Mula noon ay naging mag text mate kami ni Nico. One week pa ang sembreak kaya natuon ang pansin namin sa isa’t-isa. Isa pa ay kailangan ko rin ng ibang mapagkakaabalahan para mawala ang focus ko sa lalaking obsessed na obsessed ako.
Nakakatuwa naman ang lalaki. Makulit sya at masaya namang kausap sa text. Nag-eenjoy akong kausap siya. Parang nawawala na nga ang pagkagusto ko kay Sir Josh ng mga panahon na iyon. Wala kaming ginawa sa buong maghapon kundi magkwentuhan ng mga kung anu-ano. Mga walang kwenta na nakakatawa.
Paano na ang mga activities mo? Text ka ng text.” Tanong ko sa lalaki.
Ok lang yun at bakasyon naman. Sabi mo nga, kailangan ring magchill minsan at magrelax. Hindi puro pag-aaral at pag-eenhance ng skills.
Aba, chumichill ka na ngayon ha. Naimpluwensyahan n akita. Baka pagsisihan mo yan.
“Hindi ah. Tama ka nga. Nakakapagod ang buhay. Kaya kailangan din ng pahinga.”
Kapag nasanay pa naman ng pahinga, gusto mo na lang magpahinga palagi at tatamarin nang gumawa ng kahit na anong bagay.
Friday ng magyaya silang mag swimming bago magpasukan ulit sa Lunes. Kaming apat ulit. Nababaliw na yata sila na isama pa ako pero ok na rin sa pagmomove on ko kay sir at kay Nico natutuon ang aking pansin.
Siguro kapag nagkita kami ulit ay di ko na ganoon kagusto ang professor ko.
“Anong baon nyo?” tanong ko sa lalaki habang nasa loob na kami ng kotse ni Sir.
“Pagkain agad ang nasa isip ha,” pang-iinis nito at di na lang sagutin ang tanong ko
“Ano bang ginagawa sa beach?” tanong ko muli sa kanya.
“Ano pa, eh di mag swimming,” sagot nito sa akin.
“Hindi kaya. Second option lang yun. Ang ginagawa talaga doon ay kumain,” saad ko at paliwanag ko sa kanya.
“Takaw mo talaga. Di ako magugulat kung isang araw ay mukha ka nang lobo,” muling pang-iinis ni Nico sa akin.
“Wala naman yata kayong dala. Ayoko nang sumama. Gugutumin nyo lang ako.” biro ko sa kanila.
“Marami akong dala, Montes. di ka magugutom,” sabat ni Sir Josh sa usapan namin ni Nico. Sya ang driver naming at katabi nya si Nia sa unahan.
“Ano naman po ang dala nyo sir? Kinatay mo na bang mga alaga mong manok, sir,” pang-iinis ko rin sa kanya. Kung di nya man ako mahalin ay nais kong inisin sya palagi para di nya ako makalimutan.
“Oo. Pati alaga kong daga. Yun ang ipapakain ko sayo.” Sagot ng lalaki na iinisin din ako.
“Yuck ka. Eww pa. Kadiri naman.”
“May liempo dyan, manok at bangus. Di ka magugutom kaya hwag kang mag-alala.” saad ni Nia in her super sweet voice.
“Sinong magluluto? Mga boys?” tanong ko dahil sabi nila ay dapat magaling sila sa gawaing bahay.
“Syempre. Tayong mga girls, uupo lang,” sabi naman ng girlfriend ni Sir na si Nia.
“Opo mahal na reyna at mahal na prinsesa,” sagot ni sir Josh na mukhang no choice sa gawaing iyon. Inispoiled nya kasi ang girlfried niya kaya magtiis syang gawin ang mga ganoong bagay. Hay, baligtad na ang sitwasyon o baka naman talagang mahilig sa pagseserbisyo ang lalaki sa nobya niya.
Pagdating sa resort ay nakipag-usap na sila sa receptionist saka kami nagdiretso sa bahay kubo na nirentahan. Inayos agad ni Sir ang ihawan. Inihanda ko naman ang mga iihawin at nilapit na kay Sir Josh. I want to help him kung ayaw ni Nia. Nakakahiyang wala akong ambag pero gusto ko lang din syang makasama. Baka kasi last na ‘to kaya susulitin ko lang.
“Swimming na tayo Max,” anyaya ni Nico.
“Ayoko. Kakain muna ako. Mauna ka na.”
“Bahala ka,” naglakad na ito papunta sa dagat para maligo.
“Sige na. Kami nang bahala dito,” sabat naman ni Sir na mukhang ayaw akong patulungin. Si Nia ay nakaupo lang at di naman tumutulong sa kanya. Nagcecelphone na parang reyna sa kanyang upuan.
“Hihiwain ko na lang muna yung pakwan at ilalagay sa cooler,” saad ko para naman may ambag ako sa gawain.
“Ok. salamat.”
“Parang gusto ko ng maligo, hon. Ok lang ba?” saad ng babae sa nobyo nito na wala talagang balak tumulong sa pagaasikaso ng mga pagkain. Hay, Disney princess talaga sya.
“Sige hon. Go ahead.”
Sumunod si Nia kay Nico at naiwan kaming dalawa ni Sir sa kubo na naghahanda ng makakain. Pagkakataon kong masolo ang ultimate crush kong professor. Mabuti at iniwan kami ng magkapatid.
“Maligo ka na din. Ako nang bahala dito,” taboy sa akin ng lalaki na mukhang ayaw akong makasama. Takot yata at traumatize na sa akin.
“Mamaya na. Nagyon lang kita masosolo,” biro ko sabay ngisi.
“Montes!” saway nito sa akin. Napaka seryoso nya talaga. Bawal bas yang biruin?
“Joke lang naman. Di na nga ako dumidikit sayo. Tutulungan lang muna kita dito para may ambag ako. Hwag mo akong singilin sa entrance fee ha.”
“Libre ko na yun. Hwag kang mag-alala and thanks for behaving and for helping na rin. Si Nia, di talaga maaasahan sa ganitong mga gawain. Kamusta pala kayo ni Nico?”
“Ok naman. Di ka ba nagseselos?” biro kong muli at natatawa sa mga sinasabi ko. Ang sarap nya kasing asarin.
“Hindi. At bakit naman ako magseselos? Sino ka ba?”
“Ang sweet kaya namin at sobrang close na. Bahala ka. Hindi na ikaw ang ultimate crush ko. Pero bakit kayo ni Nia, di sweet?”
“Ayaw naming ipakita in public. Di naman kailangang maglampungan para makitang sweet kami.”
“So, what do you do in private? Nagsex na kayo?” prangkang tanong ko kahit pwede akong masaktan sa isasagot niya. Itong dila ko talaga ang sarap putulin.
“Montes!” saway nitong muli sa akin.
“Tinatanong lang naman. Don’t answer na lang if you don’t want to. Virgin ka pa rin ba, Sir?” pangunglit ko pa lalo. Hay, namiss ko yata sya ng sobra kaya ganito ako ngayon.
“Ang kulit mo talaga. Doon ka na nga,” inis na ito sa pagtatanong ko at gustong-gusto ko naman syang asarin. Natatawa lang ako sa pang-iinis sa kanya at sya naman ay napipikon na sa akin. Hay, baka mas napatirik ko pa ang mga mata niya kesa kay Nia. Ako na lang kasi.
Nilagay na ni sir ang mga iihawin na pork at chicken sa griller. May dala na rin silang sinaing. Pagkahiwa ko ng pakwan ay nilagay ko sa isang lalagyan bago nilagay sa loob ng cooler. Pati ang softdrinks ay pinasok ko na rin sa cooler para lumamig at masarap nang inumin mamaya.
Naupo lang ako saka kumuha ng chips sa isang bag na malaki. Suot ang sunglasses ko habang nakatanaw sa beach.
“Conservative ka ba sir?” usisa ko at nagsimula nanaman akong magtanong.
“Medyo. Bakit?”
“Di pwedeng magswuimsuit si Nia? Naka longsleeve pa.” puna ko sa babae habang nagtatampisaw sa dagat.
“Pwede kaso ayaw niya at mainit daw eh. Maalaga sya sa kutis niya and besides, ayaw mangitim dahil malapit na ang wedding namin,” paliwanag nito. Naka rushguard si Nia at shorts habang nagsuswiming.
Oo nga pala. Engage na silang dalawa kaya kumirot nanaman ang puso ko ng maalala iyon.
Nang makaluto ay hiniwa ko na ang mga liempo. Sinunod naman niya ang bangus na ihawin. Kumuha ako ng softdrinks para uminom pero di ko ito mabuksan.
“Ako na. Ang hina mo pero ang lakas mong mang asar,” sabay agaw ni Sir ng bote. “Lagi ka ba sa mall?” biglang usisa nito
“Madalas kapag nagkakayayaan ang mga friends at kapag ayaw naming pumasok sa school. Wala ka bang friends noon na nagsasama sayo sa mall?”
“Meron naman. Di naman masama ang ugali ko at di ako suplado. Friendly kaya ako,” defensive na sagot nito at nagpaliwanag pa sa akin.
“Di ka nakapag arcade ever?” tanong ko sa lalaking di mahilig sa ganoong laro. Mukhang seryoso sya sa buhay at di marunong mag chill at magrelax.
“Di nga kasi ako mahilig sa games.”
“Sad life. Ano, puro aral lang? Basa, solve ng math, like that?”
“Mahilig po ako sa sports. Basketball. Watch news, watch basketball.”
“Eh di boring nga. Walang kakaiba pala sayo.”
“So, hindi na ako ang ultimate crush mo kasi boring ko?” patuloy na tanungan namin ni Sir habang nagluluto sya at kumakain naman ako ng chips na dala nila.
“Ikaw pa rin. Solid ako sayo. Sayo lang itong puso ko,” nangingising saad ko.
“Puro ka biro. Tawagin mo na sila at luto na ang bangus. Kain na tayo.”
Di man lang talaga kinilig sa sinabi kong solid ako sa pagkacrush sa kanya. Manhid!
“Nico!” sigaw ko saka sinenyasan kong kakain na.
Naghiwa pa ako ng itlog at kamatis. May pipino rin silang dala. Naglagay na ako ng mga plato sa mesa. Nagsiupuan na kami at nag-umpisa nang kumain.
Ang sarap ng kain namin lalo na at may sawsawan. Nabusog ako ng sobra. Halos maubos namin ang baon na kanin. Nagkamay kami at nakataas pa ang paa ko sa upuang kahoy.
“Ang sarap sir,” puri ko sa lalaki.
“Kaya pwede na syang mag-asawa,” sabat naman ng Nia na ito. Na epal talaga. Hindi dapat sya ang pakasalan. Ako dapat. Di na ako nagsalita pa at kumain na lang.
Pagkaligpit ay nagyaya na ulit si Nico na magswimming at nagpasya akong sumama na sa lalaki. Hinubad ko lang ang shirt ko at naka-swuimsuit ako na two piece. Naka-shorts naman ako at bra ang top. Niyaya ako ni Nico sa malalim.