Oo na. Sige na. Convinced na ako na sila na ang para sa isa’t isa. Talo na ako at suko na sa pang-aakit sa aking professor. I give up at hahayaan na silang maging masaya. Di na ako magiging contra bida sa pagmamahalan nila.
Pinilit kong magpakabusy nang sumunod na mga araw. Naghalaman, maglinis ng bahay, kwarto, banyo at kahit saang sulok pa ng aming bahay. Sa gabi nanonood ng mga drama, movies, Korean, Chinese, Turkish at kahit anong makita ko para mawala lang ang atensyon ko sa lalaking iyon.
Kaso kinulit talaga ako ni Nia kaya nang sumunod na linggo ay sumipot naman ako sa simbahan para tuparin ang pangako ko sa babae. Skinny pants at off shoulder blouse ang suot ko. Naka-sling bag at sandals. Babaeng-babae. Unlike minsan na boyish ang dating ko sa school.
“Ang ganda naman ng sister ko,” bungad sa akin ni Nia na nakangiti hanggang tenga. Feeling close na talaga sya sa akin. Ewan. Parang ang plastic lang o pakiramdam ko lang. Naka-dress naman sya at high heels shoes na para bang aattend ng party. Si sir naman nakapoloshirt at pants. Talagang napakagwapo niya kahit simple lang ang suot.
“Ito palang brother ko. Si Nico,” katabi sya ni sir sa upuan. Si Nia muna tapos si Sir at sa dulo si Nico. Tumango lang ito at pilit na ngumiti. We shook hands na rin. Uupo na sana ako sa tabi ni Nico. Sa dulo sana ako uupo kaso umusod si Nico kaya sa gitna nila ako ni Sir Josh.
Nakinig muna kami ng misa hanggang sa naghawak-hawak na ng kamay para sa prayer. Ilang m inuto kong kahawak si sir at si Nico. Pagkatapos ay binitawan na ako ni Sir samantalang si Nico ay nakahawak pa rin sa aking kamay. Nagbitaw rin naman kami ng kamay makalipas ang ilang segundo.
“Saan tayo kakain?” excited na tanong ni Nia after magsimba. “Mag unli tayo kasi ngayon ko lang nakasama itong kapatid ko,” sya na rin ang sumagot sa tanong niya kung saan kakain.
“Sure,” sabi ni sir na nakangiti sa nobya at parang kahit anong hilingin ni Nia ay ibibigay niya.
Nico and I chat the whole time habang kumakain sa isang Korean pork grill. Ok naman syang kasama at kausap. May pagka-funny rin at panay pa-impress. Magaling sya sa lahat. Sabi nya. Hindi naman mayabang pero halatang marami syang alam. Binuking pa ako ng dalawa na mahina ako sa Math. Sobrang nakakahiya. Nakakahiya sa sarili ko na pinagmumukha kong tanga para lang mapalapit kay Sir na may mahal nang iba.
They laugh at me at napahiya ako ng kaunti. Sinakyan ko na lang at nagbiro na lang din ako sa kanila. Agad namang hininto na nila ang topic na yun nang mukhang binubully na nila ako.
“Naoffend ka ba?” bulong sa akin ni Nico.
“Hindi ah. Para yun lang. Wala yun.” saad ko.
“Ok,” I felt his hand at may back. He’s compassionate and sensitive din sa feelings ng iba just like Sir Josh. Nakakatuwa sya. Di katulad ng isa naming kasama na plastic ang dating sa akin.
“Hindi ako madaling mapikon pero gumaganti ako sa mga nang-iinis sa akin.” Saad ko na may pagbabanta na pabiro.
“Joke lang yun, sis. Hwag kang magalit sa amin please,” pabebeng saad ni Nia. Ang arte talaga.
Why is she being so super nice to me? Para ipakita kay sir josh na nice sya. So plastic talaga.
Tumawa lang ako sa sinabi niyang iyon at niyakap ako ni Nia. Akala niya siguro ay napikon ako sa pang-aasar nila. Pikon na ako sa m=kanta matalaga na. Si Nico naman ay patuloy sa pagkausap sa akin at pagkukwento ng mga kung anu-anong bagay na hilig niya.
“Sporty ka ba?” tanong ni Nico sa akin
“Hindi eh. ikaw?”
“I play basketball and soccer. Baka sa arts ka magaling like acting, dancing, singing.”
“Hindi rin eh. None of the above. Wala akong talent.”
“Baka hindi mo pa lang natutuklasan. Late bloomer ka.”
“Baka nga. Nakatagong maigi at ayaw pang lumabas ng galing ko. Mas attracted ka ba sa girls na maraming talent?” usisa ko sa lalaki.
“Medyo. Naiimpress ako sa gano’n. May focus at maraming alam sa buhay. I like those kind of girls.”
“Kaya siguro walang nagkakagusto sa akin kasi wala akong talent.”
“Meron yan di pa lang lumalabas. How about cooking? Marunong kang magluto?”
“Bakit ba? Hindi mo ako magugustuhan kapag wala akong talent o baka naman talent manager ka. Gagawin mo ba akong artista? Ano pong requirements?” biro ko sa lalaki
“Hindi sa gano’n. Puro ka kalokohan. Gusto ko lang na malaman mo yung talent mo at habang maaga ma-enhance mo. So ano? Cooking?”
“Marunong naman. Adobo, sinigang, calderata, menudo.”
“Ok. Pwede na. Si ate kasi matalino pero hindi marunong sa gawaing bahay. Pareho kami ng ugali ni Kuya Josh. Attracted kami sa matatalino. Kaya dapat magaling kami sa mga gawaing bahay.”
Ang swerte talaga ng mamahalin ni Sir Josh. Siguradong aalagaan niya, mamahalin at di pagtataksilan. Ako na lang kasi. Matalino rin naman ako kahit di halata.
“So, nahanap mo na ba ang smart girl na pagsisilbihan mo at magaling ka na ba sa gawaing bahay?” tanong ko kay Nico.
“Di ko pa sure kung sya na nga but I’ll take a risk on her.”
“Schoolmate mo? Classmate?” usisa ko sa lalaki.
“Yeah, sa school ko rin sya nag-aaral and pretty rin siya. Nakakatawa nga kasi volleyball player sya tapos kasali rin sya sa cheering squad.”
“Wow! Kakaimpress naman yun. Di sya busy sa life ha at ayaw niyang mapagod. Paano yun? Pag tira nya ng bola, sya rin ang magchee-cheer sa sarili niya. Good luck sa napili mong babae.”
“Sa basketball sya nagchee-cheer. Last time parehas niyang sinalihan ang cheering at volleyball. Ang galing no.”
“Wow talaga. Nakakabilib.” Para syang tanga kapag ganoon. Player na, cheerer pa. natatawang saad ko sa sarili.
So what do you do on your spare time. Magluto?”
“Mahiga, matulog. Gano’n. Meron pa pala. Kumain at manood ng tv. Oh, di ba talent yun?”
“Ang boring ng buhay mo. Walang masyadong nangyayari. Puro play time,” saad pa ng lalaking super busy sa life niya. Sige lang magpakapagod ka at ewan ko lang kung di ka maburn out sa buhay mo.
“Excuse me, busy po ako sa pag-aaral at kaya nga spare time dapat ipahinga yun. Tsaka ayos lang din sa akin yun. Chill lang. Relax lang. Go with the flow. Alam mo pag edad mo pa lang ng thirty panigurado, pagod na pagod ka na sa buhay. Masakit na ang katawan at mga kasu-kasuan mo,” natawa lang ito at kinurot ako sa pisngi.
Alam kong magkaiba kami. Silang tatlo kasi maraming gustong gawin sa buhay. Maraming gustong marating, maraming gustong malaman. Gusto ko rin naman yun kaso lang tinatamad pa ako. Someday gagawin ko rin yung ibang bagay. Hinayhinay lang. One step at the time. Enjoy pa ako sa relax at chill time ko.
Nag-iisip sila kung anong pwedeng gawin namin sa mall. Ice skating or bowling daw. Ako pang pinapipili kaso tinatamad akong gawin ang kahit ano sa dalawa. Gusto ko pang mamaril ng zombies sa archade kaso lang baka di naman sila masiyahan doon. Napagkasunduan na ice skating na lang ang gawin namin.
“Marunong ka ba?” tanong sa akin ni Nico. “Madali lang naman to.”
“May rollerblades ako noon kaso lang inanod ng baha. Natuto naman ako kahit papaano kung paano ang magbalance,” pagpasok namin sa rink ay inalalayan naman ako ni Nico. Ang dalawa naming kasama ay mabilis na umislide na sa ice. Naghahabulan at nagpakitang gilas. Di naman ako naiinggit.
“Ok lang ako. Sundan mo na sila.” sbi ko kay Nico.
“Iikot lang ako tapos babalikan kita. Sa gilid ka lang para di ka madulas. Sasamahan kita hwag kang mag-alala.” pag-aalala nito sa akin.
“Mag-iingat ako. Ayokong magdala ng kahihiyan.”
Habang mabilis silang nags-skate ay dahan-dahan naman ako. Nilapitan naman agad ako ni Nico pagkatapos niyang umikot sa buong rink.
“Marunong ka pala pero halatang takot ka.”
“Sabi ko nga, ayokong magdala ng kahihiyan. Di ako sanay sag anito kaya ayokong mapahiya” pero ang totoo ay natatakot talaga ako.
“Hawakan kita kaya hwag kang matakot.” pag-alalay nito sa akin.
“Hwag mabilis ha,”pakiusap ko sa kanya.
Magkadikit ang mga katawan namin, nasa gilid ko sya at nakahawak siya sa aking bewang. Inaaalalayan nya ako na di mitumba. Pagkatapos ng ilang minute ay Pumuwesto rin sya sa likod ko at nakapulupot ang mga kamay niya sa tiyan ko.
Nakatayo lang ako at sya ang nagsslide sa ice. Nakahawak naman ako sa mga braso niya para suportahan ang sarili ko at para hindi ako matumba. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa bilis ni Nico sa pagslide. Napapatili na nga ako at tatawa-tawa naman ang lalaki.
“Stooop!” natatawa at natatakot kong sabi. “Nicooo!” sigaw ko pa.
“Akong bahala. Steady ka lang.”
“Ayoko pang mamatay!” sigaw ko. “Bwisit ka!”
Walang imik ang lalaking umaalalay sa akin at di ako pinapansin habang napapatili na ako sa takot.
30 minutes lang kami at laking pasasalamat ko na di ako natumba o nadulas. Nasa bench kami at hunuhubad na ang mga scating shoes namin.
“Ang sweet nyo. Bagay kayo,” saad ni Nia na nakangiti.
“Di kami bagay, tao kami,” saad ko na may halong biro. “Hay, nakakainis kaya yang kapatid mo. Isusubsob yata ako sa yelo.” reklamo ko sabay hampas sa lalaking katabi ko.