Sa school ay di ko ulit sya pinansin ng buong isang linggo. Magpapamiss ako ng bongga kaya lang baka naman masaya pa syang walang makulit na aaligid-aligid sa kanya. Gaya ng dati na sya ang nagpapapansin sa akin at nagtetext pa. Basta that’s the plan. Iniwasan ko sya at di ko rin sya pinuntahan sa faculty. Ilang araw din akong di pumasok sa klase niya ng linggong iyon.
Pero hindi ako nakatiis. Hindi kasi ako hinanap ni Sir Josh at walang text galing dito. Wala talaga syang concern to me. Sunday came, may dala akong pancit at lumpiang shanghai sa bahay ni Sir. Alas dos ako dumating sa bahay niya pero sarado at wala sya. I waited for an hour. Sayang naman ang dala ko kung di nya matitikman at sayang ang punta ko kung uuwi na lang ako agad.
Sa talag ng paghihintay ay kinain ko na ang kalahati ng pancit at lumpia. Wala pa rin sya. One more hour ang pinalipas ko dahil miss ko na si Sir. Naghintay na ako at bumiyahe kya magtitiis na lang ako sa paghihintay.
Naubos na ang lahat ng shanghai na dala ko dahil sa pagkainip ko sa kanya. At sa wakas, nakita ko syang naglalakad na papasok sa makitid na daan. Alas singko ng dumating sya. 3 hours akong pinaghintay ng magaling kong guro at parang dismayado pa syang makita ako. Mukhang ayaw na akong makita nito sa buong buhay niya.
“Akala ko hindi ka pupunta?” tanong nito sa akin na parang nagulat na naroon ako sa may pinto niya.
“Bakit mo naman naisip na di ako pupunta? Lagi akong nandito kapag Linggo para samahan ka at dalan ka ng pagkain.”
“Akala ko lang.” walang gana nitong sagot. Di talaga sya masaya na makita ako. Masaya nga yata syang di ako nagpapakita sa kanya ng nakaraang araw.
“Saan ka ba galing?” inis na pag-uusisa ko at nakakunot ang aking noo.
“Dyan lang sa tabi tabi. Hapon na, uwi ka na,” pagtataboy nito sa akin kahit ilang oras na akong naghihintay. Di man lang ako niyayang papasukin sa kanyang bahay. Nakakasama na talaga sya ng loob.
“Nakakainis. Ayan ang pancit mo,” sabay talikod at umalis na ako pagkaabot ng pancit. Kung ayaw niya akong makita at makasama, hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko.
Not good idea. My plan to ignore him failed. Hindi ko sya nakasama ng isang linggo at di naman niya ako namiss. Nag-inarte pa kasi ako at nagsuplada. Mukhang natuwa pa ang loko na hindi ako nagpapakita sa kanya.
Lunes ng magkita kami ulit. Di ko sana sya papansinin sa hall way pero sya ang naunang bumati.
“May utang ka sa akin na shanghai.” bungad nito.
“Ang tagal mo akong pinaghintay kaya kinain ko lahat,” sabay irap ko sa kanya dahil naiinis pa rin ako sa pangbabalewala niya sa akin kahapon.
“Patatawarin na kita sa mga kalokohan mo kapag dinalan mo ako ng shanghai,” nakangising saad nito.
At ako pa nga ang may kasalanan. Napataas na lang ang kilay ko sa sinabi niya.
“At isa pa, wala ka pang naipapasa kahit isang quizz, Montes,” wala naman syang pakielam sa akin kaya bakit issue pa yun sa kanya?
“Because your not teaching me well,” bulong ko sa kanya na may halong paninisi.
“Kasi hindi ka nag-aaral,” sabay talikod nito sa akin at iiling-iling pa. Nakakaloko talaga ang lalaking yun. Iiwasan ko na nga sya ng tuluyan tapos nagppansin pa. Busit talaga sya!
Kinabukasan dinalan ko sya ng shanghai sa faculty at may nakalagay pang eat me well sa plastic container. Sabay pukpok sa aking ulo ng lalagyan.
“Bad teacher ka.” reklamo ko.
“Ikaw ang bad student. Mag-aral ka nga. Sagutan mo tong mga problems at intindihin mong mabuti.”
Nakaharap sya sa kanyang laptop at ako naman ay nasa gilid niya na nakaharap sa kanya. Nasa gitna namin ang isang mesa kung saan nakapatong ang papel ko. Nakapangalumbaba lang ako habang nakatitig sa kanya. Biglang napukpok nanaman niya ako ng libro sa ulo.
“Hwag tingin ng tingin. Aral, Montes.”
Natatawa lang ang ibang co-teacher niya sa amin. Para kasi akong elementry na pinapagalitan. May iba namang epal at papansin kay sir.
“Alam mo iha, sayang ang binabayad ng mga magulang mo kung di ka mag-aaral mabuti,” isang teacher na feeling maganda ang pinagsabihan ako. Baka pakitaan ko sya ng skills ko at mapatulala sya.
“Kaya nga po ako nagpapatutor kay Sir,” sagot ko sa isang professor na babae.
“Dagdag ka sa trabaho ni Sir Josh. Ang dami na nga nyang ginagawa, iniistorbo mo pa,” maarteng saad nito at inirapan pa ako.
“May bayad po to Miss Castro. Alam mo kung magkano?” medyo napipikon na rin ako sa kanya at di ko na mapigilang di sya sagutin.
“Magkano naman. Barya?”
“Mas mahal pa sa apat na patong na foundation sa mukha mo at pangkilay mo.” pang-iinis ko sa guro.
Nagtawanan ang ibang teacher sa faculty. Halata naman talaga na sobrang kapal ng make up niya at halos magmukha na siyang zombie sa dami ng concealer, foundation, pulbos at blusk on pa.
“Montes! Pigil na galit na saway ni Sir sa akin. “Sorry Miss Castro. Hwag mo na sanang patulan ang batang ito. Nagbibiro lang sya.”
“Kapal mong babae ka. Sana magkapimple ka ng marami,” galit na saad ng professor sa akin na nakasagutan ko sabay alis nito sa faculty room. Dinamdam yata ang sinabi ko at nahurt.
“Ikaw talaga, ang loko mo. Di mo na ginalang si Miss Castro,” pinagalitan pa tuloy ako ni Sir Josh. Kasalanan naman ng teacher na yun at mapapel kasi siya. Nananahimik ako tapos sabat ng sabat.
“Ako ba? Sya kaya,” pangangatwiran ko pa habang nakakunot ang noo at nakasimangot.
Padabog na umalis si Sir at iniwan ako sa mesa niya.
Bwisit na Miss Castro kasi yun na mukhang siopao. Nagalit tuloy ang honey bunch ko.
Kinabukasan dinalhan ko si Sir ng burger para sa paghingi ko ng tawad. Kahit ako na ang inalipusta ng babaeng guro ay sa akin pa nagalit si Sir. Di ko naman sya matiis kaya ako na ang manunuyo sa lalaki.
“Say sorry to her o ban ka na dito sa faculty.”
“Bakit ako ang magsosorry? Ang arte talaga ng siopao na yun,” pagmamaktol ko at nakapatong ang mga braso at ulo ko sa ibabaw ng mesa ni Sir. Naiinis at nakasimangot.
“Inasar mo kasi. Basta magsorry ka ha o galit na ako sayo.”
“Bahala ka. Galit na rin ako sayo.” di ko matanggap na ako pa ang dapat magsorry sa gurong mukhang siopao at nagpapapansin kay Sir Josh. May crush yata yun sa kanya. Sabay alis ko sa faculty room at ako naman ang nagwalk out.
Habang naglalakad ay naisip kong wala naman akong laban kay Sir. Kung magagalit ako ay wala naman siyang pakielam at siguradong matutuwa pa ito na walang mangungulit sa kanya.
Hay, oo na. Magsosorry na kay siopao. Naisip kong ako ang talo kapag nag-inarte nanaman ako.
Lunch break at bumili ako ng siopao sa canteen para kay Ms. Siopao. Ako na ang magso-sorry para hindi na magalit sa akin si Sir Josh. Minus ganda points nanaman kasi ako kay Sir Josh.
“Hi, Miss Castro,” masayang bati ko sa guro.
“Ano?! Nandito ka nanaman,” galit na saad ng babaeng guro sa akin at napikon sa sinabi ko.
“Sorry na po Ma’am. Joke lang naman yung sinabi ko kahapon. Ang ganda mo kaya. Tsaka parang pumayat ka.” pangbobola ko pa.
“Diet na kasi ako,” sagot nito pero nagtataray pa rin at nakataas pa ang kilay. Nahalata ko tuloy na di pantay ang guhit niya sa kanyang kilay pero di ko na pinansin.
“Talaga? Anong diet mo? Effective ha. Baka next week mas sexy ka na kay Miss Valdez.”
“Hala. Oa mo namn,” halata ang kilig nito sa pangbobola ko. Si Miss Valdez kasi ay sobrang sexy na guro sa school.
“Bati na tayo ha. Sa sususnod papatikim ko sa’yo yung shanghai ni mama masarap yun.” nakangiting saad ko kahit may konting inis sa kanya.
“Diet nga e. Tapos pakakainin mo ako,” maarte pang saad nito pero nagpatuloy pa ako sa pagpuri sa kanya.
“Hwag ka lang magrice ng marami. Hindi ka tataba sa shanghai. Ang sexy mo na kaya.”
“Ok. Thanks sa siopao ha,” masaya na ito at bati na kami.
Pagharap ko kay sir ay kinindatan ko ito. Umupo ako muli sa tabi niya at inubos nanaman ang oras ko kakatitig sa kanya. Tatawa-tawa naman ito habang may ginagawa sa kanyang laptop.
“Di mo pa rin ba tinitigilan si Sir Joshua?” saad ni Lia nang magkasama kami.
“I’m so in love with him eh. Why ba? He’s so pogi kaya. Tsaka ilang months na lang ay ikakasal na sya.”
“Gaga ka talaga. Masasaktan ka lang. Di naman magiging kayo. Gumising ka nga at mamuhay ka na sa realidad.”
“Kaya nga habang single pa sya, gagawin ko ang lahat para lang mapalapit sa kanya. Ang nega-nega mo naman eh. Panira ka ng magandang mood ko.”
“Good luck sayo, girl. Ipagpatuloy mo yang katangahan mo.” pakikipagtalo p nito. Pero ayaw ko syang awayin dahil sya lang naman ang kaibign ko.