“Marunong kang lumangoy?” tanong nito sa akin.
“Konti lang. Hwag mo akong lulunurin ha,” sabi ko at babala ko sa kanya.
“Hindi. Akong bahala sayo.”
“Hoy malalim na,” hila nito ang kamay ko habang palayo kami.
“Ang liit mo kasi,” tatawa-tawa pa ang lalaking hila ng hila sa akin papunta sa malalim na bahagi.
“Yabang nito porket matanghad. Sa mababaw na lang kasi. Balik na tayo,” hanggang leeg ko na at sa kanya naman ay hanggang dibdib pa lang ang tubig.
Kumapit ka.” Hinila niya ako papalapit sa kanya at nilagay ang mga kamay ko sa balikat niya. Naramdama ko ang pagangat ko sa tubig at natakot akong upos na ako sa lugar na iyon. Kaya napakapit ang mga paa ko sa bewang ni Nico.
“Hoy doon na tayo sa mababaw,” sabay hamapas ko sa balikat niya.
“Hindi. Dito lang tayo,” at paatras pa ang lokong ito papunta sa mas malalim na lugar.
“Ahh gusto mong nakayakap ako sayo no,” sabay tampal ko sa noo niya. “Manyak ka.”
“Bumitiw ka na kung ayaw mo.” Sabay tulak nito papalayo sa akin kaya napakapit pa ako ng mahigpit sa leeg niya.
“Dalhin mo ako sa abot ko para makabitaw na ako sayo. Ang lalim na dito.” reklamo kong muli sa lalaki.
“Ayaw,” nangingising saad ng lokong lalaking ito.
“Ang sama mo, Nico. Doon na kasi,” inis na saad ko.
“Mamaya na. Dito na muna tayo. Gusto mo ialngoy pa kita doon sa mas malalim?”
“Sira ulo ka ba? Kung malunod ako?”
“Bakit naman kita hahayaang malunod?”
“Ewan. Baka serial killer ka. Psycho ka ba?”
“Baliw,” tatawa tawang saad nito at ilang minute pa kaming naroon sa may bahaging hanggang leeg na ng lalaki.
“Enjoy na enjoy ka ha,” puna ko sa lalaki.
Ikaw nga yata ang nag-eenjoy habang kayakap ako.”
Ako pa talaga. Loko loko ka.”
“Sige na nga doon na tayo. Baka isipin mo chinachansingan na kita,” naglakad siya ng ilang hakbang at di pa rin ako bumibitaw sa kanya.
“Ano pa nga? Yun naman ang gusto mo. Makachansing,” masungit na saad ko.
“Mababaw na. Ikaw pala tong gustong nakayakap eh. Hay, kunyari pa ayaw,” tukso pa nito sa akin dahil nakakapit pa rin ako sa kanya.
“Kapal mo,” sabay baba ko. Saka winisikan ko siya ng tubig sa mukha. Gumanti naman ito ng pagsaboy ng tubig sa akin. Tumalikod ako at nagtakip ng aking tenga para di mapasukan ng tubig. Maya-maya pa ay naramdaman kong binuhat ako nito at hinagis sa tubig.
“Bwisit ka, Nico,” saad ko pagtayo kong muli mula sa pagkakalubog sa tubig. Tawang-tawa naman ito kaya hinabol ko. Mabilis itong lumangoy papalayo sa malalim na bahagi kaya di ko na sya mahabol pa.
“Kagatin ka sana ng piranha dyan!” inis na bulyaw ko sa lalaking maharot.
“Pikon.”
“He! Nakakainis ka. lagot ka sa akin mamaya.”
“Sorry na at joke lang yun,” lumalangoy ulit ito papalapit sa akin. Palayo naman ako dahil alam kong may gagawin nanaman ito sa akin.
“Hwag mo akong lapitan. Nia! Yung kapatid mo,” nahawakan ako nito sa bewang saka sinama akong lumubog sa tubig. Pag-ahon ko ay napaubo akong maigi. Pumasok pa sa ilong ko ang tubig alat.
“Sorry na. Sorry. Nakainiom ka ba?” nag-aalalang saad ng lalaki
“Oo. Bwisit ka. Pumasok pa sa ilong ko. Damuho ka,”galit na saad ko at naiiyak na ako dahil sa sakit ng ilong ko
“Nico, tama na,” saway ni sir sa bayaw niyang hilaw. “Umahon na kayo,” nakakunot ang noo ni Sir at nainis siguro sa ginawa ni Nico na panghaharot sa akin.
“Opo kuya,” takot naman pala ang mokong sa lalaki.
Naghilamos ako ng tubig tabang at nagmumog din. Ang sakit pa rin ng ilong ko na pinasukan ng tubig alat. Paubo ubo pa rin ako.
“Ok ka lang? Sorry na,” panay pag-aalala pa rin ng lalaki at di tumitigil kaka sorry sa akin.
“Ewan bwisit ka,” halatang naguilty ito sa sobrang panghaharot niya sa akin kanina sa dagat. Naupo lang ako sa may labas ng kubo at nagbalabal ng twalya sa aking katawan.
“Hoy galit ka?” tanong nito nang di ko pa rin siya pinapansin
“Ang kulit mo kasi,” nakasimangot na saad ko
“Sorry na nga e.”
“Oo na. Kuha mo akong softdrinks,” utos ko dito para makaganti man lang sa pang-iinis niya. Agad naman itong kumuha sa cooler.
“Ano pang gusto mo?” tanong pa nito sa akin.
“Yung chips na nandun sa bag na blue,” sumunod din naman ito ulit at kinuha ang chips. Pagbalik nito ay muli ko itong inutusan
“Masahe mo ako sa likod. Bilis.” muling utos ko.
“Opo mahal na prinsesa,” ginawa naman nito ang inutos ko at minasahe nga ang likod ko.
“Hwag mo ng uulitin yun ha. Lagot ka na talaga sa akin.”
“Opo.”
“Anong opo?”
“Hindi po pala. Sorry po. Hindi na po uulit,” parang asong maamo ang loko na sunod naman ng sunod sa inuutos ko. Pero kanina pakiramdam ko ay papatayin ako ng lalaking ito.
“Kayo na ba?” Sabat ni Nia habang pinahihirapan ko ang kapatid niya at umahon na rin pala sila sa paliligo ng kanyang nobyo.
“Hindi ah. Mamamatay ako ng maaga sa lalaking to. Hindi ako kukuha ng bato para ipukpok sa ulo ko,” mariing pagtanggi ko sa sinabi ng babae.
“Grabe naman. Mamamatay agad. Maghihingalo ka muna.” tinuon ko ang siko ko sa hita niya saka ako lumayo sa tabi nito. Masyado pala kaming magkadikit at di ko iyon namalayan.
“Aray, mapanakit ka. Sorry na kasi. Bati na tayo. Max. Patawarin mo na ako please,” Pag-arte pa nito na akala mo artista.
“Oo na nga. Ang kulit mo,” paglapit nito sa akin ay di ko namalayang bigla ako nitong kinabig papunta sa kanyang dibdib. Napasubsob tuloy ako kaya kinagat ko sya.
“Aray! Grabe ka talaga. Sadista ka.” Saad ng lalaki habang himas ang parteng kinagat ko.
Napatawa naman ako kasi nagmarka ang mga ngipin ko sa maputi niyang dibdib. Gumanti naman ito at kinagat ako sa braso.
“Araay!” sabay takbo nito papalayo at napasimangot lang ako. Hinimas ko ang aking braso dahil sa sakit na naramdaman ko sa kagat ni Nico na loko-loko.