11

1671 Words
Napangisi si sir at napailing. “Ang korni ng joke mo.” “Sorry naman. May kras na pala itong Nico na ‘to. Wala na akong pag-asa at ayoko rin ng mga ganitong adventure.” reklamo ko sa kanila na parang di ako nasisiyahan sa ginagawa naming. “What? Totoo ba nics?” gulat na sabi ni Nica sa kapatid na akala mo ay may nagawa itong mali. “Oo, ate. yung schoolmate ko.” sagot ng binata. “Liligawan mo ba? Matalino ba? Baka naman shunga-shunga yun.” “Oo naman matalino. Pipili ba naman ako ng hindi. Walang ganun sa pamilya natin pero pinag-iisipan ko pa.” sagot muli ni Nico sa ate niya. Malayo palang magustuhan ako ni Nico kung yung ang pagkakakilala niya sa akin ay mahina sa Math. He’s cute and nice pa naman pero mas gwapo pa rin ang Joshua ko. Naisip kong asarin na lang ito. “Torpe naman pala. Mag-iisip pa at di pa sigurado,” pang-iinis ko sa lalaki. “Palibhasa kayong mga babae, kayo ang laging sinusuyo tapos ang lakas pa ng loob mangbasted,” sagot naman sa akin ng lalaking ito. “Sinong nagsabi? May nililigawan kaya ako. Kaso pakipot.” “Nanliligaw ka ng babae? Sabi ko na nga ba at lalaki ka rin.” maling akala ni Nico. “Lalaki yung nililigawan ko. Schoolmate ko. At hindi ako takot na mabasted kagaya ng isa dyan. Nag-iisip pa at takot naman pala mabasted.” Patuloy kong pang-iinis. “Ano kayang feeling ng maligawan? Masarap kaya. Yung ako naman yung susuyuin tapos bibigyan ng chocolates. Ikaw kuya, naranasan mo na bang maligawan?” tanong nito kay Joshua. “May mga nagpaparamdam pero dinidiscourage ko agad parang ang sagwa kasi na babae ang manliligaw. Mas gusto ko na ako yung naghihirap para sa babae. Tayong mga lalaki dapat ang manuyo at maghabol,” sabay tingin nito sa akin at inismiran ko naman sya ng bahagya. “Masagwa kung di mo type yung babae pero kung gusto mo, ang sarap siguro ng feelings. Isipin mo, ideate ka, ililibre at ihahatid pa sa bahay,” dagdag pa ni Nico pero tama naman sya. “Masarap talaga lalo na kapag gusto mo yung nanliligaw sayo. Like si Josh, super kilig kaya ako ng nililigawan niya. Para akong prinsesa noon and until now. So, di ka ba nya type Max?” tanong ni Nia sa akin. “Hindi daw eh. Binasted na ako. Ok lang marami pa namang iba dyan,” mayabang kong sagot pero masakit na ayaw sa akin ng gusto ko. “Paano ba manligaw, Max?” “Halatang ang torpe mo. Kausapin mo lang, bigyan mo ng snacks at patawanin mo. Manood ka ng romcom. Kalalaking tao di marunong.” “Yabang nito. Basted ka naman kaya di ka rin marunong.” sagot nitong may pang-iinis din. “Dalin mo sa archade. Tara,” umangkla na ako sa braso ni Nico at mabilis na naglakad papunta sa Timesone Archade. “Di ka naglalaro ng video games?” tanong ko kay Nico “Madalang. Di ako gamer. Gamer ka?” “Yes. Race tayo,” dinala ko sya sa car racing game at agad akong umupo. Wala na itong nagawa kundi tabihan ako. Inabutan ko sya ng token na galing sa bulsa ng bag ko. “Ha? Teka. Game na ba?” agad nitong hinulog ang token sa slot ng machine. “Di naman ako magaling. Sa madaling route lang tayo. Marunong ka naman yata magdrive eh.” Saad ko sa lalaki “Marunong naman.” 6 na laps yung race namin. Wala kami pareho sa top 5 dahil di kami umabot sa time ng final lap. Next sa barilan kami nagpunta. Tiniruan ko sya paano magreload ng bala. Nasa paa ang pedal ng machine at ito na rin ang aapakan para umilag sa kalaban. Player 1 ako at player 2 sya. Umabot naman kami sa mission 2 at sabay kaming nag-game over. Tinuloy pa namin nang maginsert ulit ng coins. It’s fun at sobrang bilis nyang matuto. Natatamaan nya agad ang mga kalaban. Nagstop na kami ng muling maggame over. Ang bigat kasi ng baril at nakakangalay. Gusto nya pa daw sana pero ayaw nya ng walang kakampi. Nakita namin ang dalawa na nasa labas lang ng archade. “Di kayo naglaro?” tanong ko sa dalawa. “Di kami marunong eh.” Hinila ko si sir at sinama sa water gun fight. Player 1 ako at palayer 2 naman siya. Zombies na nakakatawa ang kalaban namin. Nanonoood naman ang magkapatid sa likod namin ni Sir habang nakaupo kami. “Sa ulo mo kasi dapat patamaan,” inis na saad ko dahil ayaw nitong sundin ang sinasabi ko. “Sorry na, first time.” “Just follow the instruction kasi,” sa inis ko ay parang batang pinagalitan ko ang guro ko. Wala kasi itong matamaan. Si Nia at Nico naman ang naglaro. Saglit lang at natalo agad ang dalawa. “Ano bayan? Ang weak nyo,” disappointed na sabi ko sa kanila. “Yabang talaga nito,” sabi ni Nico at tinawanan ko naman sya. Proud ako na magaling ako sa games at sila naman ay hindi. I laugh mockingly at them. Nakaganti rin ako sa wakas sa pang-iinis nila sa akin kanina sa ice skating. “Baka naman sa basketball di nyo pa rin ako matalo ha. Nakakahiya na kayong mga boys,” pagyayabang ko pa na may kasamang pang-iinis. “Watch ang learn, Miss Montes. Baka matulala ka sa galing namin ni Nico,” maangas na saad ni Sir Josh. “Nia, tayong dalawa ang maglaro sa kabila. Talunin natin sila,” anyaya ko sa nobya ni Sir. “Ok, pero di ako maruong,” nag-aalalang saad nito. “Hay, galingan mo. I shoo-shoot lang naman ito.” “Try ko.” May pag-aalangan na saad ng babae. Tig isang ring ang dalawang boys at kami naman ni Nia sa isang ring lang. Kailangang ma-beat ang time para maka-second round. The game begin. Di maka-shoot ng ayos si Nia at sinasabayan pa ako sa pagtira. Kaya parehong sablay ang pagshoot namin sa ring. Sinbabihan ko na lang na bawasan ang bola ng dalawang lalaki at ginawa naman nito. Umalma ang dalawa pero di makaalis sa pwesto. Nagtatawanan kami ni Nia pero at the end mas lamang pa rin ang dalawang boys ng ilang points sa amin. “Mandaraya kayo ha,” parehong inipit ng mga lalaki sa kanilang braso ang mga leeg namin. Si Nia ay napayapos na kay sir at ako naman ay panay hampas kay Nico na ayaw akong pakawalan. “Bwisit ka Nico, nagulo tuloy ang buhok ko.” reklamo ko sa lalaki na tatawa tawa. “Madaya ka eh. Tinuruan mo pa si Ate na mandaya. Bad ka.” sabay kurot nito sa pisngi ko. “Hindi ah. It’s instinct. Pareho kami ng iniisip na kalokohan. Nakakagutom tuloy.” Tiningnan nila akong tatlo dahil unlimited pork nga pala yung kinain namin kanina pero heto ako at nakakaramdam na ng gutom. “Ano? Ako lang ang gutom? Kapal nyo ha.” “Oo, ikaw lang,” sabat ni Nico. “Ano bang gusto mong kainin?” tanong nito. “Corn dog.” Hinawakan nito ang kamay ko at naglakad kami para maghanap ng corndog sa buong mall. “Teka naman,” dahil sa tangkad nito ay ang laki ng mga hakbang. Napapatakbo na ako para lang makasabay sa kanya. “Bagalan mo naman ang paglalakad,” reklamo ko. Kasunod naman namin ang dalawa at nang makakita ng corndog ay nag-order na si Nico ng isa. “Ako lang talaga ang gutom?” “Oo, ikaw nga lang.” saad pa ng lalaki. “Bahala kayo dyan na magutom. Ano pang gagawin natin? Alam ko na. Cake and coffee?” suggestion ko sa kanila. “Ako, gusto ko.” sagot ni Nia. “What ever the queen says,” saad ni Sir na may paglalambing sa kanyang nobya. Patuloy kaming nagkulitan ni Nico sa coffee shop. Sinubuan pa ako nito ng cake at nagpasubo rin ito sa akin. Binigyan ko sya ng malaking slice at kumalat sa bibig nito ang icing. Tangka nitong ipahid sa akin ang icing mula sa bibig niya kaya inambaan ko sya ng tinidor. “Ang kulit nyong dalawa.” Saway ni Nia sa amin ng kapatid nya. “Si Nico kasi. Ang harot.” “Ikaw dyan ang nauna,” sagot ng lalaki. “Ayoko na ha. Kakain na ako ng maayos.” Pero gumanti pa talaga ito at napahiran ako ng chocolate icing sa mukha. Di na ako gumanti pa dahil di matatapos ang paghaharutan. “Love, let’s buy some donut later.” “Ok my princess.” Usapan ng dalawang love birds at napakunwaring naduduwal lang ako sa nakakaumay na kasweetan nila. Inggit ka naman dyan max. magboyfriend ka na rin.” Kung magiging ganyan lang kami kacorny, wag na,” sagot ko kay nico habang umiinom ng aking iced coffee. Pagkatapos mang di na nakatingin ang lalaki at dinikit ko sa pisngi niya ang malamig kong baso. Ahhh. Ang kulit mo talaga ha. Ikaw nga eh,” sagot ko sa lalaki. Pagkatapos naming sa coffee shop ay nagyaya na si nia na umuwi. Sa paglalakad naming ay may gumuhit na malamig sa likuran ko. Nico!” Sigaw ko dahil nilagyan ako nito ng yelo sa loob ng aking damit. Quits na tayo,” saad nito nang tangka ko itong hahabulin pero di ko ginawa. Dahil maraming tao sa mall. Sa kotse ko na ginantihan ang lalaki. Hinampas ko ito sa braso. “Aray!” Di naman ito gumanti at humilig lang sa balikat ko. Sa pagdating sa may bahay naming ay Bumaba pa nga si Nico to hug me at masaya daw sya sa lakad naming iyon. Sana makasama pa ulit kita,” saad nito at napangiti lang ako. Umalis na rin sila agad. Kumaway pa ang mga ito sa akin habang paalis sakay ng kotse ni Sir.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD