Kabanata 5

1233 Words
Liah "Ano ba, Psalm? Tigilan mo nga ako!" Nagpatuloy ako sa paglalakad para makalabas na sa kuwarto niya. Iyon lang naman pala ang sasabihin niya, gusto pa akong idamay. Sa dinami-rami ng mga chiklet niya, ako pa talaga ang pepestehin. Sa dami ng mga babae niya, impossible namang ni isa sa mga 'yon, e ayaw sa pinapagawa niya sa akin? Baka nga magpa-party pa yung mga 'yon kapag sila ang niyaya ni Psalm, e. "Bakit muna nga ayaw mo? Give me one good reason, then." Paghahamon niya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap niya. Kaunti na lang ang layo ko sa pinto, at nakasunod lang naman siya sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata. Hinahamon talaga ako nitong si Psalm, e. Namaywang ako sa harap niya pagkatapos ay nagtaas ng kilay. "Hindi pa ba sapat yung rason na ayoko?" Pinandilatan ko siya ng mga mata. Akmang magpapatuloy na ako sa paglalakad nang hablutin niya ang aking palapulsuhan. "Ano ba?!" Sikmat ko. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang kaunting sakit dahil sa ginawa niya. "I'm sorry," aniya. Pinakawalan niya rin naman ang aking kamay. "But, hear me out. Kahit taasan ko ang sahod mo kung gusto mo," tawad niya pa. "Ha! Neknek mo!" Saka pa lang ako nakapagpatuloy sa paglalakad. Hawak ko na ang door knob nang iharang niya ang sarili niya roon. Naiinis akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Ngayong gabi lang naman. You... you can tell me whatever you want," tunog desperado niyang sinabi. "I'll follow one order from you, just be my date tonight." Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Noong una ay napipigilan ko pa ang ngisi ko pero nang nakita ko kung gaano siya kadesperado ay sumabog ang pigil kong halakhak. Sa sobrang tuwa ko ay napaubo-ubo pa ako, halos hindi na ako makahinga sa katatawa dahil sa nakikita kong pamimilit niya. "Seryoso ka ba diyan?" natatawa kong tanong sa kaniya habang pinupunasan ang gilid ng mata kong may kaunting luha dahil sa pagtawa. "Seryoso," aniya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko talaga inaakalang darating din ang araw na mangangailangan ng pabor sa akin ang mokong na ito. Ngumuso ako at sinuyod siya ng tingin mula ulo hangang paa. "Hmm..." tumango-tango ako habang tinatapik ng aking hintuturo ang aking baba. "Kiss mo muna ako." Sinubukan ko kung hanggang saan ang kaya niya. Kung talagang kailangan nito ng tulong, gagawin niya ang sinabi ko kahit biro ko lang naman talaga iyon. Alam ko namang hindi niya gagawin iyong sinabi ko pero bigla akong napa-igtad sa sumunod niyang sinabi sa akin. "Sure," aniya at nagsimula nang humakbang palapit sa akin kaya naman halos mapatakbo ako sa gulat. "Hoy! T-Teka lang! Joke lang naman, uy!" Awat ko sa kaniya habang naghahanap ng matatakasan, pero dahil masyado siyang mabilis ang lakad niya, ay nawalan na ako ng lulusutan. Nakalimutan ko nang mga oras na iyon ang salitang 'paghinga'. Haloa ipalamon ko na rin sa pinto ay sarili ko dahil sa pagkakadiin ko roon. Ilang pulgada na lang din ang layo niya sa akin ay mahahalikan niya na ako. Dagdag pang kaba na nakakulong ako aa magkabila niyang bisig. "What was it?" mapaglaro ang tono niyang tanong habang nakangisi. "J-Joke lang naman 'yon, 'no! Sinu... sinusubukan ko lang naman kung hanggang saan ang pangangailangan m-mo!" nauutal kong wika sa kaniya. Mahina siyang tumawa. Napalunok ako dahil sa mas lumalakas na dagundong sa aking dibdib. Haloa tawagin pa ang lahat ng banal sa mga oras na iyon para lang ipagdasal na sana ay hindi na siya lumapit pa. "Sometimes, I don't take joke as a joke. I take them seriously because I believe that jokes are half meant," aniya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mas inilapit niya ang sarili niya sa akin. Gusto ko siyang itulak pero tila ba naging putik ang aking mga kamay sa lambot. Pumikit na lang ako ng mariin. Mas bumilis din ako aking paghinga na animo'y tumakbo ako ng ilang kilometrong layo. "Gotcha." Mas lumakas ang pagtawa niya kasabay ng paglayo niya sa akin. "Takot ka naman pala, e. You think I can't do it?" nanghahamon niyang tanong. Hindi ako naka-imik dahil hindi pa ako tuluyang nakakabawi. Inayos ko na lang ang damit ko bago ako tumikhim para maisalba ang sarili ko sa kahihiyan. Nakakahiya 'yon, Liah! May papikit-pikit ka pa talagang nalalaman? Kung hindi ka ba naman isa't kalahating engot, e 'no? "Pag-usapan na lang muna natin iyong sa family dinner mo mamaya. Saka mo na ako yabangan," pagwawala ko na lang sa usapan para naman makausad na kami. Pumayag na lang din ako dahil gusto kong matapos na 'to. Palala na kasi nang palala kaya kailangan na talaga itong mapag-usapan. Kung patuloy niya akong aasarin ng ganito, baka mamaya ito pa ang dahilan ng pagkawala ng trabaho ko, at hindi iyon puwede dahil ginagawa ko ito para kay Tatang. "Oh, sure!" Pinitik niya pa ang kaniyang daliri. Nawaywang siya at nagkamot ng baba gamit ang kaniyang hinlalaki. "So, here's a little bit of background about my family, para naman hindi ka mulala doon mamaya," panimula niya. "Mulala pala, ha?" "Kidding aside—" "Parang kasasabi mo lang kanina na jokes are half meant, a?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Tss. Just pay attention to detail, okay?" Tumango na lang ako. Umupo siya sa kama habang ako naman ay nanatili malapit sa pinto habang hinihintay ang mga sentimento niya. "Walang pakialam si Mama kung anong estado sa buhay ng magiging asawa ko, well..." Nagkibit balikat siya. "That's what she said if my memory serves me right, basta mayroong pangarap sa buhay, and... she loves someone who has a great sense of humor," kuwento niya. "Okay naman pala Mama mo, e." puna ko. Isang ngisi lamang ang iginawad niya sa akin. "My Dad is fun to be with. Para ka lang nakikipag-usap sa mga friends mo kapag kaharap mo siya. You won't be intimidated. I can also say that he's my partner in crime most of the time." "O, e ang bongga naman pala ng pamilya mo. Sana all!" Pumalakpak pa ako. Pero ang totoo, hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit. Sana lahat ng pamilya buo katulad niya. Sana... sana lahat may ina lang kinagisnan. Sana gan'on din kagaan ang buhay namin ni Tatay. Sana... sana buo rin kami at masaya. "What?" Tanong niya nang napansin niya sigurong nawala ang ngiti ko. "W-Wala! May... naalala lang ako," sabi ko na lang. "So, as I was saying. Wala namang magiging problema, e. Well, meron pala." Biglang bawi niya kaya hindi ko naiwasang kabahan. "Ano 'yon?" kabado kong tanong. "Kung nagustuhan ka ng pamilya ko. Baka humiling sila sa atin." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mas lalo akong naguluhan. "Ano naman?" "Baka di mo kayanin." Kasabay nito ay ang nakakaloko niyang ngisi. "Ano nga? Alam mo ikaw? Pabitin ka, e. Kung hindi mo sasabihin, sige hindi na ako papayag na sumama sa'yo," pananakot ko pa sa kaniya para lang sabihin niya. Hindi siya nagsalita kaagad. Sinuyod niya lang ako ng tingin mula ulo hanggang paa habang nakakagat sa kaniyang pang-ibabang labi. Abang bang trip nito sa buhay? "Baka humiling sila ng apo," aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa puntong pakiramdam ko ay kaunti na lang ay luluwa na sila. "A-Ano?!" Ano'ng apo ang sinabi nitong kumag na 'to? Ni hindi nga kami legit na mag-jowa tapos may pa-ganito siya? Ano siya sa tingin niya? Gold?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD