7

1982 Words
Malapit na ang Finals kaya dapat puspusan ang pag-aaral ko kunyari. Alas dos ng puntahan ko muli si Sir araw ng Linggo. May dala akong lettuce para mag-salad kami na may sahog na itlog niya. Parang nagugustuhan ko na nga ang itlog kahit araw araw pang kainin. Masaya akong naroon sya sa bahay niya at di ako pinagtaguan. Nilaga nya na ang mga itlog at ako naman ay hinugasan ang lettuce at hiniwa ng bite size. May dala rin akong keso para masarap ang salad na kakainin namin. Tutal health concious naman sya at tama lang ang kakainin naming ito. “May kamatis ka?” tanong ko “Oo, meron sa ref.” sagot naman niya Hinalo-halo lang at yun ang kinain namin habang nag-aaral ako kunyari. Nagpapaliwanag siya at as usual nakatitig lang ako sa kanya. “Di ka ba nagsasawa sa itlog?” tanong nito sa akin dahil yun lagi ang niluluto niya para sa akin. “Sa itlog mo? Hindi. Never. It’s now my favorite.” mabilis na sagot ko sa tanong niya. Napapailing sya na natatawa. Masaya akong napapatawa ko sya palagi. “Bakit nanaman? Di naman bastos ang sinabi ko ha.” “Ewan ko sayo,” saad nya at wala syang maireact sa sinabi ko. Nangingiti na lang ako dahil sa kapilyahan ko. “Sir, parang di ako papasa. Bigyan mo na lang ako ng special project ulit,” maayos na ang garden niya at madalas na niya daw itong dinidilig. Di pa gaanong maganda pero madagdagan lang ng halaman ay ok na ito. “Bakit special ka ba?” pang-iinis nito. “Oo naman.” “I’ll think of a project na talagang mahihirapan ka.” “Kung i-date na lang kita. Like a little sister mo. Ipapasyal kita sa theme park tapos kakain tayo ng ice cream at corndog. Libre lahat. Mahirap yun. Kailangan kong mag-ipon at di kumain sa canteen ng ilang linggo,” suggestion ko pa sa kanya. “Parang pabor pa rin sayo yun ha. Hindi mahirap yun.” “Hindi ah. Ikaw na nga ang ipapasyal ayaw mo pa. Sige na, please.” “Call!” “Talaga?!” grabe ang ngiti ko at mapapatalon na ako sa tuwa. “Syempre joke lang.” “Si sir naman. Nakakainis! Sige na please. Date me. Ikakasal ka na rin naman. Di na tayo makakapagdate and you’ll regret it. Sasabiin mo, sayang at di ko nakadate ang magandang babaeng ito.” “Ang kulit mo talaga. Ewan ko sayo.” “You want to ride on a carousel o kaya ferris wheel?” excited na tanong ko. “No. Di ako mahilig mag-park.” “Masaya kaya yun. Pangarap ko yun eh. Kaya lang wala akong makasama.” “Isama mong boyfriend mo.” “Wala nga akong boyfriend. Maniniwala ka bang NBSB ako? Kaya ikaw na lang ang sumama sa akin. Sige na.” “Di ako naniniwala na wala ka pang boyfriend. I think you’re an expert on things na hindi ko pa nga alam.” “Ang kapal mo. Wala kang alam? Virgin ka pa?” takang tanong ko sa lalaki “Kinda.” “Sinungaling. Sige na samahan mo na ako sa theme park. Bahala ka at magfeeling virgin ka kung gusto mo.” “It’s boring,” nakakainis talaga ang pakipot na guro ko na ito. Sobrang hirap yayain. “Fun yun. What date do you want ba?” “Sa isang yate tapos candle light dinner. Looking at the city lights habang nakahiga at kayakap ang girlfriend ko.” “Doon ka nagpropose sa kanya?” tanong ko at pakiramdam ko ay yun nga ang ginawa niya. “Oo. Ang romantic di ba?” “Ang panget ng date na yun. Not romantic.” “Anong hindi, kaya nga um-oo agad sya.” “Boring proposal,” pero nai-imagine ko kung gaano nga ito ka romantic. But imagining him with another girl, para akong sinaksak sa puso dahil sa sakit. Hindi ko talaga sya makukuha. He’s so in love with her girlfriend or should I say fiance na. “Natahimik ka na dyan.” “Wala lang, I’m thinking of how you will date me,” pagsisinungaling ko pero deep inside ay umiiyak na ang puso ko. “Never, Miss Montes. I’m so sorry. Tigilan mo na ako. Mag-aral ka na lang please.” “Hindi naman romantic date. Parang brother and sister. Or friendly date lang. Ang malisyoso mo naman.” “Ako ba ang may malisya? Ikaw nga tong nagnanasa sa akin at namimilit na may gawing masama.” “Wala na nga. Noong una lang yun. Parang brother na lang kita ngayon. As in wala nang malisya.” “Gawin mo sa brother mo. Bakit sa akin pa?” “Wala akong brother. Only a sister. Kaya nga ikaw ang niyayaya ko. Ang hirap mo namang yayain. Libre na nga lahat trapos patatawanin pa kita sa mga jokes ko.” “Gabi na. Uwi ka na nga, nene. Puro ka daldal kaya wala kang natututunan.” “Um-oo ka muna sa date natin.” pangungulit ko pa rin. “Oo na, sige na.” “Talaga? Promise? Totoo yan ha. Walang bawian.” “Oo na. Sige na nga. Alis na.” “Bye,” sabay halik ko sa pisngi niya at tumakbo na ako palabas ng bahay niya na masayang masaya sa pag-oo niya sa date namin. Sana tuparin niya ang pag-oo nya at di lang para paalisin na ako sa bahay niya. All of a sudden, nagduda ako sa pag-oo ng lalaki. Bahala sya. Magsisisi talaga sya kapag di sya nakipagdate sa akin. Saad ko sa aking sarili. Long test before the final exam. Pasang-awa ng grado ko sa math. My prof. congrtatulate me dahil out of 100 ay naka 55 ako. “Mabuti naman at naipasa mo.” bati nito sa akin na di ko alam kung masaya ba sya o disappointed pa rin. “May natandaan akong kaunti sa mga turo mo, Sir. Thanks ha.” sarkastikong saad ko. “Konti lang talaga? Anyway improving ka naman so keep up the good work.” Patuloy pa rin ako sa pagpunta sa faculty. Kunyari ay nag-aaral pero nakatitig lang kay sir. I want to kiss his lips and touch his face. I want to feel his chest down to his abs. Hay, tanghaling tapat nag-iinit ang katawan ko sa professor kong virgin daw pero super hot. His big and long sword, I wanna see it again and I wanna taste it. Sa isip ko ay hinuhubaran ko na ang lalaki sa aking harapan at di na ako makahinga sa sobrang pagkakilig ko. Gusto ko na syang sunggaban sa loob ng faculty pero nagpipigil ako sa aking sarili. Baka tuluyan na akong isumpa ni Sir sa sobrang pagkabaliw ko sa kanya. Yung kamay niyang may maninipis na daliri, gusto kong mahawakan at magsaklob ang aming mga palad. Gusto ko itong humimas sa aking pisngi at halikan ng kanyang labi ang aking labi. Pero puro lang pangarap at tanging sa panaginip lang mangyayari. One day date lang talaga. Masaya na ako then, I’ll forget him and I’ll move on with my life. Kakalimutan ko na talaga sya at aalisin sa puso at isip ko. Ayokong madala sa mental hispital dhil sa pagkabaliw sa pag-ibig. Lalo akong lumalapit, lalo ko namang nararamdaman ang pagka-cold ni Sir. Madalang na akong kausapin at di na ako sinasagot sa mga pangungulit ko. Sya na ang umiiwas dahil alam nya sigurong di ko kayang pigilan ang king sarili na ibigay sa kanya. Mahina daw ang mga lalaki sa tukso kaya siguro di nya na hahayaan pang matukso. One Saturday, “Hi!” masayang bati sa akin ng babae na nasa loob ng bahay ni Sir. “Hi!” gulat na hindi pinahalata at medyo may lungkot na bati ko ko rin sa babae. Di ko expected na naroon sya at akala ko ay si Sir Josh lang ang makakasama ko ng araw na iyon. “Estudyante ka ni Josh, right? Yung binilan nya ng plants?” tanong ng babae. “Yes po. Nagpapaturo rin po ako sa kanya ng math. Medyo nahihirapan kasi ako.” sagot ko at para malinaw sa kanya ang pakay ko kaya naroon ako sa bahay ng lalaki. “Alam mo, madali lang naman ang math kailangan mo lang talagang intindihing mabuti.” payo pa sa akin nito. So hindi ako marunong umintindi? Yun ba ang point nya? “Ang hirap po kasi talaga,” katwiran ko pa at tonong friendly pa rin ang boses ko kahit naiirita na ako sa kanya. Bakit ba kasi nandito sya? Pano ko makakasama si Sir? “Halika, akong magtuturo sayo.” Oh my. Intrimitida si Ate. Inis na ako talaga pero I’m pretending na mabait pa rin. Nakita ko si Sir joshua na ngingiti-ngiti habang nasa kusina niya. Sinunod ko na lang ang gusto ng babae at umastang friendly sa akin. Ang helpful naman niya, nakakainis at pakielamera sya. “Ok naman pala. Madali kang matuto. Dapat pala nagteacher na rin ako, love.” saad ng babae sa lalaki. “Oo, magaling ka talaga sa math kaya nainlove ako sayo.” sagot pa ng lalaking ito at selos na selos na ako. Naduduwal ako sa mga sweet words nila at napairap na lang ako. “Teka, kumain ka pala at may egg pie akong dala,” anyaya ng babae sa akin na feeling close na ito sa akin. Egg pa rin? Talaga itong si sir. “Hwag mo nang pakainin yan. Uuwi na rin naman sya,” saad ng guro ko at pinalalayas nanaman ako. Nakakapikon na talaga at nakakainis ang araw na ito. “Kakain ako. Favorite ko ang kahit anong may egg. Tara kain tayo,” sinimangutan ko si sir habang hindi nakatingin ang babae niya. “Bakit di ka sumama sa amin na magsimba sa Baclaran?” tanong ng babae na may pag-anyaya. “Ha?” gulat na saad ko. “Hindi ka nagsisismba?” tanong pa nito. “Kapag birthday at pasko lang po.” sagot ko. “Sama ka sa amin sa Sunday, di ba love?” anyaya nito at humingi pa ng approval sa kanyang nobyo. “Hwag na baka masunog yan. Pasaway na bata yan.” paninira pa nito sa akin. Ang sama talaga ng lalaking ito. “Ikaw talaga ang harsh mo sa bata.” saway ng bbae kay Sir. “Hindi na bata yan. Baka nga mas matanda pa sa atin yan eh. Mukha lang bata.” pang-iinis pa lalo nito sa akin pero di ako umiimik. Nagtawanan pa silang dalawa. “Ano gusto mong sumama?” tanong ng babae sa akin “Sige po,” umoo ako kahit ayaw ko. Nagbelat naman ako kay sir para inisin siya. Um-oo ako dahil sa mga panloloko niya kaya ganti ko yun sa kanya. Habang nasa kusina si Nia ay may binulong si Sir sa akin. “Hwag kang sasama, please.” “Sasama ako. Bakit ba?” sagot ko naman para inisin siya lalo. Nakasimangot ito at masama ang tingin sa akin. Masama rin ang tingin ko sa kanya at di ako magpapatalo. Kung di nya ako ininis baka sakaling hindi ang isagot ko sa babae. Inabutan ako ni Nia ng isang slice na eggpie na nasa platito at isang baso ng softdrinks. “Kain ka muna.” “Salamat.” I’ll expect you tomorrow ha. Kita tayo sa church. Ok po,” sagot kong may ngiti sa labi habang nakasimangot si Sir. Umuwi na rin ako pagkakain ng egg pie. Ayaw naman akong pansinin ng prof ko at panay harutan nila noong babae sa harapan ko. Sobra na akong naiirita at nagseselos sa pinaggagagawa nila. Nagtatawanan at nagkukulitan. Di ko alam kung anong pinag-uusapan nilang nakakatawa o mga baliw lang talaga sila at tumatawa ng walang dahilan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD