Kabanata 7

1286 Words
Third Person Habang binabagtas ang daan patungo sa mansion ng mga Villafranco ay panay naman ay pagpapaalala ni Psalm kay Liah ng kung ano-anong bagay. Naririndi na nga ang hulo dahil paulit-ulit na lang ito na parang sirang plaka. "Oo na nga. Alam ko na, okay?" Liah tsked in annoyance. "You better be." Sa sinabing iyon ni Psalm at pinandilatan siya ni Liah ng masamang tingin. "Halos isang milyon mo na yatang pinapaalala sa akin, e. Aanga-anga lang ako pero mabilis naman ako maka-pick up, 'no? Ano'ng akala mo sa akin?" May halong pagmamalaki iyon mula kay Liah. "Be natural, yes. Hindi kailangang magpabango ng pangalan dahil wala naman silang pake doon. Huwag lalandiin si Sir Luke kasi nandoon ang asawa niya--" "Fianceé." Psalm corrected her. "O, edi fianceé. Doon din naman pupunta 'yon," pagpapalusot na lang ni Liah kahit ang totoo ay nagkamali siya roon. "Hindi puwedeng mahuli tayo roon kaya ayusin mo. Galingan mo sa pag-convince. Hindi joke ang ibabayad ko sa'yo para rito, ha?" muling paalala sa kaniya ni Psalm. "Wala ka talagang bilib sa akin, e. Kung minamaliit mo pala ang convincing power ko, dapat iba na lang binayaran mo. Nandiyan naman si Esther, e. Di mo ba pansin, crush ka kaya n'on. Baka mas matuwa pa 'yon kesa sa akin kung siya ang niyaya mo," diretsong sinabi ni Liah. Wala na rin, nasabi na niyang crush ni Esther si Psalm. Siguro din naman ay alam na nito, sadyang di lang niya pinapansin. Kung matulala ba naman si Esther sa tuwing nakikita niya si Psalm, e talaga namang manhid na lang ang hindi makakapagsabi na hindi. "We're here. Fix yourself," utos sa kaniya ni Psalm nang tumigil ang sasakyan nito sa harap ng matayog na gate. Ni hindi man lang ito nag-react sa sinabi niya tungkol kay Esther. Napailing na lang si Liah para sa huli. May kung ano itong pinindot sa kanilang harap bago unti-unting bumukas ang gate sa kanilang harap. Hindi na iyon bago kay Liah dahil ganoon din naman ang estilo ng gate ni Psalm sa bahay nito. Nga lang, mas moderno iyong sa kaniya kumpara sa mansion ng kaniyang mga magulang. Nang umusad muli ang sasakyan ay hindi mapigilan ni Liah na mamangha sa mapalamuting paligid. Punong-puno ng makulay na ilaw sa kanilang dinaraanan. Pati ang gazebo na natatanaw mula sa kung nasaan sila ay nangingibabaw din dahil aa nakapalibot na rainbow fountain dito. "Mas maganda pala dito sa parents mo, 'no? Mas buhay ang bahay nila kapag gabi kesa doon sa'yo," wala sa sariling puna ni Liah habang ipinapalibot pa rin ang kaniyang mga mata sa paligid. "Mas gusto mo ba yung ganito?" Psalm asked kaya naman napatingin sa kaniya si Liah. "Kahit naman sabihin kong oo, desisyon mo pa rin naman ang masusunod. Siyempre, bahay mo yun, e." Nagkibit balikat siya at muling ibinalik ang tingin sa paligid. Hindi na rin naman nagsalita si Psalm hanggang sa tuluyan na nitong maiparada ang kaniyang sasakyan sa umderground parking ng mansion ng ina at ama ni Psalm. Naunang bumaba si Psalm bago ito mabilis na umikot patungo kay Liah at pagbuksan ito. Nang makababa ay kaagad na silang dumiretso sa elevator na nakadirekta sa pribadong daan sa loob ng mansion. Walang lakas ng loob na umimik si Liah dahil kahit pa gaano kabait ang mga magulang ang mga magulang ni Psalm ayon sa kuwento nito sa kaniya ay hindi niya maiwasang kabahan dahil ito rin ang unang pagkakataon na haharap siya at dadalo sa ganito ka-intimate na pagtitipon. Panay ang tikhim at hinga niya ng malalim habang paakyat ang elevator sa tamang palapag. Dahil doon ay hindi niya na napansin na nasa tamang palapag na pala sila. Kung hindi lang niya naramdaman ang braso ni Psalm kaniyang bewang ay nakatunganga pa rin siya doon. "They're waiting for us," si Psalm na animo'y wala lang sa kaniya ang nakapulupot nitong kamay sa kaniyang bewang na iginigiya siya palabas sa elevator. For him, it was like nothing, pero kay Liah... hindi maipaliwanag na kalabog ng dibdib ang hatid niyon. "O...okay," Liah again cleared her throat and just goes with the flow. Inaanyayahan kaagad sila ng guard na naroon sa hapag dahil naroon na raw ang ama't ina ni Psalm. Kahimik naman silang nakasunod sa lalaki. After a minute, they have reached the dining area where Psalm's family are seated. Kaagad na nagliwanag ang mga mukha ng mga ito nang nakita sila. They stood up immediately to welcome their presence. Mas lalong nanigas si Liah. "O, hijo! You really came, huh?" Anang ina niya na kaagad bumseso at yumakap sa kay Psalm. Nang bahagya na itong napalayo sa kaniya ay saka naman nito binalingan si Liah na pilit nilalabanan ang nerbiyos. "And my gosh... you're with someone," puna nito habang nakangiting sinuyod ang kasama niya ng tingin mula ulo hanggang paa Mas lalo pang nagulat si Lia nang hawakan ng ginang ang magkabila niyang siko saka itp niyakap ng mahigpit. Halos lumuwa ang mga mata niya dahil sa higpit ng yakap na iyon na may kasama pang marahang paghaplos. "H-Hello po..." aniya nang sa wakas ay pakawalan siya ng ina ni Psalm. "Familair, bro." Si Luke iyon bago nakipag fist bump kay Psalm. Hindi naman problema kay Luke iyon. Alam na niya ang tungkol sa ginagawa ng dalawa kaya hindi siya dapat alalahanin. "Hijo! My favorite son is here, finally!" Ang ama iyon ni Psalm na kaagad yumakap rito. "Ouch. Ang sakit, Pa ha?" Natatawang ani Luke. Sa totoo lang, wala namang kaso iyon. They were treated equally, sadya lang mas tinututukan si Psalm ng mga magulang nila. Ang sabi naman kasi nila ay mas responsable na si Luke at kaya niya na ang kaniyang sarili kumpara kay Psalm. Iilang kamustahan pa ang naganap bago siya naipakilala ni Psalm sa mga magulan nito. Kagagaling lang din kasi ng mga ito sa ibang bansa. They stayed there for five years at ngayon lang ulit nakauwi. Hindi pa kilala ng mga ito si Liah dahil mag iisang taon pa lang namang personal maid ni Psalm si Liah at madalang naman ang mga itong tumawag. "Matagal na pala kayo, hija?" Tanong ng ginang sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. "Ah, opo..." Kulang na lang ay kurutin ni Liah ang kaniyang sarili sa kasinungalingang iyon. Matagal niya na po akong maid, Tita. "Ito talagang anak namin na ito. Ang hilig magtago ng sikreto sa amin," ang ama naman ni Psalm iyon. "I just don't want to announce it yet. Isa pa, gusto kong harapan ko siyang ipakilala sa inyo," sansala naman ni Psalm. Natigil sa pagkain si Liah at napalingon kay Psalm. Napatingin din naman sa kaniya si Psalm saka ito kumindat. Nanlalaki ang nga matang nag-iwas ng tingin si Liah sa kaniya. Mariin pa siyang napapikit para iwaglit sa isip niya iyon. "Hija, pasensiya ka na kung itatanong ko sa'yo ito, ha? Pero... should we expect a baby from you two?" Psalms mother inquired na dahilan ng pagkakasamid ni Liah. "Oh, ayos ka lang ba, hija? Can someone give her water," utos ng ama ni Liah sa mga kasambahay na kaagad naman sinunod ngmga ito. Nang kumalma na siya at doon naman nagsalita si Psalm para sagutin ang tanong na para kay Liah. "Don't worry, Ma. We're working on it. Baka sa susunod na taon may kambal ka ng apo." Prenteng sinabi ni Psalm na parabg wala lang iyon sa kaniya. Mas lalong uminit ang pisngi ni Liah sa narinig mula kay Psalm. Pinilit niya ang sariling hindi mag-rract sa sinabi nito, bagkus ay nahihiyang tumawa na lang. Kung abot lang sana ni Liah ang binti nito ay kinurot na niya ito para matigil sa nga sinasabi niyang kalokohan. Mamaya ka talaga sa akin, Psalm!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD