Kabanata 8

1786 Words
Liah Ilang beses kong hiniling sa mga santo sana ay maghimala at ipalamon na lang muna nila ako sa lupa dahil sa kahihiyang natatamo ko sa tuwing nagsasalita si Psalm. Mukhang nag-ennjoy talaga ang hayupay sa kasasakay sa mga gusto ng magulang niya, ha? Ang walang hiyang 'yon! "Ano bang tawag niyo sa isa't-isa?" Nabigla akong sa tanong na iyon ng kaniyang ina na ngiting-ngiti pa sa akin. Patay! Hindi namin 'to pinag-usapan! "Babe." "Love po," sabay naming sagot. Gustong-gusto kong magsabi ng mga masasamang salita sa mga oras na iyon dahil pakiramdam ko, mabubuko kami ng wala sa oras. Bakit ba kasi bigla-bigla na lang siyang sumisingit, e ako naman ang tinatanong?! Mariin akong napapikit habang nakakagat sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang aking sarili na magsabi ng kung ano-ano. Sana nagsabi siya o sumenyas kasi para alam ko, hindi iyong bigla siyang bumibida. Naka-practice nga kami sa bahay kanina, pero ngayon naman na naritobna kami, wala na. Buhol buhol na iyong kuwento namin. Feeling ko nga tuloy, alam na ng Mama niya na binobokya lang namin sila, e. Hindi lang sinasabi kasi ayaw nilang ma-hurt ang feelings namin. "Ano ba talaga, anak? Your girlfriend says love, tapos ikaw naman babe?" Natatawang sinabi ni Tita. Naks naman, naka - Tita ka na ngayon, Liah, ha? Pero parang awa mo na, lupa. Lamunin mo muna ako ng kahit mga 10 seconds lang. "K-Kasi po ano Tita... uhm, babe po ang tawag niya sa akin, love naman po ang tawag ko sa kaniya. You know po." Nagkibit-balikat ako. "Magkaibang endearment para sweet..." Sinabayan ko pa iyon ang awkward na tawa sabay tingin kay Psalm na walang ibang ginawa kung hindi ang mag-chill. Ni hindi man lang ako tulungan! My gosh! Hindi ko alam kung maitatawid ko ba ito o ano. Pakiramdam ko ay sinipa ako ng kabayo sa sobra kong kaba dahil baka hindi nila paniwalaan ang sagot kong iyon. "Hmm..." nagkibit balikat din sa Tita bago niya muling ginalaw ang kaniyang kurberyos. "It that so? Pasensiya ka na, hija kung masyado akong matanong. You know, I have never seen the sweet side of my son like what you are saying kaya medyo shocking." Mahinang natawa ang ina ni Psalm. Napalingon ako sa kaniya. Hindi ko naman alam na gan'on din pala siya sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at saka nginisian. "Sobrang sweet po talaga ng anak niyo, Tita. Kaya nga feeling ko, ang swerte swerte ko sa kaniya." Labas sa ilong kong papuri. Pagkatapos kong sabihin iyon ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Psalm. Nako, Tita. Kung alam mo lang kung gaano ka-demonyito 'yang anak niyo. "You must be treating your girlfriend well, hijo, huh?" Ang ama niya naman iyon. "Hindi po," wala sa sarili kong sinabi. Saka ko lang naisip ang nasabi ko nang biglang natahimik ang paligid at ang mga mata nila ay nakatuon sa akin. "What is it, hija?" Tanong ng kaniyang ama. "Ah... Ibig ko pong sabihin ay... ano po, uhm... hindi po k-kayo nagkakamali. Yun po!" Bawi ko at para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang tumango sila na para bang sumasangayon sila sa sinabi ko. Wooh! Hindi naman ako guess sa isang sow na kung saan ay magigisa ka pero pakiramdam ko nasa hot seat ako! Ilang beses na akong muntik mahuli, ha? Baka mamaya kung hindi pa ako tumahimik dito ay mabuking kami nang wala sa oras. Akala ko ay tapos na kami sa pagkain nang nagpaalam si Tita na kukunin na niya ang hinanda niyang dessert para sa amin. At siyempre, bilang pabida at nagmamagandang loob, nagpresinta akong sumama sa kaniya dahil baka matusta namab ako ng tatay ni Psalm dito sa hapag sa ingles niya. Wala pa naman akong gaanong baon ngayon. "Sasama na po ako, Tita." "Are you sure? You can stay here if you want." "Ay hindi na po, Tita. Sasamahan ko na po kayo." Pagpupumilit ko. Sige na, Tita. Pumayag ka na, please? Nagkasalubong ang kilay niya na para bang nagpipigil ng tawa. "Okay then..." kibit balikat niya sa huli. Hay salamat naman. Mas kumportable kasi ako kay Tita, e. Kahit madaming tanong, at least tagalog. Kay Tito kasi... pakiramdam ko, kailangan kong bumalik sa Grade 1, e. "Hijo, puwede ko muna bang mahiram itong girlfriend mo?" Nagpaalam pa siya kay Psalm na nakamasid sa amin. "Sure. But, I just wanna remind you. "She's clumsy," aniya sabay tawa. Ang walang hiyang 'to! Kailan ako naging clumsy? At... teka, ano ba yung clumsy? Prente pa siyang nakasansal sa likod ng kaniyang inuupuan na para bang isa siyang hari. Hay nako! Kung kaming dalawa lang talaga nito, siguradong malalagot siya sa akin! Habang nasa kusina kami ni Tita ay panay pa rin ang tanong niya sa akin ng tungkol sa amin ni Psalm. Habang tumatagal, nakokonsensiya na rin ako dahil palalim nang palalim ang mga kasinungalingan ko sa kanila. "So, paano kayo nagkakilala ng anak ko?" Naeexcite na tanong ni Tita nang sumandal siya sa counter table sa kusina. "Uhm, kasi po... naghahanap po ako ng trabaho, nakailang building na po ako na pinuntahan pero wala pa rin pong tumatanggap sa akin kasi..." nagdalawang isip pa akong ituloy ang gusto kong sabihin. Pero, naalala ko iyong sinabi ni Tatay na hindi ko dapat ikahiya ang buhay namin lalo na sa mga nakakaangat na tao, kasi doon ko daw malalaman kung sino iyong mga taong mapanghusga pagkatapos nilang malaman ang totoong estado mo sa buhay. Naaalala ko rin iyong sinabi ni Psalm na wala namang pakialam ang pamilya niya sa estado ko sa buhay. Gusto ko rin namang kahit ito lang ay maging totoo ang sagot ko sa kanila. Na hindi ko naman kailangang itago na mahirap kami, dahil hindi kami mahirap lang. Hindi man kami sagana sa pera, sagana naman kami sa mga bagay na hindi nabibili ng kahit na gaano pa kalaking pera. "...hindi po kasi ako nakapagtapos sa pag-aaral. Third year college po kasi noong tumigil ako sa pag-aaral para mas matutukan po namin si Tatang..." mapait akong ngumiti. Sa pagsasalaysay kong iyon ay naramdaman kong humapdi ang aking mga mata aa nagbabadyang luha. Biglang nagsalubong ang kilay ni Tita, hinagod niya rin ang likod ko sa marahang paraan. "Hindi naman po kasi kami mayaman. Wala pong sariling lupa, at bahay. Isa pong magsasaka ang Tatang ko at mas lalong nalugmok ang kakarampot naming kita nang mabulag po siya..." walang pag-aalinlangan kong sinabi. Magsasalita pa sana ako ulit nang narinig ko ang pagsinghot ni Tita at ang kaniyang hikbi. Umurong ang aking luha dahil sa gulat sa naging reaksiyon niya. Kaagad ko siyang dinaluhan at inalu dahil baka mamaya ay may makakita pa sa amin at sabihing pinaiyak ko siya, well... pinaiyak ko nga siya pero hindi ko naman sinasadya. Nagkuwento lang naman ako! "T-Tita? Ayos lang po ba kayo?" Nagaalang tanong ko sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang likod. "I just... I'm sorry. Nagulat lang ako sa pinagdaanan mo, hija. Don't worry. Ayos lang ako and I feel bad for your father," aniya habang pinapakalma ang kaniyang sarili. Tumango ako habang iginagala ang aking mga mata sa kitchen para makapaghanap ng tissue. Nang sa wakas ay may nahagilap ako kaagad akong lumapit doon para pumilas saka muling bumalik sa kaniya. "Pasensiya ka na po, Tita. Dapat po pala hindi na po ako nagkuwento. Tinatanong niyo lang naman po kung paano po kami nagkakilala tapos nag-drama pa po ako sa harap niyo." Sunod-sunod na umiling si Tita habang pinupunasan ang kaniyang mga luha. "It's okay. I'm interested to know, too. Huwag kang mag-alala, because I care about your story, okay?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti siya sa akin at sinapo ang magkabilang pisngi ko. Bakit ang babait ng mga magulang ni Psalm tapos siya... Mas lalo tuloy akong nakonsensiya. "I trully understand your state in life, hija. Kasi nanggaling din naman sa hirap ang pamilya ko noon. Maybe I was just lucky that I met a man who doesn't care about my life status, huh?" Aniya bago siya mahinang tumawa. Hindi ko na talaga kaya 'to. Ayoko na ng ganito. Ayokong balang araw ay may pagsisihan ako kaya bahala na, aaminin ko na lang ang totoo habang maaga pa. "May... may sasabihin din po sana ako, Tita." Nakayuko ako nang banggitin ko iyon. Nahihiya ako dahil sa pagsakay ko sa planong ito ni Psalm. Hindo deserve ng pamilya niya ang ganito. "Sure, hija. What is it?" Humugot ako ng malakas na hininga para doon kumuha ng lakas ng loob. Kung magagalit man sila sa akin, tatanggapin ko iyon dahil sangkot naman ako. Ayos lang sa akin ang makatanggap ng anumang salita basta hindi na lumala pa ito. "Hindi po ako girlfriend ng anak niyo. Maid niya po ako, Ma'am at hindi po totoo na mahal po namin ang isa't-isa." Pigil ang hininga kong pagtatapat. Mariin akong pumikit habang hinihintay ang bayolenteng reaksiyon mula kay Tita ngunit walang dumating. Kaya naman nagmulat ako ng mga mata para tingnan ang kaniyang reaksiyon. Sa nanlalaking mga mata at nakaawang na mga labi ay natahimik si Tita kaya dinagdagan ko pa iyon. "Ayos lang po talaga sa akin kung magalit kayo. Sigawan niyo po ako kung gusto niyo. Sampalin niyo po ako kung gusto niy-" "That's... shocking," iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig pagkatapos ng kaniyang pagkagulat. "Sorry po kung nagsinungaling po ako sa inyo, Ma'am. Hindi po ako magrarason kaso mali po iyong ginawa ko." "...but, I somehow can't find any reason to get mad at you. In fact, mas lalo kitang nagustuhan," aniya. Kung nagulat siya kanina, mukhang ako naman ngayon. Ano'ng... Hindi ako nakahanap ng mga salita kaya natahimik na lang ako habang pinagmamasdan ko siya. "I want want to ask you this since you said na hindi niyo naman mahal ang isa't-isa." Kaagad akong tumango. "Sige po, Tita. Kahit anong tanong po 'yan sasagutin ko po with all honesty, period. Mamatay man po ako. Podlock." Umiling siya habang natatawa kaya naman inipit ko ang aking mga labi para pigilan ang aking sarili. "It's not like a question. More like a favor." Aniya kaya tumango ako. Akala ko maho-hotseat na naman ako, e. Quotang-quota na kasi ako kanina pa. Kung maha-hot seat na naman ako, feeling ko maiiyak na talaga ako. "I know my son, hija. He's rude most of the time. Selfish and self centered. A womanizer, I know. Nagpapakasasa lang sa maranyang buhay, but... he's my son. If I have seen his negative sides, I also have seen the side that he's afraid to show to everyone. There's more to him than he is today at umaasa akong matutulungan mo akong ibalik iyon. Please, Liah? Can you help me bring back the old him?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD