9

1038 Words
Bakit ko pa ba kasi sya tinanong ng mga personal na tanong? Ako lang tuloy ang nasaktan sa ginawa kong pangungulit sa kanya. Bakit kasi may jowa na sya? Bakit kasi hindi pa kami nagkakilala noon? “Maraming lalaki. Hindi lang ako.” “Alam ko pero ikaw lang ang gusto ko. Wala na akong mahanap na iba.” Seryosong saad ko. Pakiramdam ko mahal na mahal ko na sya at sya lang ang lalaking gusto ko. “Makakahanap ka rin ng para sayo.” “Ipakilala mo ako. Wala akong makita. Kokonti lang ang mga lalaki sa mundo tapos yung iba, lalaki na rin ang gusto.” katwiran ko pa sa kanya. Sana makumbinsi ko sya na ako ang piliin niya. “I’ll find you one. Don’t worry.” “Ayoko ng torpe ha at mahiyain ha. Gusto ko yung medyo bastos,” biro ko pa dito dahil alam kong di nya naman seseryosohin ang mga sinasabi ko. “Hay, ikaw talaga.” “Anong ako talaga? Ngayon ayaw mo na akong dumaldal? Kainis ka,” habang ineentertain ko sya ay naninikip ang dibdib ko sa ideyang kakalimutan ko na ang aking first love. Hwag daw kasing ipilit at hwag magsumiksik sa taong ayaw sayo. Pero paano nga kung sya ang gusto ng puso ko? Ayaw kong sumuko at pakawalan sya. Im hoping na baka kami nga ang para sa isa’t isa. Desperada na nga siguro ako pero gusto kong sundin ang isip at puso ko. Final exam na. ang pagkakataon ay di umaayon sa aking kagustuhan. Sobrang busy ni Sir at di ko nakakausap. Parang lumalayo at iniiwasan ako. Para akong may sakit na ayaw nya nang makita kahit kailan. Nang exam day, halos lahat ay sinagutan ko para naman matuwa ang aking pinakamamahal na propesor. It’s already a good bye. Two weeks semestral break. Plano kong ipahinga ang puso at isip ko kasabay ng bakasyon sa eskwela. Im hoping to see my dear prof. on October. Sa muling pasukan ay baka marealize Nyang ako ang para sa kanya. Magpapamiss ako para malaman niya ang worth ko. Sa kasamaang palad, para akong mababaliw sa pagkamiss sa kanya. Obsessed na yata ako sa lalaking iyon. Gumawa man ako ng ibang bagay at ituon sa iba ang isip ay palaging sumasagi sa isip ko si Sir Josh. Wala pa naman syang social media account pero puno naman ng pictures namin ang phone ko. Mula sa mga stolen shots ko sa una at huling date namin. Meron din kaming magkatabi at nakangiti siya na parang gusto rin niya ako. It’s just so painful at umiiyak ako habang inaalala ang lahat ng mga oras at araw na magkasama kami ng buong semester na iyon. Naisip kong kailangan ko na syang kalimutan. Nasasaktan na ako ng sobra dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Masama na ang pagiging obsessed ko sa kanya. Di na rin ako makakain at makatulog. Nababaliw na yata ako. Pipilitin ko na talagang kalimutan sya. Tatawagan ko ang friend ko para mafocus ang isip ko sa iba. Gagala, gigimik, makikipagmeet sa iba. Seryoso ako sa pagbabago ko isang umaga anang magising ako. para akong biglang natauhan at bumalik sa sariling katinuan. Tumunog ang phone ko at marahil ay sumagot ang kaibigan ko sa mensahe kong magkita kami sa ma ll pero nakareceived ako ng text na unknown number. Isang linggo nang bakasyon at wala akong ginawa kundi titigan ang mga litrato namin ni Sir. Si Nia, ang gf ni Sir ang nagpadala ng mensahe. She’s inviting me sa house ni Sir. Maghang-out daw kami kasi gusto nya daw akong maging friend and she knows daw na we have something in common at yun ay pareho naming gusto si Sir. Nashock ako at the same time nahiya na alam nya yun. Pati yun ay sinabi pa ni Sir Josh sa girlfriend niya. Sobra naman ang pagiging tapat niya sa nobya. Pinilit niya ako at dahil walang response mula sa magaling kong kaibigan, pumunta ako sa house ni Sir ng Linggong iyon. Nasira ang plano ko pero excited akong papunta sa bahay ni Sir Josh. Parang tanga lang talaga. Hello po,” saad ko paglabas ng babae sa may pintuan ng bahay ni Sir. “Halika, pasok ka,” nakangiting saad ng babae. “Upo ka. Hwag kang mahihiya ha.” Feeling nya talaga ay sya ang ipinunta ko. Wala bas yang friend? Nagkwentuhan kami. I’m like a little sisiter daw kasi puro boys ang mga kapatid niya. Alam nya rin pala na nagpunta kami ng theme park ni Sir at nag-date doon. Wala namang kaso yun at friendly date lang. “Ok lang sa akin yun. Di naman ako selosa at naiintindihan ko ang mga babaeng kaedad mo. Tutal matatali na si Josh at sa susunod wala nang babae ang pwedeng lumapit sa kanya. At isa pa may tiwala ako sa kanya. Sobrang faithful kaya nyan.” pagmamalaki nito sa kanyang nobyo at pinamumukha talaga sa akin na kanyang kanya ang lalaki at kahit kailan ay di ito iibig sa iba. Sige, good luck “Oo faithful yan sa’yo at alam kong mahal na mahal ka nya.” pagsang-ayon ko sa kanya. Asta naman akong mabait na estudyante at walang pagnanasa sa boyfriend niya. “Ako bang pinag-uusapan nyo,” kakapasok lang ni Sir na galing sa likod bahay niya. “Wala naman kaming ibang pagkukwentuhan kundi ikaw lang, Love. Alam mo Max, ipapakilala kita sa bunso namin 21 na yun.” pangbubugaw pa sa akin nito. “Pwede naman basta pogi ha,” biro ko sa babae. Sinasakyan ko na lang sya para di nya ilayo ang nobyo niya sa akin. Sa pagpasok ni Sir, kumabog ang puso ko. Iba talaga ang charm niya. “Poging-pogi talaga. Next Sunday magsimba tayo at isasama ko ang brother ko para makilala mo.” excited na sad ni Nia. Alam kong iniiwas niya ako kay Sir. At alam kong alam niya ang totoong nararamdaman ko para sa nobyo niya. Kaya siguro inlababo talaga si Sir kay Nia ay mabait ito at malambing. Ang swerte nila sa isat-isa at ako bitter at inggit na lang sa gilid. Hindi yata Magandang nagpunta pa ako para makita sila. Lalo lang akong naiinis sa sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD