Kabanata 9

1121 Words
Third Person Liah felt like she was given a mission. Isang misyon na tiyak na mahihirapan siyang isakatuparan. Given the way how Psalm treats her, sigurado nang magiging challenge ito kay Liah. Pero kapag naiisip niya na nitong mganakaraan ay bumabait si Psalm, nagkakaroon naman kaunting pagasa. Matapos ang pag-uusap nila ng ina ni Psalm, bumalik sila sa hapag na parang walang nangyari With all smiles, they sat back on their seats. "Mukhang close na close na kayo ng girlfriend ko, a?" Psalm teased while a strawberry was stuck between his red lips. Palihim na napairap sa kaniya si Liah pero nahuli pa rin iyon ni Psalm kaya iti napailing at bahagyang natawa. "You know what, son? I like her -- no." His mother stopped mid air. "I love her. Botong-boto ako sa kaniya para sa'yo." Then her mother winked at her. Psalm chuckled as he shook his head. "How about you, Luke? When will your girl be here?" Their father asked. Natigil sa pagnguya si Luke at napailing na lang sa tanong na iyon ng kanilang ama. "How can he bring his girl here? E, siya lang naman ang nakakaalam na sila. Akala ko nga dadalhin niya, e. Sinabihan pa ako tapos... imagination pala." Pang-aasar ni Psalm sa kaniyang kapatid. Everyone laughed at Psalms remark. Totoo nga naman kasi iyon. Bago sila dumalo sa dinner ay sinabihan niya si Psalm na dadalhin niya ang girlfriend nito, kaya nga niya binalaan si Liah tungkol doon, ngayon ay isa lang pala iyong prank dahil wala namang dala si Luke. Katulad ng sinabi ni Psalm ay magaan nga kausap ang pamilya nito. Natural lang sa kanila ang pag-uusap nila na para bang matagal na nilang kakilala si Liah. Nakakasabay din naman kasi siya sa mga pinag-uusapan ng mga ito. "Ikaw, hija? Do you have any hobby?" Mr. Villafranco asked. Natigilan si Liah sa biglaang tanong na iyon na ibinato sa kaniya. Everyone's eyes are on her. Mas lalo tuloy siyang na-pressure sa kung anong isasagot niya kasi hindi rin naman siya sigurado. Maayos na siya at kalmado kanina, e. Ngayon, para na naman siyang nakikipagkarerahan sa mga kabayo. "Uhm... kung meron man po ako sigurong mahilig gawin, iyon po ay ang pagtatanim, Sir," she was asked to call Psalm's parents 'Tito and Tita' earlier, but she can't just help herself to adress them as 'Sir and Ma'am'. "Sa bukid po kasi kami nakatira, Sir. At..." pagak siyang natawa bago ito nagkibit ng balikat. "Wala naman pong ibang gawain doon kung hindi ang pagtatanim at pagaalaga ng mga hayop na ipinapaalaga po noong hindi pa nabubulag si tatay. Minsan nga po, Sir... kinakantahan ko pa po yung mga baboy kapag pinapakain ko po sila at..." Napatigil sa pagsasalita si Liah nang mapansing natahimik ang buo niyang paligid. Doon niya lang natanto kung ano ang mga sinabi niya. Hindi niya man lang napigilan ang kaniyang sarili, but it felt so natural for her to let out those words. Pakiramdam niya ay nakikipag-usap lang siya sa mga taong malapit sa kaniya. "Ay, pasensiya na po kung napasobra po ako sa pagkamadalda—" "I actually like girls like you, hija. A girl who doesn't care about other people's negative opinions. Being true isn't easy nowadays, huh? Kaunti na lang ang kagaya mong hindi ikinakahiya ang kung ano ang meron sila sa buhay." Liah was beyond shocked at what Mr. Villafranco said. Mas lumakas ang loob niyang ibahagi ang kaniyang pagkatao sa mga taong kaharap niya ngayon, knowing that they do not belong to those who judges people by their status in life. "Salamat po, Sir..." she proudly smiled to him. Pakiramdam niya, sa unang pagkakataon, napatunayan niyang hindi lahat ng mayayaman ay mapanghusga. She felt pride gushed into her system that she could feel her emotions materializing into tears. Napasinghot na lang si Liah habang sinusubukang pigilan ang nagbabdya niyang luha. It wasn't a cry of sadness, it was tears of joy. Napayuko siya lalo na noong may taksil na butil ng luha na tumakas mula sa kaniyang mga mata. Kaagad niya iyong pinunasan pagkatapos ay muling nag-angat ng tingin saka matamis na ngumiti. She apologized for her act, but she couldn't but cry more. Lalo lang din siyang naiyak nang tumayo ang ina ni Psalm para yakapin siya mula sa likuran. She even kissed the side of her head while saying, "It's okay, hija. We accept you for who you are," bulong nito habang pinapatahan siya. "Kahit ikaw pa ang pinakamahirap na babaeng makikilala ng anak namin." Muli nitong hinalikan ang gilid ng kaniyang noo. "Sa totoo lang, wala kaming pakialam doon. What we need for our son is a girl like you. We, and that includes you -- don't need the money because we already have that. Isa pa, na-a-outnumber na kaya ako! You see? We have three boys here, tapos mag-isa lang akong babae." Napalitan ng halakhakan ang buong mesa sa sinabing iyon ni Mrs. Villafranco. Ceciliah never thought that she could meet a family like this-- sobrang gaan kausap. Gumagabi na kaya kinailangan na nilang umalis. Psalm's parents offered a room for the both of them but they refused the offer. "Huwag na, Ma. Baka mamaya, dito pa kami makagawa ng milagro," he joked na nakapagpaubo kay Liah. "Are you okay, Liah?" Nagaalalang tanong ng mag-asawa sa kaniya na kaagad naman niyang tinanguan na may kasama pang thumbs up. "O-Okay lang po ako, Ma'am... Sir. Nakakaubo po pala yung ice cream na kinain natin kanina, 'no?" Pagpapalusot niya na lang, kahit ang totoo ay nagulat talaga siya pabigla-biglang sinasabi ni Psalm. "Asus, hijo. It's fine. Soundproof naman ang mga kuwarto rito. You can even shout each other's names while doing it." Matamis ang ngiting iginawad ng ina ni Psalm sa kanilang dalawa. Gusto ni Liah na takpan ang kaniyang tainga para hindi marinig ang mga iyon. May mga pagkakataon man sigurong bastos ang kaniyang bibig, pero pakiramdam niya ay matutunaw talaga siya sa kahihiyan kapag gan'on ang usapan. "Take care of Liah, hijo, okay? Ingatan mo 'yang girlfriend mo at ang katulad niya ay maituturing na rare ngayon," his mother adviced bago sila tuluyang nagpaalam sa mga ito. Maaatake yata ako sa puso kapag dito ako tumira. Ani Liah sa kaniyang sarili dahil kung ano na lang ang mga naririnig niya mula sa mga magulang ni Psalm. Hindi na talaga niya kinakaya. "Oo naman, Ma. You don't need to remind me that. I will take good care of her. I will also note what you have said earlier. Don't worry, I'll work hard para magkaroon na ng pangatlong babaeng miyembro ang pamilya natin. Just give me a year or two to fulfill your wish," he said as his arm encircled her waist.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD