15

1535 Words
Dahil sa pagkikita naming iyon ng araw ng Sabado ay pinuntahan ko syang muli ng araw ng Linggo. Ewan ko ba. Ang kulit ko rin talaga. Hapon na at nagdiretso ako sa garden niya. Kunyari garden talaga niya ang pakay ko. “Magdidilig na sana ako kaso naunahan mo ako,” Saad ng lalaki na kalalabas lang ng bahay niya. “Hay for sure busy ka nanaman at makakalimutan mong magdilig kaya pinuntahan ko na itong garden mo. Palusot ka pa na magdidilig na sana ha. Naalala mo lang siguro ngayong dumating na ako,” Sermon ko sa aking Professor. Nakangiti ito at buking ko na sya. “May dala pala akong kare-kare pang dinner natin. Plano ko rin talagang magpaimpress sa kanya. Kahit alam kong wala talaga akong pag-asa. Ok, magsasaing na ako,” excited na saad nito. Huli ko na ang kahinaan niya pero hindi pa ang puso niya. Diet pero ang bilis magsaing kapag may dala akong ulam. saad ko sa aking sarili. Agad kaming kumain pagkasaing niya at pagkainit ng ulam. Ang gana niyang kumain at halatang sabik sa lutong bahay na pagkain. Paano na kaya sila kapag mag-asawa na sila ni Nia? Puro takeout foods na lang. Kawawa naman. Ako na lang kasi, sir. Di ka marunong pumili. Magaling ako sa gawaing bahay at di nya alam, mani lang sa akin yang math na yan. Baka sya pa nga ang turuan ko. Mag-aral ka nang magluto baka puro itlog ang kainin nyo ni Nia,” pang-iinis na saad ko. Pwede namang magtake out at padeliver.” Sagot nito sa akin. Hindi importante sayo na marunng magluto ang magiging misis mo? Pero sarap na sarap ka kapag dinadalhan kita ng ulam. Gusto ko sana pero anong magagawa ko? Hwag ka nang sasabat. Ipipilit mo nanaman ang sarili mo panigurado. Sasabihan ko sana sya na ako na lang kasi, bakit kasi hindi na lang ako? Hindi na. Tanggap ko nang sya ang mahal mo. Uwi na nga ako. Ikaw na ang magligpit dyan,” inis na saad ko. Sabay tayo ko sa aking kinauupuan. Mabuti at mabilis akong natapos sa aking pagkain at palabas na ng bahay niya. Wala talaga akong pag-asa pa sa lalaking ito pero sabi ng puso ko gustong-gusto ko sya. Ilang sabado at linggo ko pa syang pinuntahan. Di ko kasi kayang iwasan sya ng tuluyan. Ang rupok ko talaga pagdating sa kanya pero lagi nya lang akong iniiinis at tinataboy ang feelings ko. Nagextend pa ako sa aking pagmomove on. Ilang weekend na lang at susulitin ko na lang na single pa sya. Nalalapit na rin naman ang kasal niya ay nilubos lubos ko na ang pakikipagkita ko sa kanya. Behave naman ako at lagi ko lang syang dinadalan ng ulam. Mabuti na lang din at di na ako niyayaya ni Nia na lumabas at makipagkita sa kanila. Masakit kasi sa mata ang mga paglalambingan nil ana parang sinasadya ng babae na inggitin ako. bruha talaga yun eh. Akala mo lang mabait. “Sana makahanap ka ng magmamahal sayo. Tsaka siguradong mamahalin ka kung masarap kang magluto.” Ikaw nga ang gusto ko eh,” nais ko sa nang sabihin pero maback to me nanaman ako. tatablahin nya lang ang sasabihin ko tapos ako ang mapipikon. Tatahimik na lang ako. Masaya na akong nakikitang masaya si Sir Josh habang kumakain. Nagugugstuhan naman niya ang mga luto kong ulam. Ayaw nya pa sa akin, magaling na magluto magaling pa sa math. Pero hindi nya naman alam yun at ang alam nya, luto ni mama ang dala ko palagi sa kanya at engot ako sa math. Sad life. Sa second life ko, hahanapin kita at ako na ang pipiliin mo. Mukhang di naman ito maniniwala kung aminin kong luto ko yun at baka kapag ginalingan ko pa sa math, sabihin nangongopya ako. Di ko na sya mapapaimpress sa mga good qualities ko at isa pa, mahal nya talaga si Nia. Bulag sya sa pagmamahal sa babae at walang ibang nakikita. Di ko na sya binibiro kasi ako lang ang nasasaktan. Sa halaman lang ang focus ko tapos tahimik lang ako kapag kumakain kami. Bakit ang tahimik mo lagi? Tanong nito na naninibago na yata sa ugali ko. Wala. Kumain ka lang dyan. Namnamin mong mga dala kong food kasi malapit na tayong di magkita. Nakakapanibago kasi at di ka naman talaga ganyan. Magsalita ka naman. Hwag mo na lang akong pansinin. Huling dinner na natin ito kaya hwag ka ng makulit.” Pagtataray ko sa lalaking mahal ko pero inis na inis rin ako. Huling dinner na nga kasi ikakasal na ako next month pero pwede ka pa naman pumunta kahit nandito si Nia. We’re friends at gusto ka naman niya and besides, ok naman kayo ni Nico. Para ano pa? Taga alaga ng mga halaman mo. Hindi na lang. Ang sungit naman meron ka ba ngayon? Wala. aalis na ako. Agad akong tumayo at palabas na ng kanyang bahay. Walk out nanaman ang beauty ko. Hoy, teka. Nagalit ka ba? Nagbibiro lang ako. Naabutan nya ako sa may pinto at himalang pinigilan ako.. Palabasin mo na ako. Di ko mapigilan ang maluha sa pag-iisip na di ko na sya makakasama. Tinamaan talaga ako kay Sir at masakit sa akin na kailangan ko ng lumayo. Ang drama ko, magkakaroon nan ga yata ako. Bakit may pag-iyak? Nakangising saad pa nito? Wala.” Nakakainis na nagiging emosyonal ako sa harap niya. Para akong tanga. Sorry na. Sumandal pa talaga ito sa pintuan niya at hinarang ang paglabas ko. Lalong tumulo ang luha ko at napatalikod na lang ako sa kanya. Hwag mo akong iyakan. I don’t deserve any of your tears, Max. Di ako ang lalaki para sayo. Bago pa sya makapagsalita pa ng mahaba ay pinutol ko na sya. “Alam ko. You’re insensitive and arrogant. Di ka talaga dapat iyakan at hindi ko rin alam bakit ako nahulog sayo. Kasalanan kong hinayaan kong mapalapit pa sayo.” Pagdadrama ko pa na di ko na makayanan ang damdamin kong parang sasabog. I’m sorry max. Umalis ka na dyan para makauwi na ako.” nakakahiyang nakikita niya akong umiiyak. Mukha akong kawawa sa harap niya pero wala namang halaga iyon para sa kanya. I’m nothing and I’m nobody to him. Just a student na hindi makasunod sa lesson niya ang tingin niya sa akin. Niyakap ako ng lalaki. Naaawa siguro ito sa akin. Pigilan ko man ang sarili ko ay ito talaga ang nararamdaman ko. I’m hopeless and I’m hurting so much. “Hwag ka nang umiyak. Sorry sa mga pang-iinis ko. Sorry na dapat di ko hinayaang mahulog lalo ang loob mo sa akin. Isipin mong gago ako at pinaasa kita para Madali mo akong makalimutan,” mahabang saad ng lalaki at niyakap ko rin sya bilang pamamaalam ko na. Bumaba ako mula sa jeep na sinakyan ko at nagtungo sa plaza sa bayan. May mga ilaw kasi doon na magaganda at naupo lang muna ako para palipasin ang sama ng loob ko at ang puso kong sawi. Isang araw ay tinext ako ni Sir at tinatanong kung pwede akong makausap. Hwag na po sir. Alam ko naman ang lugar ko. Tanggap ko naman kaso lang masakit talaga. Sorry kung nasasaktan ka dahil sa akin. Ok nay un. Lilipas din ito at hwag mo na lang akong intindihin pa. Sure ka na ok ka? Opo sir. Ok lang ako. Don’t worry. Buwan na ng nobyembre ng sumunod na linggo at talagang nalalapit na akong iwan ni Sir josh. Di na ako makakapunta pa sa bahay niya at tuluyan na syang lalayo sa akin. Pinilit ko pa ring puntahan sya kahit masakit na masakit na ang puso ko. One last chance tapos hindi na. Titigil na ako at magfofocus na lang sa aking pag-aaral. Linggo ng puntahan ko sya ulit. Nagdilig muna ako ng halaman. Sasabihin ko halaman lang ang pakay ko at hindi sya. Ilang minuo na akong naroon at nakapagtatakang hindi ito lumalabas ng bahay. Busy marahil dahil malapit na ang kasal nito. Pagkatapos ko sa pagdidilig ay saka ko sya pinasok sa kwarto niya. Nag-aalala akong baka may sakit siya o kung anuman. May dala pa naman akong adobo para pananghalian naming pero ang tagal niyang lumabas. Nakita kong nakahiga lamang siya sa kanyang kama. May ilang bote ng alak na walang laman sa sahig na nakakalat. Sir, anong meron? Bakit ka nag-inom? May problema ba?” tanong ko na may pag-aalala. Hindi ito gumagalaw sa pagkakahiga na parang di ako naririnig. Nag-aalala na ako kung humihinga pa ito kaya nilapitan ko. Dinama ng kanyang pulso sa bandang leeg. May t***k naman kaya nawala ang pag-aalala ko. Sir, ok ka lang ba? May sakit ka ba? Montes, kanina ka pa?” Walang siglang saad nito saka gumalaw ng kaunti sa kanyang pagkakahiga. Medyo lang. Nakapagdilig na ako,” maya maya ay Naupo ito sa kama. Mukhang may sakit at hinawakan ang kanyang ulo. Masama bang pakiramdam mo sir? Hinipo ko sya at hindi naman sya mainit. Ngunit nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Sir. Hinawakan nito ang aking pulsuhan at hinila akong papalapit sa kanya. Napapatong ako sa kanya dahil sinabayan niya ng paghiga sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD