Isang malakas na sampal ang agad dumapo sa pisngi ko pagpasok pagpasok pa lang ng asawa ko sa bahay namin.
Pagkatapos niy akong sampalin ay mahigpit niya namang sinakal ang leeg ko.
Sakal-sakal niya ako at halos mapatid na ang hininga ko sa mahigpit niyang pagkakasakal sa akin.
Pero hindi niya ako kayang tuluyan dahil alam niyang may kalalagyan siya sampu ng kanyang buong angkan.
Bukod tanging ang tulong na nagmumula sa mga magulang ko kaya nananatilin nakatayo ang mga negosyo sa ilalim ng pamamahal ng pamilya ni Santi.
Kaya hindi niya talaga magagawang patayin.
Kahit ang hiwalayan ako ay hindi niya ako magagawa dahil alam niyang malaki ang pakinabang ko sa kanya.
Mawawala siya sa posisyon niya sa kumpanya na pag-aari ng mga magulang ko.
Kaya mananatili siyang asawa ko at ganun bilang tatay ni Connor.
Alam kong dahil na naman sa pamamahiya ko sa babae niya ang dahilan kung bakit na naman niya ako sinaktan.
Nagsumbong na naman ang kabit niya ng kung anu-ano kaya ganyan na lang siyang nag beast mode.
Ano pa bang bago?
Ganyan lagi ang asawa sa tuwing nagtatalo kami ng kabit niya at ako ang siyang laging panalo.
Gusto niya talagang huwag kong patulan si Desiree dahil pasalamat daw ako at pinakasalan niya ako nananatili siya dito sa bahay na malakas kong tinawanan.
“Palibhasa at wala kang ginagawa sa buhay mo kaya si Desiree ang pinagdidiskatahan mo. Tandaan mo ito, Carmencita. Itatak mo sa walang laman mong utak na kahit na anong gawin mo ay hindi kita magugustuhan. Si Desiree ang babaeng gusto ko pero nagkataon na kailangan ng pamilya ko ang yaman ng mga umampon sayo kaya ako nagtitiis na pakisamahan ka kasama ng anak mo!” galit na galit na asik sa akin ni Santi.
Halos mapatid pa ang kanyang mga ugat sa leeg at nanlalaki ang kanyang mga mata habang dinuduro ako.
Ayaw na ayaw niya talagang sinasaktan ko ang kabit niya.
Galit na galit talaga siya at nagagawa akong pagbuhatan ng kamay kapag na dehado ang babae niya.
Pero hindi pwede.
Sasaktan at pahihiyain ko lagi ang kabit niya sa tuwing mabibigyan ako ng pagkakataon.
Ang kapal nilang dalawa.
Harapan na nila akong niloloko ay ginagastos pa nila ang pera ng mga magulang ko.
Ang kakapal ng mga mukha.
Anong akala nila na sobra akong bobo na hindi malalaman ang mga ginagawa nila?
Hangggat hindi kusang lumalayo si Desiree kay Santi ay hindi rin ako titigil sa pagpapahiya sa kanya.
Kung hindi siya kayang layuan ng asawa ko ay dapat siya ang lumalayo pero hindi.
Enjoy na enjoy pa siya lalo dahil nga may pera na si Santi para pangtustos sa mga kapritso niya.
Samantalang ako na asawa ay kahit isang pirasong mumurahing gamit ay hindi mabilhan.
“Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin sa oras na malaman kong sinaktan at pinahiya mo na naman si Desiree sa harap ng maraming tao!” pagbabanta pa sa akin ni Santi at saka pa ako malakas na itinulak kaya bumangga ako sa malaking banga na nakadisplay sa loob ng bahay namin.
Kasabay ng pagbagsak ng malaking banga ay ang pagbagsak ko rin. Natuon ang palad ko sa sahig kung saan nagkalat na ang basag na banga kaya naman nasagutan ang aking palad.
“Mama!” ang umiiyak na sigaw ni Connor na nakita pala ang ginawa sa akin ng Papa niya.
“Mama!” sabay yakap sa akin ng anak ko.
Ayaw na ayaw kong makikita niya na sinasaktan ako ng Papa niya dahil baka mamaya ay magsumbong siya sa kanyang Lolo at Lola.
“Tahan na, Connor. Okay lang si Mama,” pag-alo ko sa anak ko na hawak ang kamay kong nasugatan at may sariwa ng dugo.
“Bad ka, Papa! I hate you!” asik ng anak ko sa kanyang ama.
“Hindi anak, nahilo ako kaya natumba ako at walang kinalaman ang Papa mo.” Pagtatakip ko pa ng katotohanan.
Kailangan kong magsinungaling sa anak ko para huwag sumama ang tingin niya sa kanyang Papa.
“But I saw him, Mama. He push you,” giit ni Connor pero umiling ako.
“No, baby. Nahilo si Mama kaya nawalan ako ng balanse kaya natumba ako. Hindi ako tinulak ng Papa mo, okay,” paliwanag ko pa at saka niyakap ang anak ko.
“Masyado kayong madramang mag-ina. Dapat lang na magsama kayo dahil kayo lang ang nagkakaintindihan!” singhal pa ni Santi sa amin ng anak niya at saka na siya umalis sa harap naming mag-ina.
“Ma, tara na po. Gamutin na natin ang sugat mo,” pagyaya na sa akin ni Connor at pilit na akong itinatayo sa pagkakasalampak sa sahig namin.
Nang tumayo ako at maglakad ay tumutulo ang sariwang dugo sa kamay ko kaya nagmamadali so Connor na kumuha ng mga tissue para abutan ako at ang iba naman ay pinang punas niya sa mga nagkalat kong dugo sa sahig.
“Ako na ang gagawa niyan, nak. Hayaan mo na lang at baka ikaw pa ang masagutan,” saway ko sa ginagawa ng anak ko.
Ngunit sadyang nagmana sa kasipagan ko ang anak ko. Pinagpatuloy niya lang ang kanyang ginagawa hanggang sa malinis niya nga ang sahig.
Ako naman ay kinuha na ang medicine kit para gamutin ang sariling sugat.
“Ma, bakit po pumapayag kayong saktan ni Papa? Hindi po ba bad ang nang-aaway ng girl?” inosenteng tanong ng anak ko.
Talagang hindi na ako makapagsisinungaling sa kanya dahil alam niya na talaga ang mga nangyayari sa paligid gaya ng pananakit sa akin ng Papa niya.
“Anak, may pakiusap si Mama sayo, ha. Pwede bang huwag na huwag mong sasabihin sa iba lalo na kay Lolo at Lola ang mga nakita mo kanina?” ang pakiusapa ko sa anak ako.
“Bakit po, Ma? Dapat nga po magsumbong ako kay Lolo at Lola para pagalitan nila si Papa,” sagot ng anak ko.
Umiling ako.
“Kasi anak kapag nagalit si Lolo at Lola ay pwede silang magkasakit. Gusto mo bang magkasakit ang Lolo at Lola mo?”
Umiling ang anak ko.
“Ayoko po, Mama.”
Tumango ako.
“Kaya nga huwag kang magsasabi sa kanila ng tungkol sa amin ni Papa. Kapag may nalaman kasing bad news sina Lolo at Lola ay magagalit sila at magkakasakit sila. Kaya nga hindi ako nagsusumbong sa kanila.” Paliwanag ko sa anak ko.
“Sige po, Ma. Hindi po ako magsusumbong ng bad news kay Lola at Lolo,” sang-ayon na ng anak ko.
Mabuti na lang talaga at naiintindihan niya ako.
Matanda at mahina ang mga umampon sa akin kaya ayoko na silang bigyan pa ng mga alalahanin.
Ayokong malalaman nila na nagkamali sila ng pagpili ng lalaking mapapangasawa ko.
“Ma, pero sabi po ng teacher ko ay bad po ang nananakit ng girl. Kaya nga po kahit naiinis ako sa classmate kong girl ay hindi ko po siya inaano.”
Napangiti ako sa sinabi ng anak ko.
“Good. Tama. Huwag na huwag kang mang-aaway ng girl dahil kahit ako ay magagalit, naiintindihan mo ba, Connor?” ani ko pa.
“Yes po, Mommy! Hindi po ako mananakit ng girl dahil bad po ang ganun. At saka iisipin ko pa na mapapagalitan niyo po ako.” Niyakap ko ang bibo kong anak..
Tama lang na habang bata pa siya ay itanim ko na sa isip niya na bawal ang manakit ng babae.
Lumaki ako sa pamilya ng tiyuhin ko na kapatid ng nanay ko.
Namatay daw ang nanay ko matapos ang isang linggong panganak sa akin dahil nakipaglabada na kahit kapapanganak pa lamang.
Ang tatay ko raw ay nasangkot sa away at nasaksak ng nakaaway at namatay ng kasalukuyan pa lang akong pinagbubuntis ng nanay ko.
Ang tito ko at ang asawa niya ang nagpalaki sa akin pero sa batang edad ko pa lang ay naghahanap-buhay na ako sa lansangan.
Tatlong taong gulang pa lang ako ay namamalimos na ako kasama ng mga ibang batang lansangan.
Wala naman kasing trabaho ang tito ko at tanging sa pagpapadyak lang binubuhay ang kanyang pamilya na kulang na kulang ang kanyang kinikita dahil marami rin siyang mga anak na maliliit pa.
Ang tiyahin ko ay nakikipaglabada rin kung kani-kanino.
Ngunit halos araw-araw ay nag-aaway ang tito ko at ang kanyang asawa.
Laging bugbog sarado ang tita ko sa tito ko.
Nakikita ko kung paano ni tito pagbuhatan ng kamay ang kanyang asawa.
Sinusuntok niya sa mukha, sa sikmura at sinisipa niya ang kanyang asawa na sumusuka na ng dugo pero hindi pa rin niya tinitigilan na saktan.
Hanggang sa isang araw ay napuno na ang tita ko.
Habang tulog na tulog dahil sa sobrang kalasingan ang kanyang asawa ay kumuha siya ng matalas na kutsilyo at ilang beses niyang sinaksak ang tito ko.
Sa sobrang takot ko noon ay nagtatakbo ako sa labas ng bahay.
Hanggang sa nabalitaan ko na lang na wala ng kahit isang buhay sa mga kamag-anak ko.
Namatay nga si Tito pero pinagsasaksak din pala ni Tita ang mga anak nila habang tulog at saka niya isinunod ang kanyang sarili.
Simula noon ay tuluyan akong naging palaboy sa edad kong sampung taong gulang.
Kung saan lang ako abutan ng dilim at liwanag.
Nangangalakal ako ng mga basura para gawing pera ngunit madalas ay nag-aabang ako sa basurahan ng mga fast food chain para maghanap ng pagkain sa basura na pwede pang kainin.
Sanay ako sa hirap.
Sanay akong masaktan dahil lumaki rin ako na halos araw-araw bugbog ang almusal, tanghalian at hapunan.
Kaya ganito ako kalakas.
Kaya ganito katibay ang sikmura ko.
Kaya kong sikmurain ang masamang ugali ng asawa ko maging ang pambabae niya protektahan lang ang mga magulang at ang anak ko.
Ano pa bang sakit at sugat ang hindi ko kayang tiisin?
Lahat yata ng sugat sa katawan ay nagkaroon na ako kaya ang simpleng sugat sa palad ko ay wala sa mga sugat na natamo ko na noon.
“Mag-aral ka rin ng mabuti, Connor. Lagi mong tatandaan ang bilin ko sayo na hanggat may nagpapaaral sayo ay mag-aral ka. Hanggat kaya mong mag-aral ay mag-aral ka. Mahirap ang walang pinag-aralan.” Ang lagi ko rin na itinatanim sa isip ng anak ko.
Hindi ako nakapag-aral at kung hindi sa mga umampon sa akin ay hindi ko matutunan ang tamang pagsulat ng pangalan ko.
“Opo, Ma. Ang dami ko nga pong stars, di ba? Lagi po akong sasagot sa board para marami pa po akong makuhang mga stars!” bulalas ni Connor.
“Napaka swerte mo, anak. Hindi mo nararanasan ang mga nararansan ng mga bata sa langsangan.”
“Napakapalad mo na kumakain ka ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw. May malaki kang bahay at may malambot na kama na hinihigaan. Kaya huwag na huwag mong sasayangin ang pagkakataon, Connor,” sabi ko pa sa anak ko.
Hindi ko sinasabi kay Connor na hindi ko talaga magulang ang kinikilala niyang Lolo at Lola.
Ayokong malaman ng anak ko kung anong klaseng buhay meron ako bago niya pa ako naging Mama.
Hindi sa tinatago ko, kung hindi ayoko lang na malito pa ang isip ni Connor.
Gusto kong malaman niya kapag matanda na siya.
Ngunit ngayon ay huwag muna.
Pero itong si Santi ay pinapakita na talaga sa bata kung gaano kabalasubas ang ugali niya.
Harapan-harapan niya na akong sinasaktan sa harap ng anak namin.
Ayokong mamumulat at makakasanayan na makita ni Connor ang mga hindi niya dapat makita dahil maaaring magdulot ng hindi maganda sa kanyang pag-iisip tulad ng nangyari sa akin.
Takot na takot ako noon na makisama sa ibang tao dahil iniisip kong baka saktan ako kagaya ng dinanasa ko sa poder ng tito at tita ko.
“Ma, lucky po talaga ako because you are my Mama. I love you, Mama,” malambing pa na sambit ni Connor sa akin.
“At napakaswerte ko rin naman anak na naging anak kita. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita kaya ang sinuman na mananakit sayo ay hindi ko mapapatawad.”
Huwag huwag lang sasaktan ni Santi si Connor.
Huwag na huwag niyang idadamay sa anuman na isyu sa pagitan namin ang anak ko dahil kaya ko rin malimutan ang batas para sa anak ko.
Tamang dedmahin niya lang si Connor ngunit ang pagtaasan ng boses lalo na ang pagbuhatan ng kamay ay hindi ko mapapalampas.