Araw ng Lunes ay pinuntahan ko pa rin sya sa faculty. Naiinis ako sa kanya kaya ayaw ko syang tingnan. Nakatingin lang ako sa papel ko at sa math problem na nakasulat doon. Para akong tang* dahil gusto ko pa rin syang makasama sa kabila ng lahat.
“May sakit ka? Himalang wala kang imik,” pa simpleng pang-iinis nito kaya sinimangutan ko lang sya.
“May problema?” muling tanong nito at di siguro sanay na tahimik lang ako.
Aba, concern pala sya sa akin. Umiling lang ako. Tinapos ko ang math problems in 2 minutes saka umalis na sa faculty. Gusto kong malaman niya na naiinis ako sa kanya. Nakareceived naman ako ng text mula sa aking propesor.
Sir Josh: gumagaling ka pala sa math kapag galit. Gagalitin na kita palagi.
Me: I hate you.
Sir Josh: I know.
Damuho ka. Pasalamat ka mahal kita. Inis na saad ko sa aking sarili at talagang iniinis pa ako ng lalaking iyon.
Next day, wala akong gana at nakatulala nanaman sa mukha ni Sir josh. I was so heart broken. Ang sakit sakit na talaga. Pero laban lang at tinitiis ang sakit habang kaya ko pa. Habang may pagkakataon na makita at makasama ang prof ko ay susulitin ko ang lahat ng pagkakataon.
Sa pagtahimik ko ay di naman ako pinansin na nito. Basta binigyan ako ng mga gawain at busy naman sya sa kanyang laptop. Nakuntento na lang ako sa pagsulyap sa kanya kahit di kami gaanong nag-uusap.
Saturday night when sir Josh texted me.
Sir Josh: Please don’t come with us to the church. I’m begging you. Don’t ruin our relationship.
It’s painful to receive a message like that. Paiyak na ako pero pinigilan ko lang. I just ignore it at di na rin nagreply pa. Bahala na syang mag-isip kung anong nararamdaman ko. Di nya siguro lam na masakit na ang nararamdaman kong makita silang masaya ng nobya niya.
Kinabukasan ay nagising ako ng 10am and he texted me again.
Sir Josh: Lunch?
Nagtataka ako na nagyayaya ito. Sabi nya na hwag akong sumama pero nagyayaya maglunch. Baliw talaga sya.
Me: No thanks
Saad ko dahil ngayong araw na ito ay may pride ako.Then he called.
“Hi Max, si ate Nia ito. Akala ko sasama ka sa church,” malambing na boses ng babae, nagpapacute at nag-iinarte.
“Ah, Kasi late na po ako nagising.” paghingi ko ng paumanhin at kunyaring mabait na bata.
“Lunch na lang sumama ka,” anyaya nito at may pagpilit pa.
“May ano po eh., may gagawin kasi ako. May project po kasi kami. Pupunta dito ang mga classmates ko,” pagdadahilan ko dahil ayokong sumama sa kanila dahil sa aking pride at alam ko naman na magseselos lang ako kapag kasama sila.
“Ahh ganoon ba? I hope next time makasama ka namin.”
“Sige. Next time na lang po kapag hindi busy.”
Sa bahay lang ako nagtigil ng araw na iyon. Baka nasa bahay ni Sir ang girlfriend niya kaya di na lang ako pupunta at isa pa ayaw nya na akong papuntahin doon.
Sir Josh: Sorry. (Text ni Sir.)
Mabait talaga itong tao. Concern sya sa lahat ng nasa paligid niya. Sensitive sya lalo na sa nararamdaman ng iba. Kahit nga ayaw nya sa akin ay pinatutuloy nya pa rin ako sa bahay niya. Kahit naiinis siya ay tinuturuan niya ako at ngayong alam niyang nasasaktan ako ay nagsosorry siya. Pero inis pa rin ako sa kanya at nahurt ang pride ko ng araw na iyon. Hay, ang hirap naman niyang tiisin. Ngayon pa lang pinapatawad ko na sya at miss ko na sya.
Friday na at next week na ang finals ng 1st sem. I stop disturbing him. I even stop attending his class a week bago ang exam. Wala na ring one on one tutorial sa faculty room. I gave him space.
Sa exam na lang ako papasok. Ipapasa ko na lang at kung gusto nya 100 pa ang score ko.
“Gusto mo bang bumagsak? Finals na,” nagkasalubong kami sa campus bago mag exam. Di ko nga sana papansinin pero sya naman itong kumausap sa akin na parang galit.
“See you on exam, sir. I’ll have the highest grade you’ll ever give to a student,” sabi ko na may mataray na boses at pagmamalaki ko pa.
“Tumigil ka na sa drama mo. Kita tayo sa Sabado,” di ako makapaniwala na wiling pa rin syang turuan ako.
“hwag na sir. Kaya ko na.”
“Talaga. Baka naman kaya mo nang bumagsak talaga at ulitin ang subject na ito?” mayabang na saad ng lalaki.
“Unless you’ll date me. One date and I’ll be over you,” sabi ko sa aking guro at alam ko naman na di sya papayag dahil sobrang faithful sya sa nobya niya.
“Fine. I’ll date you.”
What? Totoo ba to. Pumapayag na sya to date me? Napataas ang dalawa kong kilay at nanlaki ang mga mata ko. Di ako makapaniwala at di makapagsalita sa pagkabigla.
“And promise me na di mo na ako kukulitin at di mo sisirain ang relasyon namin ng fiance ko. Deal?”
“Yes. I promise. You’ll have the happiest day of your life. Promise ko din yan sayo,” sa pagtanggap niya ng deal ko ay nawala ang inis ko at pagtatampo ko. Natuwa ako at naexcite sa pagpayag niya na magdate kami. Hay, ang rupok ko talaga.
Pero masaya na malungkot ang nararamdaman ko. Last day ko na syang makakasama and kakalimutan ko na sya. Susulitin ko na ang araw na iyon at desidido na talaga ako sa aking pagmomove on.
Sabado na lang ang date namin at Linggo nya daw ako tuturuan. I wore a shorts and shirt tapos sneakers and a cap. Then my mini back pack. He was in shorts also and a plain white shirt. Sneakers and a belt bag. He also has a cap. He’s so handsome and so damn hot. I can’t take my eyes off him. Hay, nakakakilig talaga.
I’m dating my professor. I can’t believe it. Sana lang ay di na matapos ang araw na ito.
Nasa car niya kami at di ko mapigilang sulyapan siya at mapangiti. Sobrang kinikilig kasi talaga ako. Ang hot nya talaga, ang sexy at naguumapaw ang s*x appeal. Pwera pa sa pagiging mabait nito at gentleman.
“Stop staring ok.”
“Bakit conscious ka? Hindi ka nya ba tinititigan?”
“Hindi. Sa phone lang sya madalas nakatingin. Di sya ganyan tumingin sa akin na parang kakainin ako ng buhay.”
“Di naman kita kakainin. Sobra ka,” sasagot sana ako ng may kapilyahan pero di ko na lang tinuloy at baka magalit nanaman sya. “Hindi ba sya nagugwapuhan sayo? He doesn’t love you. Break up with her.”
“Break agad?”
“Yes! It’s a sign. Hwag nyo nang ituloy ang kasal,” patuloy kong pagdiscourage sa kanya.
“Ewan. Tumigil ka nga dyan.” ginulo pa nito ang buhok ko.
Palibhasa kampante si Nia sa lalaking ito na mahal na mahal siya kaya binabalewala lang niya. Kung ako ang nobya ni Sir, araw-araw akong nakatitig sa gwapo nitong mukha at every weekend kong ipagluluto para makakain ng masarap. Palagi rin kaming magde-date, mamamasyal at kakain sa labas. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.
She doesn’t deserve a man like him at sana ay akin na lang sya.
Kumain muna kami sa fast food. He orders food at sya ang nagbayad. Sabi ko ako na pero nag-insist sya at mamaya na daw ako. Pagkatapos ay nagdrive pa sya at nakarating din kami sa theme park. I paid for our entrance fee gaya ng pinangako ko sa kanya.
Hinila ko sya at sumakay agad kami sa mga rides. Pagkatapos ay kumain ng ice cream at nagrides ulit. Tapos niyaya ko syang kumain ng corn dog gaya ng sabi ko sa kanya noon na kakainin namin doon. Nagrides ulit. Then, I ask him if we can hold hands. Pumayag naman sya. Ang laki ng hands niya pero malambot at nakaramdam ako ng kilig. He’s 5’8” at ako 5’2” lang.
Ang saya na parang panaginip lang ang lahat at ayoko nang magising pa.
Mukha naman siyang masaya at panay sigaw sa mga rides. He’s only 24 lang naman at bata pa and I’m 20 na feeling matanda na pero minsan ay isip bata. Masaya din sa bump car. He’s chasing me and he keeps on bumping my car. Kita ko ang ngiti sa labi niya at tatawa tawa kapag nabubunggo ako. Sisimangot naman ako at iirapan sya.
Night came. Ang dami na naming nasakyan na rides at medyo pagod na. May fireworks, I was infront of him at dahil maliit ako. Nakahawak sya sa balikat ko. As I said, we’re just like a brother and sisiter na may konting malisya. Pwede nya naman akong yakapin pero faithful talaga sya. Nakakainis.
Pagkatapos ng fireworks ay binilan niya ako ng stuffed toy. So I could remember him kapag hindi ko na daw sya teacher. Umuwi na rin kami at gabi na rin kasi. Kumain lang ulit kami sa nadaan na fast food and he insist na sya na lang ulit ang magbabayad.
Sa loob ng kotse ay wala akong imik. Nakadungaw lang sa labas ng bintana. Nalulungkot na tapos na ang lahat. Mamaya ay magigising na ulit ako sa katotohanan na tapos na ang masayang araw na iyon.
“Napagod ka?” tanong nito sa akin
“Oo, Sir. Nakakapagod pala magrides.”
“Matulog ka muna.” saad nito.
“Hindi naman ako inaantok. Magpapahinga lang.”
“Magsalita ka na lang. Inaantok ako sa byahe eh. Magkwento ka.”
“Napagod ako eh. Maya-maya kukwentuhan kita.”
“Ok. Pahinga ka na lang muna.”
He’s so gentle na parang di gagawa ng masama and he’s so faithful sa girlfriend niya. Proud ako sa kanya dahil hindi sya madaling matukso kaya wala talaga sigurong pag-asa na maging kami. Malapit na rin ang kasal niya at wish ko na lang na sumaya sila ni Nia. After 30 minutes saka ko sya kinulit.
“Tatanungin na lang kita para di ka antukin,” saad ko
“Ok. Mabuti pa nga. Papikit na talaga ako eh.”
“Another date?” tukso ko.
“No.”
“Kainis. Pakipot talaga.”
“Binatang Pilipino ako eh. Faithful ako at hwag mo nang subukin pa.” pagtanggi nito.
“Kung wala kang girlfriend magugustuhan mo ba ako?” sunod na tanong ko sa kanya. Baka lang naman may chance.
“No.”
“Ang bilis naman sumagot. Pag-isipan mo muna,” inis na saad ko kasi talagang ayaw niya sa akin.
“No nga eh,” natatawang sabi pa nito.
“Sine?” pagpupumilit ko pa.
“No.”
“Puro no?” sabay hampas ko sa braso niya. “Pagnagbreak kayo, hanapin mo ako ha.” pagpapakamartyr ko pa rin sa lalaki.
“Hindi mangyayari.”
“If ever lang. Susulpot na lang ako sa wedding mo tapos sisigaw ako ng buntis ako!” pananakot ko sa lalaki para naman maka isang date pa ako.
“Hwag mo nga akong takutin. Magpapalit ako ng venue para hindi mo malaman kung saan.”
“Mahal mo talaga sya?” kahit masakit ay tinanong ko sya.
“Oo.” mabilis na sagot nito na napakasakit sa pakiramdam ko.
“Fine. Ibaba mo na lang ako sa gilid at tatalon na lang ako sa bangin.” drama ko pa sa loob ng sasakyan.