Kabanata 6

1312 Words
Third Person Hindi makapaniwala si Liah sa lahat ng narinig niya mula kay Psalm. Kahit pa noong nagbibihis na siya ng damit na ibinigay sa kaniya nito ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga salitang kaniyang narinig. Anong anak ang pinagsasasabi niya? Nababaliw na ba siya?! Sigaw ng isip ni Liah. Wala iyon sa plano niya sa buhay. Her top priority right now is to make money for her father's operation para makakita na ito. Humugot siya ng malalim na hininga habang pinagmamasdan ang kaniyang sarili sa harap ng salamin kung saan nakikita ang buo niyang katawan. Yakap na yakap ng bulaklaking damit ang kaniyang katawan. It defined her body curves. Hindi man siya mayaman, sinisigurado naman ni Liah na naaalagaan niya nang maayos ang kaniyang pangangatawan. The dress was v-neck, bagay na hindi gaanong sanay na isuot ni Liah dahil kadalasang blouse o kaya naman sweater ang kaniyang isinusuot. Ito pa lang yata ang unang pagkakataon na magsusuot siya ng damit na nailalantad ang karamihan sa kaniyang balat. Long sleeved naman ito, kaya nga lang ay mukhang bumawi naman sa kaniyang dibdib. Ayos lang din naman sa kaniya ang haba dahil lagpas iyon sa kaniyang tuhod. Isa pa sa problema niya ngayon ay kung paano niya ilalakad ang takong niyang suot. Sa totoo lang ay pinapili naman siya ni Psalm kung anong mas gusto niyang suotin, at dahil nagmamagaling siya ay pinili niya pa ang heals. Hinayaan niya namang nakalugay ang kaniyang buhok. Bagay naman iyon dahil sa haba at kintab niyon. Kung titingnan mo ang kaniyang hitsura ay hindi mo aakalaing isa siyang maid. There's no way you can notice that part of her. Nang masuring mabuti ang kaniyang sarili, sa wakas ay lumabas na rin sa maid quarter nila si Liah. Ilang beses din siyang muntik nang matapilok, pero dahil determinado siyang panagutan ang desisyon niya na pagpili sa heels ay mabilis niya namang nakontrol iyon. "Naks naman, Liah! Parang hindi ikaw, a?" One of her co-maid noticed. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng hiya. Hindi siya sanay na pinupuri siya ng mga mata maliban sa kaniyang ama na madalas purihin kung gaano siya kasipag, maalalahain at matulunging anak. "Hindi naman, ate. Ako pa rin naman 'to!" Nakangiwi niyang sinabi. "Parang anak ka ng mayaman, e. Ang kinis ng balat mo tapos ang puti mo pa," papuri ulit iyon. Siguro may kailangan 'to sa akin kaya to the max kung makapapuri? "Anong sikreto mo para magkaroon ng ganiyang balat?" Bigla nitong bira na mas lalong ikinangiwi ni Liah. "Wala, ate. Minsan nga hindi ako naliligo, e. Tamang wisik lang tapos ano... dasal na rin gan'on," she joked. Ang kasamahan niyang maid naman ngayon ang napangiwi. Napahawak pa ito sa kaniyang dibdib na animo'y hindi makapaniwala sa kaniyang narinig mula kay Liah. "Sige, ate. Mauna na ako. Baka kasi naghihintay na sa akin si Psalm. Baka karnehin ako 'non kapag na-late ako." Pagpapaalam niya rito. Habang tinatahak niya ang daan patungo sa sala ay mas lalong lumalakas ang kabog ng kaniyang dibdib. She could feel a bit of excitement and fear at the same time. Bakit ba ngayon ko lang naisip na ba't ko nga ba tinanggap ang offer niyang ito sa akin? Hindi ito maganda at isa pa... isang kasingungalingan ang gagawin naming ito dahil sa pagpapangap ko. Bulong ng isip ni Liah. That escalated her fear, kaya naman iniiling niya na lang iyon sa kaniyang isip. Saka niya na iyon iisipin. Ngayon, kailangan niya na munang galingan sa pagiging girlfriend niya. Iyon din kasi ang isa sa napag usapan nila ni Psalm. Nang sa wakas ay narating niya iyong sala ay nakita niya roon na nakaupo si Psalm. He looks bored, but when Liah called him, kaagad itong napalingon sa kaniya. She expected na kagaya ng mga napapanood niya sa movie na matutulala si Psalm, pero hindi. Sa huli ay napa-irap na lang siya dahil wala namang epekto iyong make over niya pero asadong siopao pa rin siya. Akala niya pa naman ay mag-aala Cinderella siya. Imbes na papuri, panlalait pa ang nakuha niya. Sinabi lang sa kaniya ni Psalm na mukha siyang peguin maglakad kaya nainis lalo si Liah. Bumagsak ang balikat ni Liah. "Sabi ko na, e. Pero, sige na. Hayaan mo na kung mukha akong penguin. Basta ang mahalaga, nagmukha naman akong babae," pagpapasawalang bahala na lang ni Liah kahit ang totoo ay umasa siyang magugustuhan iyon ni Psalm. Hindi na maganda 'to, a? Kung ano man 'tong nararamdaman ko para sa mokong na 'to, kailangang mawala kaagad. Ayokong sumugal sa kaniya dahil alam kong sa huli, matatalo lang ako. Ito iyong sugal na delikado kaya kailangang ngayon pa lang, pigilan ko na ang sarili ko. she reminded herself. Psalm turned off the television and stood up. Pinanood lang siya ni Liah. When he's done, nagyaya na itong umalis sila. "Let's go?" Si Psalm, saka nito inilahad ang kaniyang siko kay Liah. "Ano naman 'yan?" Tanong ni Liah kahit alam niyang inuutusan siya ni Psalm na kumapit doon. Nag-iwas ng tingin si Psalm bago nito kinamot ang gilid ng kaniyang noo. "I may be a womanizer, aren't a gentleman, pero sa tingin ko kailangan mong kumapit para hindi ka matapilok," said Psalm before looking at her heels. "Ang sabihin mo, chansing ka lang! Tss. Hindi pa kasi aminin na nagagandahan ka sa akin, e," panunuya ni Liah. "Why would I do that? Ka-chansing chansing ka ba?" Kaagad na sumimangot si Liah sa narinig niyang iyon. "Edi, hindi!" Maktol niya bago ito kumapit sa nakalahad na siko ni Psalm. Nang nakakapit na si Liah ay iginiya na siya ni Psalm patungo sa kaniyang sasakyan. "Remember, 3 months na tayo, okay? Yun lang. Hindi mo na kailangang magpabango pa sa parents ko. Hindi naman sila pihikan," iyon ang bilin ni Psalm kaya kahit paano naman ay nabawasan ang kaba niya ni Liah. Naagaw lang talaga ng word na pihika iyong atensiyon niya. Hindi naman ako pagkain, e. Pero kung si Vraxx ang kakain, puwede naman. "Puwede ba maging madaldal dun sa bahay ng parents mo? Nasabi mo naman na sa akin na mababait sila pero baka mamaya dahil sa kabaitan nila, masanay ako at hindi ko na mapigilan ang bibig ko. Alam mo naman minsan, hindi ko maiwasang magsalita nang magsalita lalo na kapag nagustuhan ko ang topic," tanong ni Liah. "Basta may kuwenta iyong mga sasabihin mo, bakit hindi?" sagot naman ni Psalm kaya napatango si Liah. Mukhang wala namang magiging problema. Marami akong baon na kuwento. Aba, nag-seaech din kaya ako kagabi ng mga topics 'no? Wala na silang imikan hanggang sa pagbuksan siya ni Psalm ng pinto ng kaniyang sasakyan. Pumasok naman kaagad si Liah doon. Wala siyang imik kasi daydreaming na naman ang inaatupag niya sa mga oras na iyon. Hinintay niya ang pagsasarado ni Psalm sa pinto ngunit dahil natagalan ito ay nagsalita si Liah. "Isarado ko na?" She innocently asked. Magkasalubong ang kilay na tumitig sa kaniya si Psalm habang nakapatong sa rooftop ng kaniyang sasakyan ang isa nitong kamay habang ang isa naman ay nasa nakasampay sa pinto. "Ako na," anito bago ito nag-iwas ng tingin pagkatapos ay tumikhim. Tumango na lang si Liah at hinintay na makasakay si Psalm. Inaayos niya pa ang seatbelt niya nang narinig niya ang pagpasok nito, pero hindi kaagad pinagana ang engine. Humawak lang ito sa manibela at tumitig sa harap. Napangiti naman si Liah nang sa wakas ay naikabit niya na ang kaniyang seatbelt. "Di pa ba tayo aalis?" Tanong ni Liah sa wala pa ring imik na si Psalm. Hindi ito sumagot, ngunit binalingan siya nito. Si Liah naman ay naghintay lang ng anumang sasabihin ng kaharap sa kaniya na seryoso na naman. "Oo na. Sige na, maganda ka na." Psalm admitted. After that, he started the engine while Liah was still dumbfounded at what he just said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD