14

1814 Words
“Montes, magsuot ka na ng shirt.” Sita sa akin ng lalaki. “Opo sir,” nakapatong lang kasi ang twalya sa balikat ko habang naka bra lang. Agad ko ring sinuot ang aking shirt. Ang conservative ni Sir o ayaw niyang maakit ko sya sa aking dibdib. Medyo mabilog kasi ito at blessed daw ako dahil hindi flat ang dibdib ko. Nagpahinga lang kaming apat sa kubo. Busy akong manood sa celphone at si Nico naman ay naglalaro ng games. Bandang hapon nang magsaing si Sir at kainin na raw namin ang natirang pagkain. Si Nico na di lumalapit sa akin ay nilapitan ko na. “Oh, tama na ha,” saad nito at akala ay gagantihan ko pa sya. “Di pa ako nakakaganti sayo ha.” “Kiss na lang kita para bati na tayo,” saad pa ng loko-lokong lalaki. “Suntok gusto mo?” sabay amba ko pa ng aking kamao sa mukha niya. “Swimming pa tayo,” anyaya nito. “Ayoko na. Nilulunod mo ako,” tanggi ko dahil pagod na rin ako at ayoko nang makipagkulitan pa sa kanya. “Di na. Kumapit ka na lang ulit sa akin. Promise di n akita ihahagis.” “Mantsa-tsansing ka lang dyan. Ikaw na lang. Tsaka malakas na ang alon at maginaw na rin.” “Saglit lang naman eh. Uuwi na rin tayo maya-maya. Sayang at kailan pa ulit tayo makakapagswimming. Baka nga una at huli na ito. Ano?” Pinagbigyan ko na ito dahil sa pangungulit. Nakalublob lang kami sa may hanggang dibdib ng hawakan nito ang kamay ko. “Ano nanaman ba?” Apila ko. Hinila ako nito at di ko sya mapigilan. “Niko naman eh!” reklamo ko pero ang kulit nya talaga. “Kapit ka lang kasi,” nilagay nya ang kamay ko sa balikat niya at yumakap ito sa aking bewang. “Loko-loko ka talaga ‘no.” “Ikapit mo na ang mga binti mo. Hwag ka ng mahiya pa,” Lalo pa itong umaatras at lumalalim na. “Ang kulit mo talaga,” sabay pakarga ko na sa kanya at kumapit na ang mga binti ko sa bewang nito. “Di ba ‘to ginagawa ng boyfriend mo sayo?” “Wala akong boyfriend tsaka study first muna ako. Wala sa isip kong magboyfriend.” “Ang cute mo.” Di ko alam kung seryoso siya o iniinis nanaman ako “Oo alam ko pero di ako matalino. Kaya bumalik na tayo sa mababaw,” Mga lalaki talaga. May napupusuan na, humaharot pa sa iba. Ayokong mafall sa kanya at pagkatapos igho-ghost nya lang ako kapag pasukan na. “Mukha ka namang matalino tsaka cute pa.” ulit na pangbobola nito, nagmakeface lang ako para malaman niyang di ako naniniwala sa sinasabi niya. Yumakap sa akin ang lalaki at pinagbigyan ko lang sya. Malamang una at huli nan ga ang swimming naming na iyon dahil sa pasukan, busy na kami parehas. Tara na maginaw na,” “Sige na nga at baka mainlove ka pa sa akin.” “Kapal mo,” kumawala na ako sa kanya at lumangoy na lang ako papalapit sa mababaw na lugar. Sumunod na rin naman si Nico sa akin at pabalik na kami kung nasaan ang dalawang magkasintahan. “Kain na para makauwi na tayo,” anyaya ni sir sa amin pagbalik namin sa kubo. Pagkakain ay nagligpit na rin. Naligo na ako at nagbihis ng pangalis na damit sa loob ng banyo. Sa sasakyan ay nakatulog ako dahil sa pagod at nakasandal ako sa pinto ng kotse. Si Nico naman ay nakasandal sa akin at hinayaan ko lang na makatulog sa balikat ko. Inuna na nila akong hinatid sa bahay. Lunes at pasukan na ulit. Medyo nagtetext pa si Nico pero matapos ang ilang araw ay unti-unti na rin itong di nagparamdam. Busy na siguro at syempre Nakita na ulit ang crush niyang busy sa buhay. May nililigawan na siguro. Di na ako naalala matapos ang lahat sa amin. Matapos makipagharutan, hay, mga lalaki talaga. Saad ko sa aking sarili, Mabuti at di ko sineryoso ang lalaki. Sa mga sweet gesture at sweet words. Baka na fall ako at ngayon, mahihirapang magmove on. Second semester na at napakaswerteng si Sir Josh pa rin ang teacher ko sa math. Nakangiti akong pumasok sa room niya pero iiling-iling lang ito. Ayaw yatang maging estudyante ako. “Improving na ang math mo, Montes.” Saad nito matapos makita ang score ko sa quiz. “Thanks po. Inspired kasi.” “Talaga? Sino?” “Secret,” pagpapacute na saad ko pero syempre sya pa rin. I tried na pumasa para di nya na ako pagalitan at di nya isipin na ganun ako kahina. No more tutoring and no more gardening na that semester. Hindi ko na sya guguluhin at ayoko na ring mabaliw pa sa kanya. Pero Kamusta kayang halaman niya? Di na rin ako pumupunta sa bahay niya. Medyo maulan na. Kahit di sya magdilig ay mabubuhay na marahil ang mga halaman. “Montes,” tawag niya sa akin isang beses ng magkasalubong kami sa hallway. “Sir bakit po?” namiss nya na ba ako? “Can you check the plants? Bakit nalalanta kahit sagana na sa tubig ulan?” problemadong saad ng lalaki “Sige po I’ll check.” masayang sagot ko pero may pag-aalinlangan. Magmomove on nan ga ako pero heto sya at nagbibigay ng malit na pag-asa sa akin. Gumagawa ba sya ng paraan para puntahan ko sya? Umiral nanaman ang mapaglaro kong isip. Kung kelan ayoko na ay lumalapit naman sya. Pero naexcite akong puntahan siya. Miss nya na ba ako? Dahil miss ko na sya. Parang magkakaroon nanaman ako ng chances pero ayokong umasa. Araw ng Sabado ng puntahan ko sya. Nagdiretso ako sa garden para tingnan ang mga halamang nalalanta na raw. Nasa ulanan nga ang mga halaman pero di naman naaabsorb ng lupa ang tubig. Ano ba naman itong si Sir? Siniksik niya ng lupa ang mga halaman at nasa ibabaw lang ang tubig. Math lang ba ang alam niya? “Ang aga mo. Breakfast?” alok nito sa akin. Ang ganda ng mga mata at ng ngiti niya. “May dala akong menudo,” saad ko sa aking guro na napakagwapo talaga sabay abot ng dala ko sa kanya. “Thanks,” nakangiting saad nito sabay pasok sa loob ng bahay niya. Natatakam nanaman yan sa dala kong pagkain dahil minsan lang sya makakakain ng mga lutong bahay na ulam. Sa susunod nga ay lalagyan ko na ng gayuma ang pagkaing dadalhin ko sa kanya. Ilang minute ko pa syang tinitigan habang naghahain gn pagkain sa kusina nang maalala kong mga halaman ng apala ang pinunta ko doon. May mga supling na rin pala ang ibang mga halaman. May mga batong pang decorate na rin syang nabili pero nasa sako pa. Busy talaga sya? O tinatamad? Ako na ang naglagay ng mga dekorasyong iyon. Pinalibot ko sa mga halaman ang mga batong puti at gray na binili niya. “Kain muna tayo. Nakasaing na ako,” anyaya nito sa akin habang busy ako sa aking pag-aayos. Sabi na nga ba at sabik pa rin ito sa mga lutong bahay na ulam. Pumasok na rin ako sa bahay niya para kumain muna. “Lagyan mo kaya sir ng mga steps para maganda. Garden set din magandang ilagay. Bili ka,” suhestiyon ko sa lalaki. “Busy pa ako. Marami pang inaasikaso sa school at sa kasal namin.” “Lagi ka na lang busy.” “Sama kang magsimba bukas?” tanong nito sa akin at pag-iiba ng usapan. Di ko akalain na yayayain niya ako. “Kasama si Nico?” ayoko namang maging thirdwheel nila ng kanyang nobya at para naman may kausap ako at di mukhang tanga. “Maybe.” “Ayoko. Ang aga at ang layo. Bakit niyayaya mo ako? O tayong dalawa lang ang magsisimba?” panunukso ko sa lalaki. “Hindi ako. Si Nia ang may gusto. Namimiss ka na daw niya.” “Eh ikaw, di mo ako namimiss?” pilyang saad ko na pabiro. “Hindi. Ayan ka nanaman.” “Binibiro lang. Pikon ka naman dyan.” “Ayoko ng ganyang biro. Hindi nakakatuwa,” ang hirap nya talagang akitin at napaka faithful nito sa jowa niya. Nakakainis! “Ok fine, hindi na. Hindi na palagi, minsan na lang,” sabay ngisi ko at masarap talagang asarin si Sir. “hwag mo na akong biruin. Kayo na yata ni Nico? Umamin ka nga. Ang sweet nyo noon sa beach.” “Kami? Nyek? Di na kami nag-uusap. Busy na siguro sa school nya. Selos ka ba noong magkasama kami sa beach?” “No way. I love my fiance so much at di ko sya ipagpapalit kahit kanino,” mayabang na saad nito. “Maghihiwalay din kayo,” bitter na saad ko at nasaktan talaga ako sa sinabi nito. “Hindi mangyayari yun. Maxine Montes, bawiin mong sinabi mo.” “Why? Takot ka? Nasa tao rin naman yun. Kung mangyayari, mangyayari. Anong gagawin mo kapag iniwan ka nya?” tanong ko sa kanya. “Magpapakamatay ako.” “Ganoon mo sya kamahal? Obsession na yan. Masama yan. Mapupunta ka sa hell sige ka.” Di ko akalaing sasabihin niya iyon. Seryoso kaya sya? Baliw nan ga sya sa babaeng iyon. “Bakit ikaw, anong gagawin mo kapag iniwan ka ng mahal mo? Di ka ba masasaktan?” “Iiyak lang pero babangon at lalaban. Ganon. Di yung magpapakamatay agad. Sya lang ba ang babae sa mundo? Nandito naman ako. Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo,” sabay irap ko sa kanya. “Ayoko sayo. Di ka marunong sa math.” “Hoy kapal mo. Pumasa ako last sem. Nag-aral ako at di umasa sa pagtuturo mong boring. Di naman ako natuto sa pagtututor mo sa akin. Saying ang punta ko dito sa bahay mo,” ang lakas nyang mang-asar talaga, nakakapikon na pero di ako papatalo. “Boring pero panay naman titig mo sa mukha ko. Hindi ka naman talaga nag-aaral at panay tingin ang ginagawa mo sa akin. Tama ako di ba?” Sagot pa nito sa akin. “Ewan. Doon na nga ako sa labas. Mas masaya pang kausap ang mga halaman at mga manok kesa sa lalaking mahilig sa itlog.” “Ikaw pala ang pikon dyan,” natatawang saad pa nito kaya lumabas akong nakasimangot. Ang sakit naman kasi ng mga sinasabi nya. Dinudurog talaga ng lalaking ito ang puso ko. Ayoko na talaga sa kanya. Bad sya. Ilang oras pa ako doon sa garden at itinuon na lang ang pansin sa mga halaman. Maya-maya ay nagpaalam na akong umuwi. Di man lang ako pinigilan para makipagkwentuhan muna o magmerienda. So insensitive talaga at talagang halaman nya lang ang mas importante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD