlip kahit sandali. Baka kasi may gawin ka na naman!" malakas ang boses kong bulyaw sa kaniya. Hindi siya sumagot. Mas lalo akong nanibago roon. Wala naman na kaming kasama pero bakit ang seryoso niya pa rin? "Huy, Psalm. Magsalita ka naman? Ano? Naubusan ka ng pautot?" Kuryoso kong sabi sa kaniya pero imbes na sumagot at naglakad lamang siya palapit sa akin. Tumigil lang namh nasa gilid ko na siya. Siguro may gagawin na naman 'to kaya ganito 'to? Parang mas gusto ko tuloy siyang makulit kesa ganitong tahimik at mukhang galit. Pero in fairness ha? Mas... guwapo siya kapag galit. Di naman sa pangit siya, mas naakaattract lang kapag seryoso siya. Mas lalo kong nakikita ang pagiging lalaki niya kapag ganito siya. Hindi naman siya nagsalita kaya hinintay ko na lang ang gagawin niya sa akin. Pero imbes na parusa, nagulat ako nang bigla siyang magtanong ng tanong na hindi niya pa naitatanong sa akin. "Are you... fine?" Nanlaki at laglag ang panga kong bumaling sa kaniya. Hindi makapaniwala sa pagkakataong iyon. "Ha? A-Anong klaseng tanong 'yan? Sa dinami rami ng kalokohang ginawa mo sa akin ngayon ka lang magtatanong kung fine labg ba ako?" May halong hinanakit doon. "I'm asking you if you're just fine. Tss ang daming sinabi," aniya at umirap. "Kunyari ka pa, e. Huwag kang mag-alala, wala rin naman akong utang na loob sa'yo, no? Pasalamat na lang ako kay Vraxx niligtas niya ako sa tubig kanina." Pagmamayabang ko pa habang nakahalukipkip. Tumawa siya ngunit wala akong nakitang anumang biro doon. Tila ba punong puno iyon ng sarkasmo. "Yeah. You'll thank him because you thinkhe saved you? Well..." pinagtaasan niya ako ng kilay. "To tell you and for the record. I was the one who got yoy out of the pool, Liah. Hindi si Vraxx," aniyang mas nakapagulantang sa akin. Ha? Paano nangyari iyon, e noong nalulunod ako, alam ko... si Vraxx ang naunang lumapit sa akin! Paanong siya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD